- Dangerous Thirst
- Prologue
- Chapter 1: Eighteen Again
- Chapter 2: Desperate Measures
- Chapter 3: Bargain for Freedom
- Chapter 4: Syven’s Warning Visit
- Chapter 5: Changing Fate
- Chapter 6: Second Chance
- Chapter 7: Losers but Loyal
- Chapter 8: Claiming his Heart
- Chapter 9: The Clash
- Chapter 10: Unspoken Tensions
- Chapter 11: A Life for Another
- Chapter 12: A Promise Remembered
- Chapter 13: Finding Light In The Darkness
- Chapter 14: A Night With Him
“Bakit nakalukot ang mukha mo?” puna ni Syven kay Ellis.
“Ang sabi mo ipagmamaneho mo ako.” Matalim ang tingin ni Ellis sa driver na nagmamaneho sa kanila.
“Ang sabi ko, susunduin kita.”
“Pero mas romantic kung ikaw magmamaneho para sa’kin.”
“Sa susunod, bakit hindi ka na lang magpasundo sa pinsan mo? Pareho lang naman kayo ng pinapasukan.”
Nagtataka ang tinging inukol ni Ellis kay Syven. “Ang tagal niyo nang hindi nag-uusap at ngayon mo lang siya muling nabanggit sa’kin. Natatandaan ko noon na lagi kang bumibisita kila Tita pero isang araw bigla ka na lang hindi nagpakita. Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Nawala ka nang parang bula. Kapag tinatanong kita sa kanya, hindi siya kumikibo. At ikaw? Sinimulan mo rin akong iwasan. Kung ano man ang nangyari sa inyo, bakit kailangan mo akong idamay?”
Ibinaling ni Syven ang tingin sa labas ng sasakyan. “Kaya ba nilagyan mo ng drugs ang inumin ko?” Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi na siya nabigla sa ginawa ng kapatid niya. Nasanay na siyang mapalibutan ng mga taong tulad nito.
“Kung hindi ko gagawin ’yon, may ibang gagawa nito sa lugar ko. Alam mo ba kung ilang babae ang pinaasa mo?”
Lumalim ang tingin ni Syven habang unti-unting binabaybay ng mga mata niya ang bawat sulok ng mukha ni Ellis. Sa bawat segundong lumilipas, parang lalong umiinit ang hangin sa pagitan nila. Dahan-dahang tinawid ni Syven ang distansya sa kanilang dalawa, hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga katawan.
Lumubog ang daliri ni Syven sa malambot na buhok ni Ellis, hinagod iyon pababa sa batok nito. Malamig ang simula ng haplos niya, pero ramdam ang namumuong init sa ilalim.
“Not even a shred of remorse, just pointing fingers at me?” bulong niya, malapit sa labi ni Ellis, sapat para ramdam ng huli ang mainit niyang hininga.
Hindi pa rin siya tumigil doon. Hinawakan niya ng mahigpit ang baba ni Ellis, pilit itong pinapatingala para titigan siya ng diretso.
Mabagal na gumapang ang kamay ni Ellis sa dibdib ni Syven.
“You’re the one who said it, right? If you want something, just be straight-up about it and handle it.”
“And what do you want?”
Dahan-dahang bumaba ang mukha ni Syven, hindi binibitawan ang titig kay Ellis. Ramdam nilang pareho ang lalim ng bawat paghinga, ang unti-unting pag-init ng pagitan nila, ngunit hindi niya tinuloy—hindi niya nilapat ang labi niya rito.
Bahagyang nanginig ang balikat ni Ellis sa pagpipigil. Hanggang hindi na ito nakatiis. Siya na ang humawak sa batok ni Syven, hinila ito palapit at mariing dumagan sa katawan nito.
“You know exactly what I want.”
Walang alinlangan si Syven nang salubungin niya ang mapangahas na halik ni Ellis. Mainit, mapusok, puno ng pag-angkin. Habang abala si Ellis sa pag-angkin sa labi niya, ang kamay naman ni Syven ay dumulas pababa sa baywang nito, mariing hinapit ito palapit sa kanya.
Ang bawat haplos ni Syven ay may kasamang init na tila apoy na gustong lumamon sa katawan ni Ellis. Hindi na niya napigilan ang sariling damdamin.
Bumagsak ang kamay ni Syven sa tabi niya, tila walang bigat, malamig ang tingin habang hinayaan niyang si Ellis ang magmaneho sa kanya. Sinindihan niya ang apoy, at ngayon, si Ellis ang unti-unting nasusunog sa sarili nilang laro.
Sa loob ng masikip na espasyo ng sasakyan, hindi nila alintana ang presensya ng driver na tahimik lang sa unahan, pinipilit hindi sumulyap sa rearview mirror, kahit nararamdaman nitong umaapaw na ang init sa likod.
Huminto ang sasakyan entrance ng campus.
Inayos ni Syven ang nakusot na shirt niya nang bumaba sila ng sasakyan. Namumula naman ang mukha ni Ellis na nakasunod sa likod niya.
“Let’s catch up later.”
“Hmm…”
“Are you okay?”
“Fine. Okay na sa’kin kahit hindi na ikaw ang mag-drive.” Kumapit ang isang kamay ni Ellis sa balikat ni Syven upang pahirin ng daliri niya ang manipis na lipstick na kumapit sa gilid ng labi nito.
Nakakuha ng atensiyon ang pagbaba ng dalawa mula sa iisang sasakyan. Ang iba ay palihim silang kinuhanan ng litrato na nagsimulang kumalat sa anonymous forum ng school.
OH MY GOSH?! – Chatter
Big_Mouth: “Yo, peeps! Check it out—apparently, the bad-boy prince and the fierce princess are totally a thing now!”
Gossip_Queen: “Ugh!!! Bakit ang hubby ko?!”
As_In: “As if you can handle him. Only the she-devil Ellis can tame a demon like him.”
Two_Face: “Why did he have to come back? It feels like everyone’s on edge whenever he’s around.”
Smart_Ass: “School’s been dull since he left.”
Nag-ingay ang phone ng mga estudyanteng nakatanggap ng notification na kasama sa forum. Ang iba ay nagtataas ng kilay at ang ilan naman ay naglabas ng kanilang opinyon. Si Syven Claw ay isa sa Top Seven Hottest Guys ng kanilang school. Kung ang iba ay nalalapitan na parang bubuyog, ito naman ay iniiwasan dahil sa unpredictable temper nito.
Madalas ay katulad ito ng kalmadong dagat na napakahinahon, ngunit sa sandaling dumating ang unos, mas mapanganib pa ito sa nagwawalang alon.
Umangat ang tingin ng mga estudyante mula sa kanilang phone nang bumukas ang pinto ng classroom. Nagbawi agad sila ng tingin nang makita kung sino ang pumasok. Ang ilan ay palihim na lumingon sa likod nila upang silipin ito.
“Kababalik mo lang pero heto, ikaw na naman ang laman ng forum. Akala ko ba hindi ka interesado sa kanya?” salubong ni Chase kay Syven nang maupo ito sa likod niya.
“She’s a tigress. I’d be a fool to mess with her.”
“Ngayon mo lang narealize? Ilang taon ka niyang hinabol. Mag-ingat ka na hindi ka niya lamunin ng buhay.”
“She made sure of that.”
Nagsimula ang uhaw ni Syven sa amoy ng babae noong 17th birthday niya. Binigyan siya ng babae ng pinsan niya bilang regalo. Nadiskubre niya ang pamilyar na halimuyak sa katawan ng babae. Simula noon ay hinahanap-hanap na niya ang pabangong iyon.
Bahagyang umatras si Chase at bumulong kay Syven. “Nagyayaya si Reid, pinahiram niya ang private resort niya para sa bagong event.” Tukoy ni Chase sa kinahihiligan nilang laro ng mga kaibigan.
Napukaw nito ang interes ni Syven. Mukhang mababawi na niya ang lahat ng perang pinusta niya.
Bumalik si Chase sa upuan nito nang dumating ang lecturer. Nagsimula muli ang huling taon ni Syven sa senior high.
Habang nakikinig siya, ay muli niyang inalala ang mga nakasama at naging kaibigan niya noong panahong ito. Si Chase ang malapit sa kanya dahil bukod sa kaibigan, ay mas lagi silang nagsasama dahil nasa iisang klase sila.
Habang sina Reid, Kosh, at Finn ay nakakasama niya sa tuwing may lakad ang tropa. Hindi na niya nakita ang mga ito pagkagraduate dahil may kanya-kanya na silang pinagkaabalahan.
Nabalitaan na lang niya sa mga naging kaklase niya na ang isa sa kanila ay pinatapon sa abroad ng pamilya nito dahil bumagsak ang hinawakan nitong kumpanya; ang isa ay nasangkot sa gambling syndicate na pinaghihinalaang ito ang nagpapatakbo. Naging isang sikat na politician ang isa na laging nadadawit sa malalaking scandal, at ang isa naman ay naging battered husband nang makasal ito sa anak ng Police General.
Kung ikukumpara sa mga ito, mas maganda ang naging buhay niya—namatay lang siya nang maaga.
Huminga ng malalim si Syven. He’s stuck with a bunch of losers.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.