Malakas na ang tama ni Axel at Drew dahil walang tigil na sumasayaw ang mga ito sa harap nila. Kumuha sila ng isang private room sa bar dahil alam na nila ang mangyayari kapag tinamaan na ang dalawa.
“Come on, baby,” hinubad ni Drew ang pang-itaas nito at hinila ang bewang ni Axel para isayaw ito ng sweet dance na pinatulan naman ng isa. Napuno ng tawanan ang buong kwarto. Kanina pa namumula ang mukha ni Sin dahil marami na rin siyang nainom na alak. Nang sumunod na tumugtog ang rock music, alam niyang si Selene naman ang magwawala. Tinanggal nito ang tali sa buhok at hinayaan iyong lumugay sa magulong paraan. Hindi ito nagpatalo at sumayaw ng todo habang sinasabayan ang maingay na kanta kasabay ng malalakas na tawanan nila.
Maya-maya, hinila ni Selene si Blue para sabayan ito. Siya naman ay hinila ni Axel. Nagkagulo sa loob ng private room dahil lahat sila ay lasing na sa alak.
Sinalubong si Sin ni Leo paglabas niya ng bar. Ang mga kasama niya naman ay may kanya-kanya ding sundo. Kinawayan siya ni Selene bago ito sumakay sa sasakyan nito, habang ang tatlo naman ay bagsak na at may kanya-kanyang nagbuhat sa kanila na mga tauhan ng bar para ihatid sa kani-kanilang sasakyan. Napapailing na nilapitan siya ni Leo. Natapilok siya at muntik nang sumubsub kung hindi pa siya nasalo ni Leo. Inagapan nito ang pagbagsak niya.
Ikinawit ni Sin ang mga braso sa leeg nito at hinayaan itong buhatin at isakay siya sa sasakyan.
“Ito ang kinatatakutan ko kapag nagsasama kayong lima. Sin, look at you. Hindi kita pwedeng iuwi ng ganyan,” sermon nito.
“Then why don’t you take me to your place?” Tanong ni Sin na tila nang-aasar habang ikinakabit ni Leo ang seat belt niya. Hindi ito pinansin ng binata at umikot sa driver seat bago pinaandar ang sasakyan.
“Iuuwi kita. Hindi ko na pwedeng pasukin ang problema niyong mag-asawa. Hindi kita maaalalayan sa bagay na ‘yan. Ako ang naiipit. Isa pa, kailangan mong malaman ang epekto ng pagiging pabaya mo.”
“Shit, Leo, you’re a fucking nagger,” reklamo niya.
“And whose fault is that?!” Leo snapped.
“God, you’re so cute.”
“Shut up.”
“Alright, I’m gonna shut my eyes a bit.” Nahihilong ipinikit ni Sin ang mga mata niya. Ilang sandali lamang ay ginising na siya ni Leo. Pakiramdam ni Sin ay kakapikit lang niya kaya naman biglang kumirot ang sentido niya. Napahawak siya sa ulo at pilit inaninag ang paligid.
Nakita nyang lumabas ng maindoor si Seth.
“Shit…”
Lalong nanakit ang kanyang sentido at matalim na tinignan si Leo. Binuksan nito ang pinto niya, at inalalayan siyang palabas ng sasakyan.
Pinag-aralan ni Seth ang kabuuan niya, at napakunot ang noo nito nang makalapit sa kanila. Tinanggal nito ang kamay ni Leo sa bewang niya at ito ang pumalit na umalalay sa kanya.
“You can go. Ako na ang bahala sa kanya,” seryosong utos nito kay Leo. Iyon lang at mabilis na nagpaalam ang isa.
Nakita ni Sin ang ginawang pagtitimpi ni Seth na huwag magalit sa kanya. Kumawala siya sa pagkakahawak nito nang makapasok sila sa loob ng bahay. Ayaw niya ang pakiramdam ng pagdidikit ng kanilang mga katawan.
“I can do it,” wika niya at sinubukang ihakbang ang paa sa unang palapag ng hagdan ngunit nabigo siya. Mabilis naman siyang naagapan ni Seth.
Natigilan si Seth sa tabi niya nang makita nito ang marka ng kagat sa braso ni Sin. Napansin din iyon ni Sin, at bahagya siyang namutla.
“Shit, Drew,” bulong niya. Alam niyang nagiging halimaw si Drew kapag nasosobrahan ng alak—nangangagat ito, at walang sino man sa kanila ang nakakaligtas dito. Lalo na si Axel na paborito nitong kagatin.
Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha ni Seth. Alam niyang madudumi ang naiisip nito, ngunit wala siyang balak magpaliwanag. It will only sound stupid to him. At hindi rin ito maniniwala sa kanya, knowing her past. Kinuha niya ang braso sa pagkakahawak nito.
“I’m okay,” maikling sabi niya. Pinagpatuloy niya ang pag-akyat. Sa pagkakataong ito ay nahimasmasan siya kaya nagawa niyang umakyat nang hindi natutumba.
“Those assholes can touch you, but I can’t?!” Hinigpitan ni Seth ang hawak sa railing ng hagdan. Hindi na ito kailangang lingunin ni Sin para maramdaman ang galit nito. Ang tinig nito ay napakatalim at tila bumaon sa bawat sulok ng mansyon.
Nagpatuloy siya sa pag-akyat na tila hindi narinig ang sinabi nito. Narinig niya ang mabilis na mga hakbang ni Seth papalapit sa kanya. Walang babala na binuhat siya nito. Walang nagawa si Sin kahit magpumiglas siya.
Padabog siyang ipinasok ni Seth sa kwarto nito at sinarado ang pinto nang malakas.
“Don’t you dare!” sigaw niya nang walang ingat siyang ibinagsak ni Seth sa kama.
“Damn you!” balik-sigaw nito.
Nagulat si Sin. Ito ang unang beses na sinigawan siya ni Seth. Kumabog ang dibdib niya nang makita ang matinding galit sa mga mata nito.
“How could you do this to me?!”
Napaatras si Sin sa kama, ngunit hawak ni Seth ang magkabilang braso niya. Pilit niya itong tinutulak ngunit siya ang itinulak pabalik ni Seth sa kama. Tinanggal nito ang sandals niya at itinapon kung saan.
“Well, I regret it! Dapat tinali na lang kita dito at kinulong!” Hinablot muli ni Seth ang braso niyang may marka. “Who is it?!” Galit ang bumalot sa mukha nito. Nakaramdam si Sin ng kaba dahil bago sa kanya ang ganitong emosyon ni Seth.
“Who dares touch what’s mine?!”
“We didn’t do anything.”
“You let someone mark you and you want me to believe that?!”
“I don’t need you to believe me.” Napagtanto ni Sin na wala siya sa lugar para maging arogante sa mga sandaling iyon. Ngunit nagpatuloy si Seth sa sunod nitong ginawa—pinunit nito ang kanyang black dress sa harap. Naputol ang tela at lumantad ang kanyang panloob.
Magkahalong galit at pagnanasa ang nakita niya sa mga mata ni Seth.
“Stop!” Nagpumiglas si Sin ngunit dinaganan siya nito bago siya makatakas.
“Seth?!”
“Do you really hate me this much?!” Ngayon naman ay may halong sakit ang tinig ni Seth.
“Fine. Do what you want.” Sumusukong wika ni Sin. Bumagsak ang kanyang mga kamay sa gilid ng kama, at ang kanyang paghinga ay bumagal. Walang emosyong sinalubong niya ang mga tingin ni Seth. “Show me what kind of monster you are.”
Napuno ng sakit ang mga mata ni Seth. Lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya.
Ilang saglit lang, bumalibag ng sara ang pinto. Naiwan siyang mag-isa sa kama.
Naglabas ng malalim na hininga si Sin.
“You should hate me. It would be less painful if you don’t want me anymore.”
