Matapos ang kanilang muling pagbabalikan, inimbitahan ni Zavier si Katty sa kanilang bahay para sa isang hapunan kasama ang kanyang ama, si Hux. Isang simpleng dinner—o iyon ang nais niyang palabasin.
Ngunit dito nagsimula ang lahat. Kung hindi niya ipinakilala ang dalawa, hindi sana nasira ang relasyon niya sa kanyang ama. Hindi rin sana nagbago ang lahat sa pagitan nila ni Katty.
Habang kumakain sila, tahimik lang na pinagmamasdan ni Zavier ang dalawa. Walang kaalam-alam sina Hux at Katty na batid niya ang kanilang pagtataksil. Ngunit sa halip na magalit, isang matinding panlalamig ang bumalot sa kanya. Sa kabila ng kanyang kalmadong kilos at malamig na ngiti, may isang madilim na plano na unti-unting nabubuo sa kanyang isipan.
Hindi niya hahayaan ang dalawa nang hindi nila natitikman ang sakit na ipinaranas nila sa kanya.
Dumampot siya ng baso at dahan-dahang uminom ng alak, saka lihim na sinulyapan ang kanyang ama. Ang lalaking ito na itinuring niyang huwaran. Ang lalaking iniidolo niya. Ngayon, isang traydor. At si Katty, ang babaeng minahal niya nang buong puso, walang ibang ginawa kundi lokohin siya sa kanyang likuran.
Huminga siya nang malalim bago biglang hinagkan ang mga labi ni Katty sa harap mismo ni Hux. Alam niyang mapapanood ito ng kanyang ama. Alam niyang hindi nito magugustuhan. At hindi siya nagkamali—napansin niyang umiwas ng tingin si Hux, na para bang may nakikita itong hindi dapat makita.
Ngunit hindi pa siya tapos.
Habang nag-uusap ang dalawa, marahan niyang inilapit ang kanyang kamay sa hita ni Katty sa ilalim ng lamesa. Sa unang dampi pa lang ng kanyang palad, ramdam niya ang biglaang panginginig ng dalaga. Napansin niyang agad nitong iniwas ang kanyang hita, ngunit hindi siya sumuko. Mas mapanuksong ipinasok niya ang kanyang kamay, hinanap ang pagitan ng kanyang mga hita.
Dama ni Katty ang kilabot na gumapang sa kanyang katawan. Alam niyang may mali. May nagbago kay Zavier. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay hindi na ang parehong Zavier na kilala niya noon.
Ngunit wala siyang nagawa kundi manatiling tahimik. Kahit na ang bawat hagod ng mga daliri nito ay nagpapainit sa kanyang balat, pilit niyang pinanatili ang kanyang ekspresyon. Subalit nang lumalim pa ang paggalaw ni Zavier, hindi na niya napigilan ang paghigpit ng kanyang hawak sa kubyertos.
Lihim niyang sinulyapan si Zavier, umaasang makita sa mukha nito ang anumang emosyon—pero wala. Kalmado ang anyo nito, tila walang ginagawang mali.
Pagpasok nila sa kwarto ni Zavier, agad siyang hinarap ni Katty.
“Ano bang pumasok sa isip mo, Zavier?” madiin niyang tanong, pilit pinapakalma ang kanyang boses.
Ngunit sa halip na sumagot, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zavier. Tila noon lang niya napagtanto ang ginawa niya. Dahan-dahan siyang napaupo sa gilid ng kama, saka pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok.
“Sorry,” mahina niyang sabi. “Nadala lang ako… sa ininom ko.”
Napakunot-noo si Katty. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan ito, pero alam niyang hindi lang alak ang dahilan. May nagbago kay Zavier.
Tahimik na lumapit siya sa bintana. Sa labas, bumuhos na nang malakas ang ulan, patuloy ang pagpatak sa salamin ng bintana, lumilikha ng malamig at malungkot na tunog.
“Gusto ko nang umuwi,” aniya, hindi lumilingon.
Biglang tumayo si Zavier. “Wag muna,” pigil nito, bahagyang lumapit sa kanya. “Malakas ang ulan, delikado.”
Nilingon siya ni Katty, nag-aalangan. Lagi niya itong tinatanggihan, laging may dahilan para hindi sila laging magkasama. Ngunit ngayong gabi… hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya agad tumanggi.
Siguro dahil sa ekspresyon sa mukha ni Zavier—isang pagod na anyo, parang may kinikimkim na sakit na hindi nito masabi.
Sa huli, dahan-dahan siyang tumango. “Sige,” mahinang sagot niya.
At iyon ang muli ang unang beses na pinagbigyan niya si Zavier. Hindi niya alam na iyon din ang magiging simula ng isang bagay na hindi na niya mababawi.
Tahimik lang na tinanggap ni Katty ang basong inabot sa kanya ni Zavier. Wala siyang ideya na sa bawat lagok niya, isang bagay ang unti-unting kumakawala sa kanyang sarili. Nagsimulang lumabo ang kanyang paningin, parang umiikot ang paligid, at nag-init ang kanyang katawan sa paraang hindi niya maipaliwanag.
Nang sumunod na sandali, isang pares ng kamay ang lumapat sa kanyang balat. Mainit, pamilyar. Isang ungol ang lumabas sa kanyang bibig nang maramdaman ang paghaplos sa kanyang hita, paakyat sa kanyang baywang.
“Hux…” bulong niya, walang malay sa sariling pagbigkas ng pangalan nito.
Pero hindi si Hux ang kasama niya.
Agad na sinunggaban ni Zavier ang kanyang labi, tinatakpan ito ng halik bago pa niya muling mabanggit ang pangalan ng ama nito. Marahas, mapusok, puno ng isang emosyon na hindi niya mawari—selos? Galit? Paghihiganti?
Ngunit wala siyang lakas para alamin. Wala na siyang kakayahang pigilan ang sarili.
Hindi isinara ni Zavier ang pinto ng kanyang kwarto. Gustong-gusto niyang marinig ng sinumang dumaan ang bawat tunog na lumalabas sa bibig ni Katty—ang bawat ungol, kung paano siya tinatanggap nito, kung paano niya ito inaangkin.
At hindi nga siya nabigo.
Napatigil si Hux sa kanyang paglalakad nang marinig niya ang isang impit na ungol mula sa kwarto ng kanyang anak.
“Ahhh…”
Napako siya sa kinatatayuan. Parang tinakasan ng lakas ang kanyang katawan.
Isang mabagal na hakbang ang itinuloy niya, lumapit siya sa bahagyang nakabukas na pinto, at nang sumilip siya sa loob, parang may humigop sa kanyang kaluluwa.
Mabilis na nanlamig ang kanyang dugo.
Hindi siya agad nakagalaw. Parang may pumigil sa kanyang katawan, pinako siya sa kinatatayuan niya.
Doon, sa mismong kama ni Zavier, nakita niya si Katty, walang saplot, nakayakap nang mahigpit sa binata. Ang katawan nito ay gumagalaw kasabay ng bawat pagpasok at paglabas ng kanyang anak dito.
“Ah! Ughh…” mahinang ungol ni Katty, napapapikit sa bawat pagsalubong niya sa mga ulos ni Zavier.
Para kay Hux, tila may malamig na bakal na tumarak sa kanyang dibdib, at sa bawat galaw ng dalawa sa harapan niya, lalo iyong lumulubog, lalo siyang binabaon sa hindi maipaliwanag na sakit.
Dapat ba siyang pumasok? Dapat ba niyang pigilan ang mga ito?
Ngunit hindi niya magawa.
Dahil ang eksenang nasa harapan niya ay isang katotohanang hindi na niya mabubura.
Habang patuloy ang bawat pagpasok ni Zavier sa loob ng dalaga, ramdam ni Zavier ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung galit ba ito o matinding pagkawasak.
He was ruining himself.
Akala niya, kapag napasakanya na si Katty, mawawala ang sakit. Akala niya, kapag inangkin niya ito, matitinag niya ang lahat ng damdamin niyang sinira ng kanyang ama at ng babaeng ito.
Pero mali siya.
Dahil sa bawat pag-ungol ni Katty, sa bawat paggalaw nito sa ilalim niya, isang bahagi ng kanyang sarili ang unti-unting nagkakabasag-basag.
At ang pinakamasakit sa lahat?
Alam niyang may isang pares ng mata na nakatingin sa kanila.
Mga matang puno ng panlalamig. Mga matang hindi makapaniwala sa eksenang nasaksihan.
Mga matang hindi niya kailanman inakalang magiging saksi sa pinakamasakit na gabi ng buhay nilang tatlo.
Nagising si Katty sa pagitan ng ilusyon at realidad. Unti-unting luminaw sa kanyang paningin ang mukha ng lalaking umaangkin sa kanya—hindi si Hux, kundi si Zavier.
Nagbalik ang katinuan niya, ngunit huli na. Mariin at malalim ang bawat pag-angkin nito, hindi humihinto, hindi nagdadalawang-isip.
Ngunit bakit?
Bakit ngayong hawak na siya ni Zavier—sa paraang minsan niyang hinangad—ay wala siyang nararamdamang anumang lalim?
Bakit sa isang simpleng pagdikit lang ni Hux ay umaapoy siya, ngunit ngayon, sa ilalim ni Zavier, ay tila isang kahungkagan ang bumalot sa kanya?
Pumatak ang luha sa gilid ng kanyang mata, hindi dahil sa matinding sensasyon kundi sa isang matinding katotohanang biglang sumampal sa kanya.
Napapaungol man siya, napapasunod man ang kanyang katawan, ngunit iba ang sinisigaw ng kanyang damdamin.
Doon niya napagtanto kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa kanya.
Sa pag-arko ng kanyang katawan dahil sa malalakas na pagbaon ni Zavier, napataas ang kanyang tingin—at doon siya natigilan.
Sa isang sulok ng silid, nakatayo si Hux.
Tahimik. Walang ekspresyon.
Bumagsak ang kanyang kamay mula sa pagkakakapit kay Zavier, ngunit hindi nito napansin. Patuloy ito sa ginagawa—mabibigat ang paghinga, hindi nagbabago ang ritmo—ngunit lahat ng tunog ay naglaho sa pandinig ni Katty.
Tanging isang bagay ang natira sa kanyang dibdib.
Isang pait na hindi kayang lunurin ng anumang sensasyon.
At sa sandaling iyon, hindi lang siya ang nawasak.