This entry is part 7 of 23 in the series Fearless

Kutis na animo’y sinlinaw ng hamog sa umaga, buhok na wari’y hinabi mula sa pinakamanipis at pinakamaselang seda, mga pilikmata niyang mahahaba’t makakapal, waring mga pakpak ng paru-paro sa bawat pagkurap, isang mapanuksong engkantada.

Iyon ang tingin ng mga matang nakasunod kay Chiara habang naglalakad siya sa hallway. Pakiramdam ng lahat ay may naligaw na diyosa sa school nila.

“Chiara, I don’t think this is a good idea,” mariing bulong ni Anwen, ang tinig ng kanyang inner demon, habang marahang umalingawngaw sa loob ng kanyang isipan. May bakas ng pag-aalala sa bawat salita nito, tila bang unti-unti na itong nauubusan ng pasensya.

Ngunit ngumiti lamang si Chiara, isang mapang-akit, bahagyang mapaglarong ngiti, “A life without a worry is not a life,” mahina ngunit matalas na sagot niya, sabay kindat sa isang nerdy na estudyanteng nasalubong niya sa hallway. Napahinto ito sa paglalakad, namula ang pisngi na parang binuhusan ng kulay rosas, at halos mabitawan ang mga librong mahigpit nitong yakap. Sa likod ng makapal na salamin ng eyeglasses nito, makikita ang gulat at paghanga.

“Chiara…” mariing sambit ni Anwen, tila ba pinipigilan ang sarili na sumabog sa inis. “Hindi ka ba talaga makikinig sa akin? Hindi mo ba naiintindihan ang panganib ng laro mo?”

Ngunit imbes na sumagot, tumingala si Chiara at pinasadahan ng tingin ang buong hallway, mga matang puno ng lihim, tila nagmamasid kung sino pa ang susunod niyang bibiktimahin.

“Chiara…” mas madiin na ngayon ang tinig ni Anwen, may halong pakiusap at takot.

Tahimik.

“You…” halos pabulong na lang, pilit pa ring umaasa ng sagot.

Pero sa halip na makipag-usap, inikot ni Chiara ang daliri sa dulo ng kanyang buhok.

“Fine,” pag-aalalang pag-suko ni Anwen at tuluyan na lamang naglaho ang kanyang tinig sa loob ng isip ni Chiara, isang biglaang katahimikan na mas mabigat pa sa mga salitang hindi niya nasabi.

Ngumisi si Chiara sa kawalan, nilingon ang hallway, hindi niya masisisi si Anwen. Kanina pa ito walang tigil sa pagpapaalala. Pero gaya ng dati, mas pinili niyang isugal ang lahat.

Nahinto si Chiara nang mapansin ang isang pamilyar na likod na lumabas mula sa cafeteria. Saglit na naghiwalay ang kanyang mga labi sa pagkakakapit nang makilala niya kung sino iyon. Lumaki ang unang hakbang niya at bumilis ang kanyang paglalakad.

Why? This feeling… The tightness in her chest, she can’t explain it.

Samantala, sa labas ng building…

Naramdaman ni Chiara ang pag-iba ng hangin. Narinig niya ang sigawan ng mga estudyanteng nagbabatuhan ng mga papel na nakabalot sa bato. Lalo pang bumilis ang kanyang lakad nang makita na madadaanan ni Zane ang malaking glass window. Hindi siya nagdalawang-isip. Lumapat ang kamay ni Chiara sa likod ni Zane at tinulak ito palayo bago pa tumama ang bato sa salamin.

Nagulat si Zane. He stumbled and fell to the ground. Did somebody push me? Tumayo siya at pinagpag ang sarili. Nang humarap siya para tingnan ang salarin, nagtagpo ang kanilang mga mata.

Liwanag ng araw ang pumasok sa basag na bintana, at napapikit si Chiara. Ito ang unang beses na nasinagan siya ng araw sa napakahabang panahon. Hindi siya nasusunog tulad ng bampira, pero kadiliman ang tunay niyang kaibigan.

Nagtagpo ang mga mata nila ni Zane. Hindi siya makapagsalita. Hindi bumawi ng tingin si Chiara. Si Zane ang unang nag-iwas, ngunit ngayon lang niya napansin ang mga basag na salamin na dapat sana’y tatama sa kanya. Napagtanto niyang tinulak siya nito para iligtas.

Lumapit ang nerd student. “O-okay ka lang?” tanong nito kay Chiara, nakatingin sa braso niya. Sinundan ni Chiara ang tingin nito at nakita ang sugat sa kanyang kaliwang braso. “Kailangan nating pumunta sa infirmary,” anito, sabay labas ng panyo para takpan ang sugat.

Ngunit agad na hinila ni Zane si Chiara palayo. “Ako na ang magdadala sa kanya.” Iniwan nila ang estudyanteng nag-aalok ng tulong. Nahulog ang panyong may bahid ng dugo sa sahig, at pinulot ito ng nerd. Nagulat ito nang makita na unti-unting naglalaho ang pulang bakas ng dugo, para bang tinatangay ng hangin. Imahinasyon lang ba ito?

Sa loob ng infirmary…

Diretso silang pumasok. Agad na kinuha ni Zane ang medicine kit mula sa cabinet, pamilyar na pamilyar sa paligid. Hinila niya ang isang upuan at pinaupo si Chiara.

“Wala si Miss Suzy pag ganitong oras,” paliwanag ni Zane. “Hindi naman malalim ang sugat mo, kaya ko na ‘to.”

Walang narinig na tugon si Zane. Tahimik lamang ito. Nakatingin lang sa kanya . He didn’t find it disturbing. Pero may kung anong pakiramdam na para bang maliligaw siya malalalim nitong mga tingin.

Pinatigil ni Chiara ang paggaling ng sugat niya. Pinagmasdan niya si Zane habang ginagamot siya. Ngayon lang niya ito natitigan nang ganito kalapit. Ramdam niya ang init ng hininga nito. Mainit pa rin ito, galing sa sakit.

Kasimpino ng bulak ang kanyang katawan, maputi at malambot, sa isip ni Zane habang marahang hinahaplos ang braso nito. Ni isang bakas ng sugat ay wala siyang masilip, wari’y ni minsan ay hindi pa dumanas ng hapdi ng sugat ang dalagitang ito. Ngunit isang tanong ang patuloy na kumakatok sa kanyang isipan. Sarado ang buong gusali, paano niya nalaman na may batong tatama sa salamin?

“You’re still sick. You should take a med and rest.”

“How did you know?” lalong nadagdagan ang pagtataka ni Zane sa tanong nito.

“Because I’m a fortune teller and I can read minds.” nanunuksong sagot ni Chiara.

Napansin ni Zane ang kakaibang pagkakatitig nito sa kanya — matalim pero may kung anong interes na naglalaro sa sulok ng mga mata nito, tila ba may alam itong hindi niya alam. Saglit siyang kinabahan, ngunit hindi siya nagbawi ng tingin. Pinag-aralan niya ang bawat pilik at kislap ng mata ng dalagita, sinusubukang alamin kung ano ang nasa likod ng mga titig na iyon.

“Do you like me?” malamig ngunit mapanubok na tanong niya, pilit nilalabanan ang kakaibang kabang sumisiksik sa kanyang dibdib.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Chiara, kita niya ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi nito. “Do I like you?” ulit nito, tila hindi inaasahan ang diretsahang tanong ni Zane. May bahid ng pagtataka at pagkaaliw ang boses nito.

“Then why are you looking at me like that?” matalim ang tanong niya, hindi inalis ang titig sa mga mata nito.

“Like what?” balik nito, boses na bahagyang bumaba, tila may nais itago ngunit hindi maitatago ang mas lalong paglalim ng tingin nito sa kanya, na tila hinihigop nito ang kanyang hininga.

Napakuyom ng palad si Zane sa gilid. Hindi man lamang nito iyon namamalayan o sinasadya nito? Parang normal lang dito na titigan siya na para bang… isang bagay na gusto nitong paglaruan. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa sugat nito, pilit itinataboy sa isipan ang bumabangong pag-aalinlangan at pagkalito.

This girl is really strange, naisip niya. Hindi niya mawari kung inosente ito o isang mapanganib na nilalang na bihasa sa pang-aakit.

“I’m Zane,” ani niya sa wakas, pilit pinapawi ang katahimikan sa pagitan nila, bagaman ramdam niya ang bigat ng hanging naglalapit sa kanilang dalawa.

“Chiara,” sagot nito, malambing ang tinig, at doon niya lang lubos na narinig ang pangalan nito.

So she’s the new transfer student, saglit niyang iniisip habang tinatapos ang paglagay ng band-aid sa sugat nito. “Done,” mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sariling hindi maintindihan.

Itinaas ni Chiara ang kamay niya, dahan-dahan, na tila may sariling mundo, at huminto iyon malapit sa kanyang mukha. Nagtatanong ang tingin ni Zane nang maramdaman ang init ng palad nito, bagaman ni anino ng pagdampi ay wala.

“Your eyes…” bulong nito, tila hinahaplos ng tinig ang buong pagkatao niya. “They’re changing. I thought you’re just a poker face.”

Ngumiti si Chiara — hindi basta ngiti, kundi ngiting may bahid ng tukso, isang uri ng mapang-akit na hindi yata nito namamalayang ginagawa.

She’s dangerous, sigaw ng isip ni Zane. Pero bakit nga ba? Bakit hindi niya magawang alisin ang tingin dito? Bakit parang siya ang nahuhulog sa bitag na hindi niya makita ang lalim?

May kung anong misteryo sa likod ng mga mata ni Chiara, at sa bawat pintig ng pulso ni Zane, lalo siyang nilulunod ng kuryente sa pagitan nilang dalawa.

“Zane! Natutulog ka na naman?” Natauhan si Zane sa boses ni Axel sa labas.

“Kuya, he’s still sick. Hayaan mo na siyang magpahinga,” sagot ni Kriss.

Agad na nag-alala si Zane. Mabilis siyang tumayo, binuksan ang pinto at lumabas ng infirmary. Humarang siya sa pinto na parang may tinatago.

Nagtataka ang magkapatid. Why is he trying to hide her? Napapikit si Zane, mariin.

Samantala, sa loob ng infirmary…

Narinig ni Chiara ang papalayong mga yabag, unti-unting nilalamon ng katahimikan ang tunog ng sapatos nito sa sahig.

Dahan-dahan siyang tumingin sa kanyang kaliwang braso, kung saan mahigpit niyang hawak ang maliit na piraso ng band-aid na maingat na ikinabit sa kanyang sugat. Sandaling napako ang kanyang mga mata roon, para bang hindi siya makapaniwala sa simpleng bagay na iyon. Napangiti siya, isang ngiting may halong pagtataka.

Ito ang unang beses na may nag-abala para gamutin siya.

Isang uri ng init ang kumalat sa kanyang dibdib, isang kakaibang pakiramdam na bihira niyang maranasan. Sanay siyang nag-iisa, sanay siyang ang tanging lunas sa sarili ay ang kanyang kakaibang kakayahan. Hindi niya kailangan ng tulong. Sapagkat alam niyang ilang sandali pa, ang sugat na iyon ay kusang maghihilom — mawawala na parang bula.

Pinikit niya ang kanyang mga mata, pinapawi ang madilim na damdaming pilit na sumusulpot. Hinaplos niya ng marahan ang balat sa ilalim ng band-aid, naramdaman ang init na iniwan ng kamay ng lalaking iyon.

“He’s pure…” mahina niyang bulong sa sarili, halos pabulong sa kanyang isipan. “Hindi ko siya dapat hawakan. Hindi ko siya dapat paglaruan.”

Pero habang sumasagi sa kanyang isip ang imahe ng mga mata nito, isang bagay ang gumugulo sa kanya , isang bagay na hindi niya maintindihan.

Nagtatakang pinagmamasdan ni Chiara ang band-aid sa kanyang braso.

Sa unang pagkakataon, natagpuan ni Chiara ang sarili na nangangamba, hindi sa kanya, kundi para sa taong nakapukaw ng kanyang interes.