The first thing Syven feels when he opens his eyes is emptiness.
Walang mabigat na braso sa bewang niya, walang hininga sa batok niya, at higit sa lahat, walang init sa kanyang tabi.
Tanging ang alingawngaw ng nangyari kagabi pati sa buong maghapon ang bumabalik sa kanyang pandinig.
Halos mapunit ang balat ni Syven habang nakahiga siya, hawak-hawak ang kumot. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakapanghina, ang katawan niyang nanginginig pa rin… o ang isip niyang hindi matanggap na nangyari ang lahat.
Maingat siyang bumangon at umupo, na para bang isang maling galaw niya lamang ay babalik siya sa sandaling hinubad ni Bryant ang natitirang depensang itinayo niya.
“Damn it…” Mahinang mura niya. Umangat nang dahan-dahan ang kamay niya at pinisil ang sentido, parang may gumagapang na init mula sa loob ng utak niya. Nang sinubukan niyang huminga nang malalim, lalo lang sumikip ang dibdib niya.
Napalunok siya ng makaramdam ng pagkauhaw, subalit nanatiling tuyo ang kanyang lalamunan. Doon napansin ni Syven ang tubig na nakahanda sa kanyang side table. Sa ilalim nito ay may note na nakaipit.
“Think of me when you drink this.”
Muntik nang mabitawan ni Syven ang hawak na baso. Bakit tila nag-360 ang personality ni Bryant? Ito pa ba ang Bryant na kilala niya? Ni minsan ay wala siyang maririnig na matamis na salita sa bibig nito noon, pero ngayon ay wala nang pag-aalinlangan ang natira dito.
Bumalik siya sa nakaraan para iligtas si Bryant… pero bakit siya ang parang nalunod?
Itinulak niya palayo ang kumot at mabilis na tumayo upang magshower. Hindi siya pwedeng manatili rito. Hindi siya pwedeng humiga sa kama na may amoy pa ng init ni Bryant.
Pagkatapos magbihis, hindi na tinignan ni Syven ang sarili sa salamin. Kaya niya ba talagang tingnan ang sarili niya pagkatapos ng nangyari sa kanila? Hindi niya alam.
Pagbukas niya ng pinto ng kwarto, nanigas siya. Bumungad sa harapan niya si Ellis, at nawala sa isip niyang may access ito sa kanyang lugar. Anong mangyayari kung napaaga ito ng dating? Gustong maglaho ni Syven ng maisip ang posibilidad na engkuwentro. Marahan ngunit mariin niyang isinara ang pinto sa kanyang likod.
Nilagpasan ito ni Syven at dumiretso sa living room, lihim na lumibot ang kanyang tingin sa paligid, namangha siya nang makitang bumalik ang lahat sa ayos. Nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib.
“You act like I’m the one at fault, kahit ikaw naman dapat ang magpaliwanag sa ating dalawa. Syven, I’m tired of running after you! Have I stooped low enough just to satisfy you?” Bawat salita ay may malalim na gasgas sa tinig ni Ellis. She’s desperate because she knows she’s the only one in love in this relationship.
“I’m trying Ellis.” Si Syven na mahinahong humarap dito. “Sinusubukan kong intindihin ang pagiging possessive mo pero hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong huminga.”
“Is it really that hard for you to stay loyal?” Kagat ang labing lumapit si Ellis. “Ganito ang nararamdaman ko dahil wala kang ginagawa para patunayan sakin na wala akong dapat ikatakot. Maipapangako mo bang ako lang at ako lang ang babae mo?”
“Y-Yes… like I said, I wouldn’t start this if I wasn’t serious about you.” He wasn’t lying. He could promise that she was the only woman he would ever have. Kung mabibiyak man ang lupa, alam ni Syven na sa impyerno ang bagsak niya.
Lumambot ang paningin ni Ellis. Nagsasabi man ito ng totoo o hindi, ang mahalaga ay siya ang pinili nito.
Ang mga sumunod na araw ay puno ng pag-iwas.
Nahuhuling pumapasok ng klase si Syven at maaga siyang lumalabas upang hindi magtagpo ang landas nila ni Bryant. Nakablock ito sa contact niya at anumang unknown number na tatawag sa kanya ay hindi niya sinasagot.
Iniiwasan niyang dumaan sa gym, sa mga lugar kung saan madalas makikita ang basketball team.
Ang alam lang niya ay kailangan niyang lumayo. Hangga’t hindi pa malinaw sa kanya ang mga hakbang na tatahakin niya. Sa pagkakataong ito ay hindi siya maaaring magkamali. Marami na siyang nabago, pero ang higit sa lahat ay malaki ang nagbago sa pagitan nila ni Bryant.
Every time he tries to think straight, hindi niya maiwasang balikan ang nangyari sa kanila. Ang paghinga ni Bryant sa leeg niya, ang paraan ng paghawak nito sa kanya, ang lakas ng tibok ng puso nito sa dibdib niya. Ang mga sandaling iyon ang pinakamasalimuot na bangungot na bumabagabag sa kanya.
At sa hindi malamang dahilan, muli siyang nauuhaw. Hindi sa alak at hindi sa katawan ng babae, kundi sa seguridad na naramdaman niya sa init ng kamay ni Bryant. Tinatanggihan niya iyon pero hindi nawawala. At iyon ang pinakamalaking problemang kinakaharap niya.
Nang makita ni Syven si Ellis, mariing pumikit siya at sinandal ang noo sa manibela. Pilit iwinawaksi ang umuokupa ng kanyang isipan.
“Tired?” Nagtatakang tanong ni Ellis nang umupo ito sa passenger seat.
“Hmm,” aniya at sinalubong ang halik ni Ellis sa pisngi niya nang simulan niyang buhayin ang sasakyan.
“I could have asked my driver to take us.”
“Not today. We’re going somewhere private.” Ipinakilala siya ni Ellis sa social circles nito. Panahon na upang ipasok niya rin ito sa mundo niya, nais niyang maramdaman nito na pinagkakatiwalaan niya ito.
Pumunta sila sa lugar na tinatawag nilang safe house, isang underground playground ng mga elites. Kung saan walang bawal, walang limitasyon. Dito nakilala ni Syven ang ilan sa mga naging koneksiyon niya sa negosyo.
In his previous life, he played hard, lost a lot, and won everything back twice over. He lived recklessly, gambled without fear, and walked through nights filled with smoke, music, and danger, as if destruction was the only language he knew.
They play and party without restraint, habang umaalingawngaw ang tawanan sa lugar na ginawa mula sa sikreto at pera. Dito, bawat kagustuhan ay napagbibigyan at bawat impulsong madilim ay hinahayaan.
Ellis was overwhelmed at first, but she blended into the scene exactly the way Syven expected.
“So we have five cards here,” Pagpapakilala ng dealer sa mga cards na hawak nito. “Only one is the winning card. The rest will take you somewhere you are not ready for.”
Pinigilan ni Syven ang kamay ni Ellis ng akmang bubunot ito. “For now, just observe,”
“So what’s the point of bringing me here if I can’t even play?”
Hindi siya sinunod ni Ellis at agad na humugot ito ng card. Walang nagawa si Syven kundi humugot din ng isa. Nang baliktarin nila ang mga baraha may kulay ang mga ito. Napunta sa kanya ang itim at kay Ellis ay dilaw. Kailangan nilang pumasok sa room na kakulay ng baraha nila.
Syven warned Ellis. “Don’t let anything inside that room get to you, or you’ll regret it.”
Tumango ito sa kanya bago nagmamadaling pumasok sa dilaw na pinto.
Sunod na pumasok si Syven sa itim na pinto. Kadiliman ang sumalubong sa kanya ng sandaling marinig niya ang click sa kanyang likod. Ganito ba ang pakiramdam ng mga bulag? Pagtapos ng ilang hakbang ay di na siya makagalaw. Maging ang paligid ay binalot ng nakakabinging katahimikan.
Napaatras ang isa niyang paa ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa, nabunggo ang likod niya sa isang matigas na dibdib. Tumayo ang balahibo niya sa batok ng maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Sinubukan niyang humakbang palayo, ngunit mabilis siya nitong pinigilan.
Bahagyang nanlaki ang paningin ni Syven ng maramdaman niyang may dumampi sa gilid ng kanyang leeg.
Nagpumiglas siya sa mahigpit na pagkakahawak ngunit naitulak siya nito sa malamig na dingding. Humarap siya at akmang aatakihin ito nang ang labi niya ang sinalubong nito ng isang mariing halik.
Wala siyang makita subalit ang amoy at init ng kamay nitong naglalakbay sa katawan niya, maging ang paraan nito ng pagkamkam ng labi niya ay agad niyang nakilala.
Bryant.
Pilit na kumawala siya sa halik. “How did you get here?” tanong niya sa gitna ng malalalim na hininga.
“If I want someone, there will always be a way,” Bulong nito sa gilid ng kanyang tainga.
Napalunok si Syven ng muli niyang maramdaman ang paglapit nito, mas umigting ang kanyang pandama at pandinig ng tinakasan siya ng kanyang paningin.
Dumantay ang mga kamay nito sa batok niya, saka siya biglang kinabig pabalik sa isang halik na parang kayang lamunin ang lakas niya. Hindi namalayan ni Syven na kusang bumuka ang kanyang bibig upang tanggapin ito.
Dahil ba walang nakakakita? Walang nakakarinig? Kung kaya’t hinayaan niyang pagsamantalahan siya ni Bryant? O baka naman dahil ito talaga ang hinihintay niya. Ito ang hinahanap niya. Ito ang nagpapakalma sa uhaw na pilit niyang nilalabanan.
Bumaon ang mga daliri ni Syven sa buhok ni Bryant at mariing tinugunan ang kapusukan nito.
Nagtagpo ang init nila sa gitna, mabilis at magulo.
Ang bawat halik ay may kasamang galit, pangungulila, at pagnanais na hindi nila maipaliwanag.
Nadama ni Syven ang pag-igting ng paghawak ni Bryant sa bewang niya, ang bahagyang pagdiin nito na parang gusto siyang hilahin papalapit nang wala nang nakaharang sa pagitan nila.
Humigpit pa lalo ang hawak niya sa buhok nito, hinila niya ang mukha ni Bryant pabalik para sa isa pang halik, mas malalim, mas desperado.
Naging magulo ang kanilang paghinga, nagbanggaan ang mga ilong nila, pero wala nang pakialam si Syven.
Gumapang ang daliri ni Bryant sa gilid ng panga niya, paakyat sa pisngi, parang sinusuri ang bawat piraso ng mukha niya.
Sa bawat segundo, unti unting nawawala kay Syven ang rason kung bakit dapat niya itong iwasan. Bagkus, lalo lamang lumalakas ang dahilan kung bakit hindi niya kaya.
Nag-angat si Bryant ng ulo, bahagyang humihingal, at tumigil sa ilang pulgada mula sa labi ni Syven. Mainit ang hininga nito, parang sinasadya pang ihalo sa hangin na nilalanghap niya.
Kinakapos ang paghinga ni Syven nang kumapit muli ang labi ni Bryant sa kanya. Mas mabagal, mas marahan, pero mas mapanganib.
Hanggang sa isang mahinang click ang gumimbal sa katahimikan. Sumindi ang malakas na puting ilaw mula sa malaking monitor sa harap nila.
Nagkahiwalay ang mga labi nila nang sabay, parang binuhusan ng malamig na tubig ang init na umiikot sa pagitan nila.
Inaninag ni Syven ang bagong liwanag habang hinahabol ang hininga.
Si Bryant naman ay nakatingin sa screen, hindi pa rin inaalis ang kamay sa gilid ng mukha ni Syven.
Sa monitor, lumitaw ang malalaking salita:
TO EXIT THIS ROOM, ANSWER THE QUESTION CORRECTLY.
TIME LIMIT: 30 SECONDS. PLEASE ANSWER.
Kasunod nito, lumabas ang maliit na pulang linya sa ilalim:
Failure to answer will extend your stay by 30 more minutes.
Mahigpit na hinawakan ni Bryant ang baba ni Syven, itinaas ang mukha nito upang muling makuha ang buong atensyon niya.
“Look at me,” bulong nito, halos mabutas ang kalmadong tono.
Pero bago pa man makasagot si Syven, bigla siyang sinunggaban ni Bryant, muling tinabunan ng halik ang labi niya.
Nabura ang tanong sa screen. Walang natira kundi ang init ng labi nitong muling sumusugod sa kanya. Ang marahas na pagtutol ni Syven ay mabilis na nauwi sa ungol. Sinubukan niyang kumawala, pero sa bawat mabilis na paghinga niya, lalo lang siyang nahuhulog sa halik ni Bryant.
Pinilit niyang humiwalay, humugot ng hangin.
“Bryant… wait… fuck—” Hindi niya natapos. Sinakop ulit ni Bryant ang labi niya, kinain ang salita bago pa man ito makawala.
Beep.
Time Limit: 10 seconds remaining.
Hindi ito tumigil. Lalo lamang itong nagiging agresibo.
Beep.
5 seconds remaining.
Humigpit ang hawak ni Bryant sa batok niya. Naging mas mapang-angkin ang galaw nito.
3… 2… 1…
Nang lumagpas ang huling segundo, tumigil ang timer.
Failure to answer.
The room will remain locked for 30 minutes.
Sa katahimikan ng silid, tanging maririnig ang magkahalong paghinga at ang basa, mabagal na tunog ng kanilang halik.
At doon, hindi na alam ni Syven kung mas dapat ba siyang matakot… o mas dapat siyang sumuko.
Pagkalipas ng mahabang sandali, bumukas ang pinto, lumabas si Syven, ang paghinga niya pa rin ay hindi pantay, at ang mukha niyang init na init ay hindi alam kung paano itatago.
Nakahawak sa dingding si Chase, nag-aabang, halatang nababagot na.
Sa kabilang banda ay si Ellis, nakabagsak sa sofa, halos walang malay dahil sa kalasingan. Namumula ang pisngi nito, at may ilang bote ng alak na nakakalat sa tabi niya.
“Damn, what took you so long?” tanong agad ni Chase nang makita siya. “Akala ko ba alam mo na lahat ng sagot?”
Umayos si Syven ng tayo, pilit na kalmado.
“Bago na ang mga tanong,” sagot niya, walang ayos ang pagkakasabi, parang hinahabol pa rin ang hininga.
Namilog ang mata ni Chase. “Talaga? Bakit ngayon lang sila nagbago ng set?”
Hindi nakasagot si Syven.
Napansin ni Chase ang namumulang pisngi niya, at ang usli ng hininga niya na parang may hinahabol. “Hey…” Lumapit ito, nakakunot ang noo. “Bakit namumula ka? Nakailang shot ka rin ba?”
Muli, hindi nakasagot si Syven.
