This entry is part 5 of 16 in the series Dangerous Thirst

“Bakit niya ginawa ‘yon?”

“He’s completely out of control. We need to do something about it.”

“Kung hindi mo kayang protektahan ang pamangkin ko, mas mabuti pang ako na ang magpalaki sa kanya. Tandaan mo, Callius, hindi mo naprotektahan ang kapatid ko. Hindi ako papayag na maulit ito kay Syven.”

“Ikaw at ang pamilya mo ang dahilan kung bakit hindi ko siya madisiplina nang maayos. Malakas ang loob niyang gawin ang mga gusto niya dahil alam niyang nandiyan kayo para saluhin siya.”

Nanatiling nakapikit si Syven habang pinapakinggan ang mainit na diskusyon ni Callius at Uncle Louis niya.

“Louis, bakit hindi kayo sa labas mag-usap? Hindi makakabuti kay Syven kung ito ang mabubungaran niya sa sandaling magising siya.”

Narinig ni Syven ang boses ng Auntie Vivian niya, asawa ni Uncle Louis. Ito ang may-ari ng hospital na pinagdalhan sa kanya.

Buong araw siyang walang malay. Matagal siyang tumigil sa hospital na ito sa unang naging buhay niya nang maaksidente siya o mas tamang sabihin na sinadyang mabunggo ang kanyang sasakyan. Mahigit isang buwan niyang hindi maigalaw ang kanyang katawan na parang may nakadagan sa kanya na mabigat na bagay. Kung namatay siya sa aksidenteng iyon, hindi na sana niya magagawang makakalap ng ebidensiya na magtuturo kay Sylas, at hindi siya makakagawa ng kopya ng gamot na pinadala niya sa Auntie Vivian niya.

Nasulat na niya ang testamentong iiwan niya bago siya mawala. Sa sandaling mamatay siya, lalabas ang lahat ng ebidensiya laban kay Sylas at hindi nito matatakasan ang habang-buhay na pagkakakulong. Habang ang kanyang Ama, sinigurado niyang mawawalan ito ng tagapagmana. Marahil ay marami itong nagawang kasalanan sa nakaraang buhay nito kaya binigyan ito ng anak na tulad niya.

“Syven? Oh God, honey…” Naluluhang lumapit sa tabi ni Syven ang Auntie Vivian niya nang makita nitong nagmulat siya ng mata. Ito at ang pamilya ni Uncle Louis ang unang tumatakbo sa tuwing nalalagay siya sa panganib. Hindi niya kayang makita ang disappointment sa mukha nila kaya naman ginawa niya ang lahat upang itulak sila palayo sa kanya. Ngunit kahit pinutol na niya ang anumang ugnayan niya sa mga ito, alam niyang palihim pa rin siyang binabantayan ng mga ito sa malayo.

Tinalikuran si Syven ng sarili niyang Ama. Gusto siyang mapahamak ng sarili niyang kapatid. Sapat na ito para mawalan siya ng tiwala sa mga taong malapit sa kanya.

Tatlong pares ng mata ang nakatuon kay Syven. Ang tingin niya ay direktang napunta kay Callius na matalim na nakatingin sa kanya.

“Uncle, can I talk to him alone?”

Tutol man, ay napilitang lumabas ang mag-asawa.

Nakita niyang nagsindi ng sigarilyo si Callius bago siya nito hinarap. Lumutang ang usok sa loob ng kwarto na tila nagbabantang sumabog.

“I like to believe that your recklessness can be your strength, but I was wrong. It turns out that you’re just one of my bad investments. So tell me, what do you want this time?”

Napakatalas talaga ng Ama niya. Isang bagay na hinahangaan ni Syven dito ay mahusay itong bumasa ng tao. Ngayon lang muling nakaharap ni Syven si Callius pagkatapos niyang maaksidente. Ni minsan ay hindi ito bumisita sa hospital upang tignan kung buhay pa siya dahil ayon dito, matagal na siyang patay. Malinaw dito na itim ang kulay ng laman at buto niya. Nasunog na siya ng tuluyan at hindi na maaaring isalba. Kaya naman nawalan ito ng pag-asa sa kanya at binigay nito ang lahat ng suporta kay Sylas.

“Wala kayong dapat ipag-alala, hindi mabigat ang hihilingin ko sa sayo.”

Akala ni Syven ay kaya niyang tiisin na manatili sa poder nito ng mahigit isang taon, ngunit kahit isang minuto ay hindi matanggap ni Syven ang presensiya ng kanyang Ama.

“I only have two requests, I want to move out of your house and I don’t want to transfer to another school.”

Naglabas ito ng usok sa direksiyon niya. Nakita ni Syven kung paano dumilim ang kulay ng mga mata nito.

“It’s kind of like you’re taking after your mom, isn’t it? She used to talk about leaving, and now here you are, doing the same.”

“Dahil hindi mo siya pinigilan. Wala kang ginawa para pigilan siya.”

Wala pa siyang muwang nang mawala ang Mommy niya. Habang lumalaki siya, ay nalaman niyang hindi pinigilan ni Callius ang paglalayas nito. Nabangga ang sinasakyan ng Mommy niya at wala na itong buhay nang madala sa hospital. Ni minsan ay hindi nakita ni Syven na nagsisi ang Ama niya sa nangyari. Kung siya ang tatanungin, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman para sa inang iniwan ang isang taong gulang na anak at piniling lumayo.

“Pinili niyang iwanan ako.” Idiniin nito ang dulo ng sigarilyo sa side table niya. Dumiin ang mga daliri ni Syven sa ilalim ng kumot. Naramdaman niyang humapdi ang lumang pilat sa gilid ng baywang niya.

“And I won’t stop you either.” Nilisan ni Callius ang silid at iniwan ang naupos na sigarilyo nito bilang babala sa kanya.

“You old bastard!”

Tinanggal ni Syven ang IV fluid na nakakabit pa rin sa kanya. Iyon ang naabutan ng bagong pasok na nurse kaya agad na lumapit ito.

“Sir?” nag-aalalang tinignan ng nurse ang kamay niya.

Nang masamyo ni Syven ang pabango sa katawan ng nurse, nagsimulang sumalakay sa kanya ang panibagong pagkauhaw. Ngunit ibang klase ng uhaw ang bumabalot sa kanya ngayon. Ang pangalawa sa listahan na kinahuhumalingan ni Syven ay babae. Lalo na ang mapang-akit na babae na nakasuot ng uniform.

“Miss, I need a bath. Can you give me a hand, please?”

Nagsimulang mamula ang mukha ng dalaga sa tanong niya. Alam ni Syven na malakas ang epekto niya sa babae. Ngunit nakalimutan niyang labing-walong taong gulang ang gamit niyang katawan ngayon.

Nilunod ni Syven ang sarili sa malamig na shower.

Yeah, he may look young, but that doesn’t mean that part is immature too! Come on, lady!

Mariin na nahilamos niya ang mukha, pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit sa bawat buhos ng tubig, mas lalong nanunuot sa kanya ang galit at poot. Sa isip niya, paulit-ulit na bumabalik ang mga imahe ng Ama niya, ang panlalamig nito, ang sigarilyong iniwan bilang banta, at ang mapait na katotohanang siya mismo ay itinakwil.

Pinakiramdaman niya ang pilat sa baywang niya. Isang paalala ng lahat ng sakit na pinagdaanan niya.

Hindi niya na alam kung sino pa ang mapagkakatiwalaan niya. Sa isang mundo na ang mga taong dapat nagmamahal sa kanya ang siyang unang sumira sa kanya.

Sa ilalim ng malamig na tubig, mahigpit niyang pinikit ang mga mata, humugot ng malalim na hininga. Focus, Syven… Hindi ka bumalik sa nakaraan upang maghiganti, at balikan ang mga bisyo mo.

Bumukas ang kamay ni Syven, at sinapo ang malamig na tubig na umaagos sa palad niya.

He needs to find him.

Hindi na siya maaaring mag-aksaya ng panahon sa mga taong hindi siya pinahalagahan. Ang tanging dapat niyang balikan ay ang kaibigan na pinili siyang iligtas kapalit ng sarili nitong buhay.

Series Navigation<< Chapter 2: Desperate MeasuresChapter 4: Syven’s Warning Visit >>