This entry is part 12 of 23 in the series Fearless

Pain shot through her when she witnessed the last thing she never wanted to see. Ni minsan, sa panaginip, hindi iyon pumasok sa isip ni Kriss. Mabibigat ang bawat hakbang niya. Akala niya, kung maghihintay lang siya, mapupunta rin ito sa kanya.

She was wrong.

That dark beauty suddenly came and snatched him away from her.

Napasandig siya sa painted wall malapit sa art room, nanlalambot ang tuhod. Bago pa siya tuluyang bumagsak, may mga bisig na sumalo sa kanya.

“R-Ryker…” mahina niyang sabi, isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Hindi na niya napigilang ilabas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.

Binuhat ni Ryker si Kriss papasok sa loob ng art room. Binuksan niya ang ilaw at maingat na inupo si Kriss sa round table. Nakita niya ang mga luhang sunod-sunod na tumulo sa pisngi nito habang tahimik na umiiyak.

“What happened?” mahina niyang tanong, pinunasan ang luha nito gamit ang palad. Kinuha niya ang kamay nitong tumatakip sa mga mata.

“Look at me.” Hinawakan niya ang nanginginig na kamay nito, kinulong sa mga palad niya.

“I saw them… He never showed that kind of expression to me. Naghintay ako pero bakit sa iba siya napunta? Did I ever cross his mind? How could he do this to me?”

Yumakap si Ryker sa kanya. “I’m sorry,” bulong nito habang hinahaplos ang buhok niya. Hinagkan nito ang kanyang noo, ang bagay na pinaka-kinatatakutan niyang mangyari ay nangyari na nga.

Napahagulhol si Kriss habang inilalabas ang sakit sa dibdib.

“I’m sorry I couldn’t tell you.”

Natigilan si Kriss. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Ryker.

“W-What? You knew all this time but you didn’t tell me? Nagmukha akong tanga… and I thought you were the only one who understood me.” Kumalas siya sa yakap ni Ryker.

“Gusto kong mapag-isa. Please… just let me be alone.”

Subalit hindi siya pinakawalan ni Ryker, bagkus mariing sinakop nito ang kanyang mga labi, may panunumbat.

“Hindi lang ikaw ang naghintay. Ako rin. Pero hindi mo ako pinapansin. Si Zane lang ang nakikita mo.”

Mula sa pagkabigla at sakit, matinding gulat ang naramdaman ni Kris sa hindi niya inaasahang pagtatapat ni Ryker. Ni minsan ay hindi niya naramdaman na higit pa sa pagkakaibigan ang tingin nito sa kanya.

Hindi pa man lubusang napoproseso sa isip niya ang mga sinabi nito, muling inangkin ni Ryker ang kanyang labi, uhaw at sabik.

Sumagi sa isipan ni Kris kung paano inangkin ni Zane si Chiara. Humapdi ang dibdib niya. At bago pa niya mapigilan ang sarili, natagpuan niya ang sariling tumutugon sa halik ni Ryker. Nais niyang maghiganti. Nais niyang makalimot. Nais niyang makalaya sa bangungot na kanyang nasaksihan.

Hindi inaasahan ni Ryker ang tugon ni Kris, ngunit lalo itong nagbigay sa kanya ng tapang upang maging mas mapangahas.

Nag-init ang ihip ng hangin sa pagitan nila. Mas naging marahas ang kanilang halikan, mapusok at walang kasiguruhan. Isa-isang nalaglag sa sahig ang kanilang mga saplot, kasabay ng mga impit na ungol at mabilis na paghinga.

Mariing ipinikit ni Kris ang mga mata, pilit inaalis ang alaala ni Zane, ngunit lalo lamang niyang naramdaman ang kakapusan sa paghinga nang maramdaman ang labi ni Ryker sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib.

Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit na dila nito sa kanyang dibdib, nilalaro iyon ng marahan, nakakapaso ang pagdampi ng mainit nitong hininga. Napasabunot siya sa buhok ni Ryker nang bumaba pa ito sa kanyang tiyan, pababa sa maselang bahagi niya.

“Haaah…” mahina niyang ungol, parang nagmamakaawa, ngunit hindi niya alam kung pagpigil o pag-anyaya.

Hindi tumigil si Ryker. Dahan-dahan, mainit na hinalikan ang kanyang puson, hanggang maramdaman niya ang dila nitong humagod sa kanyang kaselanan. Napakapit si Kris sa buhok nito, pilit nilalabanan ang mga ungol na gustong kumawala sa kanyang lalamunan.

Nang pumasok ang daliri nito sa kanya, napaungol siya, mababa at malalim. Napakurbang muli ang kanyang katawan sa kakaibang sensasyon.

Hinaplos niya ang pisngi ni Ryker, hinanap ang mga mata nito, at nang magpantay ang kanilang mga mukha, mariin niyang sinakop ang mga labi nito. Gumanti ng halik si Ryker, sabik at mariin, habang patuloy ang mabagal ngunit mariing paglabas-masok ng daliri nito sa kanya.

“Ahh…” isang impit na ungol ang pinakawalan ni Kris, kasabay ng pagdiin ng kanyang mga balakang sa bawat galaw nito.

Lalo pang naging mapusok si Ryker. Sumubsob ito sa kanyang dibdib, sinimsim ang magkabila niyang korona, habang ang isa nitong kamay ay patuloy na humahagod sa kanyang kaselanan.

Sa isip ni Ryker, hindi pa rin siya makapaniwala na ngayo’y nasa mga bisig niya si Kris. Alam niyang sugatan ito, pero wala na siyang pakialam. Kung ito lang ang tanging paraan para mapasakanya si Kris, handa siyang lunukin ang lahat ng maaaring isumbat nito pagkatapos.

Mariing nakagat ni kris ang kanyang labi, nalilito sa samu’t-saring sensasyong bumabalot sa kanya. Tinatabunan ang kirot na kanina’y sumusunog sa kanyang damdamin. Ngayon, tanging apoy ng pagnanasa ang nangingibabaw, gumagapang sa bawat himaymay ng kanyang laman.

Ramdam niya ang marahang pagdampi ng mga daliri ni Ryker sa kanyang balat, tila apoy na lumalagos sa kanyang kalamnan. Napasinghap siya nang marahang paghiwalayin nito ang kanyang mga hita, at sinalubong siya ng naglalagablab nitong titig, mga matang puno ng matinding pagnanasa, na ngayon lang niya nakita. Hindi niya sukat akalain na ang lalaking kinikilala ng lahat bilang seryoso at mailap na Student Supreme Council Vice President, ay may tinatagong ganoong pagtingin, at iyon ay nakatuon lang sa kanya.

“Ry… Ah…”

Napakapit siya sa batok nito, ramdam ang bawat tigas ng katawan nitong dumikit sa kanya. Sumisingaw ang init mula sa balat nito, tila nanunukso, sumasalubong sa init na matagal nang tinatago sa kanyang loob. Napaungol siya nang bahagya, pilit pinipigilan ang sarili, ngunit nagmamakaawa rin ang tinig niya sa init na sumasakop sa kanila.

Ang ingay at lalim ng kanilang paghinga ay umaalingawngaw sa bawat sulok ng art room, tila musika ng pagnanasa na tanging sila lang ang nakaririnig. Mainit, mabigat, at mapusok ang hangin sa paligid nila. Sa bawat galaw, sa bawat pagdampi ng kanilang mga balat, ay tila ba lumiliit ang mundo, na para bang silang dalawa lang ang naroon.

Habol-habol ni Kris ang kanyang hininga, nanginginig ang kanyang mga hita nang bahagyang kumalas si Ryker, pero hindi para siya pakawalan, kundi upang lalong paghiwalayin ang kanyang mga hita, mas malalim, mas mariin, at mas mapang-angkin. Napakagat siya ng labi, pilit kinukulong ang sariling mga ungol, ngunit tumatakas pa rin ito sa kanyang bibig.

“Aah… Ry…” pautol-putol niyang sambit, halos hindi maipinta ang ekspresyon ng kanyang mukha nang muli siyang lagpasan ng matinding sensasyon.

Hindi siya binigyan ng pagkakataong huminga, ni makapag-isip, nang bigla siyang hilahin ni Ryker, pinaupo sa kandungan nito. Napasinghap siya nang malakas, “R-Ry… ahh…” nanginginig ang kanyang tinig kasabay ng lalim ng pagsalubong nito sa kanya, tila nais siyang tuluyang angkinin.

Muling lumusong si Ryker, mas mariin, mas malalim. Napasinghap si Kris, at sa bawat ulos nito ay nauubos ang kanyang mga salita, ang kanyang paghinga putol-putol, “Ahh… Ry… w-wait… hindi ko… ahh… kaya…”

Ngunit lalo pa siyang inangat ni Ryker, dahilan para mapakapit si Kris ng mahigpit sa batok nito, halos bumaon ang kanyang mga kuko sa balat nito.

“Ry…” mahina at anas na pagtawag niya, puno ng pagmamakaawa at pagnanais.

Nalulunod si Ryker sa bawat daing at pagkapit ni Kris sa kanya. Lalo siyang nag-iinit sa pagtawag nito ng kanyang pangalan, tila musika sa kanyang pandinig. Hindi niya napigilan ang sarili, gumapang ang kanyang labi sa leeg nitong basa na ng pawis, hinahalikan, sa bawat piraso ng balat na kanyang abot.

Ang mga painting na nakasabit sa dingding ay tila mga matang lihim na nakamasid sa pagsasanib ng kanilang mga katawan—mga kulay at hugis na tila gumagalaw sa ritmo ng kanilang mga ungol at hininga.

Mas bumilis at lumalim ang bawat galaw niya, tila nais ibaon ang buong pagkatao at iukit ang kanyang marka sa kalamnan nito, alaalang hindi nito matatakasan. Muling sinakop ni Ryker ang mga labi ni Kris sa isang mariing halik habang pinakakawalan niya rito ang bunga ng kanilang kapusukan.

Pagkalipas ng mainit na sandali sa loob ng art room, napalitan ng hikbi ang kanina’y mga ungol na naririnig.

Yakap yakap ni Kris ang kanyang sarili, tila napupuno ito ng pagsisi matapos nitong kumalma.

Hindi na kumibo si Ryker matapos siyang titigan ni Kris ng matalim at puno ng pagkamuhi. Tahimik siyang lumabas ng art room, dahan-dahang isinara ang pinto. Sumandal siya roon at napansin ang mga cookies na nakakalat sa sahig. Isa-isa niya itong pinulot at inilagay sa paper bag.

I’m sorry if I’m not enough for you.

Samantala, sa kabilang bahagi ng paaralan…

Napangiti ang mga mata ni Chiara habang pinagmamasdan ang natutulog na anyo ni Zane. Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok nito, mula sa noo, pababa sa perpektong hugis ng ilong, at huminto sa mga labi. Gusto niyang tandaan ang bawat parte ng mukha nito.

“What am I going to do? I’m so happy I don’t care what will happen to me anymore.”

Dati, isa lang itong ordinaryong tao sa kanya. Pero ngayon, si Zane na ang buong mundo niya.

“Do you like my face that much?” biro ni Zane habang iminulat ang isang mata. Hinuli niya ang kamay ni Chiara at hinalikan iyon sa palad.

“Show off,” natatawang sabi ni Chiara sabay pisil sa ilong nito.

Parang tumigil ang mundo sa kanila. Hindi nila namalayang tapos na pala ang klase. Paglabas nila ng school, madilim na ang paligid. Mahigpit ang hawak nila sa isa’t isa — parang ayaw nang bumitaw.

“Saan ko ihahatid ang girlfriend ko?” tanong ni Zane, may ngiting nanunukso.

Napahinto si Chiara. Dahan-dahang nawala ang saya sa mukha niya.

“I want to walk a bit,” mahina niyang sabi, hindi tumitingin kay Zane.

Paano niya sasabihin na sa Havaianas lang siya nakatira? Masakit itago ang madilim niyang sikreto. Ayaw niyang magsinungaling, pero mas takot siyang mawala si Zane.

Sumulyap siya kay Zane na tahimik na naglalakad sa tabi niya. Ayaw niyang sirain kung anong meron sila. Wala na siyang pakialam sa bukas, basta makasama lang niya ito ngayon.

Napangiti si Zane. “Why? Hindi mo ako kayang pakawalan?”

“Yes. I can’t let you go,” sagot niya, seryoso ang tono.

Napailing si Zane, bahagyang natatawa. “You’re so serious.”

Yumuko si Zane at hinalikan siya, dapat sana’y mabilis lang, pero tumagal. Hindi niya maalis ang labi sa kanya. He never imagined a kiss could feel this good.

“Paano ka naging role model student kung hindi mo makontrol ang sarili mo, Mr. President?”

Iniwan niyang basa at namamaga ang labi ni Chiara.

Damn, she looks…

Napapikit si Zane, tinakpan ang mga mata. “This is all your fault. I never knew I had this side.”

Napapangiting hinila siya ni Chiara habang naglalakad sila sa park.

Hindi na mahalagang malaman nito na may malalim na dahilan ang koneksiyong nararamdaman nila sa isa’t-isa.

Kapag nagtagpo ang kanilang mundo, mahirap nang maghiwalay. Kung mawala ang isa, para na ring nawala ang kulay ng buhay ng isa.

Ang tanging problema—magkaibang mundo sila.

He’s human. She’s a demon.

Habang patuloy sila sa paglalakad, napapansin ni Zane na laging dumidilim ang mga daanang pinipili ni Chiara, na parang may aninong sumusunod sa kanila.

Nahihirapan siyang makakita sa dilim, pero si Chiara, parang may sariling liwanag.

Dumaan ang malamig na hangin at mahigpit na yumakap kay Chiara, hinawi ang buhok niya na animo’y alon sa gabi. She looked like an enchantress. At sa paraan ng pagtingin niya, parang isang nilalang na hindi para sa mundo niya.

“What are you?” bulong niya, humigpit ang hawak sa kamay nito, puno ng pag-aalinlangan at hiwaga.

Kinabukasan…

“Prez, ito na ang files na pinahanap mo sa akin.” Inabot ng kasama ni Zane ang isang folder.

“Thanks, Carl.”

Si Carl ang student assistant sa registrar. Hawak niya ang archive kung saan nakatago ang lahat ng files ng mga estudyante.

“No problem. Basta ikaw.” Kinawayan siya nito bago lumabas ng office.

Hindi na nagsayang pa ng oras si Zane at agad binuksan ang folder.

He said he doesn’t need to know anything about her. Ngunit sinabi niya iyon dahil umaasa siyang si Chiara mismo ang magbubukas ng totoo sa kanya. Pakiramdam niya, kapag siya ang unang nagtanong tungkol sa tunay nitong pagkatao, baka tuluyan na itong lumayo.

Napasandal siya sa kanyang upuan, hawak pa rin ang folder, at tulalang tumitig sa laman nito.

She’s living alone. She doesn’t have any family.

Sa halip na mabawasan ang mga tanong niya, lalo lang itong nadagdagan. She’s full of mystery. She’s so close yet so far.

Gusto niyang mapalapit pa kay Chiara, pero paano, kung ayaw nitong magsabi ng totoo?

Sa hindi inaasahang sandali, bumukas ang pinto.

Pumasok si Kriss, ngunit hindi ito ang Kriss na nakilala niya—hindi ang babaeng laging may ngiti para sa kanya. Blangko ang ekspresyon nitong lumapit. Walang sabi-sabing hinila siya sa kwelyo at siniil ng halik.

Samantala, sa kabilang bahagi ng paaralan…

Isang grupo ng mga babae ang humarang kay Chiara. Inimbitahan siya ng mga ito na sumama.

Alam niyang masama ang intensyon nila—naamoy niya ito. Pero pinili pa rin niyang sumama para maiwasan ang eksena sa harap ng maraming tao. Kilala niya ang uri ng mga ito. Kapag tumanggi siya, siguradong pipilitin siya.

Mula sa mga tingin pa lang ng mga babae, alam niyang may binabalak sila. Dinala siya ng grupo sa abandonadong laboratoryo.

Jealousy. Envy. Resentment.

Ito ang naamoy ni Chiara sa kanila.

Pinalibutan siya ng pitong babae, mapanganib ang mga tingin.

“Okay lang ba talaga ‘to?” nakangiting tanong ng isa na maiksi ang buhok.

“Sinabi niyang siya ang bahala sa atin,” sagot naman ng mukhang leader nila.

“Siya?” May taong nasa likod ng mga ito. Wala siyang matandaang nakaalitan niya sa school. Pero alam din niyang maraming lihim na naiinggit sa kanya. Nakakapagtaka lang na ngayon lang sila nagkalakas ng loob.

“Ha? Anong kinatatakutan niyo? Alam niyo bang nakipag-break sa akin ang boyfriend ko dahil sa kanya? Kabago-bago niya lang dito, nakuha na niya lahat ng atensyon!”

Bigla siyang tinakpan ng itim na bag sa ulo at sinipa sa paa kaya napaluhod siya sa sahig.

Nangangalit ang kanyang inner demon, hirap siyang kontrolin ito. Hindi na bago ang ganitong pangyayari—ilang beses na rin siyang ginulo ng mga naiinggit sa kanya, at sa lahat ng pagkakataon… nagwakas iyon sa kamatayan ng mga nanakit sa kanya.

Pero ngayon, ayaw niyang madumihan ang kamay niya.

Hinayaan niyang pagbuntunan siya ng galit ng mga babae. Pinilit niyang ikulong ang demon sa loob habang tinatanggap ang bawat sipa at suntok.

“Just because you have a pretty face, you think you can get anyone? Slut!”

Sunod-sunod ang sipa sa tiyan at likod niya.

Sa labas ng laboratory, nagwawala ang hangin. Unti-unting nagkakaroon ng lamat ang mga bintana.

“Bitch!” patuloy ang pag-apak at pagbugbog sa kanya.

Samantala, sa loob ng opisina ni Zane—

“What are you doing?!” galit na sigaw niya, sabay tulak kay Kriss matapos siya nitong halikan.

Parang tinaga ang dibdib niya. He felt like he betrayed Chiara.

Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ni Kriss, pero hindi iyon sapat para balewalain ang ginawa nito.

“What am I doing? Kinukuha ko lang ang dapat na sa akin!” sigaw ni Kriss, puno ng hinanakit.

“Are you crazy? Kailan pa ako naging sa’yo, Kriss?” Lumapit siya, naniningkit ang mga mata. “Don’t do this.”

“I became like this because of you! Kung ako ang pinili mo at hindi ang babaeng iyon, hindi sana ako ganito!”

Napakunot ang noo ni Zane. “What are you talking about?”

Muling sumikip ang dibdib ni Zane, parang may bumabalot na bigat. Hindi niya maintindihan, pero si Chiara ang naaalala niya sa sandaling iyon.

“What did you do?”

Samantala, sa abandonadong laboratory…

Nakapikit si Chiara, pinipigilang lumabas ang totoong anyo. Nanginginig ang katawan niya sa galit.

Hindi alam ng mga babae na ang pinagkakaisahan nila ay hindi ordinaryong nilalang.

“Sirain ko kaya ang mukha niya para wala siyang mukhang ihaharap sa school?” nanggigigil na wika ng leader ng grupo, na sinang-ayunan ng lahat.

Inihanda na nito ang sarili para sipain si Chiara sa mukha.

Ngunit sa loob ng itim na bag na nakatakip sa kanyang ulo, nag-iba na ang anyo ni Chiara. Humaba ang kanyang mga kuko at nagliliyab ang mga mata niya na animoy pulang apoy. Bumaon ang mahahaba niyang kuko sa sahig, iniwan ang malalalim na marka.

Bago pa tumama ang sipa sa kanya, biglang nabasag ang mga salamin sa loob ng laboratory. Nagulantang ang mga babae, halos mabingi sa lakas ng tunog.

Bumukas ang mga pinto at bintana, at isang hangin na kasing lamig ng yelo ang pumasok, dumaan sa kanilang lahat.

Napahawak ang pito sa kanila sa kani-kanilang tenga, pilit tinatakpan ang sarili mula sa matalim na ingay at hampas ng hangin.

Sa isang iglap, kayang wakasan ni Chiara ang kanilang mga buhay, pero pinipigilan niya ang sarili.

Nanginginig ang kanilang mga katawan, at may mga sugat sila mula sa bubog na tumama sa kanila.

“A-anong nangyayari?!” natatarantang sigaw ng isa.

Nang makita ng isa sa kanila na nakabukas ang pinto, agad itong nagtangkang tumakbo. Sinundan ito ng anim, pilit umaalis kahit ramdam nilang hinahampas sila ng malamig na hangin.

Pero inangat ni Chiara ang kamay, at sa isang kumpas, isang makapal na hangin ang nagpasara ng pinto.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang itim na bag na nakatakip sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ng grupo nang makita nilang unti-unti siyang tumayo na para bang walang nangyari dito.

Takot ang bumalot sa kanila nang makita ang kanyang mga mata—kulay dugo, naglalagablab sa dilim.

Isa-isang nabasag ang mga ilaw, at nilamon ng kadiliman ang buong laboratory.

Ang tanging makikita sa gitna ng dilim ay ang dalawang nag-aapoy niyang mga mata.

Malalakas na sigawan ang naghalo sa loob ng kwarto.

Samantala, sa kabilang bahagi ng school.

“She deserved it! She should have never touched you!”

Damn it.

Nagmadaling tumakbo si Zane papunta sa lumang gusali. Kung may nangyaring masama kay Chiara, hindi niya mapapatawad ang sarili.

Pagdating niya sa harap ng abandonadong laboratory, nakita niya ang mga bubog na nagkalat sa sahig—basag na salamin na parang bagong-bago pa lang natapon.

Humigpit ang dibdib niya sa kaba.

Nang pumasok siya, nanlaki ang mata niya sa nakita.

Pitong miyembro ng sorority na kinabibilangan ni Kriss ang nakahandusay sa sahig. Hindi niya makita si Chiara kahit saan.

Lumuhod siya at tinignan ang pulso ng leader ng grupo. Nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang buhay pa ito, pero puno ng galos at gasgas.

Para silang mga bangkay na nawalan ng kaluluwa.

Isang miyembro ang gumalaw at nagkamalay.

“Prez? A-anong nangyari?!” gulat na tanong nito nang makita si Zane.

“Ako dapat ang magtanong niyan. Anong ginagawa niyo rito? And what happened to you all?” tukoy niya sa mga sugat nila at basag na salamin sa paligid.

Napakunot-noo ang babae, halatang naguguluhan.

“Hindi ko matandaan, Prez… Ang alam ko lang, may i-we-welcome kaming bagong member…”

Biglang nanlaki ang mata ni Zane.

Chiara…

Agad siyang napatayo at mabilis na lumabas ng laboratory.

Samantala, sa rooftop ng lumang gusali…

“Why did you stop me? I would have killed them!” galit na sigaw ng inner demon ni Chiara habang kinokontrol niya ito.

“Shh… Kung kumalma ka lang kanina, hindi sana nila ako nagalaw.” Mahinahon ngunit mahina ang kanyang sagot, pilit pinapatahimik ang sarili.

Nasa rooftop siya, mag-isa, hinihintay gumaling ang mga sugat sa katawan.

Pero bakit parang hindi siya kagaya ng dati? Kung noon, mabilis siyang gumaling, ngayon, mabagal ang pagaling niya.

Hinaplos niya ang mga galos sa braso, nagtataka. I just fed on so much fear… bakit parang wala akong lakas?

Napapikit siya ng mariin nang maramdaman ang isang makapangyarihang presensya.

“You let him mark you.”

Nanlaki ang mga mata ni Chiara nang marinig ang pamilyar na boses.

Hindi siya maaaring magkamali.

“A fearless demon letting a human mark her is fatal,” malamig na sabi ng aninong unti-unting lumitaw mula sa dilim.

“You’re in a mess, Chiara,” dagdag nito habang lumalapit sa kanya.

Dahan-dahang napatayo si Chiara, nagsimulang uminit ang sulok ng kanyang mga mata dahil sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

A tall, slender, handsome beast—ang aura nito ay mabigat, nakakatakot.

“You never behave,” nakangiti nitong bulong habang marahang hinagkan ang kanyang noo.

“Koda…” mahina niyang sambit, ramdam ang halo ng takot at pagkagulat sa pagbabalik nito.