This entry is part 1 of 23 in the series Fearless

Fearless

Si Chiara ay isang libong taong gulang na demonyo na tahimik na naninirahan sa Havaianas , ang kilalang pinaka-haunted na lugar sa Allanis City. Hinihigop niya ang takot ng mga taong naliligaw sa kanyang teritoryo bilang pagkain.

Ngunit paano kung maka-encounter siya ng isang high school student na walang pakiramdam?

Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang siya nakatagpo ng ganitong tao, at napukaw nito ang kanyang interes.

Hindi niya inakalang hahantong siya sa sitwasyon kung saan ang sarili niyang buhay ang unti-unting nahihigop dahil sa pananatili niya sa tabi nito.