Malakas na ang tama ni Axel at Drew dahil walang tigil na sumasayaw ang mga ito sa harap nila. Kumuha sila ng isang private room sa bar dahil alam na nila ang mangyayari pagtinamaan na ang dalawa.
“Come on baby,” hinubad ni Drew ang pang-itaas nito at kinuha ang bewang ni Axel para isayaw naman ito ng sweet dance na pinatulan naman ng isa. Napuno ng tawanan ang buong kwarto. Kanina pa namumula ang mukha ni Sin dahil marami narin siyang nainom na alak. Nang sumunod na tumugtog ang rock music alam niyang si Selene naman ang magwawala. Tinanggal nito ang tali sa buhok at hinayaan iyong lumugay sa magulong paraan. Hindi ito nagpatalo at sumayaw ng todo habang sinasabayan ang maingay na kanta kasabay ng malalakas na tawanan nila. Mayamaya ay hinila ni Selene si Blue para sabayan ito, siya naman ay hinila ni Axel. Nagkagulo sa loob ng private room dahil lahat sila ay lasing sa alak.
Sinalubong si Sin ni Leo paglabas niya ng Bar. Ang mga kasama niya naman ay may kanya-kanya ding sundo. Kinawayan siya ni Selene bago ito sumakay ng sasakyan nito habang ang tatlo ay bagsak at may kanya-kayang nagbuhat sa mga ito na tauhan ng Bar para ihatid sa kani-kanilang sasakyan. Napapailing na nilapitan siya ni Leo, natapilok siya at muntik ng sumubsub kung di pa siya nasalo ni Leo at inagapan ang pagbagsak niya. Ikinawit ni Sin ang mga braso sa leeg nito at hinayaan itong buhatin at isakay siya sa sasakyan.
“Ito ang kinatatakutan ko pag nagsasama kayong lima. Sin, look at you? Hindi kita pwedeng iuwi ng ganyan.” sermon nito.
“Then why don’t you take me to your place?” Ikinabit ni Leo ang seat belt ni Sin at di pinansin ang sinabi ng dalaga dito, pumuwesto ito sa driver seat bago nito pinaandar ang sasakyan.
“Iuuwi kita, hindi ko na pwedeng pasukin ang problema niyong mag-asawa, hindi kita maaalalayan sa bagay na ‘yan, ako ang naiipit. Isa pa, kailangan mong malaman ang epekto ng pagiging pabaya mo.”
“Shit Leo, you’re a fucking Nagger,” reklamo niya.
“And who’s fault is that?!” he snaps.
“God, your so cute-.”
“Shut up.”
“‘Alright, I’m gonna shut my eyes a bit.” nahihilong ipinikit ni Sin ang mga mata niya. Ilang sandali lamang ay ginising na siya ni Leo, pakiramdam ni Sin ay kapipikit niya lang ng mata kaya naman biglang kumirot ang sentido niya. Napahawak siya sa ulo at pilit na inaninag ang paligid. Nakita niyang nagmamadaling lumabas ng Maindoor si Seth ng marinig nito ang pagdating ng sasakyan nila. “Fuck me,” tinignan niya ng masama si Leo, di siya nito pinansin at bumaba ito ng sasakyan para ipagbukas siya ng pinto at alalayan palabas. Pinag-aralan ni Seth ang kabuuan niya, napakunot ang noo nito ng makalapit sa kanila. Tinanggal nito ang kamay ni Leo sa bewang niya at ito ang pumalit na umalalay sa kanya.
“You can go. Ako ng bahala sa kanya,” Seryosong utos nito kay Leo. Iyon lang at mabilis na nagpaalam na ang isa. Nakita ni Sin ang ginawang pagtitimpi ni Seth na di magalit sa kanya. Kumawala siya sa pagkakahawak nito ng makapasok sila sa loob ng bahay, hindi niya nagustuhan ang pagdidikit ng katawan nila.
“I can do it.” wika niya at sinubukan niyang ihakbang ang paa sa unang palapag ng hagdan ngunit nabigo siya. Mabilis naman siyang naagapan ni Seth.
Natigilan si Seth sa tabi niya ng makita nito ang marka ng kagat sa braso ni Sin. Napansin din iyon ni Sin at bahagya siyang namutla.
“Shit Drew,” nagiging halimaw si Drew pag nasosobrahan ng lasing, nangangagat ito. At walang sino man sa kanila ang nakakaligtas dito. Lalo na si Axel na paborito nitong kagatin. Nakita niya kung paano nagdilim ang mukha ni Seth. Alam niyang naglalaro ang maduming bagay sa isip nito ngunit wala siyang planong magpaliwanag dito. It will only sound stupid to him. At hindi rin ito maniniwala sa kanya, knowing her past. Kinuha niya ang braso sa pagkakahawak nito. “I’m okay.” pinagpatuloy niya ang pag-akyat. Sa pagkakataong ito ay nahimasmasan siya kaya nagawa niyang umakyat ng hindi natutumba.
“Those assholes can touch you, but I can’t?!” hindi na ito kailangang lingunin ni Sin para maramdaman ang galit nito dahil ang tinig nito ay napakatalim na kayang bumaon sa bawat dingding ng mansion. Nagpatuloy siya sa pag-akyat na tila hindi niya ito narinig, naramdaman niyang mabilis ang mga hakbang nito papunta sa kanya. Walang babala na binuhat siya nito. Walang nagawa si Sin sa kabila ng pagtututol niya ng ipasok siya ni Seth sa kwarto nito at padabog na isinara nito ang pinto.
“Don’t you dare!” walang ingat na binagsak siya ni Seth sa kama. “Damn you!”
“Damn you!”
Nagulat si Sin, ito ang unang beses na sinigawan siya nito. Kinabahan siya ng makita ang matinding galit sa mga mata ni Seth. “How could you do this to me?!”
Napaatras si Sin, ngunit hawak ni Seth ang magkabilang braso niya, pilit na tinutulak niya si Seth, “I told you I’m going to make you regret this!” ngunit siya ang itinulak ni Seth pabalik sa kama. Tinanggal nito ang sandals niya at itinapon kung saan.
“Well I regret it! Dapat tinali nalang kita dito at kinulong!” muli nitong hinablot ang braso niya na may marka. “Who is it?!” nagbabaga ang galit sa mga mata ni Seth. Nakaramdam si Sin ng kaba dahil bago sa kanya ang emosyong pinapakita nito. “Who dares touch what’s mine?!”
“We didn’t do anything.”
“You let someone mark you and you want me to believe that?”
“I don’t need you to believe me.” Napagtanto ni Sin na wala siya sa lugar para maging arogante ng mga sandaling iyon dahil ang sunod nitong ginawa ay pinunit ang black dress niya sa harap. Naghiwalay sa gitna ang dress at lumantad ang panloob niyang saplot.
Magkahalong galit at pagnanasa ang nakita niya sa mga mata ni Seth. “Stop!” dinaganan siya nito bago pa siya makatakas. “Seth?!”
“Do you really hate me this much?!” ngayon naman ay nabahiran ng sakit ang mga mata nito.
“Fine. Do what you want.” sumusukong wika ni Sin, maging ang mga kamay na pumipigil dito ay bumagsak sa tabi niya at ang kanyang paghinga ay bumagal. Walang emosyong sinalubong niya ang mga tingin ni Seth. “Show me what kind of monster you are.”
Lalong nabalot ng sakit ang emosyon sa mga mata ni Seth. Lumuwag ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya. Sumunod na nangyari ay bumalibag ng sara ang pinto at naiwan siyang mag-isa sa kama.
Naglabas ng malalim na hininga si Sin. “You should hate me. It would be less painful if you don’t want me anymore.
Leave a Reply