“Auntie,” napatayo si Sin nang makita niyang pumasok sa kwarto ang mama ni Seth.
“Darling, you should call me Mom now. That boy, how could he lock his wife in his room?” Nakangiting lumapit ito sa kanya at niyakap siya. “Come on, I want to make you some breakfast.” Ngayon lang napansin ni Sin na umaga na pala. Ganoon ba siya katagal na nahulog sa malalim na pag-iisip at hindi niya napansin ang oras?
Bumaba sila, at nilutuan siya ng mama ni Seth ng pancake. Alam kaya nito ang nangyari sa kanila ni Seth? Gayunpaman, nagpapasalamat siya na hindi si Uncle Sutto ang dumating. Kung isang mabangis na leon si Uncle Sutto, kabaliktaran naman ito ng asawa niya na napakaamo.
“Aun- Mom…” hindi napigilang mapangiti ni Sin nang lumabas sa bibig niya ang katagang iyon.
“Dapat masanay ka nang tawagin akong Mom.” Nilapag nito sa harap niya ang bagong lutong pancake.
“I miss your pancake,” sabi ni Sin habang naghiwa ng pancake at isinubo iyon. Ninamnam niya ang lambot nito.
“Dahil iyan ang madalas niyong ipaluto sa akin ni Bryan noong maliliit pa kayo.” Bigla siyang natigilan sa pagsubo nang marinig ang pangalan ng pinsan.
“You miss him too?”
“I miss him.”
“Naalala ko kung gaano kayo kalapit sa isa’t isa na halos hindi kayo mapaghiwalay. Sa lahat ng magpipinsan, kayong dalawa ang pinakaclose. Nagpapasalamat ako at lagi kang nasa tabi niya. Maging sa kanyang huling sandali ay hindi mo siya iniwan. You’re always good to him, at sana’y maging ganoon ka din kay Seth.”
“Seth has everything. A strong Dad, a sweet Mom, and Valcarcel Group. Hindi siya mawawalan kahit mawala ako sa tabi niya dahil noon pa man ay hiwalay na ang mundo namin.”
“Then you do not know him. Umuwi siya ng madaling araw sa bahay. Niyakap niya ako nang mahigpit. This is the first time I saw him so vulnerable. I know my son. Kahit gaano pa kahirap ang pinagdadaanan niya, ni minsan ay hindi niya ito ipinakita sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala. Pero dahil sa’yo, hindi niya ito nagawang itago. He really loves you, Sin. Why don’t you give him a chance?”
Matagal siyang natahimik. “Is there really a chance for us?”
“Pag-isipan mong mabuti,” napapangiting tugon ng ginang. “Hindi uuwi ngayon si Seth. Pinayuhan ko siyang bigyan ninyo ng panahon ang isa’t isa. Wag kang mag-alala sa asawa ko dahil kinausap ko na siya ng masinsinan. He can’t force you to do that, and I’m really sorry for that.”
“It’s okay, Auntie.”
“Mom, and no, it’s not okay.”
Napapangiting niyakap ito ni Sin. She was like her mom. Siguro kaya close ang mommy nila ni Bryan ay dahil malaki ang pagkakapareho ng mga ito sa isa’t isa.
“Do you remember your 14th birthday when you lost your favorite necklace?” Tumigil si Sin nang maalala iyon. Ang necklace ay regalo sa kanya ng mama niya.
“How could I forget? Buong magdamag akong umiyak noon, pero hinanap iyon ni Bryan para sa akin.”
“No, darling. It was Seth who found your necklace.” Natigilan si Sin. Kumalas siya sa pagkakayakap niya dito. “Buong magdamag niyang sinuyod ang garden niyo para mahanap ang necklace mo, at nang makita niya ito, binigay niya iyon kay Bryan para ibigay sa’yo.”
“Why would he do that?”
“Dahil alam niyang mas matutuwa ka kung si Bryan ang nakahanap nito.”
That sounded really like him. Inaamin niyang para siyang nakasuot ng blindfold pagdating kay Seth. She ignored him, disregarded him, and stepped on his feelings.
Hinatid niya sa labas si Auntie Cheska. Hinintay niyang makasakay ito sa sasakyan bago siya pumasok muli sa loob.
“I need you.”
“Right, I’ll be there.” Sinundo siya nito, at pumunta sila sa paborito niyang golf club.
“How’s the Garren brothers?”
“Mukhang papayag sila sa kondisyon na binigay mo kung tataasan natin ang investment sa kanila.”
“Talagang hindi sila bibigay ng ganoon kadali.”
“Sinabi ko na sa’yong huwag mo silang mamaliitin.”
“Shit,” wika niya matapos niyang tirahin ang bola na hindi nahulog sa butas.
“Sin.”
“Yes?” Hinarap niya ito.
“Sigurado akong hindi mo ako tinawag para lang pag-usapan natin ang mga investment mo.”
“I can’t really hide anything from you.”
“Anong nangyari kagabi?”
Napabuntong-hininga siya. “You should have taken me to your house so nothing would have happened.”
“I’m sorry.”
“That’s alright. I know you did that to punish me.”
“Ginawa ko ‘yon para ma-realize mong mali ka.”
“And you’re right. I shouldn’t have done that to him.”
“If you feel really sorry, then why don’t you apologize to him.”
“What—”
“He’s staying at Roco’s Hotel. Oras na para lunukin mo ang pride mo, Sin.”
“I know.” Muli niyang pinalo ang bola. Pagkatapos nilang maglaro sa golf club, hinatid siya ni Leo sa hotel na tinutuluyan ni Seth.
Huminga siya ng malalim bago kumatok sa pinto ng kwartong binigay sa kanya ng receptionist. Nakatatlong katok muna siya bago bumukas ang pinto. Pinagbuksan siya ng magandang morenang babae. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.
“And you are?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kanya.
Tinulak ni Sin ang pinto at pumasok siya sa loob. Nilagpasan niya ito na parang hindi niya nakita. Nagtatakang sinundan siya nito sa loob.
“What do you think you’re doing? I will call the security—”
“Stop it, Kalia. She’s my wife.” Biglang natigilan ang babae. Lumabas si Seth mula sa isa sa mga kwartong naroon. Kampanteng umupo naman si Sin sa mahabang sofa.
“Tell your woman to get the hell out of here so we can talk.” Kalmadong wika niya, hindi pa rin tinatapunan ng tingin ang babae na para lang alikabok sa kanya. Kinakabahang kinuha ng babae ang bag nito sa center table.
“Why is she getting on my skin?” Nagmamadaling lumabas ito ng pinto. Alam niya kung bakit ito nagkakaganoon dahil kilala nito ang background niya. Hindi lingid sa publiko ang estado ng pamilya nila, maging ang pagpapakasal nila ni Seth. No one would dare to lay a finger on her or threaten her, and she would not let a woman like that covet her man. Her man? Naisip niya iyon dahil napakataas ng pride niya.
“You are my woman.” Umupo si Seth sa harap niya. Naroon ang manipis na eyebag sa ilalim ng mata nito. Hatinggabi itong umalis ng bahay, at marahil hindi na ito nakatulog.
“You accused me of having an affair, but I caught you cheating.”
“Is this what you want to talk about?”
“Of course not. I know you don’t have anything to do with her. I just want you to know what it felt like to be accused of something you didn’t do.”
“Kinausap ka ba ni Dad?”
Iniisip ba nitong tinakot na naman siya ni Uncle Sutto? “I came on my own.”
Matagal na natahimik si Seth at hinintay ang susunod na sasabihin ni Sin.
“I realized I shouldn’t have acted that way… and I’m sorry…” Sinalubong ni Seth ang mga tingin niya at pinag-aaralan kung totoo ba ang narinig nito sa kanya.
“There is no excuse for everything I have done to you.” Sinalubong ni Sin ang tingin ni Seth. “Hindi ko matanggap ang pagkawala niya, kaya ikaw ang napagbuntunan ko. Ang nangyari sa’tin… alam kong pareho nating kasalanan.” Tila nakahinga nang maluwag si Sin mula sa bigat na matagal nang nakadagan sa kanya.
Naiintindihan na niya ngayon. Hindi lamang si Seth ang pinarusahan niya kundi maging ang sarili niya. Nagiguilty siya sa nararamdaman niya, at ang lalaking nasa harapan niya ang ginamit niya upang pagtakpan ito. Ngayong pinalaya na niya ang guilt sa puso niya, tila pinalaya na rin ni Sin ang sarili niya.
“Can I come home with you?”
Home? Does he really think that someone like her is worth to call a home?
“It’s our house. Doon ka dapat umuuwi.” Did she really say that? Sin, what the hell is happening to you?! Nakita niyang napangiti ito. Part of her felt struck. He smiled at her. Simula ng magkita sila sa shareholder meeting at nang magsama sila sa iisang bahay, hindi niya nakitang ngumiti ito sa kanya nang ganoon.
“Thank you.”
“For what?”
“For bringing back my necklace years ago.” Nilabas niya ang nakatagong kwintas sa leeg niya. “Ito ang pinakaimportanteng regalo na natanggap ko sa mommy ko bago siya nawala.” Bumalik ang tingin ni Sin kay Seth.
“I can’t promise you anything. Hindi ko gustong magbitaw ng salita na hindi ko kayang panindigan.”
“Just let me love you. I won’t ask you for more than that.”
“Why are you so good to me? Wala akong maalalang magandang bagay na ginawa ko para mahalin mo ako,” nahihiwagaang tanong ni Sin.
“Nang unang araw na pinakilala ako ni Dad sa angkan ng Valcarcel, ang ngiti mo ang sumagip sa akin. Tinatanggihan ako ng lahat, pero ikaw ang unang lumapit sa akin at humawak ng kamay ko. Marahil hindi mo na ito naaalala, pero ang pagtanggap mo sa akin noon ang bagay na tumulak sa’kin upang bumangon sa maagang pagkawala ng magulang ko.”
“Sinasabi mo ba sa akin ito para makonsensiya ako? Mga bata pa tayo noon, pero nagbago ako. Kaya bakit hindi nagbago ang pagtingin mo?”
“If you’re going to take my hand, you should be responsible to hold it ’til the end. Minsan mo nang hinawakan ang kamay ko, kaya gagawin ko ang lahat para hawakan mo ulit ito.”
Tila niyakap ng mainit na bagay ang nagyeyelong puso ni Sin. Kahit gaano niya balutan ng yelo ang puso niya, nagawa pa ring makapasok ng mga katagang iyon upang tunawin ito.
