- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
Kinabukasan, sa bahay ni Zane…
“Just leave me alone!” galit na wika ni Zane sa tatlong unggoy na nagbabantay sa kanya ngayon.
Hindi niya kailangan ang presensya ng mga ito. Lalo lang siyang nanghihina.
“Mr. Prez, pinuntahan ka namin dahil nag-aalala kami sa’yo.” Exaggerated na sabi ni Axel habang pinupunasan ng panyo ang kanyang noo.
“Sanay na kaming makita kang laging tulog, pero ang magkasakit, bibihira lang mangyari.”
Hindi maitago ni Axel ang ngiti sa labi, halatang nag-eenjoy makita siyang nahihirapan. Hindi lang siya, kundi pati na rin ang dalawang kumag na nasa dulo ng kama ni Zane.
“Pwede bang umalis na kayo? At baka isang linggo akong hindi makapasok,” naiiritang tinulak ni Zane si Axel palayo.
“Wag kang mag-alala, ako nang bahala sa mga naiwan mong trabaho.” Ako naman talaga ang gumagawa ng lahat ng trabaho mo, bulong ni Ryker sa sarili.
“Paano ka ba nagkasakit? Ni halos hindi ka nga gumagalaw,” may halong pasaring na tanong ni Blake.
Nilagnat siya kagabi at hanggang ngayon ay nanghihina pa rin kaya hindi siya nakapasok.
Pagmulat niya ng mata kaninang umaga, ang tatlong ito agad ang sumalubong sa kanya.
“Napuyat ako,” balewalang sagot niya saka hinawakan ang sentido.
Gaano ba katapang ang pinainom sa akin ni Mom?
Dinadalaw na naman siya ng matinding antok.
“Paano nangyari ‘yon? Eh wala ka namang ginawa kundi matulog,” kunot-noong tanong ni Axel.
Hindi na niya nasagot iyon dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok.
Habang nakatitig si Ryker sa kanya…
Naisip niyang simula nang mangyari ang insidente sa Havaianas, lalo lang naging batugan si Zane.
Maging sa recess at break, natutulog ito.
At mas humaba pa ang oras ng tulog nito, na parang laging puyat.
Napansin din niya ang mga braso ni Zane na may mapupulang marka, parang kagat ng lamok.
Anong ginagawa nito sa gabi?
Samantala, sa Havaianas…
“He didn’t come tonight either…” humiga si Chiara sa bubong ng sirang sasakyan kung saan palagi niyang nakikitang nakaupo ang poker face.
What is she doing?
Maybe she’s just bored.
Bakit wala nang dumarating?
Sumagap siya ng maraming hangin at pinuno ang dibdib bago iyon ibuga sa kawalan.
Ayaw niyang mag-hunt sa labas. It’s so troublesome.
Tahimik niyang pinagmasdan ang nagliliwanag na mga bituin sa kalangitan.
Inangat niya ang isang kamay, parang nasa palad niya ang pinakamaliwanag na bituin.
Ngunit natigilan siya at biglang napabangon nang maramdaman niyang may dumating sa teritoryo niya.
Mabilis siyang nagpalit ng anyo, naging animo’y itim na usok na humalo sa dilim ng gabi.
Mula sa dilim, minamasdan niya ang mga bagong dating…
Nakita niyang pumasok ang anim na malalaking lalaki na nakasakay sa motorsiklo.
Bawat isa sa kanila ay may mga tattoo sa katawan.
Tough guys, ha?
Gusto niyang malaman kung gaano katapang ang mga ito.
Unti-unti siyang lumapit at nakita niyang nagpapalitan ang mga ito ng pera at drugs.
Wala silang kamalay-malay na pinalilibutan na niya sila.
Sa wakas, hindi na niya kailangang lumabas para makakuha ng pagkain niya.
Ilang oras ang lumipas…
Nagsalin si Chiara ng alak sa kanyang mini bar matapos matikman ang isa sa pinakamasarap na fear na nakuha niya simula nang tumira siya sa Havaianas.
Hindi niya lubos masikmura ang itsura ng mga ito habang nagpapaputok ng baril sa ere.
Ang isa ay napaihi sa pants nito habang tumatakbo at nauntog sa gate.
Mas masahol pa sila kaysa sa mga high schooler na una niyang na-encounter.
Napangiti si Chiara habang naaalala ang poker face…
Speaking of high schooler, gusto niya talagang makita ang mukha ng poker face na iyon kung paano ito matakot.
Naalala niya noong una niya itong makita, suot pa nito ang uniform na kapareho ng trio na una niyang nakuhanan ng fear.
Tinawag niyang trio ang mga ito dahil sabay-sabay silang nahimatay pagkakita sa kanya.
Kung ganoon, sa iisang school lang sila galing.
She never went to school, but she read a lot about it.
She always wondered how it feels to be a normal human — mag-aaral, magtatrabaho, bubuo ng pamilya, magkakaroon ng maraming anak, mga apo, at tatanda kasama ng mga mahal nila sa buhay.
She always envied their living.
Kahit maliit lang na panahon ang ginugugol nila sa mundo, bawat sandali ay puno ng kulay at buhay.
Samantalang siya…
May kakayahang mabuhay ng walang hanggan, ngunit walang kulay ang buhay niya.
Sa kalagitnaan ng gabi…
Nagising si Zane, bumangon siya at ginusot ang mga mata. Halos buong araw siyang natulog.
Nakita niya ang baso ng tubig at ilang pirasong prutas sa side table niya.
Kinuha niya ang maliit na papel na nakadikit sa baso.
Honey, drink a lot of water and don’t forget to bite some fruits.
Alam niyang ang Mommy niya ang nag-iwan ng mga iyon.
Kahit natutulog siya, ramdam niyang may nagbantay sa kanya kanina.
He was spoiled a lot by his parents. Lalo na ng Mommy niya, kaya naman nagagawa niya ang lahat ng gusto niya.
Hindi siya natatakot na suwayin ang mga ito dahil palagi siyang sinusuportahan ng mga magulang niya.
Nag-iisa siyang anak, kaya siguro ganoon na lang ang pagmamahal sa kanya.
Ni minsan, hindi siya nahirapang makuha ang mga bagay na gusto niya.
Kaya naman kapag may bagay na hindi niya makuha o may nakakuha ng kanyang interes, hindi niya iyon tinatantanan.
Kumuha siya ng isang mansanas, kumagat ng isang beses, saka muling ibinalik sa maliit na basket.
Tumayo siya at dumiretso sa bathroom para maghilamos.
Fully recovered na ang katawan niya.
Mahabang tulog lang pala ang kailangan niya.
Bigla siyang gininaw nang maramdaman ang malamig na tubig sa kanyang kamay.
Naalala niya ang malamig na bagay na pumasok sa kanyang katawan.
Nagtataka siya kung bakit wala nang nagpapakita sa kanya, kahit ilang beses na siyang bumalik sa lugar na iyon.
Parang bigla na lang nawala ang interes nito sa kanya matapos siyang balutan ng yelo.
Lalong nadagdagan ang kanyang kuryusidad.
Natagpuan na lang niya ang sariling pabalik-balik sa lugar, parang naghihintay ng kasagutan.
He was never interested in something like this before.
Wala pang nakakakuha ng sobrang atensyon niya.
His high school boring life suddenly changed.
Simula nang mapadpad siya sa lugar na iyon.
But why is it that nothing happened?
Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin.
Gising na gising ang kanyang mga mata, at alam niyang hindi na siya muling makakatulog.
May anim na oras pa bago dumating ang umaga.
Hindi niya kayang maghintay ng walang ginagawa.
Nagtama ang mata nila ng sarili niyang repleksyon.
Nabasa niya ang iniisip nito.
Samantala, sa Havaianas…
Eksaktong ala-una ng madaling araw, binulabog ng alarm ang tulog ni Chiara.
Damn it.
Bumuka agad ang kanyang mga mata, parang hindi man lang siya nanggaling sa pagkakatulog.
She’s full.
It’s not that she’s complaining, but she has the right to be lazy when she already consumed much.
Geez…
Napilitan siyang bumangon.
Suot ang white silk robe, habang wala siyang saplot sa dibdib, tanging underwear lang sa baba, maliban sa maiksing robe na tumatakip sa kalahati ng kanyang katawan.
She’s too lazy to wear a proper dress like she always did dahil pwede naman siyang hindi magpakita sa target niya.
She’s just wearing those costumes for fun, para naman hindi nakakasawa ang paraan ng paghunt niya.
Tumayo siya sa pinakadulong bahagi ng rooftop.
Hindi na niya tinignan sa CCTV kung sino ang kanyang bagong panauhin.
Alam niyang malalaman niya rin pag nakuha na niya ang takot nito.
Tumalon siya sa building, nakahawak ang kanyang mga kamay sa likod.
Samantala, sa loob ng Havaianas…
Naramdaman ni Zane na may malamig na hangin na dumaan sa kanya.
Pinakiramdaman niya ang paligid, ngunit wala nang bumalik na hangin.
Subalit kahit wala na ang hangin, pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya mula sa tabi.
Tulad ng mga nakaraang gabi, kahit ni anino ay walang nagpapakita, pero ramdam niya na hindi siya nag-iisa.
He can feel it. And his instinct is telling him there is something here.
Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit siyang bumabalik.
He needs to know what it is. Even if it kills him.
Sa ibabaw ng isang gusali…
Nakasandal si Chiara sa pader ng three-story building.
Kung titingin lang si poker face sa itaas, siguradong makikita siya nito.
He came back.
Hindi niya namalayang sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.