This entry is part 12 of 20 in the series Rebellious Wife

Ito ang unang beses na nagsabay silang mag-agahan ni Seth mula nang ikinasal sila. Sinasadya ni Sin na gumising nang tanghali para hindi niya ito maabutan, dahil maaga itong pumapasok sa trabaho. Ngunit ngayon, tinanghali rin ito ng gising kaya hindi niya naiwasan ang presensya nito.

Nagtaka siya kung bakit hindi ito maagang pumasok gayong napakahalaga rito ng bawat oras. Simula nang maging Chairman ito, tila naging ginto na ang bawat segundo nito.

Itinuon ni Sin ang kanyang atensyon sa mainit na kape.

Pareho silang tahimik na nag-aalmusal ni Seth. Marahil ay ayaw nilang mawalan ng gana sa pagkain, kaya pinili nilang manatiling walang kibo.

Napansin niya ang tensyon sa tatlong katulong na nagsisilbi sa kanila. Ito ang unang beses na pinagsilbihan sila ng mga ito nang magkasama.

At sa tuwing nag-uusap sila ni Seth, palaging nauuwi sa mainit na argumento.

Natural lamang na makaramdam ng kaba ang mga ito kung ganito ang mga amo nilang pinaglilingkuran.

“Hindi ka ba papasok ngayon?” basag ni Sin sa katahimikan.

“Gusto mo na ba akong umalis?”

“Can’t you just answer my question?” Nagsimulang uminit ang tono niya.

“Masama ang pakiramdam ko,” balewalang sagot nito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Ngayon lang napansin ni Sin na namumutla ito.

“Bakit hindi ka magpatingin sa doktor?”

“I just need to rest.”

Pinunasan nito ang labi gamit ang napkin bago uminom ng tubig.

Hindi naiwasan ni Sin ang titigan ang mapupula ngunit medyo namumutlang labi ni Seth.

Agad niyang binawi ang tingin bago pa siya nito mahuling nakatitig dito.

What is she doing?

“I’m going back to my room,” mahinang sabi ni Seth bago tumayo.

Tumango lang si Sin nang hindi ito tinitingnan at muling itinuon ang pansin sa pagkain.

Nang makaalis ito, tinawag ni Sin ang isa sa mga katulong.

“Uminom na ba siya ng gamot?”

“Opo.”

“Good.”

Good? Nag-aalala ba siya rito?

Ipinilig niya ang ulo.

“I-check niyo siya mamaya. Tawagan niyo si Dr. Foz kung sa tingin niyong lumubha ang sakit niya.”

No. Hindi siya nag-aalala kay Seth.

Nag-aalala siya sa kumpanya.

Magiging malaking problema kung magkakasakit ang Chairman ng Valcarcel Group.

Kailan pa siya naging concerned sa kalagayan ng kumpanya?

Hirit na tanong ng malikot na isip ni Sin.

Pagkatapos mag-agahan, binabad niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine at pagsagot sa mga tawag ni Leo tungkol sa mga investments niya.

Maya-maya, isang katulong ang nagmamadaling lumapit sa kanya.

“Ma’am, si Sir po!”

Mabilis ang mga hakbang ni Sin papunta sa kwarto ni Seth.

Nakita niyang nanginginig ang buong katawan nito.

Dinama niya ang noo nito—napakataas ng lagnat.

Dumating ang doktor ng pamilya nila at tiningnan ang kalagayan ni Seth.

“Kumontra ang gamot na ininom niya, kaya mas lalong lumala ang sakit niya. But don’t worry, I injected him with the proper medicine.

Kailangan niya lang ng aalalay ngayong gabi dahil hindi agad epektibo ang gamot na ibinigay ko.”

“I understand. Thank you.”

Umupo si Sin sa dulo ng kama nang mapag-isa na sila ni Seth sa kwarto nito.

Hindi na ito nanginginig tulad kanina, pero mabigat pa rin ang paghinga nito.

“So this guy can get sick too, huh?”

Lumapit siya sa tabi nito at itinaas ang kumot hanggang dibdib ni Seth.

Wala pa rin itong malay hanggang ngayon. Mukhang pinatulog ito ng naunang gamot na ininom niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng magazine habang binabantayan ito.

Pagkalipas ng ilang sandali, naramdaman niyang pabaling-baling si Seth sa tabi niya.

Nahulog ang wet towel na inilagay niya sa noo nito.

Nag-alala siya nang makitang hindi ito komportable.

Hindi pa ito nakakainom ng tubig mula pa kanina.

Kahit gusto niya itong gisingin, mukhang imposible dahil nanghihina ito.

Nang kumalma si Seth, muli niyang inayos ang kumot at ang pagkakahiga nito.

Kinuha niya ang baso ng tubig at uminom mula roon.

Dinala niya ang labi niya sa bibig ni Seth.

Pinainom niya ito ng tubig mula sa kanya.

He looks so weak and fragile in this moment.

Maging siya ay hinihila na rin ng antok.

Humiga siya sa tabi nito at sumiksik sa ilalim ng kumot.

Hindi niya namalayang nakatulog na rin siya.

Hirap na iminulat ni Seth ang kanyang mga mata.

Parang isang iglap, nawala ang bigat ng kanyang katawan.

Hindi niya inaasahan ang makikita niya sa kanyang paggising.

Natutulog si Sin sa tabi niya.

Naagaw ng pansin niya ang isang bucket ng tubig at towel.

Ibig sabihin ba nito, si Sin ang nag-alaga sa kanya kagabi?

Hindi siya makapaniwala.

Hinarap niya si Sin, na mahimbing na natutulog habang nakakubli sa tabi niya.

Ito ang unang beses na nagising siya nang kasama ito.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang ilang hibla ng buhok na bumalot sa mukha nito.

This breathtaking beauty is his wife.

Hindi niya napigilan ang sarili.

Dampi sa labi.

Isang halik sa tungki ng ilong.

Maging ang kanyang nakapikit na mga mata.

Pinigilan niyang muling angkinin ang labi ni Sin bago pa ito magising.

Idinikit ni Seth ang kanyang noo sa noo nito.

“Why don’t you let me in?”

Bakit hindi siya nito bigyan ng pagkakataong iparamdam ang pagmamahal niya?

Bumangon na si Seth at hirap na iniwan ang asawa sa kama.

Bago pa siya makagawa ng bagay na kamumuhian ni Sin.