Ilang araw ang lumipas bago muling nanahimik ang isla, o baka akala lang iyon ni Kris. Sa unang tingin, payapa ang paligid. Ang dagat ay tila kumikislap sa ilalim ng araw, ang mga bangka ay nakahimpil sa dalampasigan, at ang hangin ay may dalang amoy ng alat at mga tuyong dahon ng niyog.
Habang abala siya sa pag-aasikaso ng mga papeles para sa mga negosyo sa isla, may dumating na bagong bisita. Hindi niya agad pinansin, ngunit nang makita niya ito nang malinaw, halos mapamura siya.
Hindi na kailangan ng pormal na pagpapakilala. Kahit sa tindig pa lang at sa matalim na anyo ng mukha, alam niyang may dugo itong dala na hindi niya gusto.
Isa na namang Fuentero.
“Are you the brother of that psycho manipulative freak?” sarkastikong tanong ni Kris, nakapamulsa habang nililingon ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Please lang, sabihin mong hindi. Para matapos na agad ito.”
Tahimik lang ang lalaki. May kumpiyansa sa tindig, parang wala siyang pake kung insultuhin siya. Ilang sandali pa, iniabot niya ang isang makapal na sobre. Wala ni isang emosyon sa mukha, ngunit ramdam ni Kris ang iritasyon sa bawat galaw.
“My ‘psycho’ brother that you hate saved your island from your uncle,” malamig na sabi nito, tuwid ang titig. “And because of a stupid bitch who can’t read contracts and got scammed by her own uncle, I had to go through a lot of trouble. Is this island even worth it? If his child wasn’t buried here, I would never set foot in this barbarian place.”
Tumingin si Al kay Kris, mabagal at sinadya, para bang sinisiyasat siya mula ulo hanggang paa. Sa paraan ng tingin nito, para bang malinaw na siya mismo ang tinutukoy na barbarian.
Muntik nang ihampas ni Kris ang sobre sa mukha nito. Pinakuyom niya ang kamao, ngunit pinigilan ang sarili. “Next time, maglalagay na talaga ako ng malaking karatula sa daungan: FUENTEROS ARE NOT ALLOWED ON THIS ISLAND.”
Bahagyang natawa si Al, ngunit mabilis ding nagbuntong-hininga. “As repayment for my work in saving this island, you’ll give me the best VIP treatment you can offer.”
“Excuse me?!” Halos lumuwa ang mata ni Kris. “VIP treatment? After insulting me in my own island?”
“Gusto kong magbakasyon,” sagot ni Al, kalmado, parang wala lang. “After all the work I’ve done while my dear psycho brother is busy wooing your cousin, I deserve a break. So, congratulations, you now have the honor of hosting me.”
“Honor?!” halos sumabog si Kris. “It’s more like a curse.”
“Then take it as you like,” tugon ni Al, walang bakas ng pag-aalala. “But you’ll still do it. Because you owe me.”
Napatigil si Kris. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang itapon ito sa dagat, pero naramdaman niya ang bigat ng sobre sa kanyang kamay. Binuksan niya iyon at tumambad ang mga papeles na matagal na niyang hinihintay—ang mga dokumentong nagpapatunay na ligtas na nga ang isla mula sa kamay ng kanyang ganid na tiyuhin.
Napakagat-labi siya. Totoo, may utang na loob siya. Ngunit paano niya tatanggapin na ang kapalit ng kalayaan ng isla ay ang pagkakaroon ng isa pang Fuentero sa kanyang teritoryo?
“Damn it,” bulong niya, halos ipunit ang papel sa inis.
Habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina, ramdam ni Kris ang panginginig ng kamay niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili, ngunit bawat hakbang ay parang may tinik.
Samantala, si Al ay nakatayo sa beranda ng maliit na resort na pagmamay-ari ni Kris. Mula roon, tanaw niya ang dagat, ang mga alon na walang sawang humahampas sa dalampasigan, parang musika ng isla. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo ng trabaho, bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa. Ngunit kahit gaano kaganda ang tanawin, ang mukha ni Kris ang sumisingit sa isip niya—magaspang, mainit ang ulo, at puno ng galit.
“Tsk. Barbarian nga,” bulong niya sa sarili bago umupo sa upuan at sagutin ang tawag sa telepono.
“Yeah, I’m here,” malamig niyang sagot. “No, I won’t go back yet. Let’s see how long before this woman loses her patience and throws me out.”
Ngunit habang nagsasalita, isang bagay ang hindi niya maipaliwanag. Sa kabila ng inis na nararamdaman niya, may kakaibang aliw na gumuguhit sa kanyang isip. Hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa isla mismo, o dahil sa babaeng halos gustong itapon siya sa dagat.
Siguro nga, magiging interesante ang bakasyong ito.
