Minsan kahit gaano katatag o katibay ang pader na iyong itinayo, unti-unti parin iyong mabubuwag.
Naglalakad si Chiara sa taas ng mga building habang sinasabayan niya ang paglalakad ng lalaking naghintay sa kanya ng tatlong oras kanina. Palabas na ito ng Havaianas at bawat lakad nito ay magaan at hindi nagmamadali. Bumaba ang tingin ni Chiara sa likod nito na sinusundan ng kanyang tingin. Tuwid ang tindig nito, idagdag pang matangkad ito.
“Anong ginagawa mo Chiara?”
“Hm?”
“Bakit ka interesado sa kanya?”
“Hindi ko alam.”
“Wag mong kakalimutan ang limitasyon mo.”
“Hindi ko nakakalimutan.”
“Kung ganon ay huwag na siyang sundan!“
“I’m bored…”
“Ano pa bang bago?.”
“Ngayon lang may dumating na gustong makipaglaro sa akin.” Kung nakikita lang ni Chiara ang inner demon niya sigurado siyang umikot ang eyeballs nito.
“Tumigil ka na habang maaga pa, bago lumalim ang interes mo sa kanya. Alam mo na ang nangyayari kapag nakalimot ka. Huwag mong hintayin na maging huli sayo ang lahat.“
Natigilan si Chiara sa huling sinabi ng inner demon niya. Iyon ang laging linya sa kanya ni Koda. The old her will always search for trouble. Kung wala man siyang mahanap siya mismo ang gagawa ng problema at laging naroon si Koda para saluhin siya. Ngunit ng mapagod ito bigla na lamang itong naglaho. Si Koda ang pinakamatagal na nanatili sa kanyang tabi at ang buong akala niya’y habang buhay niya itong makakasama. Ang buong akala niya na kapag huminto siya sa pagiging halimaw at bumalik sa pagiging masunurin dito ay babalik ito sa kanya.
“Matagal na akong naghintay.” nasilayan niya ang huling sulyap sa likod ni poker face bago ito lumabas ng kanyang gate.
Alannis, High School Campus.
“Zane, okay ka lang? Mukhang hindi ka pa nakakarecover sa lagnat mo.” Puna ni Axel kay Zane habang nilalaro ang phone nito at ninanakawan ng sulyap si Zane. Nasa cafeteria sila, nauna silang dumating kaya hinihintay nila si Ryker at Blake.
“Naalala mo ba ng pumunta tayo ng Havaianas? Tatlong beses na may bumulong sayo?”
Nawala ang atensiyon ni Axel sa phone nito at gulat na napatingin kay Zane.
“Dude, wag naman. Gusto ko ng kalimutan ang nangyari sa atin doon kaya bakit pinapaalala mo pa?”
“Naisip ko lang kung boses ba ng lalaki o babae ang narinig mo.”
Parang giniginaw na napayakap si Axel sa sarili. “Malamig na hangin ang bumulong sa akin at hindi malinaw ang mga katagang narinig ko pero…” saglit na natigilan si Axel at nag-isip ng malalim.
“Pero?” naiinip na tanong ni Zane sa susunod na sasabihin ni Axel.
“There is this strange scent,”
“A scent?”
“Yeah, I remember it was a sweet scent. That scent is really refreshing.”
“Do you think it’s a woman?”
“Well base sa mga kwento ng iba, ang madalas na magpakita ay black lady.”
“A ghost who smelled good?”
“Anyway! Why are you asking me this creepy questions?” reklamo ni Axel na halos magdikit ang kilay nito.
“What creepy questions?” si Ryker na bagong dating kasama si Blake. Dinamayan sila ng dalawa sa long table.
“Itong si Zane, tinatanong ako tungkol sa Havaianas. Halos ilang gabi na nga akong hindi makatulog dahil dun eh.” Sumbong ni Axel.
Parehong natigilan si Ryker at Blake na parang ganoon din ang nangyari sa kanila. Ngunit matagumpay na naitago ng mga ito na apektado sila sa nangyari di tulad ni Axel na lantad ang reaksiyon.
Itinabi ni Blake ang baseball bat nito sa katabi nitong upuan. “At bakit naman pumasok sa isip mo ang Havaianas?” seryosong tanong ni Ryker kay Zane.
“Nothing. He’s just overreacting.” Turo ni Zane kay Axel. Tahimik naman na tinungga ni Blake ang softdrinks nito. Hindi alam ng tatlo na pinarusahan ni Blake ang sarili ng 300 push up tuwing umaga dahil tinayuan ito ng balahibo sa insidenteng iyon. Kilala siya bilang tough guy sa grupo ngunit bigla siyang bumaluktot ng dahil lang sa multo. Hindi iyon matanggap ni Blake kaya naman nanggigigil siya sa tuwing maisip ang nangyari.
“Past is past kalimutan na natin ‘yun.” Si Ryker na binuklat ang pocket dictionary nito.
“Ah? Gusto mong kalimutan ko ang nangyari sayo sa Havaianas.” May himig na pang-aasar na wika ni Axel dito. Hindi napigilang batukan ni Ryker ang ulo ni Axel gamit ang hawak nitong maliit na libro.
“Bakit hindi ito ang gamitin mo pang hampas sa kanya?” isang morenang dalagita ang dumating. Nakasunod dito ang dalawa nitong alipores na si Miggie at Yannie, ang kambal. Kinuha nito ang baseball bat ni Blake at binigay kay Ryker. Umupo ito sa tabi ni Zane at pasimpleng dinikit ang katawan dito.
“Bitch.” Malutong na tawag ni Axel sa babae.
“Bastard.” Ganti ni Kriss kay Axel. Magkapatid man ang dalawa ay parang aso’t pusa ang mga ito sa bahay man o sa school. Napunta ang atensiyon ni Kriss kay Zane. Ang matalim na mga tingin nito sa kapatid ay naging malambot ng dumapo ang tingin nito kay Zane. “Nagkasakit ka daw?” dinama nito ang noo ni Zane. “Kung sinabi lang sa akin ni Kuya na nagkasakit ka di sana ay naalagaan kita.” Tumalim ang tingin ni Kriss ng tignan nito si Axel.
“At para ano? Baka pagsamantalahan mo lang si Zane kapag sinabi ko sayo.” Walang kurap na sinabi ni Axel sa kapatid.
“Gago.”
“Gaga.”
“Basta sa susunod na magkasakit ka, ako ang mag-aalaga sayo.” Bumalik ang lambot sa mga mata ni Kriss ng muling mapunta ang atensiyon nito kay Zane. Umaktong nasusuka naman si Axel sa tabi.
Normal na sa kanila ang ganitong eksena ng magkapatid kaya bale walang pumikit si Zane at sumandal sa upuan. Parang nakakabatang kapatid lang ang tingin ni Zane kay Kriss. Alam ng lahat na hindi siya interesado dito. Ngunit hindi parin mapigilan si Kriss sa pagpapakita ng interes sa kanya.
“Mainit ang ulo ni Kriss dahil sa bagong dating na transfer student.” Singit ni Miggie na umupo sa tabi ni Axel habang si Yannie ay sa tabi ni Blake. Parang may Kriss syndrome ang mga ito na pumulupot sa mga crush nila.
“Hindi mo siya masisisi dahil naagaw sa kanya ang korona.” Si Yannie na kumapit sa matigas na braso ni Blake. Pilit naman na tinatanggal ni Blake ang lintang nakadikit sa kanya.
Kasing bilis ng kidlat na naging interesado si Axel sa narinig. Kung ano ang mga bagay na kinaaasaran ng kapatid niya ay gusto niyang malaman para gamitin din dito. Naging trabaho na niya iyon simula pa ng maliit sila ni Kriss. “Talaga?” inakbayan ni Axel si Miggie upang magkwento pa ito sa kanya.
“Naagaw mula sa kanya ang atensiyon ng mga boys dahil sa bagong transfer student na sila ngayon nakatingin.” Dagdag ni Miggie.
“So nasapawan na pala ngayon ang kapatid ko.” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Axel.
“Shut up.” Si Kriss kay Axel na agad na nayamot. “Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga ay nakatingin lang sa akin ang lalaking gusto ko.” Nakatingin si Kriss kay Zane habang sinasabi ang huli. Tinignan naman ni Zane si Ryker ng makahulugan na tanging sila lang ang nagkakaintindihan.
Agad na tumikhim si Ryker ng mabasa ang signal. He really hate to admit it ngunit maging sa personal na buhay ni Zane ay inaalalayan niya ito. “So, anong pangalan ng bagong transfer student?” paglilihis ni Ryker sa usapan.
“Chiara Kein.” Sagot ni Yannie.
“Sweet. Maging pangalan niya ay mas maganda kesa sa kapatid ko.”
“Kung hindi ka titigil Kuya sasabihin ko kay mommy na nabasag mo ang paborito niyang cup.” Panakot ni Kriss dito.
“What? Nagkasundo na tayo tungkol diyan.”
Tumayo si Zane habang abala ang magkapatid na magbangayan. Wala siyang planong makinig sa walang katapusang debate ng mga ito. Nakakabit parin sa isip niya ang Havaianas na nanatiling misteryo sa kanya.
“Kung hindi mo ako titigilan. Kakalimutan ko ang kasunduan natin.”
“Sino ba itong transfer student na ito at ang bilis mong mapikon?” natatawang tanong ni Axel. “Hm.. Chiara Kein..” lalong naging interesado si Axel dito.
Leave a Reply