This entry is part 24 of 24 in the series Dangerous Thirst


Hindi agad nakagalaw si Syven matapos marinig ang sinabi ni Bryant. Nanatili lamang siya sa harap nito habang unti-unting sumisikip ang katahimikan sa pagitan nila. Gusto niyang sabihin na mali ito, na hindi nito nauunawaan kung bakit niya ginagawa ang lahat, ngunit sa tuwing susubukan niyang bumuo ng paliwanag, iisa lamang ang sumisingit sa isip niya—ang katawan ni Bryant na walang buhay sa kanyang mga bisig.

Alam niya kung ano ang nararamdaman niya. Mahal niya si Bryant, at marahil iyon mismo ang pinakakinatatakutan niya.

“I’m sorry,” mahina niyang sambit.

Napatingin si Bryant, ngunit wala siyang nakitang emosyon sa mga mata nito.

“For what?”

Hindi agad nakasagot si Syven. Napakaraming bagay ang gusto niyang sabihin—ang unang buhay niya, ang mga desisyong pinili niyang gawin, ang panahong hindi niya pinili si Bryant, at higit sa lahat, ang kamatayang hanggang ngayon ay hindi niya kayang kalimutan. Ngunit wala ni isa roon ang maaari niyang ipaliwanag nang hindi inilalantad ang mga katotohanang hindi pa niya kayang sabihin.

“Para sa lahat,” sagot niya sa huli.

Mapait na ngumiti si Bryant. “That’s not an answer.”

“I know.”

“Then give me one.”

Muling bumigat ang katahimikan sa pagitan nila. Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang umurong si Bryant at umiwas ng tingin.

“Go home.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Syven. “Bryant—”

“Go home, Syven.”

Sa pagkakataong iyon, hindi na siya lumaban. Alam niyang kapag nanatili pa siya, maaaring mabitawan niya ang mga salitang matagal niyang itinatago at ang mga katotohanang hindi pa siya handang ipaalam. Kaya wala na siyang sinabi at tahimik na lumabas ng pinto.

Nang tuluyang magsara ang pinto sa likuran niya, saka niya naramdaman ang bigat na kanina pa niya pilit na iniinda. Hindi siya sanay na si Bryant ang nagsasara ng pinto sa kanya. Sa unang buhay niya, siya ang laging may kakayahang umalis; siya ang nagdedesisyon kung sino ang mananatili at kung sino ang mawawala. Sanay siyang may kapangyarihang baguhin ang lahat bago pa tuluyang mawala sa kanya ang isang tao.

Ngayon, sa unang pagkakataon, ang nag-iisang taong hindi niya kayang palayain ay pinili siyang iwan.

At mas masakit pala iyon kaysa sa anumang kamatayang sinubukan niyang baguhin.

Paglabas niya ng condo, matagal siyang nanatili sa loob ng sasakyan.

Hindi niya agad pinaandar ang makina.

Nakatitig lamang siya sa gusaling ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay pinasok niya dahil hindi niya kayang manatiling malayo kay Bryant.

Ngayon, siya mismo ang tinaboy nito.

Huminga siya nang malalim bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Ang alam lamang niya, ayaw niyang umuwi.

Sa loob ng ilang linggo, pilit niyang inayos ang mga pangyayaring alam niyang hahantong sa pagkamatay ni Bryant. Binago niya ang mga bagay na kaya niyang baguhin. Iniwasan ang mga taong alam niyang magiging dahilan ng problema. Lumapit siya kay Ellis, dahil kailangan niyang kontrolin ang sitwasyong minsan nang sumira sa buhay niya.

Ngunit ngayon, unti-unti niyang nauunawaan na hindi pala ganoon kadaling baguhin ang kapalaran.

Hindi lahat ng tao ay mga piraso sa isang chessboard na maaari niyang ilipat ayon sa gusto niya.

May sarili silang kagustuhan. May sarili silang galit. At higit sa lahat, may kakayahan silang gumawa ng mga desisyong hindi niya kayang pigilan.

Iyon ang unang bagay na kailangan niyang tanggapin: hindi lahat ay kaya niyang kontrolin.

Kinabukasan, hindi na muling nagpakita si Bryant.

Wala siya sa klase nito, at hindi rin nakita ni Syven ang sasakyan nito sa parking lot. Ilang ulit niya itong tinawagan, ngunit sa bawat pagkakataon ay nauwi lamang sa mahabang paghihintay bago tuluyang maputol ang linya.

Nakatitig si Syven sa screen ng kanyang phone habang nakasandal sa upuan.

“Ellis?” tanong ni Chase mula sa kabilang bahagi ng mesa.

“No.”

“Sino ba ‘yan? kanina mo pa tinatawagan.”

Hindi na siya umimik. Maya-maya, muling nag-vibrate ang hawak niyang phone, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na tawag ang lumitaw sa screen kundi isang mensahe.

I’m fine. Stop calling.

Sandaling natigilan si Syven. Iyon lamang ang laman nito—walang paliwanag, walang tanong, at higit sa lahat, walang pahiwatig na nais pa nitong ipagpatuloy ang usapan nila kagabi. Sa halip na mapanatag sa nalaman niyang maayos si Bryant, lalo lamang siyang kinabahan.

“Who is it?” tanong muli ni Chase.

“Wala.”

“Kung wala, bakit para kang pinagbasakan ng langit?”

“Shut up.” Matalim na sagot ni Syven.

Napatawa si Chase, ngunit agad ding nawala ang ngiti sa mukha nito nang mapansin ang ekspresyon niya. “Okay. Damn.”

Ibinaba ni Syven ang phone sa mesa at pilit na ibinaling ang atensiyon sa harap, ngunit hindi niya mapigilan ang mga kaisipang patuloy na bumabagabag sa kanya. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sariling mas mabuti ngang panatilihin ang distansya sa pagitan nila. Mas ligtas si Bryant kung hindi siya palaging nasa tabi nito, at marahil ay iyon din ang tanging paraan para hindi nito madamay ang sarili sa mga bagay na matagal nang sinusubukan ni Syven na baguhin.

Ngunit kahit anong dahilan ang ibigay niya sa sarili, alam niyang hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit siya nababagabag.

Hindi niya kayang lumayo si Bryant.

Hinahanap niya ang presensya nito sa bawat sulok ng araw—ang boses nito, ang simpleng pagkakataong makita itong pumasok sa silid, ang katiyakang nasa malapit lamang ito. Higit sa lahat, kailangan niyang malaman na humihinga pa rin ito, na ligtas at buhay, at hindi muling mawawala sa harap niya gaya ng nangyari noon.

Hindi niya matukoy kung kailan naging ganito kalalim ang takot niyang mawala si Bryant. 

Marahil, matagal na itong nakabaon sa kanya—simula pa noong unang buhay niya.

Hindi na nakatiis si Syven.

Bigla siyang tumayo mula sa kinauupuan niya, dahilan upang mapalingon ang ilang kaklase niya sa loob ng classroom. May mga napahinto sa pag-uusap, may ilang nagtatakang sumunod ang tingin sa kanya, ngunit hindi siya lumingon. Diretso siyang lumabas ng silid.

Sa likuran niya, nanatiling nakakunot ang noo ni Chase. Sinundan nito ng tingin ang papalayong si Syven, halatang nagtataka sa biglaang pag-alis nito.

Hindi na nag-aksaya ng oras si Syven.

Isa-isa niyang tinawagan ang mga kakilala niya sa basketball team ni Bryant hanggang sa tuluyan niyang makuha ang lokasyon nito. Nang malaman niya kung nasaan ito, hindi na siya naghintay pa kahit isang segundo.

Pagdating niya sa hotel, agad niyang nakita ang sasakyan ni Bryant sa parking lot.

Huminto siya sandali.

Pag-aari ng pamilya nito ang hotel na iyon. Sa lugar na gaya nito, kayang-kaya ni Bryant mamuhay nang marangya kung gugustuhin niya. Maaari nitong piliin ang anumang komportable at maginhawa. Ngunit hindi nito ginawa.

Sa halip, pinili nitong mamuhay nang simple.

Pinili nitong manatili sa tabi niya kahit na maaari itong humanap ng iba.

At ngayon, sa unang pagkakataon, natakot si Syven na baka tuluyan na itong mawala sa kanya.

Umaasa siyang hindi pa huli ang lahat.

Nang papasok na siya sa lobby, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

“Syven?”

Napalingon siya.

Agad niyang nakilala ang matangkad at sopistikadang babae na papalapit sa kanya. Ina ni Bryant.

“God, you’ve grown into a handsome young man,” sabi nito, nakangiting pinagmasdan siya. “Just like what Bryant said.”

“Auntie.”

Lumapit si Syven at yumuko nang bahagya upang tanggapin ang halik nito sa pisngi.

“You suddenly stopped coming over,” sabi nito, bahagyang nagbago ang ekspresyon. “And Bryant became a different person after that. What happened between you two?”

Hindi alam ni Syven kung alin sa mga tanong nito ang dapat niyang sagutin.

Nanatili siyang tahimik.

Napansin iyon ng ginang. Sa halip na pilitin siyang magsalita, ngumiti lamang ito at niyakap siya.

“Well, whatever it is that you two couldn’t agree on, I’m sure it’s not too late to fix it.”

Bahagyang napapikit si Syven.

“Auntie, nasaan siya?”

Hindi na siya naghintay ng iba pang tanong. Nang sabihin sa kanya ng ginang ang room number ni Bryant, agad siyang nagpasalamat at umalis.

Nang walang paliwanag.

Ilang sandali lamang ang lumipas bago niya narating ang silid.

Kumatok siya.

Walang sumagot.

Muli siyang kumatok bago tuluyang bumukas ang pinto.

At naroon si Bryant.

Sandali itong natigilan nang makita siya. May malinaw na pagkabigla sa mga mata nito, ngunit mabilis iyong nawala, pinalitan ng malamig at maingat na ekspresyon.

“Bryant…”

“Don’t.”

Mahina ang boses nito, ngunit sapat upang putulin ang anumang sasabihin niya.

“Huwag mong sayangin ang oras mo kung wala ka namang balak sabihin sa akin ang totoo.”

Napalunok si Syven.

“I’m trying to protect you.”

Napangiti si Bryant, ngunit walang kahit anong saya sa ekspresyon nito.

“From what?”

Hindi agad nakasagot si Syven.

“From Ellis?”

Umiling siya.

“From your father?”

Wala pa ring sagot.

Nawala ang bahagyang ngiti sa labi ni Bryant.

“Then from what, Syven?”

Lalong sumikip ang dibdib niya.

Kung sasabihin niya ang totoo, maaaring isipin ni Bryant na nababaliw siya. Kung magsisinungaling naman siya, lalo lamang niyang palalalimin ang sugat na siya rin ang may gawa.

“I just need more time.”

“Time?”

Mapait na natawa si Bryant.

“You keep asking for time as if you’re the only one who has it.”

Tumalikod ito at nagsimulang lumayo.

Hindi alam ni Syven kung bakit, pero sa bawat hakbang na inilalayo ni Bryant ang sarili nito, para bang may unti-unting humihila sa dibdib niya. Hindi niya hinintay na muling magsara ang pinto. Pumasok siya sa loob upang habulin ito, subalit napatigil siya sa sumunod na sinabi ni Bryant.

“Hindi ako habang buhay maghihintay sa’yo.”

Ito ang mga salitang ayaw niyang marinig.

Mas madali sanang harapin ang galit ni Bryant. Ngunit ang makita itong unti-unting sumusuko sa kanya—

iyon ang hindi niya kayang tiisin.

“Bryant.”

Huminto ito.

Ngunit hindi lumingon.

Ilang segundo silang nanatiling ganoon.

“You always leave me, Syven.”

Bahagyang nanginig ang boses nito.

Mahina lamang iyon, ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Syven.

“And somehow, I’m always the one left wondering what I did wrong.”

Parang may biglang dumurog sa puso ni Syven.

Hindi dahil sa mga salitang sinabi ni Bryant, kundi dahil sa bahaging pilit nitong itinago sa likod ng malamig nitong tinig.

Subalit binuhay nito ang lumang sugat sa dibdib ni Syven.

At sa pagkakataong iyon, may kung anong napunit sa loob niya.

“I fucking left you?”

Napalingon si Bryant.

Hindi nito inaasahan ang biglang pagbabago ng boses ni Syven.

“You’re the one who abandoned me first—without even saying goodbye!”

Humakbang si Syven palapit dito, hindi na napipigilan ang mga salitang matagal niyang kinikimkim.

“You turned my entire world upside down, Bryant. You made yourself the center of everything, and then you just disappeared!”

Humigpit ang panga niya.

“And then you chose to die in my place.”

Natahimik si Bryant.

“Do you have any idea what that did to me?”

Nanginginig na ang boses ni Syven ngayon, ngunit hindi siya tumigil.

“You left me again.”

Napailing siya, pilit na humihinga.

“You were the only good thing that ever happened to me…”

Saglit siyang napapikit.

“And you left.”

Pagmulat niya, galit at sakit na lamang ang natira sa mga mata niya.

“You fucking heartless bastard.”

Hindi agad nakapagsalita si Bryant.

Hindi nito inaasahan ang mga narinig.

Sa lahat ng pagkakataong nakita nitong galit si Syven, hindi kailanman ganito. Walang depensa. Walang pagtatago. Wala ring malamig na kontrol na karaniwan nitong ipinapakita.

Ito ang unang pagkakataong narinig ni Bryant ang sakit sa likod ng galit nito.

“I waited.”

Hindi halos marinig ang sumunod niyang binitawang salita.

“I fucking waited.”

Naghintay siyang bumalik ito sa kanya. Naghintay siya ng paliwanag nito. Naghintay siyang sabihin nitong hindi nito piniling iwan siya ng mga panahong kailangan niya ito.

Umasa siyang hindi siya nito susukuan. Subalit pareho silang bumitaw sa isa’t-isa.

Napayuko sandali si Syven, saka muling tumingin kay Bryant.

“For nothing.”

Huminga siya nang malalim, ngunit hindi nawala ang panginginig sa boses niya.

“So stop acting like you’re the one who was abandoned.”

Isang hakbang pa ang inilapit niya rito.

“Because from the very beginning…”

Napahinto siya.

Ang sumunod na mga salita ay tila mas mahirap sabihin kaysa sa lahat ng nauna.

“…it was me.”

Dangerous Thirst

DT | Chapter 21: Too Late