A white translucent skin.
Hair like made from the softest silk.
Long thick eyelashes.
Enchantress…
Iyon ang nasa isip ng mga matang nakasunod kay Chiara sa hallway. Pakiramdam ng mga ito ay may naligaw na diyosa sa school nila.
“Chiara. I don’t think this is a good idea.” Nag-aalalang paalala sa kanya ni Anwen ang inner demon niya.
“A life without a worry is not a life.” Kinindatan ni Chiara ang nerd student na nadaanan niya. Nagkulay rosas ang mukha nito sa likod ng makapal nitong eye glasses.
“Chiara..” banta ni Anwen. “Hindi ka ba talaga makikinig sa akin?”
“………..”
“You..”
“……….”
“Fine!” Biglang nanahimik ang inner demon niya at hindi nagparamdam sa kanya. Hindi niya ito masisisi dahil kanina pa ito walang sawang tumututol sa kanya. Nahinto siya sa paglalakad ng mapansin niya ang isang pamilyar na likod na lumabas sa cafeteria. Saglit na naghiwalay ang pagkakalapat ng labi ni Chiara ng makilala niya ito. Lumaki ang unang hakbang niya at bumilis ang kanyang paglalakad. Why? This feeling… The tight on her chest, she can’t explain it.
Naramdaman ni Chiara na nabulabog ang hangin sa labas. Narinig niya din ang sigawan ng mga estudyante sa labas ng building na nagbabatuhan ng mga batong nababalutan ng papel.
Lalong bumilis ang mga hakbang ni Chiara ng makita nitong madadaanan ng binatilyo ang malaking glass window. Lumapat ang kamay ni Chiara sa likod nito at tinulak ito palayo bago pa tumama ang bato sa glass window…
May malakas na pwersang tumulak sa likod ni Zane na nagpabagsak sa kanya. Sinong maglalakas ng loob na itulak ang Student Council President? Kalmadong tumayo siya at pinagpag ang sarili bago hinarap ang salarin.
Pumasok ang liwanag ng araw sa nabasag na glass window. Napapikit si Chiara dahil ito ang unang beses na nasinagan siya ng araw pagkalipas ng napakahabang panahon. Hindi man siya nasusunog sa ilalim ng araw tulad ng mga bampira ngunit kadiliman ang kaibigan niya.
Hindi lumabas ang salitang gustong sabihin ni Zane ng makita niya ang taong tumulak sa kanya. Diretsong nagtama ang mga mata nila pagmulat nito ng mga mata. Hindi ito nagbawi ng tingin at nanatiling nakatitig sa kanya na parang pinapasok nito ang isipan niya. Si Zane ang unang kumalas ng tingin, ngayon niya lang napansin ang mga basag na salamin na nagkalat sa sahig na kinatatayuan ng dalagita. Napagtanto niyang tinulak siya nito para hindi siya matamaan ng mga basag na salamin.
“O-Okay ka lang?” lumapit ang isang nerd kay Chiara. Naalala ni Chiara na ito ang nadaanan niya kanina. Nakatingin ito sa kaliwang braso niya. Sinundan ni Chiara ang tinitignan nito, nakita niya ang isang linya ng sugat na nagsisimulang lumabas ang pulang likido. “Kailangan nating pumunta ng infirmary.” nag-aalalang nilabas ng nerd ang puting panyo nito at tinakip sa sugat ni Chiara.
“Ako na ang magdadala sa kanya.” wika ni Zane at hinila si Chiara palayo sa mga estudyanteng lumalapit sa kanila. Nahulog ang puting panyo na may bakat ng dugo sa sahig. Pinulot iyon ng nerd na estudyante. Pumasok ang malakas na hangin sa bintana. Nagtaka ito ng unti-unting naglalaho ang pulang bakas ng dugo na parang tinatangay ito ng hangin. Imahinasyon lang ba o sadyang malabo lang ang kanyang paningin?
Biglang tumigil si Zane ng huminto sa paglalakad ang nakasunod sa likod nila. Muling nagtama ang kanilang paningin ng lingunin niya tumulak-tumulong sa kanya. Sa tuwing sinasalubong ni Zane ang tingin ng mga estudyante, ang mga ito mismo ang unang umiiwas ng tingin sa kanya ngunit hindi ang isang ito. Naging baliktad ang sitwasyon dahil siya ang unang nagbawi ng tingin dito. Pakiramdam niya ay nababasa nito ang nasa isip niya.
“Hindi naman malalim ang nasugat sa akin kaya hindi na ito kailangang gamutin.”
Muling nahiwagaan si Zane ng marinig ang boses ng dalagita. Pakiramdam niya ay may kakaiba dito. Hindi niya matukoy kung saan nanggagaling ang kaba sa dibdib niya. “What are you?” nahihiwagaang tanong niya.
“Anong ibig mong sabihin?” nabigla si Chiara sa tanong nito ngunit hindi niya pinahalata. He’s using what instead of who? Hindi siya makapaniwalang pinagdududahan siya nito unang kita palang nito sa kanya.
Napapikit ng mariin si Zane. Ano bang iniisip niya? “Ang ibig kong sabihin, anong tingin mo sa sarili mo? Super Woman? Bakit mo ‘yun ginawa? Hindi ko kailangan ng tulong mo, mas pipiliin ko pang masugatan kaysa sagipin mo ako.”
Lihim na napangiti si Chiara. Arogante. “Then, how about this? Isipin mo nalang na tinulak kita at hindi tinulungan.”
“And this?” tukoy ni Zane sa braso ni Chiarang may sugat. “Ang pinakaayaw ko sa lahat ay magkaroon ng utang na loob.” muli nitong hinila si Chiara papasok ng infirmary.
Agad na kinuha ni Zane ang medicine kit sa cabinet. Napansin ni Chiara na pamilyar na pamilyar ito sa lugar. Humila ito ng upuan at pinaupo siya roon.
“Wala si Miss Suzy pag ganitong mga oras.” tukoy ni Zane sa may hawak ng infirmary. “Hindi naman ganon kalalim ang sugat mo kaya kaya ko ng gamutin.” tinignan ni Zane ang snow white ng wala siyang marinig mula dito. Nahuli niyang nakatitig lang ito sa kanya. Hindi naman siya naiilang sa pagkakatitig nito pero pakiramdam niya ay mahuhulog siya ng malalim kung sasalubungin niya ang tingin nito.
Pinatigil ni Chiara ang paggaling ng sugat niya habang ginagamot siya ni Zane. Ngayon niya lang ito natitigan ng ganito kalapit. She can feel his breathing and temperature at sapat na iyon para malaman ni Chiara na nanggaling ito sa sakit at meron pa itong lagnat sa ilalim.
Her body is like a cotton. White and soft. Naisip ni Zane habang ginagamot niya ito. Wala siyang makitang kahit na anong mark ng scar sa balat nito na parang ito ang unang beses na nasugatan ito. Lalo tuloy siyang nakonsensiya ngunit isang tanong ang pumasok sa isip niya. Nakasara ang buong building mula sa labas kaya paano nito nalaman na may batong tatama sa loob?
“May sakit ka pa, dapat nagpapahinga ka.”
“How did you know?” lalong nadagdagan ang pagtataka ni Zane.
“Because I can read minds.” Natatawang sagot ni Chiara. Napansin niya na hindi naman ito mukhang tasteless sa malapitan. Gusto niyang malaman kung anong magiging timpla ng fear nito sa sandaling magkaroon ito.
“Do you like me?”
“Do I like you?” saglit na kumunot ang noo ni Chiara. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.
“Then why are you looking at me like that?”
“Like what?”
“…….” Na parang gusto mo akong kainin. Muling itinuon ni Zane ang atensyon sa sugat nito. This girl is really strange. Parang wala lang dito ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. She is watching him like it’s a normal thing to do.
“I’m Zane.” tanging nasabi niya ng biglang tumahimik ang loob ng kwarto.
“Chiara.”
Kung ganon ito ang bagong transfer student. “Done.” wika ni Zane matapos niyang magamot ang sugat nito at nilapat ang band-aid sa braso nito.
Umangat ang kamay ni Chiara at huminto sa mukha ni Zane. “You’re eyes.. They’re changing.” Napangiti si Chiara ng makita ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Zane habang nakatingin sa kanya. “I thought you’re just a poker face.”
She’s weird. Iyon ang tingin ni Zane sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya magawang kumalas ng tingin dito kahit sinasabi ng isip niya na kailangan niyang lumayo.
“Zane! Natutulog ka nanaman?” natauhan si Zane ng marinig ang maingay na boses ni Axel mula sa labas ng infirmary.
“Kuya, he’s still sick. Hayaan mo muna siyang magpahinga.” naalarma si Zane ng marinig ang huli. Mabilis na binuksan niya ang pinto at lumabas ng infirmary. Sunod na hinarang niya ang sarili sa nakasarang pinto na parang may tinatago. Saka lamang niya napagtanto ang ginawa ng makita niya ang pagtataka sa mukha ng magkapatid. Why is he trying to hide her? Gusto niyang mapailimg sa inakto niya.
Narinig ni Chiara ang mga tapak palayo ng infirmary. Tinignan niya ang kaliwang braso niya na may band-aid. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ito ang unang beses na may gumamot sa sugat niya. Hindi niya kailangan ng lunas dahil kusang gumagaling ang mga sugat niya. Ang kailangan niya lang gawin ay humigop ng fear ng tao.
“He’s pure. I can’t touch him.” nanghihinayang na dinaanan ng daliri niya ang band-aid sa braso niya.
Leave a Reply