Pagpasok ni Zane sa kanyang kwarto, sinalubong siya ng kadiliman.
Dumaan ang malamig na hangin sa kanyang tabi, at kusang nagsara ang pinto sa kanyang likod.
Bukas ang bintana, kaya ang liwanag ng buwan ay malayang pumasok, sapat para aninagin niya ang isang aninong nakaupo sa gilid ng kama — si Chiara.
“Will you stop disappearing without saying anything to me? I really hate it,” inis ngunit ramdam ang pag-aalala sa boses ni Zane habang lumalapit siya at umupo sa tabi nito.
“I’m sorry…” mahina, halos pabulong na sagot ni Chiara.
Natigilan si Zane. May sakit sa tinig nito.
“No, that’s not what I mean—”
“I put your life… and your friends in danger.”
Napabuntong-hininga ng malalim si Zane.
“Chiara, listen to me.” Pinaharap niya ito sa kanya, marahang hinawakan ang baba nito para itutok ang mga mata nito sa kanya.
“Look at me,” aniya, malumanay pero matatag.
Hinaplos niya ang gilid ng pisngi nito, dahilan para mapapikit si Chiara.
“What did you do the first day I met you?”
Napakagat ng labi si Chiara, pero nanatiling tahimik.
“You saved me…” mahinang sabi ni Zane. “And I know the reason why I’m still here… is because of you.”
Dinampian niya ng halik ang nakapikit na mata nito.
“When I didn’t hear your heartbeat earlier… I wanted to follow you,” bulong ni Chiara, isinusuksok ang mukha sa dibdib ni Zane, pinapakinggan ang tibok ng puso nito.
Marahan siyang niyakap ni Zane, mahigpit na parang ayaw nang pakawalan.
Her body is so cold.
Gusto niyang ibigay dito ang lahat ng init na mayroon siya, pero habang yakap niya si Chiara, may kakaiba siyang nararamdaman.
Oh God…
Kung malamig ang katawan ni Chiara, siya naman ay nagsisimulang uminit — sobra, na parang mawawalan siya ng kontrol. Mabilis siyang kumalas sa yakap bago pa siya tuluyang matangay ng damdamin.
Nagtataka si Chiara habang sinusundan ng tingin si Zane na biglang tumayo at naglakad papunta sa switch ng ilaw.
“You don’t paint anymore?” tanong ni Chiara, napansin ang mga painting na nakasabit sa dingding, may lagda ni Zane.
“I got tired of it,” simpleng sagot nito, umupo sa dulo ng kama.
Mula pagkabata, mabilis pagsawaan ni Zane ang mga bagay — mga laruan, libangan, kahit sports. Maging ang baseball, na akala niyang magtatagal sa kanya, ay iniwan niya rin.
Nothing keeps my attention.
He was dying of boredom, kaya mas pinili niyang matulog nang matulog, naghihintay ng “something interesting”.
Ngunit ngayon, alam niya na, hindi bagay ang hinihintay niya, kundi “someone.”
His world lit up the moment this beautiful demon entered his life.
“I want to stay with you tonight…” mahinang sabi ni Chiara, may halong pag-aalinlangan.
Hindi pa niya kayang harapin si Koda — hindi pa ngayon.
“If that’s okay with you…”
“What are you saying? Of course, it’s okay with me!”
Nagpipigil si Zane ng hininga.
Gusto niyang isumpa ang sarili niya. Hirap na nga siyang pakalmahin ang sarili lalo na’t nasa loob sila ng kwarto, mag-isa, at gabi pa.
Hindi niya gustong samantalahin si Chiara, pero hindi rin niya maikakaila ang nararamdaman niya.
Mabilis niyang kinuha ang makakapal na kumot at inilatag iyon sa sahig sa tabi ng kama.
“What are you doing?”
Dumapa si Chiara sa kama, pinagmamasdan siya habang kinakalma niya ang sarili.
“Here. I’m sleeping on the floor,” sagot ni Zane, hindi makatingin ng diretso.
“Okay,” matipid na sagot ni Chiara, walang emosyon, parang wala lang.
Okay?
So you’re really going to let me sleep here?
Lihim na napangiti si Chiara nang mabasa ang iniisip ni Zane.
“I’m really cold right now,” bulong nito, at muling hinigpitan ang pagkakayakap sa sarili.
Napakamot si Zane at kumuha ng isa pang kumot para kay Chiara.
Pero nang akmang isasapin niya iyon sa kanya, bigla siyang hinila ni Chiara, dahilan para bumagsak siya sa kama, sa tabi nito.
“Are you going to sleep on the floor or with me?”
He’s doomed.
Kinaumagahan, sa loob ng Alannis High School Campus.
“Zane? Zane!”
Halos mapudpud na ang daliri ni Axel sa kakakatok sa lamesa ni Zane, pero nanatili pa rin itong nakapikit at nakasandal sa upuan.
“What am I gonna do with you, huh?” reklamo niya, sabay isa pang katok sa mesa.
“Ry? How do you even handle this guy?” inis na tanong niya kay Ryker na tahimik na nagre-review sa tabi ng bintana.
“Just leave him alone,” matipid na sagot ni Ryker, ni hindi man lang tumingin sa kanila.
Napabuntong-hininga si Axel, napakamot sa ulo, at bumalik sa center table kung saan nakakalat ang project nilang dalawa ni Zane.
Great. Deadline na bukas, tapos ito pa partner ko — ang hari ng katamaran.
Meanwhile, gising na si Zane, pero hindi pa rin niya magawang imulat ang kanyang mga mata.
Magdamag siyang gising, pinagmamasdan si Chiara habang mahimbing itong natutulog sa tabi niya.
His little beautiful demon — at walang kaalam-alam si Chiara kung gaano siya nahirapan.
“Shit!” mura ni Axel nang hindi sinasadyang gamitin ang kamay niyang may sugat sa paghila ng ruler.
Napilitan tuloy dumilat si Zane, tinignan siya mula sa kanyang kinauupuan.
Dahan-dahang tumayo si Zane, tumungo sa center table, at umupo sa tapat ni Axel.
“Give it to me.” malamig na utos niya.
Agad namang inabot ni Axel ang papel.
Walang kahirap-hirap na ginuhit ni Zane ang tamang linya — walang pag-aalinlangan, walang draft.
Ilang sandali lang, isang perpektong pyramid ang nasa harap nila sa illustration board.
“You’re a genius!” humanga si Axel, pumalakpak pa habang nakangiti.
Pero agad din siyang napangiwi nang aksidenteng maigalaw muli ang sugatang kamay.
Napatigil si Zane, titig sa kamay ni Axel.
…Your friend is in love with your girl and you didn’t say anything…
“Ax,” mahinahon niyang tawag.
Napatingin si Axel sa kanya.
“What?”
Huminga ng malalim si Zane, alam niyang kailangan na niya itong sabihin.
“Chiara… is my girlfriend now.”
Napasinghap si Axel, tuluyang napahawak sa tiyan at tumawa nang malakas.
“You’re kidding, right? There’s no way she’d go for a poker face like you! Right, Ryker?” tumatawa niyang tanong, humarap kay Ryker.
Pero seryosong nagkibit-balikat lang si Zane, at si Ryker — nanatiling tahimik.
Biglang natahimik si Axel.
Nagpalit-palit ng tingin sa dalawa.
“Wait… You’re not joking?”
Napatayo si Axel, tinikom ang kamao.
Nanginginig sa inis at sakit.
“So that’s why Kriss is locking herself up in her room, huh?”
Parang tinamaan siya ng matalim na katotohanan.
Pinisil niya ang sugatang kamay, tinitiis ang sakit.
“Zane… just this once — let me punch you!”
Nagkagulo sa loob ng Student Council Office.
Naglingunan ang mga estudyanteng dumadaan sa hallway, napapailing na lang.
Sanay na sila sa ingay at gulo ng student council — lalo na kapag nandoon si Axel.
“Can you imagine Zane saying sweet things to a girl?” hingal na tanong ni Axel kay Ryker habang pinipigilan siya nitong habulin si Zane.
Umalis na si Zane, tahimik na iniwan ang dalawa.
“That bastard only knows how to sleep! How did he even get her?!” patuloy na sigaw ni Axel, hindi makapaniwala.
“Get over it,” malamig na sagot ni Ryker habang inaayos ang nagusot niyang uniform.
Pero bago pa tuluyang matapos ang usapan, may nasabi si Ryker na hindi sigurado kung para kay Axel… o para sa sarili niya:
“No matter how much you like her… she would never look your way.”
Last day na ng preliminary exam at ito na rin ang huling test ng mga estudyante ng araw na iyon. Makikita ang pagkakakunot sa noo ng mga estudyante sa pagsagot sa exam paper nila, ang iba ay nayayamot kaya nilalagyan na lang ng kung ano-anong sagot ang papers nila kahit hindi na binabasa ng maayos ang mga tanong.
Samantala…
Wala sa sariling sinasagutan ni Chiara ang test paper niya, pagkatapos lamang ng dalawang minuto ay nakumpleto na niya ang sagot ng 100-item na question. Nang matauhan at nakita niyang naperfect niya ang exam, agad na binura niya ang kanyang mga sagot saka niya pinalitan. Naramdaman niyang may mga matang nakamasid sa kanya. Nahuli niya ang kanilang homeroom teacher na si Adaya na nakatingin sa kanya. Isa itong matandang dalaga na may tatlong linya sa noo na parang naging permanente na iyon sa mukha nito. Nginitian niya ito at ibinalik ang atensyon sa test paper at kunwaring binabasa iyon.
Nang ipasa nila ang kanilang mga test paper, isa-isa iyong tiningnan ni Adaya. Bigla itong tumigil ng matagal sa isang papel. Tumikhim ito at tinawag ang pangalan ni Chiara.
This old witch is really sharp…
“Miss Kein?” gustong makasigurado ng matandang guro kung tama ang hinala niya.
“Do you—” natigil ang balak niyang pagtatanong nang may umagaw sa atensyon ng kanyang mga estudyante at napunta ang tingin ng mga ito sa pinto. Maging si Adaya ay napasunod din ng tingin…
A dashing good-looking guy show up in her classroom. But wait—it’s not just any guy, it’s their Student Council President?!
“Mr. Saffron,” inayos ni Adaya ang salamin niya sa mata at tiningnan muli kung tama ang nakikita niya. “Not wearing a uniform is not a good example to our students,” pagdidiin nito.
“Ma’am, pagbigyan niyo na si Prez, birthday niya ngayon,” wika ng isang estudyanteng lalaki na member ng baseball team ni Blake.
Muling tumikhim si Adaya na parang may bumabara sa lalamunan nito, ngunit ginagawa lang nito iyon para tumahimik ang mga estudyante niya.
“So what can I do for you, Mr. Saffron?” Ginulo mo ang klase ko. Dapat lang na may mabigat kang dahilan, dagdag sa isip ng matandang guro.
Nilagpasan nito ng tingin si Adaya at lumipat ang tingin ni Zane sa klase at agad na nahanap ng mga mata niya ang nag-iisang makulay na bulaklak sa gitna ng makakapal na damo. Nagtama ang tingin nila ni Chiara.
“Can I take Chiara with me?” nanatili siyang nakatitig kay Chiara na napapangiti sa kanya. Hindi niya rin napigilang mapangiti at mahawa sa matamis na ngiti nito.
Umulan ng sipol at hiyawan ang buong klase. Ang kaninang tahimik na classroom ay naging maingay. Karamihan ay kinilig sa chemistry ng dalawa ngunit hindi si Adaya na allergic sa mga ganitong bagay.
“Mr. Saffron, this is not—”
“Of course she will,” naputol ang pagtutol nito nang salubungin ni Chiara ang tingin ni Adaya at ikinulong ito sa mahika niya.
“O-of course…” sagot nito.
Nagpalakpakan ang mga estudyante ng di inaasahang pumayag ang tinuturing nilang terror teacher. Lumapit si Zane kay Chiara at hinila ito palabas ng klase nito…
Nagsimulang kumalat ang balitang ito sa buong school na parang apoy na lumiyab, ang pagsabog na nailagay pa sa front page ng newspaper ng school.
The Council President snatch away the Supreme Beauty Chiara Kein!
“I didn’t know it’s your birthday,” nag-aalalang wika ni Chiara nang makasakay sila sa sasakyan ni Zane na palabas ng campus. Hindi sila nagse-celebrate ni Koda ng mga birthday nila dahil sa haba ng panahon na ginugol nila dito sa mundo. Christmas and New Year is just an ordinary day for them. Ngunit para sa mga tao, mahahalaga ang mga araw na iyon. Akala niya alam na niya ang lahat pero marami pa siyang dapat matutunan.
“Ah right, a gift. I should give you a gift, right?” lalo siyang nag-alala.
Tinanggal ni Zane ang isang kamay sa manibela at kinulong ang isang kamay ni Chiara sa palad niya.
“There’s no need. You, being by my side, is my biggest gift…” Dinala ni Zane ang kamay ni Chiara sa labi niya at dinampian iyon ng halik.
Ginawa ni Chiara at Zane ang normal na ginagawa ng magkasintahan. Kumain sa labas, nanood ng sine, namasyal, at hanggang sa mapadpad sila sa isang botanical garden.
Napapalibutan sila ng matatangkad na puno na humaharang sa sinag ng araw at humahalik ang sariwang hangin sa mga dahon. Hindi naghihiwalay ang kanilang kamay habang naglalakad sa pinong mga damo.
The fresh air and the green surrounding is so enchanting… And here, beside him, is the dazzling lady who looks at him with a gentle smile on her lips.
“Chiara,” humigpit ang pagkakahawak ni Zane sa kamay nito.
“I know I still have a long way to go. I’m just a boy who turned seventeen. Still living with my parents and still getting a warning for not wearing a school uniform.” Pareho silang napangiti sa huli.
“Despite all that, don’t let go of my hand. Wait for me until I become the man that you deserve.”
Nawala ang ngiti ni Chiara. He was thinking about their future together. Ngunit wala siyang kakayahang ibigay iyon dito.
How far can they go?
This question is always haunting her…
“Zane, I-I…” how is she going to tell him that she can’t stay on his side forever? That she’s… Napahawak siya sa dibdib ng maramdaman niyang nagsisimula na namang umatake ang sakit niya.
No no… Not now…
Nakagat niya ang ibabang labi ng parang tinutusok ng mahahabang karayom ang kanyang dibdib.
“Wh—”
Napahinto si Zane nang maramdaman niyang lumalamig ang kamay ni Chiara, parang yelo na ang hinahawakan niya.
“Are you okay?” lalo siyang nag-alala nang makita niyang dumudugo ang labi ni Chiara sa higpit ng pagkakakagat nito na parang tinatago nito sa kanya na nasasaktan ito kahit huli na.
“Chiara, don’t. Stop biting your lips.”
Pinakawalan nito ang labi nito at niyakap siya ng mahigpit. Hindi niya alam ang gagawin nang maramdaman niyang nagsisimulang manginig ang katawan nito.
“Anong nangyayari sayo?” kinakabahang tanong niya at niyakap ang nanginginig nitong katawan na kasing lamig ng yelo.
“I-I’m s-so-rry…”
Parang alam na ni Chiara na mangyayari ito.
“Chiara, please?! Meron ba akong hindi alam?”
Masakit para kay Zane na makitang nahihirapan ito sa mga bisig niya, at wala siyang magawa. Parang unti-unti siyang pinapatay ng sakit na nararamdaman nito.
“Are you hiding something from me? Please tell me!”
Hindi niya ito pwedeng dalhin sa hospital. No matter how much he squeezed his brain he can’t find a way to save her.
Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya hanggang sa mawalan ito ng malay. Kanina lang ay nakangiti ito ng matamis sa kanya, ngayon ay hindi na nito maibuka ang mga mata nito.
“Chiara..?”
Halos paliparin ni Zane ang kanyang sasakyan papunta ng Havaianas. Wala siyang ibang maisip kundi iuwi si Chiara sa teritoryo nito.
Mula sa view mirror ay nakita niyang wala pa rin itong malay sa backseat. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Kusang bumukas ang gate ng Havaianas na parang inaasahan nito ang pagdating nila. Agad na huminto siya pagkapasok ng sasakyan sa loob.
Mabilis na lumabas siya ng sasakyan at kinuha si Chiara sa backseat. Nakita niyang may kumakalat na itim na mga marka sa katawan nito nang buhatin niya.
“Damn it! Damn it!” he cursed.
Hindi na niya napigilan ang mga luha niya habang yakap-yakap si Chiara. He felt helpless and useless. He can’t do anything for her. He doesn’t even know why this is happening to her?!
Biglang lumitaw ang isang misteryosong lalaki sa harap nila. Like Chiara, he has the same aura. A demon…
Pamilyar sa kanya ang mga mata nito kahit ngayon niya pa lang itong nakita.
“In the end, she didn’t listen to me. She’s been blinded and risked her life for a mere human.”
Tama ang hinala ni Zane. His calm and composed tone answered his question.
“What do you mean?” malamig na tanong ni Zane dito.
“I don’t fucking know what’s damn happening to her but are you just going to stand there and let her die?!”
“The one who’s killing her is you.”
Napahigpit ang pagkakayakap ni Zane kay Chiara. He didn’t want to listen to this beast but he knows that he doesn’t have a choice. Kung kaya nitong sagipin si Chiara, pipigilan niya ang namumuong galit sa kanyang dibdib.
“The more you hold onto her, the more you’re bringing her to her death. You marked a fearless demon as your own and you didn’t think of the consequences? The bond between a demon and a human is a curse and Chiara is suffering from that sickness. I will not allow her to die in the arms of a human, but there is nothing I can do if you can’t let her go yourself. She will keep coming back to you. You need to end this madness if you want to save her.”
Napangiti si Zane ngunit hindi umabot sa mga mata niya.
“You fucking asshole, you didn’t want to dirty your hands so you use my friend and now you want me to abandon her?!”
“If you’re sharp enough to see through me, then you clearly know what you need to do.”
Lumapit si Koda kay Zane at kinuha si Chiara sa mga bisig nito. Hirap na pinaubaya ni Zane si Chiara dito.
Nakita niya ang papalayong anino ng dalawa hanggang sa balutan sila ng itim na usok at nawalang parang bula sa kawalan…
Nasuntok ni Zane ang salamin ng kanyang sasakyan. Hindi niya naramdaman ang dugong dumadaloy sa kanyang kamay. Pakiramdam niya ay namanhid ang kanyang buong katawan…
