This entry is part 4 of 12 in the series Uncontrolled

Nagdadalawang-isip na sinagot ni Fara ang tawag ng Ate Jara niya.

“Hindi ka ba magdi-dinner ngayon sa bahay?” bungad na tanong nito sa kabilang linya. Nais maglaho ni Fara ng mga sandaling iyon. Hindi niya gustong magpakita sa kanyang kapatid dahil wala na siyang karapatang tawaging pamilya nito.

“Pasensya na, ‘Te. Mag-i-inventory ako ngayon.” Kahit anong iwas ang gawin niya matapos ang nangyari sa kanila ni Ken, hindi habangbuhay siyang makakapagtago.

“Bakit hindi na lang kasi ang mga staff mo ang pagawin mo niyan?”

“‘Te, alam mo namang mga bagong hired pa lang sila. Mas gusto kong makasiguradong okay ang lahat,” sagot niya.

“O siya, sige. Pero sa susunod, hindi na pwedeng hindi, ah?”

“Opo,” natatawang wika niya dito, na narinig niyang ikinatawa rin nito sa kabilang linya. Nakahinga siya nang maluwag nang magpaalam ito. Halos dalawang buwan na siyang umiiwas kay Ken simula nang may nangyari sa kanila. Parang kinakain siya ng kanyang konsensiya kapag naiisip niya ang ate niya. Hanggang kailan niya ito maiiwasan?

Nabulabog si Fara nang may kumatok sa pinto ng opisina niya. “Come in.”

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo.”

“Sino daw?” nasa mga papeles ang atensyon niya at hindi sa dalagang empleyada.

“Pamangkin n’yo po.” Agad na naputol ang tingin ni Fara sa papeles. Nakalimutan niyang pagsabihan ang mga bago niyang staff tungkol dito. Napahawak siya sa kanyang noo. “Sabihin mong hindi ko siya mahaharap dahil busy ako, at sa susunod na hanapin niya ako, sabihin mong wala ako.” Nagtataka man, ay magalang na tumango ang tauhan niya bago ito lumabas.

Nabitiwan ni Fara ang signing pen at mariing tinakpan niya ang namumula niyang mukha. Hindi nabibigong lumitaw ang kapusukang ginawa nila ni Ken sa isipan niya, na parang tuksong gusto siyang pahirapan. Hindi na niya ito maiiwasan. Kailangan niyang gumawa ng paraan upang matuldukan na ang kasalanang nagawa niya. Siya ang mas nakakatanda; alam niya ang tama sa mali. Walang kasalanan ang kanyang pamangkin—naghahanap ito ng katawan ng babae—ngunit bakit siya ang pinili nito? Ipinilig niya ang ulo sa huli.

Kailangan niyang ayusin ito, para sa sarili niya at para na rin kay Ken. Hinanap niya ang numero ng kaibigan at tinawagan ito.

“Napatawag ka, Fara?” sagot ni Lizel sa kabilang linya.

“Naalala mo ba na may gusto kang ipakilala sa akin?”

“Na mabilis pa sa alas-kuwatrong tinanggihan mo?” may bahid na inis na wika ni Lizel dahil pinsan nito ang nirereto sa kanya.

“W-Well, naisip ko lang na bakit hindi ko siya pagbigyan.”

“What? Sigurado ka?” nagkaroon agad ito ng interes.

“Oo.” Kung alam lang ni Fara na mangyayari ito, pinapasok na niya nang mas maaga ang ibang tao sa buhay niya. Mas nanaisin niya pang sa iba niya iyon ginawa at hindi sa sarili niyang pamangkin. Ano bang sumanib sa kanya at nagawa niya ang bagay na ‘yon? Ito na ba ang naging parusa niya dahil naging pihikan siya sa pagpili ng mga lalaki? Kaya umabot siya sa ganitong edad nang hindi pa nagkaka-boyfriend dahil mapili siya? Ngayon, kahit sino, wala nang pag-aalinlangan sa isipan niya.

“Wow! Sigurado ka, ha? Wala nang bawian ‘to,” excited na wika ni Lizel.

“Oo nga.”

“Okay, dinner tonight sa Grand Hotel.”

“Ngayon na?” gulat na tanong niya.

“Yup! Baka magbago pa ang isip mo. Mahirap na,” natatawang wika nito bago siya pinatayan ng tawag.

Napatayo si Fara nang wala sa oras at dumiretso sa restroom para ayusin ang sarili. Paglabas niya ng shop, dagling sumakay siya ng kanyang sasakyan. Dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin ang pulang sasakyang nakasunod sa kanya.

Pagdating ni Fara sa restaurant ng hotel, sinalubong siya ng isa sa mga staff at dinala sa isang table kung saan may lalaking naghihintay na sa kanya. Hindi nga nagbibiro si Lizel. Gusto niyang mapailing. Agad na tumayo ang lalaki nang makita siya. Mukha itong modelo ng fashion magazine. Hindi man lang niya natanong kay Lizel ang background ng lalaki.

Sinabi niya sa sariling hindi siya mamimili, ngunit gusto niya pa ring makasiguradong matino ito. Pinsan ito ni Lizel—hindi naman siguro siya ipapahamak ng kaibigan. Gusto niya na namang mapailing sa inaakto niya. Kaya wala siyang nagiging boyfriend dahil ganito siya.

“Hi. I’m Fara Montes,” inilahad niya ang kamay dito.

“I know you. Ilang beses na tayong nagkita sa mga party pero hindi mo lang ako napapansin. I’m Kai.” Nakangiting tinanggap nito ang kanyang kamay at dinampian iyon ng halik. Nakakapagtakang wala siyang naramdaman na kahit ano sa ginawa nito.

Pagkaupo nila ay sinenyasan nito ang waiter na kukuha na sila ng order.

“Hindi ako naniwala nang matanggap ko ang message ni Liz, pero naghintay pa rin ako. Hindi ko alam kung anong nagpabago sa isip mo, but I’m glad na pinagbigyan mo ako.”

Kung malalaman lang siguro ni Kai ang tunay na rason, baka tanggihan siya nito dahil hindi siya kasing linis ng iniisip nito.

Dumating ang order nila, at tumakbo ang kanilang usapan tungkol sa negosyo niya at sa career nito. Graduate siya ng Business Administration at may-ari ng jewelry shop na may apat na branch, habang ito naman ay may-ari ng isang modeling agency. They are a perfect match sa mata ng ibang tao. Pareho silang successful sa career nila at matured.

Wala siyang maipipintas dito dahil nandito na ang lahat ng hinahanap niya, subalit wala siyang maramdamang spark sa kanilang dalawa. Ngunit kung papipiliin siya kung ito o si Ken, hindi na kailangang mamili dahil ang una ang pipiliin niya. Iyon ang dapat, at iyon ang tama. Kaya nang matapos ang kanilang dinner at tinanong siya nito ng isang tanong na kailangan niyang sagutin, hindi siya nagdalawang-isip.

“So… Do you want to spend more time with me?”

Pumayag siya at nag-check-in sila sa hotel. Kalalabas niya lang ng shower nang hindi namalayan ni Fara na hinigpitan niya ang pagkakatali ng kanyang roba. Sa loob noon ay wala siyang saplot, at sa labas ng bathroom, naghihintay sa kanya si Kai.

Tinitigan niya ang sarili sa malaking salamin. Kailangan niya itong gawin, kung hindi, hindi na naman siya patutulugin sa panaginip ni Ken. Paulit-ulit siyang hahabulin ng bangungot ng kapusukan nila. Kailangan niyang mapalitan iyon ng bago at matuon sa iba ang atensyon niya.

Lumabas siya ng bathroom at pinuntahan si Kai na nakaupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa kanya. Dahan-dahan niyang kinalas ang pagkakatali ng roba sa harapan nito. Napalunok ito nang lumantad ang kahubaran niya, at agad siyang hinila nito upang mapaupo sa kandungan nito. Mabilis na ipinasok nito sa bibig ang korona ng isa niyang dibdib. Napahawak siya sa ulo nito, hinanap ng mga kamay nito ang pang-upo niya at mariin iyong pinisil.

“You’re amazing…” Naramdaman ni Fara ang mainit na hininga nito nang bumulong ito sa gilid ng tenga niya. Gumapang ang labi nito sa gilid ng kanyang leeg pababa sa kanyang balikat.

Napapikit siya nang mariin. It feels good… Ngunit parang may mali. Hindi ganoon katindi ang epekto nito sa kanya kumpara sa mga haplos ni Ken. Hindi kasing init ng halik ni Ken sa balat niya ang mga halik ni Kai.

She wants more… She wants K—

Ilang malalakas na kabog sa pinto ang nagpatigil sa kanila. Mabilis siyang umalis sa kandungan ni Kai at itinali pabalik ang roba niya. Napamura naman si Kai at dumiretso sa pinto upang tingnan kung sino ang bumulabog sa kanila.

Nagtatakang sinundan niya ito ngunit nakaramdam siya ng relief sa kanyang dibdib. Relief? Ano ba talaga ang gusto niya?

Binuksan ni Kai ang pinto. Napaatras si Fara nang makilala niya kung sino ang pinagbuksan nito.

“K-Ken?” Nagbabaga ang galit sa mga mata ni Ken nang dumako ang tingin nito sa kanya. Napayakap siya sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay hinuhubaran siya nito. Kailan pa ito nagkaroon ng ganitong epekto sa kanya?

“You know him?” naguguluhang tanong ni Kai.

“Yes, he’s my—”

Naputol ang sasabihin niya nang itulak ni Ken si Kai at dumiretso sa kanya. Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto.

“Hey! What do you think you’re doing?” Sumunod si Kai sa kanila, ngunit nang mapansin nitong naka-boxers lang ito at nakita nitong lumabas ang mga panauhin sa ibang kwarto upang mag-usisa dahil sa ingay, napaatras ito.

“Ken?!” Hindi malaman ni Fara kung nag-aalala siya dahil iniwan niya si Kai, o dahil nakasuot lamang siya ng roba habang hinihila siya ni Ken palabas ng hotel, o dahil sa nararamdaman niyang matinding galit ni Ken na ngayon niya lang nakita.

“Ken, umayos ka. Ako pa rin ang Tita mo,” nagbabanta ang tinig niya, umaasang makikinig ito sa kanya.

“Then act like one!”

Nakaramdam siya ng matinding kahihiyan sa sinabi nito. Sino nga ba siya para sabihin iyon, gayong mas masahol pa siya sa hayop na pinatulan ang sarili niyang pamangkin?

Nanghina ang mga tuhod ni Fara at nagsimulang manginig ang buo niyang katawan.

Uncontrolled

Prologue CHAPTER 2: A Love Once Innocent