This entry is part 9 of 23 in the series Fearless

Naglabasan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga classroom pagkatapos ng kanilang huling klase.

Ang dating maingay na kwarto na napupuno ng mga halakhakan ng mga grupo ng mga estudyante ay unti-unti nang nawawala, maging ang mga nagagawang ingay sa paghila ng mga silya at mga naglalakad sa hallway ay isa-isang nababawasan hanggang sa wala ka nang maririnig sa paligid ng buong building.

Nagpapaalam na ang araw at sinasalubong na ng paligid ang kadiliman…

Isang matangkad na estudyante na may makapal na salamin ang naiwang mag-isa sa loob ng library at nag-aayos ng mga librong nagamit niya at binabalik sa mga shelves.

Student assistant siya sa library at siya ang nilagay na in-charge sa lugar.

Hindi na masyadong ginagamit ang library dahil bibihira na lang ang mga estudyanteng naliligaw upang magbasa.

Kung research rin lang ang pag-uusapan, naroon naman ang internet kaya naman binabansagang nerdy o bookworm ang pumapasok ng library.

Nabitiwan niya ang mga hawak na libro nang maramdaman niya ang napakalamig na hangin na dumaan sa likod niya.

Napakunot-noo siya dahil alam niyang sinara niya ang mga bintana kanina.

Pinulot niya ang mga nahulog na libro at maingat na binalik sa shelves.

Sinundan niya ang pinanggalingan ng hangin.

Lumaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakabukas ang isang bintana at nililipad ng hangin ang mahabang kurtina na nagmistulang sumasayaw, ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang nakaupo sa dulo ng long table.

The enchanting beauty is staring back at him.

Parang niyayakap ng hangin ang buo nitong katawan.

Napako siya sa kanyang kinatatayuan.

Ngunit sa kanyang pagtataka, parang tinutulak siya ng hangin na lumapit dito, wala siyang nagawa kundi magpadala hanggang sa huminto siya sa harap nito.

“Hello, Nick.”

Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha nang marinig niyang lumabas ang kanyang pangalan sa mapupulang labi nito na inukit sa perpektong hugis.

“Y-you k-know me?”

Napakahirap maging composed sa harapan ng isang Chiara Kein.

Sa unang araw pa lang nito ay kilala na ito ng buong school.

Ang pangalan nito ay nagpapalit-palit sa bibig ng mga estudyante at mga guro.

Napakahirap balewalain ng tulad nito kaya naman hindi niya lubos maisip na nandito ito sa harap niya.

Nakangiting bumaba ang tingin nito sa dibdib niya.

Napahiya siya nang mapagtantong suot niya ang ID niya.

“Ahh…” napakamot siya sa kanyang noo.

“I forget to thank you for covering my wound.”

Hindi siya makapaniwalang pinuntahan lang siya nito dahil doon.

Sanay na siyang mabalewala.

Ang mga tulad niya ay para lang dingding na dinadaanan at walang mag-aabalang magtapon sa kanya ng tingin.

Hindi niya namalayang nakaawang ang kanyang bibig sa gulat, pilit binubuo sa isipan ang mga nangyayari. Parang may bumundol na alon ng init sa dibdib niya dahil sa presensiya nito.

“That’s why I want to give you a gift,” bulong ni Chiara.

“A-a gift?” nauutal na tugon niya, ramdam pa rin ang pagkalito.

Napansin niyang mas lalo itong ngumiti, isang ngiting mapanukso, malumanay, pero mapanganib.

“Stay still,” sabi nito, bahagyang lumalapit. At sa sandaling iyon, may kung anong sa loob niya ang tila naparalisa. Hindi niya maipaliwanag, pero parang may kapangyarihan sa boses nito, isang utos na mahirap suwayin.

Hindi siya gumalaw. Parang napako ang kanyang mga paa sa sahig habang sinusundan ng kanyang mga mata ang bawat kilos nito.

Dahan-dahan, marahan, dumampi ang mahahaba at mapipinong daliri ng babae sa kanyang salamin. Napasinghap siya sa init ng palad nitong tila umaagos mula sa malamig na balat. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata, at sa mga titig na iyon, ramdam niya ang paghapdi ng mga lumang sugat na matagal na niyang pilit tinatakasan.

Nawala ang pader na nagtatago sa kanya sa mga mata ng mga tao.

Para siyang nahubaran nang matanggal ang eyeglasses niya. Ngunit hindi siya nakaramdam ng ano mang pagtutol.

Sinalubong niya ang mga matang nakatitig sa kanya. Isang kagandahan ng halimaw na may matang parang demonyo ang pumapasok sa kanyang isipan.

Mga alaalang gusto na niyang kalimutan ay pilit na hinuhukay nito.

Nagsimulang kumalat ang hangin na kasing lamig ng yelo sa kanyang buong katawan. Nanatili siya sa kinatatayuan habang parang binabalik ang isang napakapait na pahina ng kanyang buhay.

“Nick!”

“Talia!”

“Nick, help me!”

Sumasaklolo ang batang babae na nasa gilid ng bangin.

Nahulog ang teddy bear nito sa bangin na nasabit sa ugat at pilit nitong inaabot, ngunit nadulas ito dahil malambot ang lupang tinapakan nito at ito naman ngayon ang nakakapit sa ugat.

Pilit na inaabot ng batang lalaki ang maliit na kamay na sumasaklolo dito.

“Nick, I can’t!”

“Hold me!”

“I can’t!”

“Please!”

Nahuli ni Nick ang kamay ni Talia at buong lakas na hinila niya ito pataas.

Mahigpit na nagyakapan ang dalawa sa sobrang takot at tuwa.

“Nick, if I become a grown woman I will marry you!

“You promise?”

“I promise!”

Hinalikan ni Talia sa noo ang batang lalaki.

After ten years…

“I’m sorry, Nick.”

“Nababaliw ka na ba? Nick, mga bata pa tayo noon.”

“Ano na lang sasabihin ng kaibigan ko? Tignan mo nga yang sarili mo.”

“Please lang, ‘wag mo na akong lalapitan sa school.”

Isang luha ang tumulo sa gilid ng pisngi ni Nick. Sa tuwing maaalala niya ang paulit-ulit na rejection ni Talia, hindi lang sakit kundi takot ang bumabalot sa puso niya. Takot na baka maulit ulit iyon sa kanya. Kaya naman nilalayo niya ang sarili sa mga tao at sa mga pwedeng makapanakit sa kanya…

Nabulabog ang mahimbing na tulog ni Nick nang malakas na hangin. Napaangat ang noo niya at napaupo ng tuwid sa kinauupuan nang mapagtantong nakatulog siya sa library.

Nakita niyang bukas ang bintana na pinanggagalingan ng hangin. Maliwanag na sa labas at naririnig niya ang ingay ng mga estudyanteng dumadaan sa labas ng library. Napakunot ang noo niya nang di niya maalala ang nangyari kagabi.

Tumayo siya at napansin niyang napakagaan ng kanyang pakiramdam. Napangiti siya sa di malamang dahilan. Lumabas siya ng library at iniwan ang eyeglasses sa lamesa.

Nakabukas ang tatlong butones na dati ay nakasara hanggang leeg. Ang dating mahiyain na nerd ngayon ay taas-noo at tuwid ang tindig na naglalakad sa hallway na puno ng mga estudyante. Ang iba na di pumapansin sa kanya ay nakasunod na ng tingin.

Ang transformation ng school nerd na naging bad boy. Matapos niyang lamunin ang kanilang mga takot, dalawa lang ang nagiging epekto: tuluyang masira o magbago. Bibihira lang ang mga nakakayang lampasan ito, at si Nick ay isa sa kanila.

Pababa si Chiara mula third floor nang may mga paang nagmamadaling tumakbo paakyat mula second floor. Agad niya sanang iiwasan, pero this guy is really clumsy. Nadulas ito sa mismong harap niya, kaya bago pa siya makakita ng patay na katawan na nakahandusay sa sahig, mabilis niyang hinuli ang braso nito at hinila palapit sa kanya. Napabalanse naman ito, pero sa sobrang lapit, napayakap pa sa kanya.

“What a baby,” puna ni Chiara sa isip. So careless.

Muntik na talagang mabagok ang ulo ni Axel kung hindi siya naagapan ng sariling tagapagligtas. Mariing nakapikit pa siya habang pilit inaayos ang paghinga. Nang maramdaman niyang ligtas na siya, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata, at halos mapamura.

Fuck.

Unti-unti siyang napanganga pero walang lumabas na salita nang tuluyang makita kung sino ang humawak sa kanya.

“Can you please let go?” malamig ngunit nakakabighaning wika nito.

Parang may sumiklab na apoy sa kalamnan niya. Nanikip ang kanyang pantalon nang marinig ang malamyos nitong boses, sobrang sexy na para bang ginawa para akitin siya.

Nanigas siya sa realization. Shit, yakap ko siya!

Agad siyang tumikhim at pasimpleng inalis ang kamay, inilagay sa likod na para bang walang nangyari. Pero sa totoo lang, halos mapamura siya sa loob.

God, her scent is killing me! Where did this sexy goddess come from?!