Minsan, kahit gaano katatag o katibay ang pader na itinayo mo, unti-unti pa rin iyong mabubuwag…
Samantala, sa itaas ng mga gusali ng Havaianas…
Naglalakad si Chiara sa taas ng mga building habang sinasabayan niya ang paglalakad ng lalaking naghintay sa kanya ng tatlong oras kanina.
Palabas na ito ng Havaianas at bawat lakad nito ay magaan, hindi nagmamadali.
Bumaba ang tingin ni Chiara sa likod nito na sinusundan niya ng sulyap. Tuwid ang tindig nito, dagdag pa na matangkad ito.
“What are you doing, Chiara?”
“Spying.”
“What’s so interesting about him?”
“I don’t know.”
“Remember the rule.”
“I know.”
“Then stop following him!”
“I’m bored…”
“You are always bored.”
“It’s just that… there’s someone here who wanted to play with me.”
Kung nakikita lang ni Chiara ang inner demon niya, sigurado siyang umikot ang eyeballs nito.
“Don’t play with your food. And he’s not even food! Behave, Chiara.”
Natigilan si Chiara sa huling sinabi ng inner demon niya.
Behave, Chiara… iyon ang laging linya sa kanya ni Koda.
The old her will always search for trouble. Kung wala man siyang mahanap, siya mismo ang gagawa ng problema, at laging naroon si Koda para saluhin siya.
Ngunit nang mapagod ito, bigla na lamang itong naglaho.
Si Koda ang pinakamatagal na nanatili sa kanyang tabi, at ang buong akala niya’y habang buhay niya itong makakasama.
She thought that if she stopped behaving like a wild demon and be the good girl that he always wanted, babalik ito sa kanya.
“I waited too long…”
Nasilayan niya ang huling sulyap sa likod ni poker face bago ito lumabas sa kanyang gate.
Samantala, kinabukasan sa cafeteria…
“Zane, okay ka lang? Mukhang hindi ka pa nakakarecover sa lagnat mo,” puna ni Axel habang nilalaro ang phone nito at pasimpleng sinusulyapan si Zane.
Nasa cafeteria sila. Nauna silang dumating kaya hinihintay pa nila sina Ryker at Blake.
“Naalala mo ba nang pumunta tayo sa Havaianas? Tatlong beses na may bumulong sa’yo,” dagdag pa ni Axel na ngayo’y seryoso na ang tono.
Nawala ang atensyon ni Axel sa phone at gulat na napatingin kay Zane.
“Dude, wag naman. Gusto ko nang kalimutan ang nangyari sa atin doon. Bakit pinaalala mo pa?”
“Naisip ko lang kung boses ba ng lalaki o babae ang narinig mo.”
Parang giniginaw na napayakap si Axel sa sarili.
“Malamig na hangin ang bumulong sa akin at hindi malinaw ang mga katagang narinig ko, pero…”
Saglit na natigilan si Axel at nag-isip nang malalim.
“Pero?” naiinip na tanong ni Zane, naghihintay ng kasunod.
“There is this strange scent.”
“A scent?”
“Yeah, I remember it was a sweet scent. That scent is really refreshing.”
“Do you think it’s a woman?”
“Well, base sa mga kwento ng iba, ang madalas na magpakita ay black lady.”
“A ghost who smelled good?”
“Anyway! Why are you asking me these creepy questions?” reklamo ni Axel, halos magdikit ang kilay.
Sa pagdating nina Ryker at Blake…
“What creepy questions?” si Ryker na kakarating lang, kasama si Blake.
Dumagdag ang dalawa sa mahaba nilang lamesa.
“Itong si Zane, tinatanong ako tungkol sa Havaianas. Halos ilang gabi na nga akong hindi makatulog dahil dun eh,” sumbong ni Axel.
Parehong natigilan sina Ryker at Blake, halatang ganoon din ang nararamdaman pero pilit tinatago ang reaksyon.
Itinabi ni Blake ang baseball bat sa katabi niyang upuan.
“At bakit naman pumasok sa isip mo ang Havaianas?” seryosong tanong ni Ryker kay Zane.
“Nothing. He’s just overreacting,” turo ni Zane kay Axel.
Tahimik namang tinungga ni Blake ang kanyang softdrinks, pilit pinapanatiling kalmado ang mukha.
Hindi alam ng tatlo na pinarurusahan ni Blake ang sarili ng 300 push-up tuwing umaga dahil tinayuan ito ng balahibo sa insidenteng iyon.
Kilala si Blake bilang tough guy ng grupo, pero bigla siyang bumaluktot dahil lang sa multo.
Hindi pa rin matanggap ni Blake ang nangyari kaya lalo siyang nanggigigil kapag naaalala iyon.
“Past is past. Kalimutan na natin ‘yun,” sabat ni Ryker habang binubuklat ang pocket dictionary nito.
“Ah, gusto mong kalimutan ko ang nangyari sa’yo sa Havaianas?” may himig na pang-aasar ang wika ni Axel.
Hindi napigilang batukan ni Ryker si Axel gamit ang maliit na librong hawak nito.
“Bakit hindi ito ang gamitin mo pang hampas sa kanya?” isang morenang dalagita ang dumating.
Kasunod niya ang dalawa nitong alipores na sina Miggie at Yannie, ang kambal.
Kinuha niya ang baseball bat ni Blake at iniabot iyon kay Ryker.
Umupo siya sa tabi ni Zane at pasimpleng idinikit ang katawan dito.
“Bitch.” Malutong na tawag ni Axel sa babae.
“Bastard.” Ganti ni Kriss kay Axel.
Magkapatid man ang dalawa, parang aso’t pusa ang mga ito sa bahay man o sa school.
Napunta ang atensyon ni Kriss kay Zane.
Ang matalim na tingin nito kay Axel ay lumambot nang mapadako sa mukha ni Zane.
“Nagkasakit ka daw?” dinama nito ang noo ni Zane.
“Kung sinabi lang sa akin ni Kuya na nagkasakit ka, di sana ako na lang ang nag-alaga sa’yo,” dagdag nito, sabay sulyap ng masama kay Axel.
“At para ano? Baka reypin mo lang si Zane kapag sinabi ko sa’yo,” walang kurap na sagot ni Axel sa kapatid.
“Gago.”
“Gaga.”
“Basta sa susunod na magkasakit ka, ako ang mag-aalaga sa’yo,” balik lambing ni Kriss kay Zane.
Umaktong nasusuka si Axel sa tabi, pero sanay na silang lahat sa ganitong eksena ng magkapatid kaya bale-wala lang ito kay Zane.
Parang nakakabatang kapatid lang ang tingin ni Zane kay Kriss.
Alam ng lahat na hindi siya interesado dito, pero hindi pa rin mapigilan si Kriss sa pagpapakita ng interes sa kanya.
Samantala, nagsimulang makisali sa usapan ang kambal.
“Mainit ang ulo ni Kriss dahil sa bagong dating na transfer student,” singit ni Miggie, sabay upo sa tabi ni Axel.
Si Yannie naman ay umupo sa tabi ni Blake, agad na kumapit sa braso nito.
Parang may “Kriss syndrome” ang dalawa na palaging nakapulupot sa mga crush nila.
“Hindi mo siya masisisi dahil naagaw sa kanya ang korona,” dagdag ni Yannie habang pilit na tinatanggal ni Blake ang lintang nakadikit sa kanya.
Agad na naging interesado si Axel.
Kung ano ang kinaiinisan ng kapatid niya, iyon ang gusto niyang gamitin laban dito.
Mula pagkabata, parang trabaho na niya ang asarin si Kriss.
“Talaga?” tanong ni Axel na may ngiting pilyo, sabay akbay kay Miggie na parang hinihikayat itong magkuwento pa.
“Naagaw mula sa kanya ang atensyon ng mga boys dahil sa bagong transfer student na ngayon ay pinagtutuunang pansin ng lahat,” kwento ni Miggie.
“So nasapawan na pala ngayon ang kapatid ko.” Nakakalokong ngiti ang lumitaw sa labi ni Axel.
“Shut up,” singhal ni Kriss kay Axel na agad nayamot.
“I really don’t care about them as long as the one I like would look at me,” nakatingin si Kriss kay Zane habang sinasabi iyon.
Tinignan naman ni Zane si Ryker ng makahulugan, na para bang humihingi ng saklolo.
Nagkaintindihan agad ang dalawa.
Nagbaling ng usapan si Ryker para ilihis ang atensyon.
Agad siyang tumikhim nang mabasa ang signal mula kay Zane.
Ayaw man niyang aminin, pero kahit sa personal na buhay ni Zane ay parang siya pa rin ang tagapagtanggol nito.
“So, anong pangalan ng bagong transfer student?” tanong ni Ryker, mabilis na paglipat ng usapan.
“Chiara Kein,” sagot ni Yannie.
“Sweet. Maging pangalan niya, mas maganda pa kaysa sa kapatid ko.”
“Kung hindi ka titigil, Kuya, sasabihin ko kay Mommy na nabasag mo ang paborito niyang cup,” panakot ni Kriss dito.
“What? Nagkasundo na tayo tungkol diyan!”
Tahimik na tumayo si Zane.
Habang abala sa bangayan ang magkapatid, walang balak si Zane na makinig pa sa walang katapusang debate ng mga ito.
Nasa isip pa rin niya ang Havaianas, na nananatiling misteryo sa kanya.
Hindi pa rin tinigilan ni Axel ang kapatid.
“Kung hindi mo ako titigilan, kakalimutan ko ang kasunduan natin.”
“Sino ba ‘tong transfer student na ito at ang bilis mong mapikon?” natatawang tanong ni Axel.
“Hm… Chiara Kein,” ulit nito, na lalo pang nagpainteres kay Axel.
