“I still can’t believe it.” Si Drew na di makapaniwala habang nakatitig kay Sin.
Tinignan naman ito ni Sin ng matalim. Isa itong Ramp Model na madalas nagiging cover ng mga sikat na magazine. Nasa isang bar sila kasama sila Kace, Axel, at Selene. Ngayon lang ulit nakumpleto ang grupo. Kababalik din lang ni Selene galing New York. Isa itong Professional Photographer kaya madalas itong naliligaw sa ibat-ibang panig ng mundo. Kung saan-saan ito napapadpad, malalaman mo nalang isang araw na nasa africa ito kahit kailan lang sila nagkita sa isang party.
“Oh, come on! Guys? You know what I mean, its Sin where talking here, she’s untamable!” natatawang wika ni Drew. Napapailing naman si Selene sa tabi niya habang nilalaro ng daliri nito ang labi ng kopita.
“Shut up Drew.” napipikong saway ni Sin dito at inubos ang laman ng kanyang alak.
“So? Kamusta ang buhay may asawa? Ikaw ba ang nagtitimpla ng kape sa umaga at nagpapatulog sa kanya paggabi?” ganito ang mga tanong ni Drew sa kanya, hindi tulad ni Axel ang naging reaksiyon nito kaya di niya malaman kung dapat ba siyang matawa o mainis dito.
“Hindi ko lubos inakalang babaliktad ang posisyon natin Sin.” si Kace na napapangiti naman sa tabi ni Drew. “Kung dati, ako ang pinag-iinitan niyo ni Axel, ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng nasa posisyon ko.”
“Kace, hindi ko kailangang marinig ngayon ang mga hinanakit mo sa akin. Tama na si Drew, wag mo ng dagdagan.”
Pareho nagtawanan ang dalawa ng makita ng mga itong naiinis si Sin. Siniko ni Sin si Axel na kanina pa tahimik sa kaliwa niya. “Why don’t you join them?”
“They are jerk. Just ignore them.” sagot nito sabay salin ng alak sa sarili nitong baso.
“And you’re not?” nakangising tanong dito ni Selene.
“You never ask me anything,” Si Sin kay Selene, Kung ang tatlo ay kung ano-anong tanong ang binabato sa kanya, ito naman ay nakikinig lamang sa kanila.
“I don’t need to ask just to hear you making excuses.” kumento nito na hindi na niya ikinabigla. Noon pa man ay kilala na niya itong marunong magbasa ng tao.
“That’s why I hate that part of you,”
“Liar.” pareho silang nagtawanan nito. Tumayo siya at hinila si Selene. Iniwan nila ang tatlo na sinundan lang sila ng tingin. “Girls talk.” kinindatan ni Selene ang mga ito bago sila makalayo.
“Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.” Pagtatapat ni Sin ng makahanap sila ng pwesto malayo sa mga tao. “Masyado akong naging mayabang at hindi ko namalayang naghuhukay ako ng sarili kong libingan.”
“Ano ba talagang nangyayari sayo? Bakit kahit sakin ay hindi mo kayang sabihin?” may himig ng matinding pag-aalala sa tinig ni Selene para sa kaibigan.
Natahimik sin Sin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labas ng building. Nasa pang labing anim na palapag sila kaya makikita ang mga sasakyan at ang mga maliliit na building sa baba.
“It’s okay Sin, matagal mo na ‘yang tinatago sa dibdib mo. Alam kong mahirap ito para sayo, pero kailangan mo na ‘yang ilabas.”
Huminga ng malalim si Sin bago pinakawalan ang pangalang sa isip niya lang nagagawang tawagin. “Bryan.” nakagat niya ang ibabang labi. Nakita niyang naghihintay lang si Selene sa mga susunod niyang sasabihin at nakahanda itong makinig. “I could never get rid of him,” naninikip ang dibdib na humugot ng hangin si Sin. “And Seth…” napapikit siya ng mariin. Naramdaman niyang lumipat si Selene sa tabi niya at pinisil ang palad niya. “Dapat ba akong magalit sa sarili ko o maawa sa kanya dahil labis ko siyang nasasaktan? Akala ko mababawasan ang guilty na nararamdaman ko kung magagawa kong saktan ang taong kinamumuhian ni Bryan pero bakit pakiramdam ko mas lalo akong naguiguilty sa ginagawa ko?” Mahigpit na niyakap siya ni Selene at nanghihinang pinatong niya ang mukha sa balikat nito.
“Bakit ba pinahihirapan mo ang sarili mo? Bakit hinahayaan mong ikulong ka ng nakaraan mo? Kaya maging buhay mo ngayon ay nagugulo dahil hindi mo siya mapakawalan.” hindi na kailangang marinig ni Selene ang buong kwento, ng minsang malasing si Sin, nailabas nitong lahat sa kanya ang tungkol sa pinsan nito. Hindi man nito iyon matandaan, nanahimik na lamang siya at hinintay niya ang sandaling ito na ang kaibigan niya ang magsasabi sa kanya.
“Natatakot ako, hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko ng mawala ang magulang ko. At ng sumunod na mawala sa akin si Bryan, wala na akong naririnig o nakikita. Tuluyan na akong nabulag ng bigat sa dibdib ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman. Napupuno ako ng galit sa sarili ko. Kaya naging patalim ako ng dumating ang taong gustong yumakap sakin kahit tinataboy ko na ang lahat. Ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng galit na iniipon ko.”
“Sin…”
“He made me feel safe. I’m not used to it. I feel like I don’t deserve to be love or to love someone.” mahigpit na niyakap ni Selene ang kaibigan…
“Kamusta na kayong dalawa ni Sin?” iyon ang unang tanong ng Ama ni Seth pagpasok niya sa Cellar nito. Naroon ito at nagpupunas ng mga koleksiyon nitong mga alak. Para siyang pumasok ng interogation room sa paraan ng pagtatanong nito.
“Mas kumalma na siya nitong mga nakaraang araw.” Inikot ni Seth ang tingin sa paligid ng Cellar upang hindi salubungin ang tingin ng kanyang Ama.
“Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.”
“Dad-“
“Son, mahal ko si Sindra, kung gaano ka kahalaga sa akin ganon din siya katimbang sa puso ko. Alam kong mahal mo rin siya Seth, noon pa mang mga bata pa kayo ay madalas kitang mahuling nakatingin sa kanya. At hanggang ngayon ay di nagbago ang mga tinging iyon. Naliligaw siya seth, hindi niya alam kung saan siya pupunta at kailangan ka niya para magkaroon ng direksiyon ang buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit ko kayo pinagkasundo. Hindi lang dahil gusto kong mawala ang pagtutol sayo ng mga kapatid ko kundi dahil alam kong siya ang kailangan mo Seth at ikaw ang kailangan niya.”
“Ang kailangan namin ay panahon Dad, kahit ngayon lang pabayaan niyo kaming dalawa. Sa ginagawa niyo ay lalo lamang siyang lumalayo sa akin. I needed her to trust me. I wanted her to come to me on her own without you controlling everything.” saglit na natahimik ang Ama ni Seth.
“Naiintindihan ko.”
Umangat ang tingin ni Seth dito. “Dad-“
“Go on son, do what you need to do. Alam kong wala na akong dapat ipag-alala.” pinisil ni Sutto ang balikat ng kanyang anak.
Leave a Reply