This entry is part 11 of 16 in the series I Need A Man Not A Boy

Hindi niya dapat nararamdaman ito.  

Dapat hindi siya ganito ka-gahaman pagdating kay Katty. Dapat kaya niyang kontrolin ang sarili niya.  

Pero hindi niya kaya.  

Simula nang matikman niya ito, walang ibang babae ang pumapasok sa isipan niya. Kahit ilang beses niyang kumbinsihin ang sarili na isa lang itong panandaliang init—na dapat tapusin na niya bago pa mahuli ang lahat—mas lalo lang siyang nauuhaw rito.  

At ngayong ramdam niyang masyado nang malakas ang pangangailangan niya rito, na parang isang bisyong hindi niya kayang talikuran, alam niyang kailangan niyang ibalik ang sarili sa dati.  

Babalik siya sa kung ano siya noon.  

Umalingawngaw ang malumanay na jazz music sa loob ng mamahaling lounge bar. Sa bawat dulo ng silid, may mga lalaking naka-suit na tahimik na umiinom ng alak, may mga babaeng pino at elegante, pero ang tingin sa mga lalaking kasama nila ay puno ng motibo.  

Nakaupo si Hux sa isang malalim na leather couch, hawak ang baso ng whiskey, habang kaharap ang babaeng ilang taon na niyang kilala.  

Jade.  

Ito ang tipo ng babaeng kahit sino ay titingalain. Matalino, matagumpay, at may kumpiyansang hindi natitinag ng kahit sinong lalaki. Sa suot nitong itim na silk dress na bumabakat sa hubog ng katawan nito, madaling mahuhulog ang sinumang lalaking mahina ang loob.  

Pero hindi siya mahina. Alam niya kung anong meron sa kanila ni Jade. Hindi ito isang babae na naghahanap ng pag-ibig, pareho silang nandito dahil alam nilang kaya nilang punan ang pangangailangan ng isa’t isa, walang anumang hinihinging kapalit.  

Tinitigan siya nito, isang tinging alam niyang nang-aasar.  

“Matagal-tagal ka ring nawala,” sabi nito bago dahan-dahang ininom ang wine sa baso nito.  

Nagtaas lang siya ng kilay at nilagok ang alak niya. “Busy lang.”  

Matalim ang ngiting sumilay sa labi ni Jade. “Busy sa isang babae?”  

Hindi siya sumagot, pero sapat na ang pagngisi niya para mapagtanto nitong tama ang hinala nito. Umiling si Jade at bumuntong-hininga.  

“Figures. Kaya pala bigla kang nawala.”  

Hindi na siya nag-abala pang sagutin iyon. Wala rin namang saysay. Alam nilang pareho na darating siya sa gabing ito, sa puntong ito, dahil kailangan niyang maalala kung sino siya noon.  

Nagpatuloy ang pag-uusap nila tungkol sa kung anu-anong bagay—trabaho, buhay, dating college days nila—pero sa kabila ng kaswal nilang tono, naroon ang tiyak na intensyon sa bawat sulyap, sa bawat hawak, sa bawat segundo ng paghihintay.  

Hanggang sa wala nang dapat sabihin pa.  

Tumayo si Jade at kinuha ang coat nito. Isang tingin lang ang ibinigay nito sa kanya bago dahan-dahang iniabot ang kamay.  

“Let’s go?”  

Alam na niya ang ibig sabihin noon. At kaya siya narito sa gabing ito ay para bumalik sa dati. Para ipaalala sa sarili kung sino siya noon.  

Malamig ang hangin sa loob ng kwarto, pero mainit ang katawan ni Hux habang nakatayo sa tabi ng kama, pinagmamasdan si Jade. Nakatagilid ito, ang hubog ng kanyang katawan ay aninag sa malamlam na ilaw. Alam niyang handa ito. Matagal na silang may ganitong kasunduan—walang tanong, walang komplikasyon. Isang gabi ng libog, at pagkatapos ay magpapaalam na parang walang nangyari.  

Pero ngayong nandito na siya, may kung anong bumabagabag sa loob niya.  

Lumapit siya at hinawakan ang bewang ni Jade—marahas, pero hindi ito tumutol. Sa halip, lumingon ito at ngumiti, isang pamilyar na ngiti na dati ay sapat na para pag-alabin siya.  

“Hindi ka na ba magpapaligoy-ligoy pa?” bulong ni Jade habang hinahaplos ang batok niya.  

“Tingnan natin kung kaya mo akong sabayan,” sagot niya, mas mababa at mas mabigat ang tinig niya kaysa dati.  

Hinila niya ito papalapit at siniil ng halik—marahas, puno ng frustration na pilit niyang itinatago. Sinabunutan siya ni Jade, hindi nagpatinag, sinabayan ang init ng halik niya. Alam nitong may bumabagabag sa kanya, pero sa halip na umatras, mas lalo itong nagpainit sa laban nila.  

Mas naging mapusok siya kaysa dati, mas matindi ang bawat galaw niya—para bang may pilit siyang tinatakasan. Hinahanap niya ang parehong kasiyahan na dati niyang nadarama sa bawat babaeng dinadala niya sa kama. Ngunit kahit gaano katindi ang ibigay niya kay Jade, may kulang.  

Umupo siya sa gilid ng kama at hinila si Jade papunta sa kanya, pinaupo ito sa kandungan niya nang magkaharap sila. Napaungol ito nang magdikit ang kanilang katawan, ang init nila ay lalong nag-alab. 

Ramdam ni Jade ang tigas at haba ni Hux na bumabaon sa kanyang laman. Ang halimaw nitong hindi nag-iiwan ng espasyo sa loob ng kanyang lagusan ang bagay na hindi niya mahanap sa ibang lalaki, dito lamang siya namimilipit sa sakit at sarap.

Hawak ni Hux ang bewang ni Jade, ginagabayan ang bawat galaw. Si Jade mismo ang kumontrol sa ritmo, hinahamon siya sa paraan ng paggalaw nito sa ibabaw niya. 

Sinalubong niya ang pagbasak nito na ikinagulat ng laman nito.

“Oh! Hux..,” ungol ni Jade, mahigpit na kumapit sa balikat niya, hinayaan ang sarili na lamunin ng init na dala niya.  

Pero kahit nasa piling siya ng ibang babae, kahit nasa sukdulan na sila pareho, hindi niya magawang makuntento.  

Muli niyang inihiga si Jade, itinuwid ang isang paa nito habang ang isa ay nakasaklang sa hita niya. Nagbigay ito ng bagong lalim, bagong anggulo—mas matindi, mas matapang. Pero kahit pa anong gawin niya, kahit gaano kalalim ang abutin nila, may kung anong bumabagabag sa loob niya.  

Nang marating nila ang rurok, nanatili siyang nakayakap kay Jade, hinihingal, pero ang isipan niya ay wala sa kasalukuyan. Doon niya napagtanto—hindi na niya hinahanap ang dati. Hindi na siya katulad ng kung sino siya noon.  

Dahil may isang babae na lang siyang gustong angkinin, at wala siya rito.  

Nagpanting ang tenga niya sa realization na iyon. Naiinis siya sa sarili niya, sa pananabik niya sa isang bagay na hindi niya dapat gustuhin.  

Tumayo siya at nagpunta sa bintana, nagsindi ng sigarilyo, habang si Jade ay nakatingin sa kanya mula sa kama, nakangiti.  

“Hindi mo na ako kayang lokohin, Hux,” sabi nito, may kasamang mapait na tawa.  

“Iba na ang gusto mo, ‘di ba?”

Hindi siya sumagot.  

Dahil alam niyang tama ito.

I Need A Man Not A Boy

Chapter 8: Sa Akin Ka Pa Rin Chapter 10: Lason sa Laman