“Tita? Are you sad?” pinunasan ng maliit na kamay ni Ken ang sariwang luha sa pisngi ni Fara.

Nasa hospital sila ngayon dahil nasaktan ang tuhod ni Fara sa pagprapractice nito para sa isang cheer leading competition. Dahilan upang di siya makasama sa kompitisyon kahit na matagal na niya iyong pinaghandaan.

“Painful?” tukoy ni Ken sa nakabandage na tuhod ni Fara. Makikita ang pagkakakunot ng noo nito na parang ito ang nasasaktan.

“No honey, it’s not. Tita is okay.” masuyong hinaplos ni Fara ang pisngi ng pamangkin.

“Then why are you crying?”

Napakatalino talaga ng pamangkin niya. Hindi niya ito mailigaw. “Because.. My team didn’t make it to the grand final..” hindi alam ni Fara kung maiitindihan ng five years old na si Ken ang sentimyento niya ngunit gumaan ang loob niya sa paglalabas ng hinaing dito. He never failed to comfort her.

“Don’t worry Tita, I will protect you so you won’t cry anymore.”

Nakangiting pinisil ni Fara ang ilong nito. “You will?”

Nilagay ni Ken ang isang kamay sa dibdib nito. “I promised. Because your my princess, and a prince will always protect her princess.” inabot ni Ken ang mukha ng dalagita at dinampian ng halik ang noo nito…

Life is full of contradiction…

He wanted to give her the world .

And now, he wanted to take everything from her.

Blind her, so she doesn’t have a choice a but to hold on him.

He promised to protect her.

But the truth is.. he wanted to break her…

Halos paliparin ni Ken ang sasakyan habang dumiriin ang pagkakahawak niya sa manibela.

He knows he’s dangerous. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Hindi niya kayang kontrolin ang nararamdaman niya para kay Fara. Kung hindi niya gustong kamuhian siya nito, kailangan niyang lumayo upang hindi niya na ito masaktan. Ngunit isipin niya palang na hindi na niya ito makikita ay hindi na siya makahinga.

“Y-your hurting me..”

Agad na hininto niya ang pagtakbo sa gilid ng daan at lumabas siya ng kanyang sasakyan. Ilang beses niyang sinipa ang kanyang gulong sa harap upang ilabas ang galit na nararamdaman niya para sa sarili. Huminga siya ng malalim at sumandal sa pinto ng sasakyan. Hinawakan niya ang kanyang noo pataas sa kanyang buhok hanggang huminto iyon sa batok niya. Limang sasakyan ang dumaan bago niya napakalma ang kanyang sarili.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at muli siyang nagmaneho pabalik kay Fara. Pagbukas niya ng pinto ng kwarto nito, nakita niyang mahimbing na itong natutulog. Naroon parin ang bahid ng kapusukan na ginawa niya dito kanina. Umupo siya sa gilid nito at pinunasan ang tuyong mga luhang naiwan sa pisngi nito.

He made her cry.. He made her like this. Yumuko siya upang dampian ng halik ang labi nito.

Nagising si Fara na may mga brasong nakayakap sa kanya.  Binalot ng mainit na yakap ang hubad niyang katawan na natatakpan lang ng manipis na puting tela. Ramdam niya ang mainit na hininga na tumatama sa batok niya. Parang nababarahan ang kanyang lalamunan na di niya magawang magsalita. Nang akmang kakalas siya sa mga braso nito. Lalong humigpit ang pagkakayap nito sa kanya at lalo nitong isiniksik ang mukha sa batok niya. Napapikit siya ng mariin sa ginawa nito.

“Hindi kita hinanap dahil gusto kong hanapin mo ako.” natigilan si Fara at nagmulat ng mga mata, ngunit nanatili siyang nakatalikod dito. “Hindi kita tinawagan dahil hinihintay ko ang tawag mo.” naramdaman niya ang mainit na halik ni Ken sa hubad niyang balikat. “Walang nangyari sa amin ni Tricia. Hindi ko kayang yumakap ng ibang babae maliban sayo.”

Nanlalabo ang mga matang hinarap ito ni Fara. Nang maghiwalay ang labi niya, sinalubong iyon ng halik ni Ken. Slowly and gently.. He kiss her softly. Binalot ng kiliti ang puso niya sa simpleng halik nito. Napawi ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Isang hiwaga sa kanya kung paano iyon nagagawa ni Ken. Nang maghiwalay ang labi nila. Dinampian nito ng halik ang noo niya, sunod ang tungki ng kanyang ilong. Matagal silang nagtitigan na parang nangungusap ang kanilang mga mata. 

Hindi nila kayang mawala ang isa’t-isa. Gaano man kalalim ang sakit, mas nanaisin nilang pagdaanan iyon kung ang isa’t isa ang dahilan nito. Alam ni Fara na mas pipiliin niyang tahakin ang mapanganib na daan na ito kung hawak niya ang kamay ni Ken. Ang hapding idinulot nito sa kanya ay unti-unting natutunaw ng maramdaman niyang siya lamang ang nakikita nito.

Tinawid ni Fara ang pagitan nila at inangkin ang labi ni Ken. Hinayaan nitong umibabaw siya, at siya ang magdala ng halik nila. Naramdaman niyang gumapang ang kamay nito sa ilalim ng kumot at dinama ang likod niya paakyat sa kanyang batok. Pinutol niya ang halik ng makaramdam siya ng kirot sa sentro niya. “Breakfast?” pag-iiba niya.

“Shower.” napasinghap siya ng bigla siya nitong buhatin at dalhin sa shower room.

“Ken?”

Pinaliguan siya nito ng halik at ito ang nagtuloy ng naudlot na sinimulan niya kanina…

 

Habang nagluluto si Fara ng agahan nila, pinapapak naman ni Ken ang leeg niya. Matapos niyang maluto ang pancakes, gusto nitong subuan niya ito. Napangiti siya dahil iyon ang madalas niyang gawin ng maliit pa ito. But this time, siya ang nakaupo sa kandungan nito. Pagkatapos niya itong subuan, isusunod nito ang daliri niya. Isa-isa nito iyong titikman. It’s like he’s eating pancake and her at the same time.

“Stop.” natatawang saway niya dito. Pumatong ang kamay nito sa batok niya at siniil siya ng halik. Natikman niya ang straberry flavor sa halik nito. Kumapit naman ang mga kamay niya sa balikat nito. Pinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya at sinimulang tudyuin ang dila niya.

Bigla niya itong tinulak at tinakpan ang kanyang bibig ng maramdaman niyang sumama ang timpla ng kanyang sikmura. Mabilis na hinanap niya ang sink ng bathroom at sinuka ang lahat ng inagahan niya kanina. Gulat na napatingin siya sa kanyang repleksyon sa salamin. Paano niya nakalimutan ang pinakaimportanteng bagay?

Nag-aalalang sinundan siya ni Ken. Naghilamos siya at nilinis ang kanyang bibig. Kumuha naman ng tuyong towel si Ken at maingat na pinunasan ang mukha niya. Kagat-kagat ang ibabang labi na pinagmasdan niya ito.

“Are you okay?”

Namuo ang takot sa dibdib niya ngunit nanaig ang kagustuhan niyang malaman ito ni Ken. Hinawakan niya ang kamay nitong abala sa pagpupunas sa gilid ng labi niya.

“I’m pregnant.”