Nanghihinang bumangon si Sin mula sa kama. Matalim ang mga tingin niya kay Seth na kasalukuyang nagbibihis dahil sa dadaluhan nitong conference meeting sa umagang iyon. Hinayaan niyang dumausdos ang puting tela na nakabalot sa katawan niya. Lumantad ang malalalim na mga marka sa kanyang katawan. Anyo niya’y tila naparusahan ng buong magdamag. Ilang gabi na siyang kinukulong ni Seth sa silid nito, hindi na niya magawang lumabas dahil wala na siyang lakas para daluhan ang mga lakad niya. Nakakapagpahinga lamang siya sa umaga kapag wala si Seth, subalit pagsapit nang gabi nasa kanya ang buong atensiyon nito.

“Anong ibig sabihin nito? Hindi kaman lang magpapaalam sa asawa mo?” si Sin ng makita niyang iniiwasan ni Seth na mapatingin sa kanya.

“S-Sin, hindi ako pwedeng malate sa meeting na ’to.” May himig na pakiusap ni Seth ngunit makikita sa mga mata nito na gusto na muli nitong tanggalin ang pagkakatali ng necktie nito upang muling dagdagan ang mga marka sa katawan ng kanyang asawa.

“Then go, pero wag mo akong hahanapin kapag bumalik ka at nadatnan mong wala na ako.”
Walang salitang dinaluhan ni Seth si Sin sa kama at niyapos ito ng mariing halik. Hindi pa ito nakuntento at kinulong ng mga palad nito ang dibdib ni Sin hanggang sa dumausdos ang mga labi nito sa leeg at balikat ni Sin at bigyan ng panibagong marka ang balat na din nadaanan ng kanyang bibig kagabi. Tuluyan ng nawala sa isip ni Seth na naghihintay sa kanya ang mga board member ng Valcarcel Group.

Hinigpitan ni Sin ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Seth at binigyan niya rin ito ng malalim na marka sa leeg bago niya ito tinulak palayo sa kanya. “Anong sasabihin ni Dad kapag nalaman niyang nagiging iresponsable ka sa trabaho mo?”

Hirap na tinantanan ni Seth ang katawan ng asawa, ngunit muli niya itong binalikan at binigyan ng magaang halik sa labi. “Wife, you’re so cruel.”

Napapangiting inayos ni Sin ang kwelyo ni Seth at tinakpan ang markang iniwan niya. “I’m extremely high maintenance so you need to work hard if you want to keep me.”

“Then let me keep you a bit longer.” Muling binalikan ni Seth ang labi ng asawa at siniil ng mainit na halik.

Nang makaalis si Seth doon lamang napilitan si Sin na umalis ng kama para magshower, tinawagan niya si Leo na dalhin na lamang sa kanya ang lahat ng dokumentong kailangan niyang pirmahan.

Pinag-aaralan ni Sin ang mga papeles na binigay sa kanya ni Leo ng tumawag si Axel.

“Sin, I have problem.”

“What does it have to do with me?” sagot ni Sin habang pinipirmahan and isang kontrata.

“Of course! it has something to do with you! Kung hindi mo ginalaw ang may-ari ng La Costa Hotel hindi ako magkakaroon ng problema ngayon.”

“What are you talking about?” binaba ni Sin ang mga hawak na papeles at binigay niya ang buong atensiyon niya sa kaibigan.

“Huwag mong sabihing nakalimutan mo na si Cade, ang isa sa mga Ex mo?”

Napakunot ang noo ni Sin, “What about him?”

“Sin! Hindi lamang siya Chef ng La Costa Hotel Kundi siya ang may-ari nito!”

“And?” si Sin na hindi nagpakita ng ano mang interes.

“May malaking okasyon na gaganapin ang kumpanya ko sa Hotel niya. I already made a preparation and everything has been organized but he cancelled it!”

“Bakit hindi ka nalang maghanap sa iba? Sasabihan ko si Leo na buksan ang buong Venue ng Laurel Hotel para lang sayo.” Tukoy ni Sin sa Hotel na Pag-aari ng Valcarcel Group.

“Kung pwede ko lang gawin ‘yan, hindi na ako hihingi ng tulong sayo. Pero ito ang napili ng investor namin, alam mo kung gaano kahalaga sa akin ito Sin. Kapag pumalpak ako dito tiyak na hindi na ako bibigyan ng second chance ni Dad. Hindi ako papayag na saluhin muli ni Kace ang kapalpakan ko.”

“Anong gusto mong gawin ko?” Hindi rin kayang tiisin ni Sin ang kaibigan.

“Pwede mo ba siyang kausapin para sa’kin?”

Napapikit ng mariin si Sin, si Cade ang huling lalaking nilaro niya bago siya naikasal.

Marahil panahon na para linisin niya ang lahat ng kalat na naiwan niya bago pa ito makagulo sa buhay nila ni Seth.