- Dangerous Thirst
- DT | Prologue
- DT | Chapter 1: Eighteen Again
- DT | Chapter 2: Desperate Measures
- DT | Chapter 3: Bargain for Freedom
- DT | Chapter 4: Syven’s Warning Visit
- DT | Chapter 5: Changing Fate
- DT | Chapter 6: Second Chance
- DT | Chapter 7: Losers but Loyal
- DT | Chapter 8: Claiming his Heart
- DT | Chapter 9: The Clash
- DT | Chapter 10: Unspoken Tensions
- DT | Chapter 11: A Life for Another
- DT | Chapter 12: A Promise Remembered
- DT | Chapter 13: Finding Light In The Darkness
- DT | Chapter 14: A Night With Him
- DT | Chapter 15: Unspoken Yearning
- DT | Chapter 16: Silent Confession
- DT | Chapter 17: Tension and Temptation
- DT | Chapter 18: Drown in Pleasure
- DT | Chapter 19: The Guilt Between Us
- DT | Chapter 20: When Distance Fails
Nagising ang kamalayan ni Syven sa magaang haplos sa kanyang likod. Nais niyang isipin na bangungot lamang ang nangyari kagabi, ngunit ang pagdampi-dampi ng halik sa likod ng kanyang leeg ang pumawi sa anumang pag-asa na mayroon siya.
Saglit siyang pumikit, pilit na isinasantabi ang katotohanang hindi iyon panaginip.
Hindi pa siya handang harapin si Bryant kaya pinanindigan ni Syven na hindi magising mula sa kanyang pagkakadapa sa malambot na kama. Nawalan na siya ng malay sa gitna ng kapusukan nila kaya wala na siyang alaala pagkatapos.
Mas pinili niyang manatiling nakapikit, umaasang tatantanan na siya nito.
Hindi niya gustong isipin na patuloy siya nitong pinagsamantalahan kahit wala na siyang malay. Subalit hindi iyon malabong mangyari, gayong ang kamay ni Bryant ay patuloy na gumagapang pababa sa kanyang likod…
Napakagat siya sa labi, pinipigilan ang sarili, hanggang sa tuluyan siyang mapilitang magsalita.
“…Hindi mo ba ako titigilan?!” Namamaos ang tinig na nagmulat si Syven at hinarap ito.
Sinugod ni Bryant ng halik ang labi niya. Bago pa siya magprotesta ay mabilis itong umatras habang nakaangat ang dalawang kamay na tila sumusuko. Subalit hindi nakaligtas kay Syven ang naglalarong ngiti sa gilid ng labi nito.
“Tanghali na, pero tulog ka pa. Nag-aalala ako na hindi ka na magising.”
“Sa palagay mo, sino ang may kasalanan?”
“Gutom ka na ba? O gusto mo munang mag-shower? Pero baka di mo kaya, gusto mong tulungan kita?”
Hinablot ni Syven ang unan sa tabi niya bago ibinato ito. Hindi ito umiwas, sa halip ay sinalo nito ang malambot na unan.
“Stop acting cute to me or I’ll—.”
“Fuck off!”
Natatawang napailing si Bryant. “Hihintayin kita sa dining table.”
“Urgh…” Sumusukong isinubsob ni Syven ang mukha sa malambot na unan.
Nanatili siyang nakapikit, ngunit hindi na niya mapigilan ang mga alaalang dumadaloy sa kanyang isipan.
Kahit umalis na si Bryant, nararamdaman niya pa rin ang natitirang epekto ng matagal na pananatili nito sa kanya. Ramdam pa rin ni Syven ang bahagyang pagkalat ng sensasyon sa kanyang kalooban dahil sa malalalim na pagbaon ng haba nito sa kanya.
Napabuntong-hininga siya, punong-puno ng pagkalito.
“Did I really come back just to get screwed by him?”
Paglabas ni Syven ng kuwarto pagkatapos niyang mag-shower ay naabutan niya si Bryant na naghahanda ng pagkain sa dining table.
“Hanggang ngayon ba ay tinatanggap mo lang kung anong hinahanda sa’yo?” komento ni Bryant nang makita niya ang mga pagkaing hinanda ng hotel. Karamihan sa mga ito ay pagkaing iniiwasan ni Syven, kaya nagpahanda siya ng mga pagkaing alam niyang paborito nito.
Napako ang tingin ni Syven sa hapag. Saglit siyang natahimik.
Bumalik ang Bryant na nakilala niya, ang Bryant na laging nakatuon ang atensyon sa kanya. Na kahit maliliit na bagay ay nagiging espesyal pagdating dito. Pagkatapos ng nangyari sa kanila, hindi siya maaaring maging manhid.
Mapanganib para kay Bryant ang nararamdaman nito para sa kanya. Ang damdamin nito ang naging dahilan kung bakit mas pinili nitong mamatay sa lugar niya. Malaki ang posibilidad na maulit ang nangyari. Ngunit kung mawawala ang nararamdaman sa kanya ni Bryant, marahil hindi na nito ipapahamak ang sarili upang iligtas siya.
“This is good. I don’t mind you doing this for me,” sabi ni Syven na umupo upang tikman ang hinanda nito. “But don’t forget that I’m still dating Ellis.”
“You’re still dating her pagkatapos ng nangyari sa’tin?”
“Ginawa mo ang bagay na iyon kahit na alam mong girlfriend ko ang pinsan mo. Sa tingin mo ay hihiwalayan ko siya dahil lang may nangyari sa ating dalawa? Well, it’s just sex. I wouldn’t mind doing it again with you.”
Tiningnan niya ito nang diretso, walang kahit anong emosyon sa tinig.
Piniga ni Syven ang anumang pangil na bumabaon sa kanya nang makita niya ang pagbabago ng tingin ni Bryant.
“Why are you looking at me like that? I’ve changed, Bryant. I’m not the same Syven you once knew. If you can betray Ellis by sleeping with me, I wouldn’t mind going along with you.”
He’d gradually help him realize that he’s not worth risking his life for.
Kung ito ang paraan upang kusa itong lumayo sa kanya, kailangan niya itong panindigan. Hindi siya bumalik upang muling sirain ang buhay ni Bryant.
Ngunit isang matalim na ingay ang sumabog sa pagitan nila.
Bumagsak ang plato sa sahig na gumawa ng nagbabantang panganib.
“B-Bryant?” Napatayo si Syven mula sa upuan nang hilahin siya ni Bryant at itulak sa dining table.
“You don’t mind me doing this to you?”
Ang mababang tinig nito na may bahid ng galit ay nagpatindig ng kanyang balahibo.
Napatitig siya rito, tila binabalatan siya nito ng buhay habang unti-unting hinuhubad ang kanyang suot.
“You act like this means nothing to you, so don’t blame me for being rough.”
Ito ang isang bagay na nakalimutan ni Syven tungkol kay Bryant. Aalagaan at poprotektahan siya nito sa anumang paraan, ngunit sa sandaling may ginawa siyang mali dito, ito mismo ang magbibigay ng parusa sa kanya.
Naramdaman niyang unti-unting nawawala ang kanyang lakas.
Walang nagawa si Syven nang tuluyan siya nitong hubaran, bakas sa katawan niya ang mga naiwang marka ng kanilang kapusukan kagabi. Sumikip ang lagusan ni Syven nang maramdaman niya ang tigas ng haba ni Bryant na bumubungo sa kanya, sa kabila ng damit nitong nakaharang sa pagitan ng kanilang balat.
Bumabalik sa kanya kung paano siya nito ipinako ng buong magdamag.
Ngunit sa pagitan ng mga paghinga nila, isang bagay ang napansin ni Bryant.
Tumigil si Bryant nang makita ang pamumutla at panginginig ni Syven.
“…This is stupid…” mahinang bulong ni Syven, halos hindi marinig ngunit puno ng pagkainis sa sarili. Parang napalibutan siya ng bigat na hindi niya alam kung saan nanggaling, ni hindi niya alam kung paano makatakas.
Ni minsan sa buong buhay ni Syven ay hindi siya nakaramdam ng ganitong kahihiyan. Ngunit sa mga kamay ni Bryant ay ilang beses nito iyong ipinaramdam sa kanya. His proud and rebellious self could not accept this.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa balikat ni Bryant, marahas at puno ng hinanakit.
“Let go of me!”
Ngunit hindi siya binitiwan ni Bryant. Sa halip, sunod-sunod itong nagsabi ng, “I’m sorry… I’m sorry… I’m really sorry,” mahina pero tuloy-tuloy, tila sinusuyo siya ng marahang tinig nito habang mahigpit pa rin siyang hawak.
“Are you getting back at me?!” sigaw ni Syven, galit at nalilito ang timpla ng boses niya.
“I’ll do whatever you want… just don’t fucking leave me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iiwan mo ako ulit,” pabulong na sagot ni Bryant, may hapdi ang tinig.
Napapikit si Syven. Parang may humawak sa lalamunan niya, pinipigilan siyang huminga.
Nakatingin siya kay Bryant habang naaalala ang sarili na nalulong sa masalimuot na mga bangungot dahil sa pagkamatay nito. Gusto niyang itulak ito, murahin, takasan.
Pero nanatili siya—galit, litong-lito, at tinatabunan ng damdaming pilit niyang nililibing.
Bumalik siya para kay Bryant, kung ito man ang kabayaran ng pagkakataong binigay sa kanya upang makabawi dito, kailangan niya itong tanggapin, gaano man ito kabigat.
Hinugot niya ang isang malalim na hininga.
Pilit na kinalma ni Syven ang sarili, ngunit muling uminit ang ulo niya ng maramdamang hindi kumakalma ang matigas na bagay na bumubunggo sa kanya.
“You…”

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.