- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
“Bakit ang lalim ng iniisip mo?” puna ni Ryker kay Zane na nakahiga sa mahabang sofa at nakatingin sa kawalan habang nakapatong ang ulo nito sa isa nitong kamay. Silang dalawa na lang ang naiwan sa SSC Office dahil kaaalis lang ng ibang member matapos ang meeting nila.
“Kanina pa nililipad ng hangin ang isip mo. Sigurado akong kahit isang salita diyan ay hindi pumasok sa’yo.” Inagaw ni Ryker ang report na hawak ni Zane. Nakapamulsa ito sa kaliwa at umupo sa table ni Zane habang binabasa ang report. Napailing na lang ito pagkatapos tapunan ng tingin si Zane.
Kapag ganitong may malalim na iniisip si Zane, wala itong nakikita o naririnig. Kung curious ito sa isang bagay, hindi ito titigil hangga’t hindi nito nakukuha ang sagot. Iniisip niya pa rin ba ang nangyari sa kanila Havaianas?
Sampung minuto lang silang nagkasama ngunit hindi makalimutan ni Zane ang mga mata nito. There is something mystical about her. Every part of her is enchanting. He didn’t want to admit it but her absent-minded eyes are very intimidating, and it’s haunting him!
Biglang napabangon si Zane.
“Ry,” napatingin si Ryker kay Zane mula sa report na binabasa nito.
Now he’s ready to talk. Ano bang bumabagabag kay Zane at hindi nito maitagong apektado ito?
“What is it? Did your mom ask you again whose baby are you?”
“What? No!” bigla niyang nakuha ang atensyon ni Zane at tumingin ito ng diretso sa kanya.
Napangiti si Ryker. Laging epektibo kay Zane kapag ang bagay na iyon ang pinag-uusapan nila.
“Zane darling, whose baby are you?”
“Mommy!”
“Hahaha!” Hindi mapigilang matawa ni Ryker sa tuwing maaalala niya ang mga eksenang iyon noong maliliit pa sila ni Zane. Magkababata sila kaya kilala na nila ang isa’t isa.
“Damn you.” Binato dito ni Zane ang nahawakan nitong pen ngunit mabilis na nailagan ni Ryker.
“Okay. Okay. Ano ba ‘yun?” Nawala ang ngiti ni Ryker nang makita niyang natigilan si Zane.
“If someone gave you a really pretty cake but you know it’s poisonous inside, would you still eat it?”
“Take it but don’t eat it.” Natatawang sagot ni Ryker. Nakita niyang nagkaroon ng dalawang linya ang noo ni Zane na lalong nagpagulo dito ang sagot niya.
Sometimes, Zane is making things complicated. Napabuntong-hininga si Ryker.
“Why don’t you stop the pretense and ask me directly?”
“It’s not—well I, ah…” biglang tumigil si Zane dahil para siyang batang nahuling nagsisinungaling.
“There is this girl.”
“How can you compare a girl to a cake?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ryker kay Zane.
“She’s soft and sweet, but just a little bit poisonous.” seryosong sagot ng isa na lalong ikinabigla ni Ryker.
“When did you become like this? Hindi ko napansing nahawaan ka na ni Axel.”
Sumusukong sumandal si Zane sa sofa dahil nalilihis ang usapan nila. Wala rin siya sa mood para ipagtanggol ang sarili.
“Is it Kriss?” Napahigpit ang hawak ni Ryker sa report paper habang hinihintay ang sagot ni Zane.
Bahagyang sinilip ni Zane ang kaibigan sa gilid ng kanyang mga mata, bago bumalik ang tingin sa kawalan. “Alam mong kapatid lang ang tingin ko sa kanya.”
Lumuwag ang paghinga ni Ryker saka nito nilapag sa lamesa ni Zane ang report at pinirmahan.
“So you like this girl. Finally, may gumising din sa natutulog—”
“I didn’t say I like her,” mabilis na depensa ni Zane.
“But you sound like you do. Hindi ka naman basta-basta pumupuri ng babae. Ni hindi mo nga sila tinitingnan, ‘di ba?”
“She’s getting on my nerves.”
“Mahirap ba talagang aminin na nahulog ka na?”
“Ten minutes. I only met her for ten minutes,” giit ni Zane, pilit pinaninindigan ang sarili.
“Alam mo, may tinatawag na love at first sight,” sagot ni Ryker, na para bang batang nagtuturo ng simpleng konsepto sa isang hindi makaintindi.
“Ridiculous! I’m not that pathetic.”
Bigla siyang bumangon at tuluyang lumabas ng SSC office. Tila may tinatakasan. Napailing na lang si Ryker habang ibinalik ang atensyon sa ginagawa, pero hindi rin naiwasang mapangiti. Ngayon lang niya nakita si Zane na nababagabag.
Binuksan ni Zane ang pintuan ng rooftop, kasabay ng marahang pag-uga nito sa hangin. Sinalubong siya ng malamig na simoy na tila ba may dalang bigat. Pero mas mabigat pa rin ang dinadala niya sa dibdib.
Hindi niya agad nakita ang presensiya na hindi niya inaasahang naroon. Pero nang mapansin niya ang pamilyar na anino na nakaupo sa paborito niyang pwesto, may humigpit na kung anong hindi niya maipaliwanag sa loob niya.
Nakaupo si Chiara sa gilid, hindi alintana ang ihip ng hangin na nilalaro ang mahaba at malambot niyang buhok. Parang sinasadya ng hangin na paglaruan iyon, na parang sinusuklay. Hindi ito lumingon sa kanyang direksiyon, na tila hindi nito naramdaman ang pagdating niya.
“You’re here.” Wika nito, mahina pero sapat para marinig niya.
Dahan-dahang lumingon si Chiara, saka siya nginitian, isang ngiting parang matamis pero may kung anong itinatago. Isang ngiting pilit binabalewala ang bigat sa likod ng mga mata nito.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan, ramdam ni Zane ang sagot ng sarili niyang dibdib, isang malakas na pintig na pilit niyang hindi pinapansin.
Damn it. Hindi niya gusto ang epekto nito sa kanya.
“Pa’no mo nalaman na dumating ako?” tanong niya, pilit pinapakalma ang boses, kahit siya mismo ay naguguluhan.
“Your footsteps,” sagot nito, saka muling ibinalik ang tingin sa malayo, sa malawak na view ng school sa ibaba.
Napamaang si Zane. Just my footsteps?
“What a nice view, I can see everything from here.” komento ni Chiara. Sa baba nila makikita ang mga estudyanteng naglalaro sa field.
“Bakit nandito ka?” Bagong transfer palang ito, hindi ba dapat nakikihalubilo ito sa mga kaklase nito upang maging pamilyar sa bagong school na pinasok nito? Sa nakikita niya, marami ang gustong imbitahin ito na libutin ang buong campus. Subalit mas pinili nitong umiwas, at mapag-isa sa lugar na ito.
Ang mga kilos nito ay nakakapagtaka, maging ang mga tingin nito ay may malalim na misteryo.
“Did you notice that all you do is throw questions at me? Am I really that suspicious to you? Or you’re interested in me?”
Napahinto siya matapos sa tanong nito, bahagyang kumunot ang noo habang tinititigan ang dalagita sa harap niya, pilit binabasa ang nasa isip nito.
Huminga ng malalim si Zane. Maybe he’s just overreacting. Alam niyang mula nang mangyari ang insidente sa Havaianas, naging mas sensitibo na siya sa kanyang paligid. Kagabi nang muli siyang bumalik sa Havaianas ay natagpuan niyang nakasara iyon at hindi na muling nagbukas. Then this girl just appeared out of nowhere. Pinilig niya ang ulo, itinataboy ang sariling paranoia, pero hindi maalis ang pakiramdam na may kakaiba rito.
“So, which is it?” muling balik ni Chiara, ngayon ay may bahagyang pag-aalinlangan at hamon sa boses. “Do you think I’m suspicious? Or… are you just that interested in me?”
“This is my territory.” Mahinang sambit ni Zane habang umupo sa tabi ni Chiara, pilit pinanatiling kalmado ang tinig.
Ngunit sa loob-loob niya, tila may unos na pilit niyang sinisikil.
Here it is again. Ang amoy nito, malambing at mapanukso. Kahit ipikit pa niya ang mga mata, ramdam niya ito, dumidikit sa balat niya, parang usok na ayaw umalis. Paano ba nito nagagawa iyon? Parang gusto na niyang magsisi kung bakit pa siya tumabi rito.
“Why don’t you share it with me?” Mahina pero malikot ang boses ni Chiara, puno ng ngiting may ibang ibig sabihin.
Napahinto ang paghinga ni Zane nang maramdaman niya ang dahan-dahang pagdikit ng braso nito sa braso niya. Mainit. Malambot. Mapanganib.
Mabilis siyang sumulyap dito, pero agad ding iniwas ang tingin.
“I don’t want to share what’s mine,” sagot niya, pasimpleng umusog palayo, pilit kinakalma ang sarili.
Ngunit parang lalo lang natawa si Chiara.
“How possessive,” anitong nakangisi. “I just want to take a break. You see, the whole school is falling for me.”
Napailing si Zane, pilit ikinubli ang biglang pagsikdo ng dibdib.
“You’re so damn full of yourself.”
Ngunit alam niyang ito na ang pagkakataon niya. Kailangan niyang ipakita rito na wala itong epekto sa kanya.
“Sige,” aniya, malamig ang tono. “Ibibigay ko sa’yo ang lugar na ‘to, pero ngayon lang.”
Akmang tatayo na siya nang maramdaman niya ang malambot na kamay ni Chiara na humawak sa braso niya — mahigpit, ngunit marahan. Bago pa siya makapalag, mariin siya nitong hinila pabalik, kaya’t napaupo siyang muli sa malamig na semento.
“Stay,” bulong nito, halos isang utos, ngunit may lambing na bumabalot.
Napatingin siya rito, pilit pinipigilan ang sarili na hindi magpatalo.
“Why would I?” matigas niyang sagot, ngunit sa loob-loob niya, unti-unti nang lumalambot ang depensa niya.
“Takot ka bang mahulog sa akin?” Mapanuksong tanong ni Chiara, habang bahagyang yumuko para lalong mailapit ang mukha sa kanya.
Bahagyang nag-init ang tenga ni Zane.
“Hindi ko alam kung paano matakot,” pabulong niyang tugon, tila hinahamon din ito.
Ngumiti si Chiara, isang ngiting may malalim na pahiwatig.
“Then stay,” bulong nito, mahina ngunit puno ng awtoridad.
Sa huli, pinili niyang manatili. Hindi dahil iyon ang gusto ni Chiara, kundi dahil gusto niyang patunayan sa sarili niya na hindi siya matitinag, kahit na ang totoo, ramdam niya pa rin ang init ng braso nitong nakadikit sa kanya, at ang pabango nitong kumakapit sa hangin.
Kahit pa nasisinagan si Chiara ng araw, tila wala siyang pakialam sa liwanag na dati’y kinaiinisan niya. Sa mga sandaling iyon, mas nanaig ang pagnanais niyang huwag mapag-isa.
Hindi pa niya maintindihan kung bakit, pero ang presensya ng lalaking ito sa tabi niya, parang gamot na matagal na niyang hinahanap. Tahimik lang siyang nakatingin sa harap, pilit itinatago ang bahagyang pagbilis ng pintig sa kanyang dibdib.
“I have a favor,” basag niya sa katahimikan, tinig na halos pabulong.
Napatingin si Zane sa kanya, bahagyang kunot ang noo. “Just because you saved me last time, pwede mo na akong utusan?” tugon nito.
Napairap si Chiara, ngunit may ngiti rin. “Will you stop answering me with questions? That’s really a bad habit.”
Bahagyang napailing si Zane, pero hindi maitatangging natutuwa rin sa kanilang argumento.
“What favor?” singit niya, pilit na nilalabanan ang kakaibang nararamdaman sa presensya ng dalagita. “Marahil hindi mo pa alam pero ako ang SSC President ng school na ‘to.”
Muntik na siyang mapamura sa isip nang marinig ang sariling pagyayabang—hindi niya ugali iyon.
Napataas ang kilay ni Chiara, bago napangisi. “Ah, ang sikat na Presidenteng ang hilig ay matulog. Ikaw pala ‘yon?”
Napaatras ng bahagya si Zane, “May favor ka ba o wala?” mabilis niyang iwas sa usapan.
Pero mas lalo lang natuwa si Chiara sa reaksyon nito. Ang cute niyang mapanood, lihim niyang inisip. Ngayon lang niya nakita ang iba’t-ibang klase ng emosyon sa mata nito, mas gusto pa niya itong kilalanin.
“Let’s meet again,” mahina ngunit diretso niyang sabi, habang hindi inaalis ang tingin dito.
Saglit na natahimik si Zane, parang hindi alam kung paano sasagot. Ramdam niya ang init ng sikat ng araw, pero mas ramdam niya ang init ng titig ni Chiara.
“Para saan?” tanong niya, pero mas mahinahon na, halos pabulong na rin.
“You’ll find out soon,” sagot ni Chiara, sabay ngiti, isang ngiting mapanukso pero may lalim.
At sa hindi niya maintindihang dahilan, hindi siya tumanggi.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.