Nakakalat ang mga origami sa sahig at kama ni Chiara. Apat na oras na siyang gumagawa ng iba’t ibang klase ng origami. Plano niyang makagawa ng apat na libong piraso upang malampasan niya ang dati niyang record na tatlong libo at limandaan.
Natigilan lamang siya sa ginagawa nang kumalam ang kanyang sikmura. Dahil sa nangyari kagabi, naubos ang one-week supply na pagkaing na sana’y naconsume niya. Wala kahit isa man lang sa apat na pumunta kagabi ay nakuhanan niya.
Kahit isa siyang demonyo, may katangian din siya na tulad ng tao. Kailangan niyang “kumain” upang hindi manghina.
Hindi siya mamamatay kahit hindi siya makakain ng takot mula sa tao, ngunit ang kapalit nito ay matinding panghihina at tuluyang pagkawala ng kontrol sa sarili. Kapag nangyari iyon, ang kanyang inner demon ang kokontrol sa kanyang katawan. At kapag bumigay siya, para na siyang mabangis na halimaw na aatakihin ang kahit na sinong makita na may bahid ng takot.
Noong panahon pa ng kanilang mga ninuno, maging laman at dugo ng tao ay kinakain nila. Ngunit dahil unti-unti nang nagbabago ang panahon at mas dumarami na ang bilang ng mga tao kaysa kanila, dumating sila sa puntong humiwalay sa mga tao.
Nagtago sa kasuluksulukan ng kagubatan ang mga natira sa kanilang lahi. Doon nila natutunang mabuhay nang hindi kailangang pumatay. Isa-isa silang lumabas mula sa bundok at nakihalubilo sa mga tao. Simula noon, namatay ang mga kwento tungkol sa kanila. Sa paglipas ng mga henerasyon, sila’y naging alamat na lamang.
Daan-daang taon ang lumipas hanggang sa tuluyan na silang nakalimutan ng sangkatauhan. Nanatili sila sa dilim — hindi man nararamdaman ng mga tao, lihim pa rin silang humahalobilo sa mundo ng mga ito.l sa kanila. Sa paglipas ng mga henerasyon, sila’y naging alamat na lamang.
Napilitan siyang lisanin ang kama at pumunta sa kitchen. Binuksan niya ang fridge.
Puro tubig at tsokolate lang ang laman ng mga refrigerator niya.
Naglabas siya ng malalim na buntong-hininga habang pumipili ng tsokolate.
Human fear is still the best option. It will keep her full for a long period of time.
Hindi tulad ng pagkain ng tao na kailangang paulit-ulit i-consume.
Kumuha siya ng isang box ng tsokolate at dalawang bote ng mineral water.
Wala siyang stove o oven sa kitchen niya. Hindi nga niya malaman kung matatawag pa ba iyong kitchen, kung ang laman lang nito ay apat na malalaking refrigerator.
Binuksan niya ang isang pinto na may hagdanan paakyat sa kanyang rooftop.
Mas gusto niya na laging nasa rooftop dahil pakiramdam niya ay nakakulong siya sa loob ng Havaianas.
Umupo siya sa isang malaking upuang gawa sa ratan, may malambot na unan sa pang-upo at sandalan. Iyon ang paborito niyang tambayan kapag nasa rooftop siya.
Napilitan siyang buksan ang box ng tsokolate.
Nagtitiis siya sa ganitong pagkain kapag walang dumarating sa kanyang teritoryo.
Bibihira lang siyang lumabas. Lumalabas lang siya ng Havaianas kapag kinakailangan. Kapag may nais siyang bilhin na nakita niya online. Kapag naubusan siya ng stock ng pagkain.
At kapag masyadong matagal nang walang naliligaw sa kanyang teritoryo, siya na mismo ang kusang lalabas upang maghanap.
She hates hunting outside. It’s dangerous and risky.
Kailangan niyang laging mag-ingat na walang makakakita sa kanya.
Ngunit kapag ang mga tao ang tumapak sa kanyang teritoryo, kontrolado niya ang lahat.
That’s why she prefers waiting than hunting.
Pagkagat ni Chiara ng chocolate, narinig niyang tumunog ang kanyang alarm.
Agad na binitawan niya ang hawak na chocolate at sinalubong ang kanyang bagong dating na pagkain — panauhin.
Tumalon siya mula sa rooftop at hindi na niya napansin na nakarobe lamang siya, maliban sa underwear na suot.
Lumobo ang puti at manipis na roba na napuno ng hangin. She looks like a white fairy, not a demon.
Malinis ang kanyang paglapag, na para lamang isang piraso ng feather ang kanyang bigat.
Nasa taas siya ng two-story building habang hinihintay niyang tuluyang pumasok ng gate ang kanyang panauhin.
Napakunot siya ng noo nang makilala kung sino ang pumasok sa kanyang gate.
“Isn’t that tasteless human?” tanong niya sa sarili.
Karamihan kasi ng napapadpad sa lugar na ito ay hindi na bumabalik.
“Well, he doesn’t know how to be afraid. That should be expected.”
Hinintay niya ang mga kasama nito, ngunit wala na siyang naramdamang ibang presensya maliban dito.
“What? He’s alone?” Napa-kibit-balikat siya.
Akala pa naman niya ay makakakain na siya ng totoong pagkain ngayon, lalo tuloy kumalam ang sikmura niya.
Nililipad ng hangin ang kanyang itim na itim na mahabang buhok na nakalimutan niyang itali, pati ang mahaba at manipis na roba na animo’y yumayakap sa perpektong korte ng kanyang katawan.
It was a breathtaking creature but no one is able to see it.
Samantala, pumasok si Zane sa loob ng gate ng Havaianas.
Kahit hindi siya ang klase ng tao na lalabas kapag malalim na ang gabi, heto siya.
Hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanya sa lugar na ito.
Kahit gustuhin niyang balewalain, sumasagi pa rin sa isip niya.
Maging ang pagtulog niya ay nadidistorbo na rin.
Siya ang tipo ng taong hindi mapakali kapag may tanong sa isip na hindi nasasagot at kapag may bagay na hindi malinaw sa kanya.
Nais niyang malaman kung anong klaseng multo ang nagparamdam sa kanila.
Lumipas ang kalahating oras ngunit wala pa ring lumalabas.
Naalala niyang limang minuto pa lang silang nakapasok ng mga kasama niya noon ay nagparamdam na agad ito.
Naglakad-lakad siya sa gilid ng mga abandonadong building.
Maluwang at malaki ang lugar, ngunit dahil nababalutan ng dilim ang paligid, hindi niya magawang makita ang kabuuan nito.
Bumalik na siya dito isang umaga ngunit nakasara ang gate at hindi niya iyon mabuksan.
Kaya nagtataka siya kung bakit sa gabi lang ito nagbubukas.
Bigla siyang huminto nang may marinig siyang kaluskos.
Hindi muna siya lumingon, ngunit nang maramdaman niyang malapit na ito sa kanya, bigla siyang humarap.
Isang wild cat ang nakita niya.
Dahil sa pabiglang pagharap niya, natakot ang pusa kaya tumakbo ito palayo.
Sa di kalayuan, tahimik na nagmamasid si Chiara.
“What is he doing here?” tanong ni Chiara habang kumakain ng chocolate.
Kanina pa niya pinapanood ang lalaking ito mula sa malayo, ngunit malinaw niya itong nakikita dahil sa kakayahan niyang makakita kahit sa dilim.
“Show yourself.”
Narinig ni Chiara ang sinabi ng lalaki.
Siya ba ang hinihintay nito?
Muntik na siyang mabulunan sa chocolate dahil hindi niya mapigilang matawa.
Did he lose his mind?
Ito ang naghahanap sa multo?
He’s really damaged.
Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya ito pwedeng kainin.
Kumbaga sa pagkain, reject, o sa gamit, defective.
Kung ganoon, papapakin na lang ito ng mga lamok dahil walang magpapakita sa kanya.
Sa gitna ng katahimikan, naghintay si Zane, hindi alam kung multo o sarili niyang anino ang kinakalaban.
Sa sumunod na gabi…
“He’s here again?” hindi makapaniwalang tanong ni Chiara nang makita niyang ang pumasok ulit sa kanyang teritoryo ay walang iba kundi ang lalaking magdamag na naghintay sa kanya kagabi.
Bumalik siya sa kanyang kwarto at itinuloy ang naudlot niyang pagbabasa.
Tatlong oras na ang lumipas nang matapos niya ang pitong makakapal na libro.
Mag-aalauna na ng madaling araw. Binuksan niya ang kanyang monitor at nakita sa CCTV na naroon pa rin ang loko at nakaupo sa bubong ng sirang sasakyan.
“Does he plan to live here?” siya pa ang naapektuhan sa presensya ng taong ito.
Hindi niya malaman kung sira ba talaga ito o sadyang matigas lang ang ulo.
“Ahh! Just ignore him. Ignore him. Ignore him.” paulit-ulit na wika niya sa sarili.
Isang linggo na ang lumipas, ngunit hindi pa rin sumusuko ang binatilyo.
Tuwing pagsapit ng alas-diyes ng gabi, inaasahan na niyang darating ito.
Halos nakalimutan na niyang hindi pa siya nakakakonsume ng human fear simula nang maging regular ang pagdalaw nito sa kanyang teritoryo.
Kailangan na talaga niyang lumabas para mag-hunt.
Sinigurado niyang makakabalik siya bago mag-alas-diyes.
Napabuntong-hininga siya at nabatukan ang sarili nang mapagtanto niyang inaabangan pa niya ang pagdating ng taong iyon.
He’s tasteless. Wala siyang mapapala dito.
Eksaktong alas-diyes ng gabi…
Nasa rooftop na si Chiara.
Halos humaba ang leeg niya sa kakatingin sa labas ng gate mula sa kinaroroonan niya.
Kahit alam niyang mag-iingay ang alarm pag dumating ito, naghihintay pa rin siya.
Nagtaka siya nang sumapit ang alas-diyes y medya at hindi ito dumating.
Lumipas pa ang oras…
Naghintay siya hanggang ala-una ng madaling araw, ngunit wala pa ring tasteless na nagpakita.
Sumuko na ba siya?
Nagtataka siya kung bakit parang may disappointment siyang nararamdaman ngayon.
Hindi ba’t mas maganda iyon — wala nang bubulabog sa kanya?
Pagbalik niya sa kwarto…
Umalis siya sa rooftop at nagkulong sa kanyang kwarto.
Binagsak niya ang katawan sa kama at kinuha ang black bear na stuffed toy niya, saka ito niyakap ng mahigpit.
Pumikit siya at pinilit na matulog.
Napahigpit ang yakap niya sa black bear nang mapagtanto niyang mag-isa na naman siya.
She was always alone…
No friend. No family. She have no one she can call a home.
She wanted to keep a pet, ngunit alam niyang tatanda at mamamatay lang ito.
Tulad ng mga tao… they’re weak and fragile.
Tumatanda at namamatay.
Habang siya ay nanatiling bata, parang tumigil ang oras para sa kanya.
She had human friends before.
Naaalala pa niya ang mga mukha ng mga ito.
Lahat ng funeral nila ay nasaksihan niya.
It was hard to say goodbye and it was painful being left behind.
Kaya huminto na siyang makipaglapit sa mga tao.
Hindi na niya muling gustong pagdaanan iyon.
She used to have a family. They are immortals but they still left her…
Siniksik niya ang mukha sa malambot na katawan ni black bear.
Ito na lamang ang hindi umiiwan sa kanya.
