“What the hell did just happen?” tanong ni Zane sa sarili.
Nawala ang natitirang antok niya. Hindi pa siya nakaengkwentro ng multo noon kaya hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin sa mga ganitong panahon. Naririnig niya mula sa labas ng gate ang mga kasama niyang tinatawag siya. Madilim ngunit dahil malinaw ang kanyang paningin ay naaaninag niya parin ang kanyang paligid.
Nasa sasakyan ang phone niya at wala siyang dalang flashlight. Idagdag pa ang ingay sa labas ng kanyang mga kasama. “Great. Wha now?” tanong niya sa kawalan kahit wala siyang makita. Hindi siya nakapaghanda ng biglang humampas ang katawan niya sa saradong gate at umangat ang paa niya mula sa lupa. Nakita niya ang itim na usok na pumasok sa katawan niya. Parang nilusob ng napakalamig na yelo ang kanyang dibdib.
Hindi malaman ni Chiara kung anong susunod na gagawin niya sa taong ito. Bakit niya pinakawalan ang tatlo na nag-uumapaw sa takot kapalit ang isang ito? Marahil ay dahil naninibago siya. Bibihira lang siya makatagpo ng ganitong tao. Kahit gaano pa nila pagtakpan ang kanilang mga takot o ilibing sa pinakailalim ng kanilang pagkatao ay nahahanap at nahahanap niya parin ang tinatagong kahinaan ng mga ito. Naaamoy niya parin kahit na nakalimutan na nilang matakot. Ngunit ang isang ito ay wala ni kahit ano. Sinubukan niyang hukayin ang pinakaibuturan ng mga alaala nito, damdamin, at emosyon ngunit wala siyang makitang kahit na anong kahinaan dito. Napagtanto niyang wala siyang mapapala dito kaya binitiwan niya ang katawan nito at hinayaan itong bumagsak sa lupa.
Nanghihinang umatras si Chiara sa dilim. Marami na siyang nagamit na enerhiya niya.
Sunod-sunod ang malalalim na paghinga ni Zane na kinakapos ng hangin. Pakiramdam niya ay nabalutan ng yelo ang kanyang buong katawan. Biglang bumukas ang gate sa likod niya at nagmamadaling nilapitan siya ng mga nag-aalala niyang kasama.
“Zane?! Anong nangyari sayo? Bakit ang lamig mo?” sunod-sunod na tanong ni Axel dito. Tinulungan siyang itayo ni Blake at Ryker.
“Kasalanan mo ‘to, kung hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa Cam ni Greg hindi na sana tayo pumunta sa lugar na ito.” Sisi ni Ryker kay Axel.
“At kung hindi mo sinisisi si Zane tungkol sa budget ng drama club hindi naman ito mangyayari. Bakit hindi ka nalang magdasal tulad ng ginawa mo kanina baka sagutin pa ng panginoon yang problema mo.” Sagot ng isa.
“Ah ganon, sino kaya sa atin ang parang vibration na nanginginig sa takot?”
“Tumigil nga kayong dalawa.” Saway ni Blake sa mga ito habang tinulungan nitong isakay si Zane sa passenger seat. Kung hindi sila ni Axel ang mag-aaway. Si Ryker naman ang kapalit ni Blake. Tahimik naman na nagpikit mata si Zane at pilit na nililinaw ang nangyari kanina. Wala siyang nakita at naramdaman kundi itim na hangin na kasing lamig ng yelo ang bumalot sa kanya. Sa isang iglap ay bigla siyang binalik sa nakaraan at hinukay ang alaala niya. What just happen? Tanong niya sa sarili.
Hindi siya agad nakatulog ng gabing iyon na bibihira lang mangyari. Nahihiwagaan parin siya sa misteryong nangyari sa kanila sa Havaianas.
Kinabukasan ay mas huli siyang nagising. Siya lang yata ang naupong SSC President na laging nalalate sa klase. Ngunit ito ang advantage ng posisyon niya dahil nagagamit niya itong excuse. Tulad ng kanilang inaasahan, inambunan ng complain ang office nila. Hindi magkandaugaga ang mga member ng student supreme council sa pagpapaliwanag sa mga ito habang ang presidente nila ay parang haring natutulog sa rooftop. Iba talaga kung principal ang Uncle mo sa school. Hindi rin maitatangging matalino si Zane dahil sa mga achievements at mga awards na naiuwi nito sa school kaya naman kung may umaangal man sa pamamalakad nito sa Supreme Council ay sa sarili nalang nila. Walang naglalakas loob na kalabanin ito maliban nalang sa pinsan nitong si Slate na kakompetensiya ang tingin kay Zane mula pa ng mga bata pa ang mga ito.
“Ayoko na! Suko na ako!” reklamo ni Axel ng sa wakas ay iwanan siya ng mga club leaders matapos niyang pangakuan ang mga ito ng kung anu-ano.
“Axel!” galit na pumasok sa loob ng SSC Office si Blake. Hinila nito ang kwelyo ni Axel kaya napilitang tumayo ang isa sa pagkakaupo. Halatang hindi na nagpalit si Blake dahil naka sport uniform parin ito. Inaasahan na ni Axel na mangyayari ito kaya hindi na siya nabigla sa reaksiyon ni Blake. “Bakit mo pinamigay ang number ko?” napuno ng kung ano-anong message ang inbox ni Blake galing sa mga babaeng nanliligaw sa kanya. Kinilabutan siya ng mabasa ang mga korning confession ng mga ito.
“Wala na akong ibang maisip ng sinugod nila ako. Iniwan niyo akong mag-isa dito sa office! Pati mga ibang kasama natin ay tinakasan narin ako!” depensa ni Axel.
“Axel! Tarantado ka!” mas madilim ang anyo ni Ryker pagpasok nito sa pinto. “Bakit mo binigay ang underwear ko?!” namumula ang mukha ni Ryker sa galit.
“Kasalanan mo kung bakit nagtatago ka ng gamit mo sa office.” Natatawang wika ni Axel dito at hindi alintana ang galit sa mukha ni Ryker.
“Blake, hawakan mo siya.” Utos ni Ryker kay Blake. Agad na sinunod naman ito ng isa. Kinabahan si Axel ng mahulaan niya ang gagawin ng mga ito sa kanya. “Tignan natin kung anong gagawin mo kung ibibigay ko din ang underwear mo sa iba.”
“S-Sorry na! Hindi lang naman kayo ang nagsacrifice ah!” pinakita niya sa mga ito ang leeg niyang puno ng kiss mark. Parehong natigilan ang dalawa ng makita nila na may malalim din itong kagat na halatang pinanggigilan. “Mabuti nga hindi ko kayo pinakain sa mga baklang ‘yun eh!” binitawan siya ni Blake at ibinalik ni Ryker ang pagkakakabit ng butones sa pants niya. Nakahinga siya ng maluwag ng pakawalan siya ng mga ito. “Isipin niyo nalang kung anong mangyayari sa atin kung wala tayong mukha.” Dagdag pa ni Axel habang inaayos ang pagkakagusot ng damit nito.
“Si Zane? Wag mong sabihin sa aking pinasubo mo kami ni Blake pero hinayaan mo lang ang isang iyon na gumawa ng problemang ito?” bumalik ang galit sa mga mata ni Ryker. Naroon din si Blake sa likod ni Axel na naghihintay ng sagot nito.
“W-well..” tinignan niya ang nakabukas na pinto. “Masisisi niyo ba ako-” mabilis na tinulak niya ang mga ito at tumakbo palabas ng pinto. Lalo niya pang binilisan ng maramdaman niyang hinahabol siya ng mga ito. “Damn it Zane! Kasalanan mo ang lahat ng ito!” kung hindi ito si Zane Saffron matagal na itong namatay sa mga kamay niya.
Leave a Reply