- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
Umuulan.
Dahan-dahang inilabas ni Chiara ang isang kamay sa nakabukas na bintana ng sasakyan at sinalo ang malamig na patak ng ulan.
Magkasama silang bumabalik ni Koda sa pinakamadilim na bahagi ng mundo, isang lugar na hindi nararating ng araw, kung saan laging gabi at nananatiling buhay ang mga anino.
Hindi niya lubos na maalala ang lahat tungkol sa kanyang nakaraan, noong bata pa siya at naninirahan sa mundo ng mga kalahi niya. Ang tanging malinaw sa kanya ay may pamilya siya noon, magaganda at malalakas, mga nilalang na tila hindi kayang talunin ninuman.
Pero sa tuwing pilit niyang inaalala ang mga ito, pawang dugo at kamatayan ang sumasalubong sa kanyang alaala. Siguro, ito ang dahilan kung bakit hindi niya maibalik ang buong alaala niya. Siguro, mas pinipili ng isip niya na kalimutan ito kaysa harapin ang sakit.
Tahimik ang biyahe, tanging patak ng ulan at tunog ng makina ang naririnig. Pero sa dami ng tanong sa isip ni Chiara, hindi niya mapigilang basagin ang katahimikan.
“Lagi akong nagtatanong sa’yo tungkol sa mundi natin, pero palagi mong sinasabi sa aking hindi pa ito ang tamang panahon para ako’y bumalik.
Ano’ng nagbago, Koda?”
Tiningnan niya si Koda, naghahanap ng kasagutan sa malamig nitong mga mata.
“Because it’s now safe for you to come home, and I also think that you are ready.”
“Hm.” Sinara niya ang bintana ng sasakyan at hinarap si Koda na nagmamaneho. “I still don’t get why I entered that school and let those humans beat me.” Hindi galit ang kanyang nararamdaman sa tuwing naaalala niya iyon, kundi pagtataka. Nahihiwagaan siya kung anong nagtulak sa kanyang gawin ang mga bagay na iyon. Parang nawala siya sa sarili at hindi siya ang nakikita niya sa mga alaalang iyon.
“Maybe you’re testing yourself if you can control your emotions.”
“Still—”
“Chiara, babalik na tayo sa mundo natin, kung saan tayo nararapat. I want you to forget everything that happened here.”
“Kahit sabihin mo ‘yan, halos isang libong taon ng buhay ko ang ginugol ko rito. Ang mundong tinatawag mong tahanan ko ay mas parang isang estranghero para sa akin.”
Napapikit siya at isinandal ang ulo sa sandalan. Bakit parang may pumipigil sa kanya na umalis at iwanan ang lugar na ito? Sa tuwing naglalaho si Koda patungo sa madilim na mundo, palagi niyang gustong sumama. Ngunit ngayong dumating na ang oras, nag-aalinlangan siya. Bakit?
“Dahilan kung bakit kailangan na nating bumalik. Hindi tayo nababagay dito.”
Binilisan ni Koda ang pagpapatakbo ng sasakyan nang unti-unti nang tumila ang ulan. Isang napakahabang daan na waring walang katapusan ang kanilang tinatahak.
Tatlong buwan ang lumipas…
“Where the hell is that guy?” Si Ryker, na paroo’t parito sa harap nina Axel at Blake na naglalaro ng chess.
“Rooftop,” sagot ni Axel na napapakamot habang nagpaplano ng next move niya.
“Library,” dagdag ni Blake na napangisi dahil kinagat ni Axel ang trap niya.
“Wala sana ako ngayon dito kung nahanap ko siya sa mga lugar na ‘yan.” Ginulo ni Ryker ang board na nilalaro ng dalawa. “And both of you are not helping!”
“What is your problem?” nayayamot na tanong ni Axel.
Simula nang maospital si Zane tatlong buwan na ang nakakalipas, binilinan sila ng mommy nito na huwag babanggitin ang lahat ng tungkol kay Chiara, maging pangalan nito. And Zane always pretends that he didn’t know her. Minsan, gusto nilang maniwala na hindi talaga nito maalala si Chiara, ngunit may mga bagay na ginagawa ito na hindi nakakaligtas sa kanila. Lagi itong nakatayo sa dulo ng rooftop na parang may hinihintay. He’s not sleeping like he always did before, but he’s standing there, waiting.
Maging siya ay nabigla sa pagkawala ni Chiara. Damn, she’s his first love, of course he feels shit about it. Ngunit hindi niya akalaing mas malaki ang epekto nito kay Zane. He even wants to forget about her. How cruel. Hindi niya ito masisi, dahil hindi nila alam kung anong dahilan ng biglang pagkawala ni Chiara.
Ngunit nagkaroon na sila ng ideya nang ikwento sa kanila ni Blake ang nangyari kay Zane noong birthday nito. Poor Zane — he lost the girl on his birthday. Kaya naman heto sila ngayon, sumasalo sa iniwan nito.
“Are you really asking me that question?” si Ryker na winagayway sa mukha nila ang mga hawak nitong papers sa kamay. “Nahawaan na ba kayo ng Zane syndrome? Sunod-sunod ang meeting natin with the faculties and administrations dahil sa darating na mga activities and events, and you two still got time playing around?” nangigigil na sermon ni Ryker sa dalawa.
“That’s why I’m here to help you guys.”
Sabay na napatingin ang tatlo kay Kriss na kakapasok lang sa SC Office.
“Oh my pretty beautiful sister! Mabuti na lang dumating ka kundi kakainin kami ng buhay ni Ryker,” sumbong ni Axel sa kapatid.
Napatikhim naman si Ryker at inayos ang sarili. Agad na kumalma ito na ikinangisi nina Blake at Axel. Natagpuan nila ang kahinaan nito.
“Kriss, you don’t have—”
“I want to. Ayaw kong may malate sa date ko mamaya.” Kinindatan nito si Ryker at umupo sa long table kung saan naroon ang mga nakakalat na papers. “So? What are we waiting for?”
Napalitan ng ngiti ang kanina’y galit sa mga mata ni Ryker at tinabihan si Kriss. Nagpalitan ng makahulugang tinginan ang mga ito at tila nakalimutan na ang dalawa.
Finally, sumuko na rin ang kapatid niya kay Zane at lumipat ang atensyon nito kay Ryker na hindi sumuko dito.
Samantala…
Maririnig ang ingay ng dulo ng lapis ni Zane sa sketchbook na hawak niya. Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanyang kunin ang lapis at isa sa mga sketchbook niya na matagal na niyang hindi ginagamit para iguhit ang imaheng lumilitaw sa isip niya. Pakiramdam niya ay bigla iyong maglalaho kung hindi niya iyon iguguhit sa papel.
Nabitawan niya ang lapis na hawak nang makita kung ano ang ginuhit niya.
“What?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. “Ah, no, this is impossible.”
Binitawan niya ang sketchbook sa gilid ng kama niya. What is wrong with him? He’s stuck into something he didn’t know. Nasambunutan niya ang buhok at muling kinuha ang sketchbook na binagsak niya sa sahig.
Mystery and beauty — iyon ang nakikita niya sa larawang ginuhit niya. Hindi man kumpleto ang mukha nito at mata lang ang naiguhit niya, alam niyang napakaganda nito. But why is he so sure about it?
Kung pilitin niya ang sariling maalala ang kanyang mga naging panaginip nitong mga nakaraang gabi, parang bulang nabubura ito sa isip niya, na parang may pumipigil sa kanyang maalala iyon.
Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa Mommy niya na nagpe-prepare ng dinner nila sa dining table.
“Mom?”
“Yes, darling?” Nakangiting lumapit ito sa kanya.
“Nang magising ako sa hospital, you mentioned a girl to me. Her name is Chiara, right?”
Biglang natigilan ang Mommy niya.
“Ah, w-why are you asking me about her, son?” Hindi masalubong ng Mommy niya ang kanyang tingin, halatang umiiwas at pilit na inaabala ang sarili sa paglalagay ng pinggan sa table.
Hindi niya nagawang mag-usisa noon dahil hindi na nabanggit muli ng Mommy niya ang pangalan nito sa kanya. Maging ang kanyang mga kaibigan ay nanahimik din. Nakalimutan niya na ring ungkatin ang tungkol sa bagay na iyon.
Ngunit nitong mga nakaraang gabi, nagkakaroon siya ng mga kakaibang panaginip. In his dream, he heard a sweet voice, he saw a pair of beautiful eyes. It was weird, but he felt warm.
“Mom, you told me that I always mentioned her to you, but how come I don’t remember her?”
Napabuntong-hininga ang Mommy niya, na parang sumuko na sa pagtatago nito sa kanya. Saka nito sinalubong ang tingin niya.
“Come here,” tawag nito sa kanya at pinaupo siya sa bakanteng upuan. Sabay silang umupo at kinuha nito ang kamay niya.
“I don’t want to see you in pain again. Kaya tinago namin ito sa’yo. Dahil hindi mo kinaya ang pagkalayo ninyo, nakalimutan mo ang lahat ng tungkol sa kanya. Iyon ang sabi ng doktor.”
“Why?”
“She’s gone…”
“Gone? B-but how?”
“Blake said that you’re crying on your birthday because you lost her.”
I cried? I lost her? “Mom—”
“You love her,” putol ng Mommy niya na parang nabasa ang iniisip niya. “You love her so much.”
May namumuong luha sa mga mata ng Mommy niya. Niyakap siya nito.
“I’m so sorry, son. Akala ko dumating na ang araw na magkakaroon ng kulay ang mga mata mo, hindi ko akalaing babawiin din ito sa’yo.”
Did he just forget someone he shouldn’t?
Samantala, sa kabilang dako…
“I love you, Chiara.”
“I love you damn much.”
Bumukas ang mga mata ni Chiara nang magising siya sa isang panaginip.
Someone is hugging her so tight like he’s afraid to let her go and saying sweet things to her.
Napahawak siya sa gilid ng kanyang pisngi at natagpuan niyang basa iyon ng mga luha.
“Not again.”
Bumangon siya at iniwan ang kama.
Tuwing gabi ay nagigising siyang umiiyak sa di niya malamang dahilan. Hindi niya maintindihan kung anong nagpapahirap sa dibdib niya.
Binuksan niya ang malaking pinto ng kanyang kwarto at huminga ng maluwag.
Sinalubong siya ng dalawang matangkad na lalaki. Ito ang mga itinalagang bantay ni Koda sa kanya.
“I want to be alone. Don’t follow me,” malamig na utos niya.
“Mahigpit po ang bilin sa aming bantayan kayo—”
Dumaan ang matalim na hangin sa mga ito, dahilan upang madurog ang malaking painting at mga gamit sa likod ng dalawa.
Hindi man nadaplisan ng kahit isang sugat ang mga ito, makikita ang pamumutla nila.
“Do I look like I need your protection?”
“No, but you are out of control.”
Dumating si Sena, ang kanang kamay ni Koda.
Sinenyasan nitong umalis ang dalawang bantay niya na agad namang sinunod ng dalawa.
“You hurt Galber,” tukoy nito sa isa sa mga miyembro ng konseho na nagpakita ng interes sa kanya.
Hindi siya nagdalawang-isip na saktan ito nang tangkain siya nitong halikan.
“So what? He deserves it.”
“Can’t you see that it’s a trap? Binigyan mo ng dahilan ang konseho para mahanapan ng kahinaan si Koda. Alam mo ba ang pinagdaanan niya para lamang maibalik ka?”
“It’s my mistake, not yours, so shut your fucking mouth.”
Tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa malaking hallway ng mansion bago niya maibaling dito ang emosyong nabubuhay sa dibdib niya.
Hindi niya malaman kung bakit may bumabagabag sa kanya, dahilan para hindi niya makontrol ang temper niya.
Hinarang siya ni Sena.
“I won’t let you ruin him—”
“Shut. Up.”
Binalibag niya ang katawan nito gamit ang makapal na hangin.
Agad na tumayo ito para atakihin siya ngunit nahuli niya ang kamay nito at hinampas sa malaking salamin na nakakabit sa dingding.
Gumawa iyon ng malaking ingay.
Bumalik ang dalawang bantay upang tingnan sila.
Pagkapahiya ang bumakas sa mukha ni Sena.
Nirerespeto siya ng lahat dahil sa mataas nitong posisyon at dahil isa ito sa kinikilalang malakas na alagad ni Koda, ngunit pagdating kay Chiara ay para lang siyang bata sa mga kamay nito.
Hindi pa man niya nailalabas ang kapangyarihan niya ay napabagsak na siya nito.
Hindi niya inaasahang mas mabilis ito sa kanya at alam nitong kontrolin ang kapangyarihan nito kahit sa labas ito ng mundo nila lumaki.
She really can’t deny that this demon is a pure blood. A royal.
“Chiara.”
Dumating si Koda at pumagitna sa kanila.
“Go back to your room.”
Nagbabanta ang tinig nito.
Hindi na hinintay ni Chiara na ulitin pa ito kaya blangko ang ekspresyong bumalik siya sa kwarto niya.
Tinulak naman ni Sena ang dalawang bantay na gustong umalalay sa kanya.
Yumuko siya kay Koda tulad ng ginawa ng dalawa.
“What did you do?”
“She’s out of control.”
Hinarap ito ni Koda, nagulat siya sa malamig na tingin ni Koda sa kanya.
“I sent you here to protect her, not to hurt her,” madiing wika nito sa huli.
“She doesn’t need my protection. Look what she did to me.”
Isang malakas na sampal ang natanggap niya.
“You should respect her. Next time, I won’t stop her from killing you.”
Iniwan ni Koda si Sena na natitigilan.
Samantala, sa loob ng kwarto ni Chiara…
Hindi na kumatok si Koda nang pinasok ito ng kwarto ni Chiara.
“What’s wrong with me? Why can’t I—why—”
Napahawak si Chiara sa kanyang noo habang paikot-ikot sa living room ng kwarto.
Nilapitan ito ni Koda at hinawakan sa magkabilang siko para huminto ito.
“Nagkakaganito ka dahil naninibago ka sa bago mong mundo,” paliwanag ni Koda.
“Why are you not mad at me? She’s right. I only make things hard for you.”
Inside of her, she feels like there is something missing. Was it just a dream?
“You’re the reason why I’m here. Why would I be mad at you?”
Bumalik ang atensyon niya kay Koda.
“I don’t know, it’s just—I keep having this dream and I—I know…”
Sinalubong ni Chiara ang tingin ni Koda.
“It’s not you.”
“It’s just a dream.”
“Yeah, but it’s making me crazy! Waking up in the middle of the night for no reason—”
Huminto siya nang mapansin niyang nagbago ang emosyon ni Koda.
“I’m sorry…”
Lalo itong lumapit sa kanya at hindi siya binitiwan.
Koda and her are sharing a special bond.
Getting intimate with another guy in a dream is very unfaithful of her.
“I’m dreaming of something I shouldn’t. Even if it’s just a dream, I should not be thinking that way.”
“Then I will make you think only of me and no one else.”
Unti-unti itong yumuko upang tawirin ang pagitan nila.
Pumikit siya habang hinihintay ito.
“Chiara…”
Again, this voice…
“Do you like me?”
Imahinasyon lang ba niya ito? Ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?
“…You being by my side is my biggest gift…”
Umiwas siya bago lumapat ang labi sa kanya ni Koda.
Napahawak siya sa kanyang dibdib at nagtatanong ang mga matang tinitigan niya si Koda.
This… isn’t a dream…

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.