This entry is part 3 of 3 in the series His Brother's Wife

Camila.

Siya ang babaeng may pinakamagandang ngiti.

Ang kanyang mga tingin ay napakaespesyal—mapupukaw ang iyong puso at ipadadama sa’yo na nais mo siyang protektahan at mahalin.

Marami ang nahuhumaling sa kanya, subalit bukod-tangi lamang ang nakakakuha ng kanyang pansin. Siya ang babaeng hahangarin mong pangakuan ng lahat ng mayroon ka.

At siya rin ang babaeng pinakasalan ng kapatid ko.

Ako ang unang nagkainteres sa kanya, bago pa nahulog ang kapatid ko sa kanya. Malalim na ang pagtingin ko kay Camila, subalit naduwag ako—hindi ko siya nagawang ligawan. Hanggang sa ang kuya ko na mismo ang gumawa noon, para sana sa akin. Wala akong nagawa nang magsimula silang mahulog sa isa’t isa.

Pikit-matang naging best man ako ni John nang ikasal sila. Nakaguhit ang ngiti sa aking mga labi habang nakatingin sa kanilang anak na si Mico nang isilang ito. Sila ang larawan ng perpektong pamilya.

Lahat ng mga pinangarap ko ay tila walang hirap na nakakamit ng kuya ko. Mataas ang respeto ko sa kanya—siya ang aking role model. Ngunit minsan, kahit pilitin kong itanggi… nagseselos ako sa kanya, dahil siya ang paborito ng lahat. Sa kanya napupunta ang buong atensyon at pagmamahal ng aming mga magulang, at sa kanya rin napunta ang babaeng minahal ko nang higit pa sa buhay ko.

“Jake?”

Napukaw ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang tinig ni Camila.

“Tahimik ka lang?”

“Ah, marami lang akong iniisip,” sagot ko, pilit na ngumiti.

“Sa bagay, nagpapatayo ka na naman ng isa pang bar kaya palagi kang busy,” sabi nito, medyo nakangiti.

“Ginagawa ko lang ‘yon para makalimutan ko kung gaano ako kamiserable,” bulong ko sa sarili, habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos ni Camila. Mas lalong humubog ang katawan nito sa paglipas ng panahon. Nais kong maramdaman kung gaano kalambot ang kanyang mga kamay, at kung ano ang pakiramdam ng balat nito sa mga labi niya.

Agad kong inalis ang tingin sa kanya nang dumating si John sa living room, abala sa kausap nito sa telepono.

“I understand. Aalis ako ngayong week na ‘to para masimulan na natin ang project,” sabi ni John habang patuloy sa paglalakad.

Tumayo si Camila mula sa couch at nilapitan ang asawa nang matapos ito sa tawag.

“Kadarating mo lang, aalis ka na naman? Hindi mo na halos nakikita si Mico,” may halong hinanakit ang tinig nito.

Lihim akong napabuntong-hininga. Kung ako ang pinakasalan niya, hinding-hindi ko siya iiwan.

“I’m sorry, hon. Pero malaking project ito. Hindi ko pwedeng palagpasin,” paliwanag ni John. Isa siyang magaling na arkitekto kaya marami ang kumukuha sa kanya.

“Pero birthday ni Mico next week. Hindi ba pwedeng after na lang ng party ka umalis?” tanong ni Camila, halos nagmamakaawa.

“I’m really sorry, Camila, pero nakaset na ang schedule ko,” mariing sagot ni John.

“You always let your son down. You always let me down, John,” mahina pero mariin ang boses ni Camila.

“Nandiyan naman si Jake na tutulong sa’yo. I’m sure hindi malulungkot si Mico,” malamig na sagot ni John bago tuluyang tumalikod.

Tahimik akong napatingin sa kanila.

“Yeah, I wish pwede ko ding palitan ang lugar mo bilang asawa ni Camila,” bulong ko sa aking isipan, isang piping hiling.

Kinabukasan, umalis nga ang kuya ko.

Dumating ang birthday ni Mico, at ako ang nag-set up ng party. Oo, sobra akong nagpapaka-uncle, dahil iyon lang ang tanging dahilan ko para laging makita si Camila.

Marami na akong naging karelasyon, pero wala ni isa ang nagtagal. Hindi pa rin ako maka-move on sa pag-ibig kong hindi kayang tumbasan ng asawa ng kapatid ko.

Natapos ang buong araw ng birthday celebration ni Mico.

“Jake, iwan mo na ‘yan. Hayaan mo na ang mga katulong ang mag-ayos diyan. Samahan mo ako—tikman natin ang dalang wine ni Mama,” aya ni Camila habang hawak ang bote ng alak.

“Si Mico?” tanong ko, habang sinusundan siya papunta sa living room.

“Nakatulog sa sobrang pagod,” sagot niya, sabay yaya sa akin na umupo sa mahabang sofa.

“Maraming salamat, Jake. Hindi lang sa tulong mo ngayon, kundi dahil palagi kang nandiyan para sa amin ni Mico,” malumanay niyang sabi habang binubuksan ang bote at nagsalin sa dalawang kopita.

“Wala ‘yon, isang pamilya na tayo.” Mahina niyang sabi habang kinukuha ang isang kopita mula rito.

“Maswerte ang mapapangasawa mo, Jake,” wika nito na may ngiti, pero kita niya ang lungkot na pilit tinatago sa likod ng ngiting iyon.

“Nagsisisi ka ba?” tanong niya, hindi na niya napigilan.

Napangiti ito ng matipid, tila ba may kung anong alaala ang sumagi sa isip nito. Dahan-dahan nitong inikot ang daliri sa gilid ng kopita, waring nilalabanan ang sariling emosyon.

“Huli na, kahit magsisi pa ako…” mahinang tugon nito, halos pabulong. “May anak na kami, Jake… at hindi ko pagsisisihan ‘yon… Dahil dumating si Mico sa buhay ko.”

Ngunit kahit anong pilit nitong ngumiti, hindi maikakaila ang bahid ng lungkot sa mga mata nito — lungkot na parang pumatak sa puso niya.

Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya, ngunit marahan niyang hinawakan ang kamay nito — ang kamay na walang hawak na kopita — at dahan-dahan niya itong hinalikan sa likod ng palad, mahigpit, puno ng damdamin na matagal na niyang itinago.

“J-Jake?” gulat at takot ang boses nito, akmang babawiin ang kamay, pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak at dinala iyon sa dibdib niya, sa tapat ng pusong naglalaban ang tama at maling nararamdaman.

“Nararamdaman mo ba?” mahina pero puno ng kirot ang tanong niya, habang tinititigan ito ng mariin, pilit binabasa ang damdamin sa mga mata nito. At sa mga titig nitong hindi makabitaw sa kanya, doon siya humugot ng lakas para ipagtapat ang matagal nang kinikimkim.

“Mahal na kita bago ka pa niya nakilala… bago pa kayo ikinasal.”

“Jake…” bulong nito, halos wala sa sarili. Inaasahan niyang sasampalin siya nito — inaasahan niya ang galit — pero nanatili lamang itong nakatitig sa kanya, tila natuliro sa kanyang mga sinabi.

“Gusto ko ang paraan ng mga tingin mo sa akin…” mahinang wika nito, bakas ang pagkalito sa boses. “Pakiramdam ko, ako ang pinakaespesyal na babae sa mundo kapag tinitingnan mo ako ng ganyan. Wala pang gumawa sa akin niyan… ikaw lang. Huli na para mapansin ko ‘yon, Jake… kasal na kami ng kuya mo.” Huminto ito sandali, mariing pumikit, saka marahang nagpatuloy, “Kung may pinagsisihan man ako sa buhay ko… ikaw ‘yon.”

Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa dibdib niya sa narinig.

“Don’t—” pilit nitong tutol, ngunit huli na… idinikit niya ang labi sa mapupulang labi ni Camila.

Hindi man ito gumanti, hindi rin ito umatras. Kaya naman tuluyan na niyang sinakop ang labi nito — ang matagal na niyang pinapangarap.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, kapwa nila habol ang hininga.

“Mali ‘to, Jake…” nanginginig ang tinig nito, puno ng takot at pag-aalinlangan.

“Gusto kita. Hindi lang basta gusto — mahal na mahal. Mababaliw ako kapag hindi kita nakuha.” Mahigpit ang kapit niya sa kamay nito, tila ba baka mawala sa kanya kapag binitawan niya. “Itulak mo na ako ngayon, Camila… bago pa ako makagawa ng mas malaking kasalanan sa’yo.”

Ngunit huli na rin para sa kanya ang umatras. Alam niyang aabot sila sa puntong ito — puntong hindi na niya kayang itago ang kanyang nararamdaman. Nakahanda siya sa kahit ano — sa sampal, sa paglayo nito. Pero hindi niya inakala ang ginawa ni Camila.

Kinuha nito ang kamay niya at marahang hinila papasok ng guest room.

Pagkapasok nila, ini-lock nito ang pinto, at nang lumingon ito sa kanya, namumula ang mukha, nanginginig ang mga labi.

“Jake…” humihikbing tawag nito sa pangalan niya, ngunit bago pa ito makapagsalita, sinugod na niya ito ng halik — mariin, mapusok, puno ng pagnanasa’t sakit.

Sinakmal niya ang ibabang labi nito, nilasahan ang bawat patak ng alak na nanatili roon.

Mahihinang ungol ang naging tugon ni Camila, mga ungol na lalong nagpasidhi ng pagnanasa niya. Hinawakan nito ang braso niya, mahigpit, nang maramdaman ang paglalakbay ng kanyang mga labi pababa sa leeg nito.

Binigyan niya ito ng matitinding halik sa leeg, mga halik na may bahid ng poot sa sariling kahinaan.

“J-Jake…” mahina, nagmamakaawang tawag nito, nang maramdaman ang pagbaon ng ngipin niya sa balat nito.

“Don’t leave marks…” pakiusap nitong nanginginig, pilit lumalaban sa tukso.

“I’m sorry…” mahina ngunit mariing bulong niya habang nakasubsob pa rin sa leeg nito. “Matagal ko nang gustong gawin ‘to sa’yo. Hindi ko mapigilan, Camila… Hindi ko mapigilang markahan ka… akin ka.”

“Hindi man ako sa’yo… pero sa mga sandaling ‘to, Jake, pag-aari mo ako.” Mahinang tinig ni Camila, nanginginig at puno ng damdamin na hindi na kayang itago.

“Camila…” bulong niya, nanginginig ang boses.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras, muli niyang sinakop ang labi nito, mas mariin, mas mapusok. Pinasok ng dila niya ang loob ng bibig ni Camila, at sa unang pagdampi ng kanilang mga dila, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya.

Lumaban ng halik si Camila. Mainit, mapusok, tila ba nais nitong ilabas ang lahat ng itinagong damdamin. Nagtagpo at nagsayaw ang kanilang mga dila sa galaw na puno ng pagnanasa at pananabik, habang ang mga kamay niya ay hindi mapakali sa paghawak sa mukha nito, sa batok, sa beywang.

Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya, at bawat pagdikit ng kanilang mga labi ay tila apoy na sumisilab sa kanila. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng halik.

Halik na may kasamang pangungulila, takot, at matinding pagnanasa.

Sumisikip na ang pantalon niya dahil sa mapangahas na paglalaro ng dila ni Camila sa loob ng kanyang bibig. Hindi na niya napigilan pa ang sariling buhatin ito, mahigpit na hinawakan sa balakang, at inihiga sa kama nang maghiwalay ang kanilang mga labi, parehong habol ang hininga.

Pagkababa nito sa kama, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, at halos mabaliw siya sa nakita.

Ang pulang bestida nito, manipis at malambot na tila yakap na yakap ang kurba ng katawan, ay lalong nagpaalab sa damdamin niya. Humahapit iyon sa mapipintog nitong dibdib, sa makurba nitong balakang, at nang mahulog ng bahagya ang tela sa hita nito, napalunok siya nang masilayan ang mapuputi at makinis nitong mga hita, at higit sa lahat, ang maselang pagitan ng mga iyon.

“Jake…” mahinang tawag nito sa kanya, puno ng takot at pananabik.

Dagli nitong pinagkrus ang mga hita, waring pilit tinatago ang sarili mula sa mga mata niyang hayok na hayok na sa pag-angkin dito.

Umangat ang tingin niya sa mukha nito, at halos mapugto ang hininga niya nang makita ang pamumula ng pisngi ni Camila. Napakagat-labi ito, pilit nilalabanan ang pagnanais na mabasa sa mga mata nito.

Napangisi siya ng mapait, nahuhulog na rin ito, tulad niya.

Dahan-dahan siyang yumuko, bumaba sa kama, at lumuhod sa paanan nito. Dinikit niya ang mga labi sa hita nito, dinama ang lambot ng balat nito.

Napaigtad si Camila, ngunit hindi siya umatras, bagkus ay napapikit ito, tila isinuko na ang sarili sa kanya.

“I want to taste you…” mahinang bulong niya, puno ng pagnanasa at kirot ng pagkasabik na matagal nang kinikimkim.

Mariin ang pagkakapikit ni Camila, pero wala itong pagtutol. Hinayaan siya nito, hinayaan siyang angkinin ang bawat parte ng katawan nito, ang bawat damdaming ayaw sana nitong ilabas, ngunit ngayon ay kusa nang ibinibigay sa kanya.

“Hmm… nn– ngh…” napasabunot si Camila sa buhok niya habang abala siya sa pagdiskubre ng buong pagkababae nito gamit ang bibig at dila. Hindi siya tumigil, lalo na nang marinig niya ang paghabol ng hininga nito.

“J-Jake… nn…” daing nito, nanginginig at halatang pinipigilan ang sariling mapasigaw. Napangisi siya sa pagitan ng mga hita nito nang mapansin ang unti-unting pag-agos ng likido mula sa kaibuturan ni Camila. Mas lalo pa niyang dinilaan iyon na tila hayok na hayop, sinupsop ng mariin, at kinain ang bawat patak na ibinibigay nito sa kanya.

Napaliyad si Camila sa sarap, napakurba ang katawan nito sa matinding sensasyong dulot ng bawat hagod ng dila at pagsupsop niya.

“Jake… S-stop…” halos mahina at pautal na pakiusap nito, pero hindi naman nito naitulak ang ulo niya na ngayon ay mahigpit na nakakapit sa magkabilang hita nito. Sa halip na sumunod, lalo pa niyang pinaghiwalay ang mga hita nito, at nang maramdaman niyang nanginginig na ito sa sarap, ipinasok niya ang dalawang daliri sa madulas na lagusan nito.

“Ahh… mm…” hindi na nito napigilang umungol ng malakas. Napakagat ito sa labi, halos mapunit iyon sa diin, pilit nilalabanan ang sariling mahulog ng tuluyan sa kanyang bisig.

Nang hindi na siya makatiis, umangat siya sa ibabaw nito, hanggang magpantay ang kanilang mga mukha. Siniil niya ito ng halik na puno ng pagnanasa at pag-angkin.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, biglang kinagat ni Camila ang balikat niya, malalim at madiin, waring nais pigilan ang sariling mapahiyaw sa sarap ng paglabas-masok ng daliri niya.

“I-I want you…” pakiusap nito sa boses na paos, namumungay ang mga mata, basang-basa ng pagnanasa.

“Are you sure?” halos bulong niya, pilit pang hinuhuli ang sariling paghinga.

“I want you.” ulit nito na may panginginig sa tinig, ngunit ramdam niya ang kaparehong apoy sa mga mata nito.

Iyon lang ang kailangan niyang marinig.

Mabilis siyang bumangon, hinubad ang kanyang slacks at boxer, at tumambad ang matigas at galit na galit niyang pagkalalaki na kanina pa niya pinipigilan. Halos mapamura siya sa tindi ng pagnanasa na hindi na niya kayang ikubli.

Bumalik siya sa kama, tumapat sa pagitan ng mga hita ni Camila, at dahan-dahan, pinasadahan ng tingin ang hubo’t hubad nitong katawan.

Bahagyang umatras si Camila, halatang kinabahan, pero hindi rin ito tumutol. Itinaas nito ang mga kamay para pigilan sana siya, ngunit nang lalo niyang ibuka ang mga hita nito, nawala ang lakas nitong tumutol.

“Ah-ahh…” Napasinghap si Camila nang maramdaman ang unti-unti niyang pagpasok sa makipot at madulas nitong lagusan.

Napakagat labi si Camila, mariing tinakpan ang sariling bibig gamit ang kamay para hindi makalikha ng malakas na daing.

Sa bawat pulgada na ipinapasok niya dito, pakiramdam ni Jake ay nababaliw siya sa sarap. Hindi siya makapaniwalang inaangkin niya ang babaeng matagal na niyang minahal—ang babaeng asawa ng kanyang sariling kapatid.

Mali. Alam niyang mali ito sa mata ng mundo. Pero sa mga oras na iyon, ito ang tanging tama para sa kanya—ang pagkakataon na noon pa niya pinangarap.

“Jake…” mahinang sambit ni Camila, halos parang pag-iyak, ngunit pangalan niya ang binanggit nito, hindi ang pangalan ng kanyang kapatid.

Lalo siyang nag-alab sa narinig. Mas lalo pa niyang isinagad ang sarili sa loob nito, ramdam na ramdam niya ang init at kasikipan ni Camila na yumakap sa kanya.

Napakapit ito ng mahigpit sa magkabilang balikat niya, at sa bawat pag-ulos niya, lalo nitong hinigpitan ang pagkakakapit, parang ayaw siyang pakawalan.

“I’m sorry.” Mahina ngunit puno ng pagnanasa ang bulong niya habang walang ingat na ibinaon ang sarili sa kailaliman ni Camila, agad na nagsimulang hukayin ang bawat sulok ng lagusan nito.

“Ah! Ahh… Aaaah!” Halos mapunit ang boses ni Camila sa bawat madiing ulos niya. Kasabay ng pag-uga ng kama ang malalakas at mabibigat na pagbayo na walang pakundangan niyang ibinibigay sa gitna ng pagkababae nito.

Inangat niya ang isang hita ni Camila, mas lalong pinaghiwalay iyon upang bigyang-daan ang mas malalim at marahas na pag-angkin sa katawan nito. Habang patuloy sa paglabas-masok, kinapa niya ang isang dibdib nito na natatakpan pa ng manipis na tela. Hindi niya pinalampas iyon at mariing pinisil habang naglalabas-pasok pa rin sa lagusan nito.

“Hah… Aaaah!” daing nito nang magpang-abot ang sensasyon ng kanyang pagpasok at pagpisil sa dibdib nito.

Hindi siya nakatiis. Binangon niya si Camila at pinaupo ito sa kandungan niya, nakaharap sa kanya. Agad niya itong muling sinakop at mas malalim pa ngayon ang naaabot niya sa bagong posisyon nila.

“Aaahh… Ja-Jake…” daing ni Camila habang lalo pang bumuka ang bibig nito sa tindi ng sarap na dinaranas.

Hindi na siya nag-atubiling punitin ang red dress nito, hanggang sa tuluyang bumadya sa kanya ang buong kahubdan ni Camila. Lumantad sa kanya ang malulusog nitong dibdib, na tila nang-aakit sa bawat pag-angat at pagbaba sa kandungan niya.

Itinaas nito ang sarili, inihandog sa kanya ang mga korona ng dibdib nito, at walang pag-aalinlangang sinakmal iyon ng kanyang bibig. Palipat-lipat siya sa magkabilang dibdib, dinidilaan at sinusupsop nang sabik, hindi alintana ang malalakas na ungol na lumalabas sa bibig nito.

Habang sinusupsop ang dibdib, piniga niya ang malalambot na umbok sa likod ni Camila, tinutulungan itong kumanyod pataas-baba sa matigas niyang alaga.

Maya-maya pa, muling ibinagsak niya ito sa kama. Wala siyang sinayang na sandali, isinampay ang magkabilang hita nito sa kanyang mga balikat at buong pagkasabik na muling sinugod ang lagusan nito.

“Ahh… Jake… ohhh…” sigaw ni Camila habang naglalabas-masok siya nang mas mabilis, mas malakas, at mas marahas.

Sa bawat pagbangga niya sa kailaliman nito, mas bumibilis ang hampas ng katawan niya sa katawan ni Camila, at sa bawat pagtatagpo, lumilikha ng mas malalakas na ingay na umaalingawngaw sa loob ng kwarto.

Hindi niya na mapigilan ang sarili. Hindi siya magsasawa sa bawat daing, sa bawat ungol, at sa bawat paggalaw ng katawan nito na nagsusumigaw ng pagnanasa.

Pagkalipas ng mahabang sandali ng pagniniig, pareho silang humihingal na magkayakap hanggang sa dalawin ng antok. Sa gitna ng katahimikan, tanging tunog ng malalalim nilang paghinga ang pumuno sa silid.

Ngunit pagsapit ng hatinggabi, nagising si Jake. Nakatingin lamang siya kay Camila habang mahimbing itong natutulog sa tabi niya. Ayaw niyang aminin sa sarili na baka ito na ang una at huling beses na may  mangyari sa kanila. Ngunit sa kaloob-looban niya, alam niyang pagdating ng kanyang kuya, kailangan na nilang tapusin ang maling ugnayan.

Hinaplos niya ang pisngi ni Camila, sinisikap itanim sa isip ang bawat detalye ng mukha nito, bawat guhit ng labi, bawat pilikmata. Gusto niyang maging malalim ang alaala niyang ito kay Camila, isang alaala na hindi nito kailanman malilimutan.

Dahan-dahan niyang inalis ang kumot na nakabalot sa hubad na katawan nito. Muling bumungad sa kanya ang kahubaran ng babae na parang nagsusumamo sa kanya. Isang sulyap lang sa mapanuksong anyo nito at muling nabuhay ang pagnanasa niya.

Hindi siya nakapagpigil. Dahan-dahang dinaganan ni Jake ang katawan ni Camila, hinalikan ang leeg nito habang kinikiskis ang matigas niyang alaga sa bukana ng pagkababae nito. Hindi nagtagal at unti-unti niyang ipinasok ang buong tigas niya sa loob nito.

Napamulagat si Camila nang maramdaman ang pagpasok niya. “Jake?” mahinang ungol nito, bahagyang napasinghap sa biglaang sensasyon.

“I know this will be our first and last,” bulong niya sa tainga nito, puno ng sakit at pagnanasa ang bawat salita. “Kaya gusto kong sulitin ang bawat segundo na kapiling kita. I want to spend every second making love with you.”

Hinagkan niya ang namamagang labi nito, marahan pero may lalim ng pagnanasa. Isang halik na puno ng damdamin, isang halik na tila nagpapaalam na rin.

Pagkatapos ng halik, muling pinagpatuloy ni Jake ang mabagal ngunit mariing pag-angkin sa katawan ni Camila. Bawat ulos niya ay punong-puno ng pananabik, tila nais nitong iparamdam kay Camila ang lahat ng nararamdaman niya.

“Jake… ahhh…” namumungay ang matang sambit ni Camila, napakapit ito sa mga braso niya habang sinasalubong ang bawat galaw niya.

“Mahal kita, Camila…” hindi niya napigilang aminin habang sinasakop ang buong pagkatao nito.

“Jake… wag kang tumigil… please…” nanginginig ang boses nito, parang tinatablan sa bawat lalim ng pagpasok niya.

Mas lalong naging mapangahas ang bawat paggalaw ni Jake nang marinig ang pakiusap nito. Mariin niyang hinagod ang loob ng babae, ramdam niya ang pagbaon ng mga kuko nito sa likod niya habang sinasalubong ang bawat pagpasok niya.

“Camila, gusto kong maalala mo ‘to… na ako lang ang nakapasok sa’yo ng ganito…” napakagat labi siya habang binibilisan ang galaw, hinahabol ang sukdulan na tila ba iyon na ang huling beses na mararanasan nila.

“Jake… Jake…” paulit-ulit na ungol ni Camila, habang pinipigilan ang sariling mapasigaw sa sarap.

“Lalabasan na ako, Camila… Ahhh…” bulong niya sa leeg nito, habang mas lalo pa niyang pinagdiinan ang sarili sa loob nito.

“Ako rin, Jake… Ahhh… please… wag sa loob…” halos maiyak na pakiusap nito , at sa pangambang matapos na agad ang sandaling iyon.

Sa huling ulos niya, sabay nilang narating ang rurok, magkahalong ungol at halinghing ang bumasag sa katahimikan ng gabi.

Pagkatapos, niyakap siya ni Camila ng mahigpit, parang ayaw na siyang pakawalan.

“Jake… mahal din kita…” mahina ngunit tapat na bulong nito sa dibdib niya, bago tuluyang mapapikit sa pagod at init ng kanilang katawan.

WAKAS.

This story lives here. And if you want this home to stay, your quiet support means everything.

Support the site here.