Kinakabahan siya matapos niyang maprepare ang dinner sa table. Kahit alam niyang walang problema sa pagkain dahil si Cash ang tumulong sa kanya hindi niya parin maiwasang kabahan. Calm down Sin. Why don’t you relax a bit? everything is perfect, it’s going to be fine. Kumbinsi niya sa sarili. Nagulat siya ng may yumakap sa likod niya. Why is everyone doing this to her?

“I miss you..” hinalikan ni Seth ang gilid ng leeg niya. Kinalas niya ang kamay nito na nakatali sa tiyan niya at hinarap ito. Sinalubong niya ng halik ang mga labi nito. Pinutol niya agad ang halik bago pa iyon lumalim.

“So…” isinenyas niya dito ang table.

“You prepared this?”

“Dapat ang tanong mo ay kung ako ba ang nagluto niyan.” kunwaring nakasimangot na wika niya.

“Hindi ako kumain para maubos ko ang niluto mo.”

“Dahil inaasahan mo ng papalpak ako kaya ginutom mo ang sarili mo para mapilitan kang kainin ang niluto ko.”

“Sin kahit hindi pa masarap ang pagkaing ihahain mo basta nanggaling sayo kakainin ko.”

Hindi naitago ni Sin ang ngiti sa labi niya. “Happy birthday.”

“Thank you.” Nakahinga ng maluwag si Seth ng masuyo niya ang asawa.

Inabot din ni Sin ang regalo ni Cash. “Gift ni ate para sayo. kung di siya dumating sigurado akong sasakit ang tiyan natin ngayong gabi.” natatawang kumento ni Sin. “But I slice the onion,” giit niya. “Did you know I cried a lot because of it?” dagdag pa niya dito.

Pinigilan ni Seth ang ngiti niya. “I’m sorry.” hinalikan niya ang gilid ng mata ni Sin dahilan upang mapapikit ito.

Pagkatapos ng dinner ay lumabas ang dalawa ng mansion para maglakad sa malawak na garden. Maliwanag ang buwan kaya naman iyon ang naging ilaw ng paligid. Kahit marami ng nabago sa loob at labas ng Old Mansion ng Valcarcel, makikita pa rin ang iniwang history ng lugar. Ang mga lumang statue at ang old fountain sa gitna ng garden ay naingatan at maayos na naipreserve ng pamilya nila.

Humigpit ang hawak ni Seth sa kamay ni Sin. Gusto niyang makasigurong hawak niya ito. Subalit kahit natutuwa siyang kasama na niya ito ngayon. Hindi parin naaalis ang kaba sa dibdib niya. Natatakot siyang magising isang araw na ilusyon lang ang lahat ng ito.

“Bakit parang hindi ka masaya?” Si Sin ng mapansin niyang matagal na nanahimik si Seth. “I told you, we should celebrate it with everyone-“

“Sin, ikaw lang ang kailangan ko.” Huminto si Seth at hinarap ito. “Marahil sayo, hindi ka makukumpleto kung wala ang mga kaibigan mo, ang kapatid mo o si Leo. Pero para sakin, kahit wala ang Valcarcel kung mananatili ka sa tabi ko. Wala na akong ibang kailangan.”

Tila hinaplos ng malamig na yelo ang dibdib ni Sin sa narinig. “You don’t trust me.” Dinala niya sa kanyang dibdib ang kamay ni Seth. “Naiintindihan kong mahihirapan kang pagkatiwalaan ako pagkatapos ng mga nangyari sa atin. Kapag sinabi ko sayo ngayong mahal kita, iisipin mo na hindi ikaw ang unang lalaking sinabihan ko nito. Hindi kita masisisi kung pakiramdam mo na walang malalim na kahulugan sa akin ang mga ginagawa ko para sayo. Pero Seth, ayokong isipin mo na mananatili akong manhid sa sandaling mawala ka sa akin. Nang panahong sinukuan ako ng lahat, ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Ikaw lang. Kaya bigyan mo ako ng pagkakataon dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nararamdaman mo pa rin hindi kita kailangan.”

“Sin-“

Mariing hinagkan ni Sin ang labi ni Seth. “Hindi ako makukumpleto kung wala ka sa tabi ko.” Bulong niya dito sa gitna ng mga halik.

Umangat ang kamay ni Seth sa batok ni Sin. Tinugon niya ang nanunuyo nitong mga labi na sumusuyo sa kanya. Na tila nais nitong pawiin ang lahat ng sakit na pinadama nito sa kanya noon. Sapat na ang mga dampi ng halik ni Sin upang maglaho ang kaba sa dibdib niya.

Wakas.