This entry is part 16 of 23 in the series Fearless

It hurt… It hurt so much…

Halos matupi ang katawan ni Chiara dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Parang pinupunit ang kanyang katawan at nadudurog ang mga buto niya. Hindi na niya halos maibuka ang kanyang mga mata habang nakakapit siya ng mahigpit sa katawan ni Koda.

She grit her teeth and prayed that this pain would go away. It’s painful… so painful that she wanted to die…

Ngunit biglang sumusulpot ang imahe ni Zane kaya nagagawa niyang kumapit at humawak sa buhay niya.

“K-Koda… you don’t need to stay with me,” nanghihinang pakiusap niya dito.

“Didn’t I say that I won’t leave you again.”

“I don’t want you to see me like this.”

“If you’re going to die, then I’ll be on your side until your last breath.”

“Koda… T-tell me a story,” nahihirapang wika ni Chiara dito.

Humaba ang mga kuko niya na bumaon sa braso at likod ni Koda. Maging ang kanyang buhok ay lalong humaba habang ang mga mata niya ay nagliliwanag.

Unti-unting lumilitaw ang halimaw na nagtatago sa ilalim niya.

“I r-rea-lly need it right now.”

Kinagat niya ang balikat ni Koda, trying to suppress the monster inside of her.

Napapikit si Koda at niyakap si Chiara ng mahigpit sa mga bisig niya. If only he could take her pain.

“Alright, I’ll only tell this to you once, so you have to listen…”

Pinakawalan ni Chiara ang balikat ni Koda saka tumango at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat nito…

Natagpuan ni Blake si Zane sa gilid ng baseball field. Napabuntong-hininga siya bago lumapit dito.

Madilim na ngunit dahil nakabukas ang ilang ilaw sa paligid ng field, nakita niya si Zane.

“Everyone is searching for you. Hindi mo sinasagot ang mga tawag nila at hindi ka sumipot sa party na hinanda nila sa’yo.”

Umupo si Blake sa tabi ni Zane. Napansin niya ang mga can beer sa paanan nito.

“You…” napapailing na kumuha siya ng isa at nagbukas.

“You’re celebrating here alone? What happened to your girl?” nakakunot-noong tanong niya.

“Jesus, everyone is talking about it and Axel won’t shut up.” Napapailing muli na tinungga niya ang beer ngunit napahinto siya nang wala siyang marinig mula kay Zane na nanatiling nakatitig sa kawalan.

“Dude? Seriously, what happened to you?”

Hinawakan niya ang balikat nito at pinisil.

Nang parang natauhan, nagbukas si Zane ng panibagong beer at tuloy-tuloy na tinungga iyon.

Nahihiwagaang nakatingin si Blake dito.

Nang maubos ni Zane ang huling patak, tinupi niya ang can sa kamay niya.

“All my life, I’ve been waiting for this girl…”

Binaba ni Blake ang beer sa gilid nito.

Zane never talked this kind of stuff with him. Kung may kilala siyang pinagkakatiwalaan nito sa ganitong bagay, ay si Ryker iyon.

Marahil ay may tama na ito kaya di na nito alintana na siya ang nasa tabi nito.

“The girl I said I would protect with my life is dying because of me.”

“Dying?”

Inagaw ni Blake ang bagong can beer sa kamay ni Zane at siya ang nagbukas noon at uminom.

“I’m sorry, Zane. I didn’t know she has some serious disease. Pero hindi mo iyon kasalanan, ‘wag mong sisihin ang sarili mo.”

“I don’t want to let her go…” pabulong na wika nito na parang hindi narinig ang sinabi niya.

Kalmado ang ekspresyon ni Zane ngunit mararamdaman mo ang sakit sa bawat salitang binibitiwan nito.

Hindi malaman ni Blake kung ano ang dapat niyang sabihin kay Zane dahil ito ang unang beses na nakita niya itong ganito…

Nang una niyang nakita si Zane, ang buong akala niya’y ito ang taong hinding-hindi niya makakasundo.

Hindi nito sineseryoso ang training nila, na laging late at minsan ay hindi pa sumusulpot, ngunit pagdating ng game, lagi itong nangunguna.

Pagkatapos nilang manalo, iniwan nito ang team nila. Napakadali lang ditong pakawalan ang mga bagay na pinaghihirapan niya.

He’s unconcerned and not interested about anything.

Ngunit ngayon… parang ibang Zane ang nakikita niya.

“You really love this girl,”

Nakita niyang natigilan si Zane sa sinabi niya.

Nakagat ni Zane ang ibabang labi nito saka huminga ng malalim.

“I didn’t even tell her that. God, I’m the worst…”

Humiga ito sa bagong putol na mga damo sa likod nila at tinakpan ang mga mata nito gamit ang likod ng palad niya.

“How could she fall for someone who’s awful like me…”

Hindi kayang itago ni Zane ang kahinaan niya. Magkahalong galit at sakit ang dumaloy na mainit na likido mula sa gilid ng kanyang mga mata…

“If I’m not for her, then why does it hurt so much?”

Nabasag ang boses niya habang iniinda ang paninikip sa kanyang dibdib…

“Zane…”

Samantala, sa kabilang banda ng mansion…

Tinaas ni Koda ang kumot ni Chiara sa leeg nito. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang buo nitong katawan. Ngunit kahit sa pagtulog nito, pangalan pa rin ng taong iyon ang paulit-ulit na binabanggit.

Huminahon na ang inner demon nito at nawala na rin ang mga itim na marka na kumalat sa katawan ni Chiara.

Epektibo ang mahikang ginamit ni Celes dito, ngunit alam ni Koda na hindi magtatagal ang bisa nito.

Kailangan niyang gumawa ng paraan bago pa maging huli ang lahat kay Chiara. Hindi niya hahayaang unti-unti itong malanta sa kanyang harapan.

Leaving her is his biggest mistake, but letting her die is not going to happen. Mas mauuna siyang mawala bago ito…

Kinabukasan, sa kwarto ni Chiara…

“And where do you think you’re going?” tanong ni Koda kay Chiara pagpasok niya sa loob ng kwarto nito at nadatnan niya itong nagpapalit ng damit.

“You’ve just recovered,” paalala ni Koda. Limang araw ang lumipas bago nagawang tumayo ni Chiara.

“I want to see him.”

Sinara ni Chiara ang huling butones ng kanyang blusa. Kahit pa nanghihina siya, pinilit niyang bumangon at igalaw ang katawan.

She couldn’t take it anymore, all those freezing nights without Zane on her side is hurting her even more.

Mabilis na nilapitan siya ni Koda at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat.

“Are you mad?” he said, shaking her.

Parang kalahati lang ng mga mata ni Chiara ang nakabukas habang sinasalubong ang tingin ni Koda.

She looks so weak…

Hindi matanggap ni Koda na ganito kalalim ang pagtingin nito sa lalaking iyon. All because of that stupid bond, it’s now ruining her.

“I need him. I want him, Koda, please…”

She’s begging him. And when she’s like this, how could he say no to her?

“You’re a fool…”

Samantala, sa apartment ni Zane…

Binagsak ni Zane ang katawan sa kama pagkauwi niya.

Parang tinakasan ng kulay ang mundo niya.

He can still feel her cold hand, her scent, and her soft lips…

He wanted her back in his arms so bad—so bad that he couldn’t breathe.

Sa tuwing naaalala niya kung paano ito nanghina sa kanyang bisig, parang pinipiga ang kanyang dibdib.

His baby is hurting and he’s the reason behind it.

This is all his fault. This is all his fault.

Bumuka ang mga mata niya nang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

Simula nang pumasok si Chiara sa kwarto niya, lagi niyang iniiwang nakabukas ang bintana.

Bumangon siya at hinanap ito.

“Chiara—”

Ngunit natigilan siya nang hindi si Chiara ang lumabas sa dilim, kundi isang matangkad na lalaki.

Tumalim ang tingin niya nang muli itong makita.

“Chiara won’t listen to me, so I have to go this far.”

Biglang kumalat ang itim na usok sa kwarto ni Zane at bumalot ito sa katawan niya.

Binulag ng kadiliman ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan siyang lamunin ng itim na usok…

Sobrang bilis ng pangyayari at hindi niya nagawang gumalaw.

Sa isang iglap, biglang naglaho ang itim na usok at bumalik ang liwanag sa kanyang paningin.

Nanatili pa rin siyang nakaupo sa gilid ng kama, ngunit hindi ang kwarto niya ang kanyang nakita kundi isang malaking kwarto na hindi pamilyar sa kanya.

Hindi niya rin nakita ang anino ng lalaking nagdala sa kanya dito.

Natigilan siya nang maramdaman ang paggalaw sa tabi niya.

Unti-unti niyang nilingon ang kanyang likod.

Parang huminto ang mga oras ng sandaling masilayan niya si Chiara na natutulog sa kanyang tabi.

May kusang isip ang kanyang kamay na hinanap ang isang kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit at hinagkan.

“Chiara…”

Nakita niyang unti-unti itong nagmulat ng mata nang maramdaman nito ang presensya niya.

Sunod na hinagkan niya ang noo, gilid ng mata nito, at ang labi nito…

She’s so cold. Her whole body is freezing.

“Zane…” nanghihinang bumangon ito at inabot ang mga braso nito sa kanya na agad niyang inagapan.

“I miss you…”

“I miss you.”

“I was so scared. I thought I wouldn’t see you again.”

He feels the same.

“Why did you hide it from me?” hindi niya naitago ang hinanakit dito.

“I feel so stupid smiling when you’re around without knowing that you’re hurting because of me. Balak mo bang itago sa akin ito hanggang sa huli? Wala akong kaalam-alam na unti-unti ka nang nawawala sa akin.”

A tear started to form in her eyes.

“I-I wanted to tell you… But I’m afraid—”

“Then what about me? Sa tingin mo hindi ako natatakot na mawala ka sa akin? Tell me, ganoon ba kababaw ang pagmamahal ko sayo?

Alam mo ba kung anong naramdaman ko nang hinayaan kong kunin ka niya sa mga bisig ko?

“I… I will not forget that I let him take you from me.”

“When I was in pain… I dreamed that it’s you holding me. That way, it wouldn’t hurt that much.”

“I’m the one hurting you! Because of me—damn it!”

Nahilamos ni Zane ang mukha gamit ang palad niya.

“It’s not your fault,” nag-aalalang hinanap ni Chiara ang mga mata nito.

“Ito ang pinili ko, ikaw ang pinili ko.”

Sunod na hinanap niya ang mga labi ni Zane at siniil ito ng halik.

Nabigla man, ay tinugon ni Zane ang halik nito. Gumapang ang kamay niya sa likod ni Chiara paakyat sa batok nito at pinalalim ang halik.

She’s hurting. How could he think of sending her away? What kind of bastard is he?

Kung ayaw siyang bitiwan ni Chiara, hindi rin siya bibitaw.

As long as you don’t regret loving me, I will never let you go.

Walang makakapaghiwalay sa kanila. Kahit kamatayan, susundan pa rin niya ito.

Samantala, sa kabilang dako ng mundo…

“Mahirap baliin ang koneksiyon na nag-uugnay.”

Komento ng matangkad na babae na may hawak na itim na tela sa kamay nito.

“Koda, I never thought that you would lose to a human. You can’t get rid of him, dahil ayaw mong kamuhian ka ni Chiara, but you also bring him to her?

“The little girl tamed you really well.”

Hindi mapigilang mapangiti ni Celestine, kilala bilang Puting Mangkukulam sa mundo nila.

“Pinakawalan mo siya at, nang matuto siyang lumipad, gusto mong putulin ang mga pakpak niya?”

Naging apoy ang tela sa kamay nito at hinigop iyon ng palad niya.

Ang mahahaba nitong kuko na may itim na pinta ay gumapang sa balikat ni Koda na nakaupo sa madilim na parte ng living room ni Celestine.

“I’m glad your plan to make him leave Chiara didn’t work, or else you would not ask for my help.”

Yumuko ito at bumulong kay Koda.

“Ito marahil ang unang pagkakataon na hindi umaayon ang lahat sa plano mo.”

“Hindi ako naparito upang makinig sa opinyon mo, Celes,” matalim na sagot ni Koda.

Parang napaso ang daliri ni Celestine sa katawan ni Koda nang lumapat ang kamay niya dito kaya agad na lumayo siya rito.

Tumayo ng tuwid si Celestine at pinailaw ang lahat ng kandila sa paligid nila gamit ang mahika niya.

She is an old witch and she serves no one.

Laging may kapalit ang lahat ng hinihingi ng mga lumalapit sa kanya.

And this time, she was offered the blood of a pure demon.

“This is really surprising. Ilang beses na akong namatay sa mga kamay mo para lamang makakuha ng isang patak ng iyong dugo, ngunit ngayon, ikaw mismo ang lumapit sa akin para ibigay ito?”

Isang malutong na halakhak ang sumunod na lumabas sa bibig ni Celestine.

The blood of a pure demon can give her everlasting beauty. She doesn’t need to use a potion or a spell to make herself look young. Just a drop of his blood will cure her rotting body.

“Can you break it or not?” malamig na wika ni Koda sa mangkukulam.

“I never said I can’t, but it wouldn’t be easy…”

Isang lihim na ngiti ang sumilay sa itim na labi nito…