- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
Dalawang magkaibigan ang naglalakad sa gilid ng daan. Natigil ang usapan nila nang may dumaan sa harapan nilang babae — kalahati lang ang katawan.
Hindi maipinta ang kanilang mga mukha habang magkandarapa silang tumakbo palayo. Pakiramdam nila ay nauna pang tumakbo ang kanilang kaluluwa at naiwan ang katawan.
Bumalot ang malamig na hangin sa dibdib nila at pareho silang bumagsak sa lupa, nawalan ng malay.
“Koda, did you see that?” natatawang sabi ni Chiara habang ang itim na usok mula sa kanyang ibabang bahagi ay unti-unting naging mga paa na lumapat sa lupa.
“A demon doesn’t need to scare people just to feed on them,” malamig na sagot ni Koda.
“Ugh, stop. I don’t want to hear your boring lecture again,” inis na balik ni Chiara.
Dalawang mahiwagang nilalang na parang anino sa gabi ang naglakad sa kalsada.
Biglang nakuha ng ingay mula sa isang nightclub ang atensyon ni Chiara.
“Don’t,” mahigpit na babala ni Koda.
Ngunit mapanuksong kinagat ni Chiara ang kanyang ibabang labi, at sa isang iglap, naglaho siya na parang usok.
Napailing si Koda at napabuntong-hininga bago sinundan si Chiara.
Pagtapat niya sa entrance ng nightclub, huli na para pigilan pa ito.
Mula sa labas, rinig ang ingay ng tugtugin at sigawan.
Isa-isang nabasag ang mga ilaw sa paligid ng club hanggang sa nilamon ng dilim ang buong loob.
Patuloy na tumutugtog ang malakas na musika habang ang sigawan ng mga tao ay hindi dala ng kasiyahan kundi ng matinding takot.
Naamoy ni Koda ang dugo — sariwa, mabangis.
Chiara was a demon who could never be satisfied without blood.
She hunted like an ancient beast craving the slaughter of her prey.
Pagkalipas ng ilang minuto, natahimik ang nightclub. Wala nang sigawan.
Ang tanging naiwan ay ang masiglang musika na tila walang kamalay-malay sa nangyari.
Lumabas si Chiara mula sa dilim, nangingibabaw ang kapangyarihan sa katawan.
“This way, I don’t need to feed for a while,” malamig niyang sabi, sabay pitik ng hangin sa likod.
Biglang sumara ang pinto ng nightclub na animo’y may tumulak mula sa loob.
How is he supposed to control this wild demon?
Nagising si Chiara, hindi maramdaman ang presensiya ni Koda sa paligid.
Doon niya lang napagtanto…
She’s alone.
Naglaho ito na parang bula, at sa loob ng maraming taon, naghintay siya.
She waited… and waited…
But he never returned.
Bumalik si Chiara sa kasalukuyan,
“I really hate you. Do I need to be in this mess just for you to show up?” halos pabulong niyang sabi, puno ng sama ng loob.
Ngunit sa di inaasahang sandali, umangat ang kamay ni Koda at hinaplos ang mukha niya.
“Foolish child…”
Namiss niya ang kamay na iyon… ang tinig na iyon.
Idinampi niya ang pisngi sa palad nito, hinahanap ang init na matagal na nawala.
Hindi siya kailanman nabigong payapain ng kamay nito.
Pero ngayon, ramdam niya ang unti-unting pagkawala ng lakas niya habang hinahaplos siya nito.
Nanghihinang bumagsak siya sa mga bisig ni Koda.
Samantala, kay Zane…
Matapos niyang maipadala sa infirmary ang pitong miyembro ng sorority, bumalik siya sa lumang gusali.
Hindi niya makita si Chiara sa klase nito, at ang pakiramdam niya — may nangyaring masama.
May nagsabi sa kanya na nakita si Chiara na hinarang ng mga miyembro ng sorority.
Pumasok siya sa abandonadong laboratory.
Malamig ang hangin sa loob.
Dinama niya ang gilid ng pinto na may malaking crack — marahil gawa ng lakas ng pagsara nito.
Napansin din niya ang mga salaming nagkalat sa sahig, basag.
Imposible, naisip niya. Paano nangyari ang lahat ng iyon, at wala silang maalala?
Base sa reaksyon ng mga babae, alam niyang hindi sila nagsisinungaling.
It frustrates him not to know anything — especially when it comes to her.
He needed to know.
Kinuha niya ang folder na ibinigay sa kanya ni Carl at tinignan ang address ni Chiara.
Pagdating niya sa tirahan nito, isang napakalaking mansion ang sumalubong sa kanya.
Maraming tuyong dahon sa paligid, bakas ng lugar na matagal nang walang nakatira.
Lalo siyang nabahala.
He really doesn’t know anything about her. And it hurts him more than he thought.
Dalawang araw.
Dalawang araw na hindi nagpapakita si Chiara.
Like the wind, she disappeared without a trace.
Nanghihinang ipinikit ni Zane ang mga mata. Hindi siya makatulog, hindi mapakali.
Iniisip niya rin ba ako?
Without a word, she left me.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at tinanaw ang papalubog na araw.
Nasa rooftop siya — sa lugar na madalas tambayan ni Chiara.
Gusto niyang maintindihan kung anong iniisip nito habang nakatayo roon.
Sa tuwing pinagmamasdan niya si Chiara dati, laging may lungkot sa mga mata nito. Parang may tinatagong lihim.
He was lost in the dark…
So dark he couldn’t see anything.
Samantala, sa loob ng Havaianas…
Natagpuan ni Chiara ang sarili sa loob ng kanyang kwarto matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog.
Alam niyang hindi siya nag-iisa sa loob ng madilim na kwarto.
Binuksan ni Koda ang sliding window at hinayaang makapasok ang malamig na liwanag ng buwan.
Dahan-dahang gumapang ang liwanag mula sa wooden floor, paakyat sa malaki at malambot na kama ni Chiara. Sa pagtama ng liwanag sa kanyang katawan, unti-unting bumabalik ang lakas niya.
Tahimik niyang pinagmasdan si Koda na nakasandal sa gilid ng bintana, seryosong pinag-aaralan siya.
“That look…” mahina at sarkastikong sambit ni Chiara, habang sumandal sa headboard ng kama. Nakipagsukatan siya ng tingin dito.
“It’s like you’re telling me… ‘I didn’t raise you to be beaten up by humans.’”
Ginaya niya ang malamig na tinig ni Koda, ‘yung boses na kahit anong delubyo ang dumaan ay nananatiling kalmado at hindi nagpapadala sa emosyon.
“How did you end up reducing yourself to their level?” dugtong pa niya, may halong inis.
“Actually, I was going to praise you,” sagot ni Koda, kaya natigilan siya.
“You managed to control yourself. For that alone, you did great.”
Napatingin si Chiara sa kanya, naguguluhan.
Kahit kailan, hindi niya mabasa ang iniisip ni Koda, pero palagi itong nauuna sa kanya—alam nito ang nasa isip niya bago pa man niya masabi.
He was like a father… and a brother. Her only family in this world.
Siya ang nagpalaki at nagturo kay Chiara ng lahat, at siya rin ang naging mundo nito noon.
Kaya nang iwan siya ni Koda, para siyang batang iniwan sa gitna ng dilim, hindi makabangon sa sarili.
Ngayon, unti-unti na niyang nauunawaan kung bakit ito umalis.
“So… you were watching me, all this time…”
“I’m waiting for you to grow up. So I can take you with me.” Tahimik at mabigat ang boses nito. “But I didn’t know that the only one who could change you was him.”
Napakagat-labi si Chiara.
“I’m not going anywhere with you,” matigas niyang sagot.
Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito, pero nang wala siyang narinig na sagot, napilitan siyang salubungin ang malamig na titig ni Koda.
Nananatili itong nakasandal sa pader — ang unang bagay na nakita niya pagmulat niya.
She felt the need to defend herself.
“He’s mine. I won’t let him go.”
Para na rin niyang sinabing iinumin niya ang lason kahit alam niyang nakakamatay ito.
“I won’t stop you,” sagot ni Koda, tahimik, pero matalim.
“Koda…”
May kaba sa dibdib niya sa hindi nito pagkontra. Noon, kahit simpleng bagay ay tinututulan siya nito. Ngayon, wala man lang pagtutol.
“I promise… I won’t regret this,” mahinang bulong niya.
Ilang araw ang lumipas…
Bumulong ang hangin kay Chiara, dala ang balita ng kanyang hinahanap.
Mula nang markahan siya ni Zane, mas lumalim ang koneksyon nila. Mas lumakas ang pandama niya sa presensya nito.
At ngayon, nakita niya si Zane — naglalakad mag-isa sa isang tahimik na hallway.
Sa simpleng pagtanaw sa likod nito, bumilis ang tibok ng puso niya.
Sinundan niya ang bawat hakbang nito, nakadikit ang mga mata sa bawat galaw.
Her heart longed for him. She missed him—so much it hurt.
Itinaas niya ang kamay, pilit aabutin ito. Pero natigilan siya.
Sa ere, nakita niyang nabalutan ng maitim na anino ang kanyang kamay, kasing itim ng gabi.
Mabilis niyang binawi ang kamay at idinikit sa kanyang dibdib.
Dahan-dahang bumalik sa normal ang kulay ng kanyang balat.
Napapikit siya.
She managed not to kill them…
But she cannot deny the truth — she had taken so many lives before.
She cannot hide the beast inside her.
What am I supposed to do?
Tahimik siyang patuloy na sumunod kay Zane. Hindi nito alam na naroon siya.
She will always love the sound of his footsteps…
His heartbeat…
His lazy eyes…
She loves everything about him.
Am I being greedy?
To hold someone I can’t have?
From the very start, she knew she was never supposed to touch him.
He’s pure. She’s tainted.
Do I really want to stain him with my own hands?
Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ang likod nito habang palayo ng palayo sa kanya.
Maybe if I disappear now… it won’t hurt him that much.
Napahigpit ang hawak niya sa damit sa tapat ng kanyang dibdib.
It hurts…
It’s painful…
Why does it have to be like this?
Napahinto si Zane nang maramdaman niya ang malamig na hangin na dumaan sa likod niya, kasunod noon ang presensya ng isang pamilyar na bisig na mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likuran.
Alam niya agad kung kanino ang mga kamay na iyon — ang mga kamay na matagal niyang hinanap.
She’s back.
Ilang minuto rin silang nanatiling tahimik, hinayaan ang mga pintig ng kanilang puso ang mag-usap.
Sa mga sandaling iyon, naglaho ang lahat ng katanungang kanina pa gumugulo sa isip ni Zane.
Ang katotohanang naroon si Chiara sa tabi niya — sapat na para patahanin ang kanyang pag-aalala.
“You said you wouldn’t let me go… but you’re the one who left me,” mahinang bulong ni Zane, halatang may bigat sa dibdib.
Idiniin ni Chiara ang kanyang noo sa likod nito, at lalong humigpit ang pagkakayakap niya.
“I… am someone who never felt the emotion of fear — until now…”
Dahan-dahang tinanggal ni Zane ang mga kamay na nakapulupot sa kanya at humarap kay Chiara.
Ang misteryosang babae na bumihag sa puso niya, ngayon ay nakatitig sa kanya na para bang siya lang ang mundo nito.
“I should be the one telling you… that I am most afraid of you,” mahina niyang sabi, bago yumuko at dahan-dahang kinulong ang labi ni Chiara sa isang banayad ngunit mariing halik.
Kahit nananatiling misteryo si Chiara, kahit puno ito ng mga lihim, isang bagay ang alam ni Zane — hinding-hindi na niya ito pakakawalan.
Ramdam ni Chiara ang lalim ng kanilang koneksyon.
The kiss was soft, but its effect was overwhelming for them both — like their souls were tied together.
“You asked me what I am,” mahina ngunit matatag na bulong ni Chiara matapos bitiwan ni Zane ang kanyang labi. “Do you want me to show you?”
Hindi na niya gustong itago pa ang totoo. Mas natatakot siyang mabuhay sa kasinungalingan kaysa kamuhian siya nito.
“Show me,” sagot ni Zane habang kinukulong sa mga palad ang mukha ni Chiara at marahang hinalikan ang noo nito.
Ito ang matagal na niyang hinihintay.
“Promise me… you won’t run away,” anas ni Chiara, nanginginig ang tinig.
“You’re the one who ran away,” mahinang ngiti ni Zane.
“Not anymore.”
Marahang ikinawit ni Chiara ang mga braso sa leeg ni Zane at muling kinulong ang mga labi nito sa isang mapusok na halik.
Binalot sila ng malamig na hangin habang dahan-dahan niyang hinihila si Zane papasok sa mundo niya.
Through the kiss, she let him in —
She passed to him her dark past…
All her nightmares, her bloody secrets…
She let him see the monster within her.
The beast she had always tried to hide.
Kinagat niya ang ibabang labi ni Zane, at sa kagat na iyon, pumasok sa isipan nito ang mga alaala niya — mga imahe ng isang nilalang na wala ni katiting na awa, isang halimaw na kumitil ng napakaraming buhay.
Ang lahat ng mga bangungot na patuloy siyang hinahabol.
From the very start, Zane knew Chiara was different.
He always felt like she came from another world — a world far darker than his.
But he never imagined the depth of that truth.
The girl he loves… is a demon.
His lost demon.
Mula sa malayo, isang pares ng malamig na mata ang lihim na nagmamasid sa kanila.
Sa pamamagitan ng isang batang babae, ginamit ni Koda ang koneksyon para bantayan si Chiara.
Nang maputol niya ang koneksyon, nahimatay ang estudyante, hindi na kaya ang lakas na dumaan sa kanya.
Isa lang siya sa maraming kasangkapan na ginamit ni Koda — mga inosenteng tao na kontrolado niya matapos pakainin ng takot at kadiliman.
“You raised your little princess just to be tamed by a human,” malamig na bulong ng sariling inner demon ni Koda, si Dacus.
“Falling in love with that human is poison to her.”
Nabasag ang hawak na kopita ni Koda, tumapon ang pulang alak sa kanyang kamay — waring dugo ang itsura.
Agad namang nagsara ang mga sugat sa palad niya, naghilom na parang walang nangyari.
Tinitigan niya ang mga daliring kanina lang ay sugatan.
“If she can’t protect herself… I will protect her.”

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.