This entry is part 14 of 23 in the series Fearless

Nadaanan ng sasakyan nila ni Koda ang isang malaking simbahan.

Mula sa bintana, nakita nila ang isang bride na bumaba mula sa bridal car — nagliliwanag ang mukha nito na para bang isang bituin, lalo pang pinatingkad ng ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.

“Bakit nagpapakasal ang mga tao?” wala sa loob na tanong ni Chiara habang patuloy na nakatitig sa simbahan, kahit malayo na sila.

“They call it love,” walang emosyon na sagot ni Koda, habang nakatuon ang atensyon sa kalsadang tinatahak nila.

Patuloy ang biyahe nila patungo sa bagong lugar, tulad ng nakasanayan nilang paglipat-lipat para maiwasan ang mga mata ng tao.

“Love…?” Napakunot ang noo ni Chiara, tila banyaga pa rin sa kanya ang salitang iyon.

“I don’t understand.”

Napabuntong-hininga si Koda, saglit siyang tiningnan bago muling ibinalik ang mga mata sa daan.

“If you love someone, you can give up anything for that person… even your life.”

“Why would you give up your life? Only an idiot would do that!” she laughed — a bitter laugh.

Yes. She’s that idiot now.

Flash forward.

“I can’t believe it.”

Ibinaba ni Zane ang mukha niya sa pagitan ng leeg at balikat ni Chiara, na ngayon ay nakaupo habang yakap siya.

Nasa loob sila ng isang saradong library, tago sa mundo, magkasama sa katahimikan.

“My girlfriend is the notorious ghost living in that haunted Havaianas,” mahina pero puno ng ngiti ang boses niya.

Napangiti si Chiara sa narinig.

Pagkatapos ng lahat ng nalaman ni Zane tungkol sa kanya, iyon pa rin ang bumalot sa isip nito?

“Silly,” bulong niya, sabay haplos sa ulo nito, pinaglalaruan ang maitim nitong buhok.

“Have I told you that you’re the best thing that ever happened to me?”

Lalong idiniin ni Zane ang kanyang mukha sa leeg ni Chiara, malalim na nilalanghap ang halimuyak nitong parang bagong pitas na bulaklak.

Napapikit siya sa init ng paghinga ni Zane sa kanyang balat.

He started to feel hot just from her simple touch.

Naramdaman ni Chiara ang pagpipigil ni Zane sa sarili. Alam niyang mahirap para dito ang kontrolin ang atraksiyon nila sa isa’t isa.

They are soulmates — meant to be, but forbidden to stay together.

Is this her punishment?

Napapikit siya, hinalikan ang gilid ng ulo ni Zane, at mahinang bulong:

“I’m sorry…”

Gusto niyang manatili sa tabi nito ng mas matagal. Kung may paraan lang para pahabain pa ang oras na magkasama sila, gagawin niya iyon.

“Why?” mahina pero puno ng tanong ang boses ni Zane.

“There’s a lot of things I wanted to do with you…”

“I feel the same.”

Natawa ito nang mapait, sabay haplos sa baywang niya.

“I didn’t even take you on a proper date. All I do is hide you from everyone and keep you all to myself.”

“You can keep me,” bulong ni Chiara, mahina ngunit totoo.

Humigpit ang pagkakayakap ni Zane sa malambot na katawan niya.

“If you keep telling me things like that, I won’t be able to control myself.”

Ngumiti si Chiara, mahina pero may lungkot.

If this is her punishment, she will gladly accept it.

She was still learning this strange and fragile thing called love.

But with him, she felt complete — for the first time, she felt truly alive.

Student Supreme Office.

Malakas na binagsak ni Blake ang mga papeles sa mesa. Hindi talaga siya sanay sa ganitong klaseng trabaho — puro paper works. Paano ba ako napasok sa student council?

Mas lalo siyang naiinis habang pinapakinggan ang kasama niya, si Axel, na kanina pa buntong-hininga nang buntong-hininga, para bang pasan ang buong mundo.

“I feel so lost… My heart is always searching for her. I feel like— I feel like… Ah, I’m dying. What should I do?” reklamo ni Axel, tila wala sa sariling nagsasalita.

Nayayamot na nilingon siya ni Blake. Hindi na nito kinaya at tumayo, lumapit kay Axel, at walang paalam na hinila ang tenga nito pataas.

“A-ahh! Hey, let me go!” reklamo ni Axel habang namimilipit sa sakit.

Napilitan siyang tumayo at hilahin ang sarili papalapit sa mesa na tambak ng papel.

“Yan ang gawin mo. Hindi na nga nagtatrabaho si Zane, dadagdag ka pa?” iritang sabi ni Blake.

Nakasimangot na umupo si Axel sa harap ng mga papeles.

“Bakit hindi na pumupunta rito ang magaling kong kapatid? At si Ryker? Umiiwas ba siya sa trabaho niya?” reklamo pa nito.

“Wag mo silang igaya sa’yo,” mabilis na balik ni Blake.

“Di hamak naman na mas matino ako sa kanya,” sarkastikong sagot ni Axel.

“Saang parte?” pasinghal na tanong ni Blake.

Bago pa sila tuluyang magbangayan, tumunog ang cellphone ni Blake. Sinagot niya ito at pagkatapos ng ilang saglit ay bumaling kay Axel.

“Pinapatawag kami ni Coach,” aniya.

“Wag mong sabihing iiwan mo sakin lahat ‘to?” hindi makapaniwalang reklamo ni Axel, halos hindi maipinta ang mukha.

“Babalik din ako agad. Kaya wag kang sumubok tumakas,” banta ni Blake bago lumabas ng opisina.

“Huh?!” padabog na binagsak ni Axel ang mga kamay sa lamesa.

Muling napatingin si Axel sa tambak ng papeles, pilit inuunawa ang mga ito. Pero napatigil siya nang biglang bumukas ang nakasarang bintana.

Nahulog ang hawak niyang ballpen nang makita ang misteryosong nilalang na nakatayo sa harapan niya.

Samantala, sa kabilang dako ng school…

Hirap na binitawan ni Zane ang kamay ni Chiara.

Hindi nila namalayan na dalawang subjects na pala ang lumipas — parang nawala sa kanila ang oras.

Nakalimutan niyang isa siyang estudyante, at higit pa roon, siya ang presidente ng student council na dapat ay ehemplo sa lahat.

Pero wala na siyang pakialam.

Ang gusto lang niya ay makasama si Chiara buong araw. Takot siyang mawala na naman ito kapag hindi niya binantayan.

“I don’t wanna go to class,” nakasimangot na reklamo ni Zane.

“You’re still a child,” natatawang sabi ni Chiara.

Napakunot ang noo ni Zane. “And how old do you think you are?”

Napatingin siya sa malayo, alam niyang mali ang tanong, pero huli na.

“You just have to remember… I’m older than your great-great-grandmother,” bulong ni Chiara.

Zane: “………”

Pagkatapos ihatid ni Zane si Chiara sa klase nito — na muling naging sentro ng atensyon ng buong hallway — dumiretso siya sa klase nila.

Sa labas ng classroom, nadatnan niya si Axel na tahimik na naghihintay.

Blangko ang ekspresyon nito, malamig ang tingin — isang bagay na ngayon lang niya nakita dito.

Agad siyang kinabahan.

“What’s wrong?” tanong ni Zane habang lumalapit.

Noon, kahit may problema si Axel, lagi itong palabiro. Pero ngayon, may kakaiba.

“Can we talk?” seryoso ang boses nito — kakaibang Axel.

“Okay.”

Sa loob ng bakanteng science room.

Nakasandal si Axel sa pinto, hindi makatingin kay Zane.

“Hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyo ni Chiara,” diretsong sabi nito.

“Wala akong balak itago,” sagot ni Zane, huminga ng malalim. “Hindi lang ako nakahanap ng tamang pagkakataon.”

Umalis si Axel mula sa pagkakasandal at lumapit sa kanya, mas mapanganib ang kilos kaysa dati.

“Or… dahil makasarili ka? Dahil sarili mo lang iniisip mo?” madiin na sagot ni Axel.

Galit at sakit ang gumuhit sa boses nito.

“Your friend is in love with your girl, and you didn’t say anything.”

Nanigas si Zane.

“Gusto mo bang mangyari sa’kin ang nangyari sa kapatid ko?!” tuloy ni Axel, halatang pinipigilan ang sariling hindi sumigaw.

“I know you’re an asshole, Zane… but I didn’t think you could be this low.”

He is Axel, and at the same time, he is not.

Yan ang pumasok sa isip ni Zane habang tinitigan ang kaibigan.

Kitang-kita niya nang ilabas ni Axel ang isang maliit na glass bottle mula sa bulsa nito.

“I didn’t think I’d use this childish trick,” bulong ni Axel, napapailing habang pinaglalaruan ang maliit na bote.

Bago pa siya makapagsalita, hinampas ni Axel ang bote sa mesa sa tabi nila.

Nabasag iyon sa kamay niya, at ang mga bubog ay bumaon sa balat nito.

Dumugo ang kamay ni Axel, at mabilis na kumalat ang mapulang likido.

“What do you think you’re doing?!” galit na tanong ni Zane habang mabilis na kinuha ang kamay ng kaibigan.

Pero natigilan siya nang malanghap ang matapang na amoy mula sa basag na bote — amoy na pamilyar sa kanya.

Lason.

Ramdam ni Zane ang unti-unting pamamanhid ng kanyang katawan.

Una nang bumagsak si Axel sa sahig, sumunod si Zane, tinatamaan na rin ng epekto ng lason.

Sa kabilang dako…

Biglang natigilan si Chiara sa pagsusulat nang sumikip ang kanyang dibdib.

Zane…

Agad siyang tumayo, hindi na pinansin ang mga matang nakatitig sa kanya habang nasa gitna ng lecture ang guro.

Nagmadali siyang lumabas ng classroom, pinakikiramdaman ang presensya ni Zane.

Pagbukas niya ng pintuan ng science room, napako siya sa kinatatayuan.

Nakita niya sina Zane at Axel — parehong walang malay sa sahig.

Kasabay ng matapang na amoy na bumungad sa kanya, mas lalo siyang kinabahan.

Mabilis siyang lumapit kay Zane, nanginginig ang mga kamay habang dinadama ang dibdib nito.

Wala siyang maramdamang tibok.

It’s poison.

Hindi basta ordinaryong lason — isa sa mga pinaka-mapanganib na klase. Yung uri na hindi mo mararamdaman habang unti-unting pumapatay.

“No… No…”

Mabilis na binasag ni Chiara ang mga bintana gamit ang hangin, para pumasok ang sariwang hangin at palabasin ang nakalalasong singaw sa loob ng kwarto.

Ginamit niya rin ang hangin upang itapon sa labas ang basag na bote ng lason.

“What the hell happened here?!”

Nagulat si Blake pagpasok niya sa kwarto, namutla sa nakita — gulo-gulong kwarto, mga sirang bintana, at dalawang walang malay na kaibigan sa sahig.

Napatingin siya sa babae, si Chiara, na nakatalikod sa kanya pero alam niyang siya ang dahilan ng kakaibang eksena sa harap niya.

Napansin din niya ang kakaibang lamig ng kwarto, parang may bagyong dumaan.

“B-blake…”

Napalingon si Chiara, mariin ang pagkakapikit ng mata, pinakikiramdaman ang lason sa katawan ni Zane.

Napansin niyang lalapit si Blake sa mga kaibigan.

“Don’t move them!” awat ni Chiara, dahilan para mapatigil si Blake.

“Lalong kakalat ang lason sa katawan nila kapag ginagalaw mo sila,” paliwanag niya.

“Lason?!” gulat ni Blake.

Itinaas ni Chiara ang isang kamay, at sa isang iglap, sumara at nag-lock ang pinto ng kwarto.

Lalong nataranta si Blake sa nakita.

She looked dangerously beautiful — but at that moment, all he saw was danger.

“M-miss…”

“I’m sorry, but I need your help,” mahina ngunit matatag na sabi ni Chiara.

It sounded like an order, but her eyes… were begging.

“Please…”

Inabot niya ang kamay ni Blake.

Hindi niya alam kung dahil ba sa desperadong pagtingin ng babae o dahil sa kakaibang aura nito, pero inabot niya ang kamay ni Chiara.

Sa paghawak niya, may malamig na enerhiyang gumapang mula sa palad papunta sa dibdib niya.

Sa isang iglap, bumagsak si Blake sa malalim na pagkakatulog — at sa kanyang isip, sumulpot ang matagal na niyang kinatatakutang alaala.

Samantala, si Zane ay biglang napaubo, hirap huminga, parang may bumabara sa kanyang lalamunan.

Dahan-dahang bumukas ang kanyang nanlalabong mga mata, at sa tabi niya, nakita niya sina Blake at Axel na wala pa ring malay.

“Hey…” mahinang gising niya sa dalawa.

Nanghihina siya, parang pipigilang mawalan ulit ng malay.

Maya-maya, gumalaw si Axel at Blake, dahan-dahang nagkamalay.

“My head hurts… Damn it,” reklamo ni Axel habang pinipisil ang sentido.

Tinitigan siya ni Zane, seryoso.

“What?” nagtatakang balik ni Axel.

Napatingin ito sa paligid.

“What the—”

Gulat na napahawak ito sa kamay na may sugat pa mula sa bubog.

“Hey! How did this happen?” tanong niya, naguguluhan.

Dahan-dahan namang bumangon si Blake, pilit inaalala ang nangyari.

Pero si Axel, halatang wala ni anino ng alaala ng mga huling nangyari.

Lumipat ang tingin ni Zane sa paligid ng kwarto — magulo, basag-basag ang mga gamit at bintana.

Hindi na bago sa kanya ang eksenang iyon — alam niyang may kinalaman si Chiara.

“You invited us to drink here,” mabilis na palusot ni Zane, ayaw ng magtanong pa si Axel.

“I did?” litong sagot ni Axel.

“And how did this place end up like this?” dagdag ni Blake, nangingiti na parang walang nangyari.

Magaan ang pakiramdam ni Blake, kabaliktaran ng dalawa. Marahil dahil na-train na ang katawan niya sa sakit.

“We got high and ended up messing this place,” sabay tayo ni Zane, tinungo ang pinto para siguraduhing nakalock pa rin ang science room.

“Guys… you do realize na marami na tayong nalabag na rules, right?” seryoso niyang sabi, hinarap ang dalawa.

“What? I don’t even remember!” inis ni Axel.

Ito ang unang beses na hindi nila maalala ang nangyari — kahit pa dati, pasaway sila at nag-inom ng palihim, ginagawa nila iyon ng may malay.

Masarap kasi ang bawal.

Pero ngayon… ibang klase ito.

“I don’t even remember bringing alcohol with me,” bulong pa ni Axel, hindi makapaniwala.

“Sa ating tatlo, paanong ikaw lang ang nakakaalala sa nangyari?” tanong ni Blake, hindi maitago ang gulo sa isip.

“Yeah! Why do you remember everything and we can’t even recall a single thing about this?” dagdag ni Axel, halatang inis at litong-lito.

“Dahil mas mataas ang mentality ko sa inyo.” diretsong sagot ni Zane, hindi man lang kumurap.

Blake, Axel: “……….”

Havaianas.

“Why did you have to do that?” puno ng hinanakit na tanong ni Chiara kay Koda pagkapasok na pagkapasok niya sa Havaianas.

“You said you won’t stop me?!”

Sumabay sa galit niya ang matatalim na hangin na dumaan sa tabi ni Koda, hiniwa ang gilid ng pisngi at braso nito — pero agad ding naghilom ang mga sugat, parang walang nangyari.

“I almost lost him, Koda! How could you do this to me?!”

Tahimik si Koda habang pinagmamasdan siya, saka marahang binuksan ang nakasarang palad. Isang maliit na ibon ang lumitaw roon.

Tahimik niyang binuksan ang maliit na cage na nakasabit sa payat na puno sa gilid ng pool, at maingat na ibinalik ang ibon sa loob.

“I just sent him a warning,” malamig na sagot ni Koda.

Napakuyom ng kamao si Chiara.

“Don’t touch him again,” madiin niyang babala.

Koda looked at her, calm but sharp.

“You don’t want me to protect you. Do you still need me?” tanong nito, ngunit nananatiling nakatuon ang mata sa ibon.

“I need you…” mahina ngunit mariing sagot ni Chiara, napapikit siya, pilit nilulunok ang sakit.

“But I love him.”

Napayakap si Chiara sa sarili, at sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang lamig na hindi niya kailanman naranasan noon.

“The Chiara I know doesn’t even know the meaning of love,” malamig na balik ni Koda.

Pero agad din siyang natahimik nang makita ang itim na markang kumakalat sa balat ni Chiara — mga markang agad ding nawawala, parang apoy na pinipilit palamigin.

“When you left me…” mahina ngunit matatag na simula ni Chiara. “I learned a lot of things.”

Napakagat siya sa ibabang labi bago muling nagsalita, pinipigil ang mga luhang gustong kumawala.

“I learned to be sad and empty.  Araw at gabi, pakiramdam ko unti-unti akong nawawala.” Bahagya siyang napailing, pilit pinapakalma ang sarili.  “Walang kahit sino sa tabi ko. Natakot akong mapag-isa, kaya pilit akong humanap ng makakasama.”

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.

“Doon ako natutong makipagkaibigan sa mga tao. Pero kahit anong pilit ko, hindi sila nagtatagal. Lahat sila… umaalis. Tumatanda. Namatay.”

Huminga siya nang malalim, pilit hinahabol ang sariling damdamin.

“Doon ko natutunan kung gaano kasakit… kapag may isang taong mahalaga sa’yo ang bigla na lang mawawala. At hindi na babalik kahit anong gawin mo. Masakit. Masakit na masakit na mas pinili ko na lang muling mapag-isa.” 

Huminga siyang muli, mas malalim, pilit hinahabol ang sariling damdamin na tila lalabas na lang sa bawat paghinga.

“Pero dumating siya…” Mahina ang boses niya, halos pabulong.

“Everything changed. I don’t care if I get hurt. I don’t care if I would give up my life loving him. I don’t care…”

Bumagsak ang kanyang mga balikat, parang nabunutan ng lakas.

“Ito ang mga bagay na hindi mo itinuro sa akin, Koda.” Dahan-dahang tumulo ang luha sa mga mata niya. “Gusto mo akong magbago? Gusto mong matuto ako? Ito ang kailangan ko para magbago.”

Nanatiling tahimik si Koda, ngunit mabigat ang hangin sa pagitan nila.

“I should’ve never left you…” bulong nito, at sa isang iglap, nasa harap na siya ni Chiara, marahang hinahaplos ang kanyang mahahabang buhok.

“This is all my fault.”

“I won’t leave you again… I will always stay with you… You will never be alone again.”

Napapikit si Chiara sa haplos nito.

“If you said these words to me years ago… I would’ve followed you,” mahina niyang bulong. “But Koda, I’m not a child anymore—”

Tinakpan ni Koda ang labi niya ng isang daliri.

“So you would rather die for him… than be with me?”

Sa unang pagkakataon, nakita ni Chiara ang isang emosyon sa mga mata ni Koda na noon pa man ay wala siyang naramdaman — isang pagkalagot ng bigat, ng pagkaputol ng kontrol.

Tahimik siyang niyakap ni Koda, mahigpit na parang ayaw na siyang pakawalan.

Unti-unti, naramdaman ni Chiara ang yelong bumabalot sa kanya na unti-unting natutunaw sa init ng bisig nito.

Hindi niya inaasahan na darating ang araw na haharap siya sa pinakamahirap na tanong ng buhay niya:

Pipiliin ba niya ang pag-ibig na alam niyang ikamamatay niya?

O ang tanging nilalang na nag-alaga at nagturo sa kanya ng lahat ng alam niya?

Hindi niya alam ang sagot.

Fearless

Chapter 12: The Demon I Love Chapter 14: A Love That Kills