This entry is part 7 of 16 in the series I Need A Man Not A Boy


Tahimik ang silid-aklatan. Ang tanging maririnig ay ang marahang pagsasalansan ng mga papel, mahihinang tunog ng ballpen sa notebook, at ang paglipat ng pahina ng mga librong kanilang binabasa.   

Si Katty at Xavier ay parehong nakayuko sa kanilang mga proyekto. Bilang mga engineering students, sanay na sila sa ganitong katahimikan, sa pagiging tutok sa mga plano at disenyo sa harapan nila. 

Ngunit sa kabila ng mga numero at linya sa papel ni Katty, unti-unting lumalabo ang mga nakasulat.

Dahil sa kanyang alaala.  

Ang mainit na hininga sa kanyang leeg.  

Ang bigat ng katawan nito sa kanya.  

Ang mahigpit na paghawak sa kanyang baywang habang bumabaon ang bawat ulos nito sa kanyang katawan.  

“H-Hux…! Hux…!”

Napasinghap si Katty at napahigpit ang hawak sa lapis niya.  

Hindi. Hindi siya dapat mag-isip ng ganito, lalo na ngayon.  

Ngunit nang ibuka niya ang kanyang mga mata, hindi ang harapan ng papel niya ang bumungad sa kanya, kundi ang imahe ng sarili niyang katawan na nakadikit sa tiles ng bathroom , nanginginig ang tuhod, hindi na kayang buhatin ang sariling bigat matapos ang walang-habas na pag-angkin ng lalaking hindi dapat niya hinayaang sumakop sa kanya.  

Nanginig ang kanyang daliri sa paghawak sa lapis.  

“No…” bulong niya sa sarili, pinilit iwaksi ang alaala.  

“K-Katty?”  

Napadilat siya nang marinig ang boses ni Xavier sa tabi niya. Nang tingnan niya ito, nakakunot ang noo nito, puno ng pag-aalala.  

“Are you okay?” tanong nito. “Parang namumutla ka.”  

Doon niya lang napansin na bumibilis ang kanyang paghinga.  

“Okay lang ako,” mabilis niyang sagot, pilit na binabalik sa pokus ang isip.

Napabuntong-hininga si Xavier. “Baka gusto mong mag-break muna?” suhestiyon nito.  

Umiling siya. “Hindi, ayos lang ako. Gusto ko lang matapos ‘to agad. Gusto kong makauwi nang maaga.”  

“Hatid na kita,” sabi ni Xavier, hindi nag-aalinlangan.  

Mabilis siyang umiling. “Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag-isa.”  

Saglit siyang natigilan nang mapansin ang bahagyang pagbabago sa mukha ni Xavier. Hindi nito naitago ang lungkot sa mga mata.  

“May ginawa ba akong mali?” mahinang tanong nito.  

Para siyang tinamaan ng isang malakas na hampas.  

Shit…

Ang lalaking ito… si Xavier… napakabuti sa kanya.  

At siya? Isang traydor. Isang babae na bumigay sa tukso, nagpakasasa sa katawan ng ibang lalaki, at ngayon, hindi pa rin matanggal ang pagnanasa sa taong iyon.  

Hindi siya makasagot. Kaya tumungo na lang siya at muling nagkunwaring abala sa kanyang ginagawa.  

Pero isang bagay ang sigurado.  

Hindi pa siya handang umuwi.  

Sa halip na dumiretso sa kanyang condo, natagpuan ni Katty ang sarili sa loob ng isang restaurant .  

Ang restaurant ni Hux.  

Alibi niya sa sarili, gusto lang niyang mag-dinner. Pero alam niyang hindi iyon totoo.  

Gusto niyang makita ito.  

Habang nakaupo siya sa sulok, hinayaan niyang libangin ang sarili sa tahimik na lugar.  

At nang sa wakas ay makita niya ito, suot ang puting chef uniform, abala sa pag-aasikaso, napuno ang dibdib niya ng isang hindi maipaliwanag na sensasyon.  

Naaalala niya ang mga kamay nitong mariing nakabaon sa kanyang balat. Ang bigat ng katawan nito sa kanya. Ang boses nitong paos habang tinatawag ang kanyang pangalan.  

Biglang uminit ang kanyang katawan.  

Pero bago pa siya tuluyang lamunin ng sarili niyang emosyon, may isa pang bagay na humatak sa kanyang pansin.  

Isang babae.  

Maganda, maputi, mukhang sosyal. At ngayon, nakaupo ito sa isang table habang malanding nakangiti kay Hux.  

Nakita niyang tumawa ang babae sa sinabi ng lalaki. Napansin din niyang may iniabot itong card—siguro numero nito? Nakita niyang tinanggap ito ni Hux.  

Nag-init ang sikmura ni Katty.  

Ano ito?  

Bakit parang gusto niyang sugurin ang babae at hilahin palayo? Bakit parang gusto niyang ipagsigawan na akin siya?

Ano itong nararamdaman niya?  

Hindi na niya napigilan ang sarili.  

Tumayo siya at lumapit sa mesa ng dalawa.  

Hindi siya nagpatumpik-tumpik.  

“Dad,” malamig na tawag niya.  

Parehong nagulat ang babae at si Hux.  

Napakurap ang babae. “A-Anak mo siya?”  

Ngumiti si Katty. “Oo. Anak niya ako sa ibang babae. Mahilig siya sa magagandang babae, katulad mo.”  

Nakita niya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Hux.  

“Katty,” babala nito.  

Pero hindi siya natinag. Gusto niyang makita ang reaksyon ng babae, gusto niyang sirain ang ‘moment’ nila.  

Ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, may malakas ang kamay na humawak sa kanyang braso.  

Hinila siya ni Hux palayo.  

Isinara ni Hux ang pinto ng maliit na changing room ng mga staff at sumandal sa harapan niya.  

“Anong ginagawa mo?” malamig na tanong nito.  

Pinanindigan ni Katty ang ginawa niya. “Hindi ko lang nagustuhan na masyado kang natutuwa sa babaeng ‘yon.”  

Napasinghap si Hux, tila hindi makapaniwala. “Nagseselos ka?”  

Hindi sumagot si Katty.  

Pero hindi na niya kinailangang magsalita.  

Dahil sa sumunod na segundo, mahigpit na hinawakan ni Hux ang kanyang baywang at siniil siya ng halik—hindi marahan, hindi magaan, kundi isang mapusok at nag-aalab na halik na nagpaikot sa kanyang mundo.  

Tumugon siya.  Sinabunutan ni Katty ang batok ng lalaki at marahas din itong hinalikan.

Naglaban ang kanilang mga labi, nagkalas at muling nagtagpo, sabik, hayok.  

Walang salita.  

Pinatalikod siya ni Hux at iniharap sa pader, hinila pababa ang zipper ng kanyang palda.  

Napasinghap siya nang maramdaman ang kamay nitong pumasok sa ilalim ng kanyang palda.

“Your’re wet.”

“Hux… baka may makarinig.”

“Gusto mo akong angkinin, diba?” bulong nito sa kanyang tenga. “Ipapakita ko sa’yo kung sino ang may-ari sa atin.”  

At bago pa siya makapaghanda, isang malakas na pagpasok ang gumuhit ng init sa pagitan ng kanyang hita.

Napasigaw siya, hindi na napigilan ang pagbulwak ng kiliting gumapang mula sa kanyang kalamnan. Napakapit siya nang mahigpit sa malalapad na balikat ng lalaki, halos bumaon ang kanyang mga kuko sa init ng balat nito. Ramdam niya ang kabuuan ng katawan ni Hux na dumidiin sa kanya, ang bawat galaw nitong lalong nagpapabaliw sa kanyang diwa.  

“H-Hux…!” Tumirik ang kanyang mga mata habang isang malakas na alon ng sensasyon ang tuluyang lumunod sa kanya.  

Ngunit hindi siya pinayagan ng lalaki na bumitaw. Sa halip, mas hinapit siya nito pabalik, mas lalong isinubsob ang kanyang katawan sa ilalim ng mapanupil nitong pag-angkin. Nagdilim ang kanyang paningin sa tindi ng pagpasok nito—walang awa, walang pag-aalinlangan, at walang balak huminto.

At nang sumunod na sandali, napuno ng mga daing at ungol ang maliit na silid.  

Matinding pag-angkin, walang pag-aalinlangan. Naging musika ang kanilang mga tinig, kasabay ng tunog ng mga balat nilang nagsasalpukan.  

“H-Hux…!”  

Hindi siya makatakbo, hindi makaiwas. Ang tanging nagawa niya ay tanggapin ang bawat ulos, bawat halik, bawat haplos.  

Wala na siyang ibang gusto kundi ang mapuno ng lalaking ito.  

Nang sa wakas ay kapwa sila mapadapa sa pader, habol ang hininga, ramdam pa rin ang koneksyon ng kanilang katawan, narinig niya ang paos na tinig ni Hux.  

“Fuck, Katty… you’re driving me crazy.”  

At bago pa siya makasagot, muling gumalaw ang lalaki—mas madiin, mas mabilis, mas malalim.  

Isang staff ang lumakad sa labas ng silid.  

Nang marinig ang kaluskos at mahihinang ungol sa loob, bahagya itong tumigil… pero sa huli, nagdesisyong balewalain ito.  

Sa restaurant ni Hux, hindi ito ang unang beses na may nangyari sa kwartong ito.  

At siguradong hindi rin ito ang huli.

I Need A Man Not A Boy

Chapter 4: Sa Kanyang Bisig, Ako’y Nawawala Chapter 6: Ako O Siya