This entry is part 15 of 20 in the series Rebellious Wife

Tuluyang sinira ni Sin ang kanyang black dress. Kasunod nito, hinubad niya iyon mula sa kanyang katawan. Damn it! This dress was one of her favorites. Binalot niya ang katawan ng kumot. Gusto niyang magmura muli dahil hindi niya mabuksan ang pinto. Ikinulong siya ni Seth sa kwarto nito. Hinubad niya ang natitirang saplot sa katawan dahil tila uminit ang pakiramdam niya. Dumiretso siya sa shower room at binabad ang sarili sa malamig na tubig na bumabagsak ngayon sa kanyang buong katawan. Piliting kumalma ang kanyang iniisip dahil tila nagwawala ang bawat ugat sa katawan niya.

Nagawa niya itong saktan, subalit wala siyang maramdamang tuwa sa puso niya. Nakita niya ang sakit na naipinta niya sa mga mata nito. Dapat natutuwa siya sa nangyari, dahil nasaktan niya ito tulad ng gusto niyang iparamdam dito, ngunit wala siyang maramdaman na tuwa sa dibdib niya. Gusto niyang magalit sa sarili kung bakit nagkakaganito siya. Si Seth ang dahilan kung bakit nagdurusa si Bryan sa mga huling sandali nito. Nabunggo ang sasakyan ng pinsan niya at walang nagawa ang mga doctor para isalba ito. Hindi na naabutan ni Uncle Sutto  na buhay si Bryan sa hospital dahil dumalo ito sa award celebration ni Seth. Simula ng dumating si Seth, lagi na itong naging priority ng mag-asawa. At siya lagi ang dumadamay kay Bryan sa tuwing naglalabas ito ng sama ng loob sa kanya. Si Seth ang dahilan kung bakit laging nasasaktan ang mahal niya, maging hanggang sa huling hininga nito. At hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lang kalalim ang galit niya dito. Nang panahong nagdurusa siya sa pagkawala ni Bryan, ginamit ni Seth ang pagkakataong iyon noong siya’y mahina at wala sa sarili. Pinagsamantalahan nito ang sugat na nararamdaman niya.

Pero bakit hindi siya natutuwa sa nakita niyang sakit sa mga mata ni Seth? Hindi ba’t ito ang gusto niyang mangyari? Ang saktan at pahirapan ito? It was all his fault! All of it! But fuck it! Why is she having a second thought about this? Nasambunutan ni Sin ang sarili sa tindi ng emosyon.

“You can’t blame everything on me.”

Was she really trying to blame everything on him? Nagkamali ba siya? Napapikit siya ng mariin, tila naguguluhan. Sinuot ni Sin ang unang roba na kanyang nakita paglabas niya ng shower. Muling binalikan niya ang pinto ngunit nanatili itong nakasarado. Pilit na kinalma niya ang sarili at pigilang sipain ang pinto. Binuksan niya ang napakalaking tokador ni Seth at kumuha ng boxer shorts at v-neck shirt nito.

Umupo siya sa tapat ng malaking table nito at isa-isang sinuri ang mga gamit ng asawa niya. Oo, asawa niya ngunit di iyon tanggap ng isip at puso ni Sin. May sarili itong opisina sa loob ng kwarto nito. Nagtataka siya kung paano pa ito nakakahanap ng oras para matulog gayong inuuwi nito sa bahay ang trabaho. Napailing siya. Isang brown na box ang umagaw ng kanyang atensiyon. Parang hindi nababagay ang box sa mga gamit na naroon—nakalagay pa ito sa lugar na madaling makita. Wala sa loob na kinuha ni Sin ang box at kampanteng umupo sa upuan ni Seth. Binuksan niya ang maliit na kahon, at hindi niya inaasahan ang laman nito. Mga larawan niya ang sumalubong sa kanya. Iba’t ibang kuha ng kanyang mga larawan mula nitong nakaraang taon. Kung saan ang iba ay kasama niya pa ang kanyang mga ex at mga kaibigan niya. Bakit may mga nakaw na kuha ng larawan niya si Seth? Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensiyon ay ang mga larawan nila noong bata pa sila. May mga koleksiyon ito ng kanyang mga litrato noong bata pa siya—mga litratong matagal nang nawala sa kanya.

“He’s so stupid.” Both of them… Siya para kay Bryan, at ito para sa kanya. How could she blame him for falling for her, kung siya mismo walang mahanap na dahilan kung bakit niya minahal si Bryan? Pinaglalaruan sila ng tadhana. Matagal siyang nakatingin sa kawalan bago unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat. Matagal na niyang alam na may pagtingin sa kanya si Seth, but she ignored it. Dahil nakatuon ang buong atensiyon niya kay Bryan. Tanging ito lamang ang nakikita niya, at magpahanggang ngayon ay ito lamang ang umuokupa sa puso niya.

Tama si Seth, hindi niya pwedeng isisi ang lahat dito. Naging makasarili siya. Totoong si Seth ang dahilan kung bakit ilang beses na nasaktan si Bryan noong nabubuhay pa ito, ngunit hindi niya rin pwedeng kalimutan na hindi kasalanan ni Seth kung bakit napunta dito ang lahat ng atensiyon ng magulang ni Bryan. He was just trying to be a good son. Nakikita niyang gusto nitong ibigay ang lahat para sa dalawang taong kumupkop at nag-alaga dito. Ngunit naging sarado ang kanyang puso at isip para dito dahil si Bryan lamang ang mahalaga sa kanya. Maging ang mga mata nitong laging nakabantay sa kanya ay ni minsan ay di niya tinapunan ng tingin. At dahil wala siyang ibang masisi at mapagbuntunan ng galit, dito niya ibinuhos ang lahat. Ang nangyari sa kanila ay alam niyang pareho nilang kasalanan, ngunit ginamit niya iyon upang lalong ibunton ang lahat ng sama ng loob niya kay Seth at galit niya sa mundo dahil hindi niya nakuha ang gusto niya—ang pangarap niya… she’s like an idiot who could not get over him.

Ibinalik niya ang box sa dati nitong kinalalagyan. She cannot take this. She can’t pretend she like Seth out of pity. He doesn’t deserve it. He deserves someone better. Someone who is not her. Ang kailangan nito ay ang taong magmamahal ng totoo sa kanya, hindi siya sasaktan. Kailangan nito ang isang babaeng magpapangiti dito at papawi sa lahat ng sakit na ipinaramdam niya dito. Iyon ang gusto niyang mangyari para kay Seth. Ngunit bakit may parte niya ang tumututol na mapunta ito sa iba? Pilit na iniwasan ni Sin ang pakiramdam na iyon. Napailing siya, at doon biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Nakita niyang pumasok ang isang katulong, ngunit napatayo siya nang makita ang pangalawang taong pumasok na kasunod nito.




Rebellious Wife

CHAPTER 13: Shattered Boundaries CHAPTER 15: The Apology