Works Collection

Category: Jilled Collections (Page 3 of 25)

FEARLESS | CHAPTER 5: A Ghost Who Smelled Good?​

Minsan kahit gaano katatag o katibay ang pader na iyong itinayo, unti-unti parin iyong mabubuwag.

Naglalakad si Chiara sa taas ng mga building habang sinasabayan niya ang paglalakad ng lalaking naghintay sa kanya ng tatlong oras kanina. Palabas na ito ng Havaianas at bawat lakad nito ay magaan at hindi nagmamadali. Bumaba ang tingin ni Chiara sa likod nito na sinusundan ng kanyang tingin. Tuwid ang tindig nito, idagdag pang matangkad ito.

Anong ginagawa mo Chiara?”

“Hm?”

Bakit ka interesado sa kanya?”

“Hindi ko alam.”

Wag mong kakalimutan ang limitasyon mo.”

“Hindi ko nakakalimutan.”

Kung ganon ay huwag na siyang sundan!

“I’m bored…”

Ano pa bang bago?.”

“Ngayon lang may dumating na gustong makipaglaro sa akin.” Kung nakikita lang ni Chiara ang inner demon niya sigurado siyang umikot ang eyeballs nito.

Tumigil ka na habang maaga pa, bago lumalim ang interes mo sa kanya. Alam mo na ang nangyayari kapag nakalimot ka. Huwag mong hintayin na maging huli sayo ang lahat.

Natigilan si Chiara sa huling sinabi ng inner demon niya. Iyon ang laging linya sa kanya ni Koda. The old her will always search for trouble. Kung wala man siyang mahanap siya mismo ang gagawa ng problema at laging naroon si Koda para saluhin siya. Ngunit ng mapagod ito bigla na lamang itong naglaho. Si Koda ang pinakamatagal na nanatili sa kanyang tabi at ang buong akala niya’y habang buhay niya itong makakasama. Ang buong akala niya na kapag huminto siya sa pagiging halimaw at bumalik sa pagiging masunurin dito ay babalik ito sa kanya.

“Matagal na akong naghintay.” nasilayan niya ang huling sulyap sa likod ni poker face bago ito lumabas ng kanyang gate.

Alannis, High School Campus.

“Zane, okay ka lang? Mukhang hindi ka pa nakakarecover sa lagnat mo.” Puna ni Axel kay Zane habang nilalaro ang phone nito at ninanakawan ng sulyap si Zane. Nasa cafeteria sila, nauna silang dumating kaya hinihintay nila si Ryker at Blake.

“Naalala mo ba ng pumunta tayo ng Havaianas? Tatlong beses na may bumulong sayo?”

Nawala ang atensiyon ni Axel sa phone nito at gulat na napatingin kay Zane.

“Dude, wag naman. Gusto ko ng kalimutan ang nangyari sa atin doon kaya bakit pinapaalala mo pa?”

“Naisip ko lang kung boses ba ng lalaki o babae ang narinig mo.”

Parang giniginaw na napayakap si Axel sa sarili. “Malamig na hangin ang bumulong sa akin at hindi malinaw ang mga katagang narinig ko pero…” saglit na natigilan si Axel at nag-isip ng malalim.

“Pero?” naiinip na tanong ni Zane sa susunod na sasabihin ni Axel.

“There is this strange scent,”

“A scent?”

“Yeah, I remember it was a sweet scent. That scent is really refreshing.”

“Do you think it’s a woman?”

“Well base sa mga kwento ng iba, ang madalas na magpakita ay black lady.”

“A ghost who smelled good?”

“Anyway! Why are you asking me this creepy questions?” reklamo ni Axel na halos magdikit ang kilay nito.

“What creepy questions?” si Ryker na bagong dating kasama si Blake. Dinamayan sila ng dalawa sa long table.

“Itong si Zane, tinatanong ako tungkol sa Havaianas. Halos ilang gabi na nga akong hindi makatulog dahil dun eh.” Sumbong ni Axel.

Parehong natigilan si Ryker at Blake na parang ganoon din ang nangyari sa kanila. Ngunit matagumpay na naitago ng mga ito na apektado sila sa nangyari di tulad ni Axel na lantad ang reaksiyon.

Itinabi ni Blake ang baseball bat nito sa katabi nitong upuan. “At bakit naman pumasok sa isip mo ang Havaianas?” seryosong tanong ni Ryker kay Zane.

“Nothing. He’s just overreacting.” Turo ni Zane kay Axel. Tahimik naman na tinungga ni Blake ang softdrinks nito. Hindi alam ng tatlo na pinarusahan ni Blake ang sarili ng 300 push up tuwing umaga dahil tinayuan ito ng balahibo sa insidenteng iyon. Kilala siya bilang tough guy sa grupo ngunit bigla siyang bumaluktot ng dahil lang sa multo. Hindi iyon matanggap ni Blake kaya naman nanggigigil siya sa tuwing maisip ang nangyari.

“Past is past kalimutan na natin ‘yun.” Si Ryker na binuklat ang pocket dictionary nito.

“Ah? Gusto mong kalimutan ko ang nangyari sayo sa Havaianas.” May himig na pang-aasar na wika ni Axel dito. Hindi napigilang batukan ni Ryker ang ulo ni Axel gamit ang hawak nitong maliit na libro.

“Bakit hindi ito ang gamitin mo pang hampas sa kanya?” isang morenang dalagita ang dumating. Nakasunod dito ang dalawa nitong alipores na si Miggie at Yannie, ang kambal. Kinuha nito ang baseball bat ni Blake at binigay kay Ryker. Umupo ito sa tabi ni Zane at pasimpleng dinikit ang katawan dito.

“Bitch.” Malutong na tawag ni Axel sa babae.

“Bastard.” Ganti ni Kriss kay Axel. Magkapatid man ang dalawa ay parang aso’t pusa ang mga ito sa bahay man o sa school. Napunta ang atensiyon ni Kriss kay Zane. Ang matalim na mga tingin nito sa kapatid ay naging malambot ng dumapo ang tingin nito kay Zane. “Nagkasakit ka daw?” dinama nito ang noo ni Zane. “Kung sinabi lang sa akin ni Kuya na nagkasakit ka di sana ay naalagaan kita.” Tumalim ang tingin ni Kriss ng tignan nito si Axel.

“At para ano? Baka pagsamantalahan mo lang si Zane kapag sinabi ko sayo.” Walang kurap na sinabi ni Axel sa kapatid.

“Gago.”

“Gaga.”

“Basta sa susunod na magkasakit ka, ako ang mag-aalaga sayo.” Bumalik ang lambot sa mga mata ni Kriss ng muling mapunta ang atensiyon nito kay Zane. Umaktong nasusuka naman si Axel sa tabi.

Normal na sa kanila ang ganitong eksena ng magkapatid kaya bale walang pumikit si Zane at sumandal sa upuan. Parang nakakabatang kapatid lang ang tingin ni Zane kay Kriss. Alam ng lahat na hindi siya interesado dito. Ngunit hindi parin mapigilan si Kriss sa pagpapakita ng interes sa kanya.

“Mainit ang ulo ni Kriss dahil sa bagong dating na transfer student.” Singit ni Miggie na umupo sa tabi ni Axel habang si Yannie ay sa tabi ni Blake. Parang may Kriss syndrome ang mga ito na pumulupot sa mga crush nila.

“Hindi mo siya masisisi dahil naagaw sa kanya ang korona.” Si Yannie na kumapit sa matigas na braso ni Blake. Pilit naman na tinatanggal ni Blake ang lintang nakadikit sa kanya.

Kasing bilis ng kidlat na naging interesado si Axel sa narinig. Kung ano ang mga bagay na kinaaasaran ng kapatid niya ay gusto niyang malaman para gamitin din dito. Naging trabaho na niya iyon simula pa ng maliit sila ni Kriss. “Talaga?” inakbayan ni Axel si Miggie upang magkwento pa ito sa kanya.

“Naagaw mula sa kanya ang atensiyon ng mga boys dahil sa bagong transfer student na sila ngayon nakatingin.” Dagdag ni Miggie.

“So nasapawan na pala ngayon ang kapatid ko.” Nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Axel.

“Shut up.” Si Kriss kay Axel na agad na nayamot. “Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga ay nakatingin lang sa akin ang lalaking gusto ko.” Nakatingin si Kriss kay Zane habang sinasabi ang huli. Tinignan naman ni Zane si Ryker ng makahulugan na tanging sila lang ang nagkakaintindihan.

Agad na tumikhim si Ryker ng mabasa ang signal. He really hate to admit it ngunit maging sa personal na buhay ni Zane ay inaalalayan niya ito. “So, anong pangalan ng bagong transfer student?” paglilihis ni Ryker sa usapan.

“Chiara Kein.” Sagot ni Yannie.

“Sweet. Maging pangalan niya ay mas maganda kesa sa kapatid ko.”

“Kung hindi ka titigil Kuya sasabihin ko kay mommy na nabasag mo ang paborito niyang cup.” Panakot ni Kriss dito.

“What? Nagkasundo na tayo tungkol diyan.”

Tumayo si Zane habang abala ang magkapatid na magbangayan. Wala siyang planong makinig sa walang katapusang debate ng mga ito. Nakakabit parin sa isip niya ang Havaianas na nanatiling misteryo sa kanya.

“Kung hindi mo ako titigilan. Kakalimutan ko ang kasunduan natin.”

“Sino ba itong transfer student na ito at ang bilis mong mapikon?” natatawang tanong ni Axel. “Hm.. Chiara Kein..” lalong naging interesado si Axel dito.

 

 

 

 

FEARLESS | CHAPTER 4: Bumalik Siya​

“Just leave me alone!” galit na wika ni Zane sa tatlong unggoy na nagbabantay sa kanya ngayon. Hindi niya kailangan ang presensya ng mga ito. Lalo lamang siyang nanghihina.

“Mr. Pres, pinuntahan ka namin dahil nag-aalala kami sayo.” Exaggerated na wika ni Axel habang pinupunasan ng panyo ang kanyang noo. “Sanay na kaming makita kang laging tulog pero ang magkasakit bibihira lang dumaan.” Hindi maitago ni Axel ang mga ngiti sa labi nito na halatang natutuwa na makita siyang nahihirapan. Hindi lang ito kundi maging ang dalawang kumag na nasa dulo ng kanyang kama na hindi itinago ang kanilang pagkakangisi.

“Pwede bang umalis na kayo? At baka isang linggo akong hindi makapasok.” naiiritang tinulak ni Zane si Axel palayo sa kanya.

“Wag kang mag-alala, ako ng bahala sa mga naiwan mo.” Ako naman talaga ang gumagawa ng lahat ng trabaho mo. Dagdag ni Ryker sa sarili.

“Paano ka ba nagkasakit? Ni halos hindi ka nga gumagalaw?” May halong pasaring na tanong ni Blake dito.

Nilagnat siya kagabi at nanghihina parin siya hanggang ngayon kaya hindi siya nakapasok. Paggising niya ay ang tatlong ito ang namulatan niya. “Napuyat ako.” Balewalang sagot niya saka hinawakan ang kanyang sentido. Gaano ba katapang ang pinainom sa kanya ng Mommy niya at dinadalaw nanaman siya ng antok.

“Paano nangyari ‘yon? Eh wala ka namang ginawa kundi matulog.” Kunot noong tanong ni Axel.

Hindi na iyon nasagot ni Zane dahil tuluyan na itong nilamon ng antok. Naisip ni Ryker, simula ng may nangyari sa kanila sa havaianas lalong nadagdagan ang pagiging batugan ni Zane. Maging sa recess at break ay natutulog ito. At mas lalong humaba ang oras ng tulog nito na parang laging puyat. Napansin niya rin ang namumulang mga braso nito na parang kagat ng mga lamok. Anong ginagawa nito sa gabi?

Havaianas.

“Hindi rin siya dumating ngayon.” humiga si Chiara sa bubong ng sirang sasakyan kung saan dito niya madalas nakikitang nakaupo ang poker face iyon. Pero ano bang ginagawa niya? Marahil ay nababagot na siya. Bakit wala ng dumarating?

Sumagap siya ng hangin at pinuno ang dibdib bago iyon binuga sa kawalan. She didn’t want to hunt outside. It’s so troublesome. Tahimik na pinagmasdan niya ang nagliliwanag na mga bituin sa kalangitan. Inangat niya ang isang kamay na parang nasa palad niya ang isang bituin na pinakamaliwanag sa lahat. Natigilan siya at biglang napabangon ng maramdaman niyang may dumating sa teritoryo niya. Mabilis na nagpalit siya ng anyo at naging animoy itim na usok na humalo sa dilim ng gabi. Nakita niyang pumasok ang anim na malalaking tao na nakasakay ng motorsiklo. Bawat isa sa kanila ay may mga tattoo sa katawan. Tough guy ha? Gusto niyang malaman kung gaano katapang ang mga ito. Unti-unti siyang lumapit at nakita niyang nagpapalitan ng pera at drugs ang mga lalaki. Wala silang kamalay-malay na pinalilibutan na niya ang mga ito. Sa wakas ay hindi na niya kailangang lumabas…

Nagsalin ng alak si Chiara sa kanyang mini bar matapos niyang matikman ang isa sa pinakamasarap na fear na nakuha niya simula ng tumira siya dito. Hindi niya lubos masikmura ang itsura ng mga ito habang nagpapaputok ng mga bala ng baril sa ere. Ang isa ay nakaihi sa pants nito habang tumatakbo at nauntog sa gate. Mas masahol pa sila sa mga high schooler na naencounter niya. Speaking of high schooler, gusto niya talagang makita ang mukha ng poker face na iyon kung paano ito matakot.

Naalala niya ng unang kita niya dito ay nakasuot ito ng uniform kapareho ng uniform ng trio na nakuhanan niya noon ng fear. Tinawag niyang trio ang mga ito dahil sabay-sabay silang nahimatay pagkakita sa kanya. Kung ganoon ay sa iisang school lang sila nanggaling. Ni minsan ay hindi niya sinubukang mag-aral sa school. Masyadong delikado at matrabaho para sa kanya ang magpapalit-palit ng identity. Subalit marami na siyang nabasa at napanood tungkol dito. Minsan ay nahihiwagaan din siya kung paano mabuhay bilang isang ordinaryong tao? Mag-aaral, magtrabaho, bumuo ng pamilya, magkaroon ng mga anak, mga apo at tatanda kasama ng mga mahal nila sa buhay. Naiingit siya sa tuwing nasasaksihan niya ang pagdaan ng mga taon sa kanila. Kahit na maliit lang na panahon ang ginugugol nila sa mundo. Bawat sandali nito ay  puno ng buhay.

Samantalang siya, may kakayahang mabuhay ng walang hanggan ngunit walang kahulugan ang pagdaan ng mga taon sa kanya na parang tumigil sa pag-agos ang buhay niya.

Nagising si Zane pagsapit ng hating-gabi. Bumangon siya at ginusot ang mga mata. Halos buong araw siyang natulog. Nakita niyang may tubig at prutas sa side table niya. Kinuha niya ang piraso ng papel na nakadikit sa baso niya. 

Honey, uminom ka ng maraming tubig at kumain ka ng prutas.

Alam niyang ang Mommy niya ang nag-iwan ng mga ito. Kahit natutulog siya ay naramdamn niyang may nagbabantay sa kanya kanina. He was spoiled a lot by his parent. Lalo na ang Mommy niya, kaya naman nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Hindi siya natatakot na suwayin ang mga ito dahil lagi siyang sinusuportahan ng mga magulang niya. Nag-iisa siyang anak kaya siguro ganon nalang ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. Ni minsan ay hindi siya nahirapang makuha ang mga bagay na gusto niya kaya naman kapag may bagay na nakakuha ng kanyang interes, hindi niya iyon tinatantanan.

Kumuha siya ng isang apple at kumagat ng isang beses bago iyon binalik sa maliit na basket. Tumayo siya at dumiretso sa bathroom para maghilamos.

Fully recovered na ang kanyang katawan. Mahabang tulog lang talaga ang  kailangan niya. Bigla siyang gininaw ng maramdaman ang malamig na tubig sa kanyang kamay. Naalala niya ang malamig na bagay na pumasok sa kanyang katawan. Nagtataka siya kung bakit wala ng nagpapakita sa kanya kahit ilang beses siyang bumalik sa lugar na iyon. Na parang nawalan ito ng interes sa kanya matapos nitong balutan ng yelo ang kanyang katawan. Kaya naman lalong nadagdagan ang kanyang kuryusidad.

Natagpuan niya nalang ang sariling pabalik-balik sa lugar na parang naghihintay ng kasagutan. He was never interested into something like this before. Wala pang nakakakuha ng sobrang atensyon niya. His high school boring life suddenly change. Simula ng mapadpad siya sa lugar na iyon. Pero bakit walang nangyayari? Tinignan niya ang kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Gising na gising ang kanyang mga mata at alam niyang hindi na siya muling makakabalik sa pagtulog. May anim na oras pa bago dumating ang umaga. Hindi niya kayang maghintay ng walang ginagawa. Nagtama ang mata nila ng sarili niyang repleksyon. Nabasa niyang iisa lang ang nasa isip nila.

Havaianas.

1:00 AM ng madaling araw binulabog ng alarm ang tulog ni Chiara. Damn it. Bumuka agad ang kanyang mga mata na parang hindi nanggaling sa pagkakatulog. She’s full. It’s not that she’s complaining, but she have the right to be lazy when she already consume much! Geez.. napilitan siyang bumangon.

Suot ang white silk na robe habang wala siyang suot na saplot sa loob ay lumabas siya sa kanyang kwarto. Tinatamad na siyang magpalit dahil pwede naman siyang hindi magpakita sa target niya. Sinusuot niya lamang ang cosyume na iyon bilang katuwaan para naman hindi nakakasawa ang paraan ng paghunt niya. Tumayo siya sa pinakadulong bahagi ng rooftop. Hindi na niya tinignan sa CCTV kung sino ang kanyang bagong panauhin dahil malalaman niya iyon pagkinain na niya ang fear nito. Tumalon siya sa building habang nasa likod ang kanyang mga kamay.

Naramdaman ni Zane na may malamig na hangin ang dumaan sa kanya. Pinakiramdaman niya ang paligid ngunit wala ng bumalik na hangin. Subalit kahit wala ng hangin ang nagparamdam sa kanya pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya sa tabi. Tulad ng mga nakaraang gabi. Kahit anino ay walang nagpakita ngunit nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa. Naramdaman niyang may ibang presensiya maliban sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit siya bumabalik. Kailangan niyang malaman kung ano ito kahit ilang beses pa siyang bumalik sa lugar na ito.

Nakasandal si Chiara sa pader ng three story building. Kung titingin lang si poker face sa taas marahil ay makikita siya nito. Bumalik siya... Hindi niya namalayang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

 

FEARLESS | CHAPTER 3: Chiara​

Nakakalat ang mga origami sa sahig at kama ni Chiara. Apat na oras na siyang gumagawa ng iba’t-ibang klase ng origami. Plano niyang gumawa ng apat na libong origami upang lagpasan niya ang dati niyang record na tatlong libo at limang daan. Natigilan lamang siya sa ginagawa ng kumalam ang kanyang sikmura. Dahil sa nangyari kagabi ay naubos ang one week na sana ay na consume niya. Sana ay kahit isa man lang sa apat na pumunta kagabi ay nakuhanan niya, maliban ang isa dahil hindi niya ito maituturing na pagkain.

Kahit isa siyang nilalang na kung tawagin ng mga tao ay demon ay may katangian din siya na tulad ng tao. Kailangan niyang kumain upang hindi manghina. Hindi siya mamamatay kahit hindi siya kumain ng fear ng tao. Ngunit ang kapalit nito ay manghihina siya at tuluyang mawawalan siya ng kontrol sa sarili. Ang inner demon niya ang kokontrol sa kanyang katawan at pag nangyari iyon para na siyang isang mabangis na halimaw na aatakihin ang kahit na sinong makita nito na nagtataglay ng fear. Nang panahon ng kanyang mga ninuno. Maging laman at dugo ng tao ay kinakain nila ngunit dahil unti-unti ng nagbabago ang panahon at mas marami na ang bilang ng mga tao laban sa kanila ay unti-unti silang inubos ng mga ito. Nagtago sa kasuluksulukan ng kagubatan ang mga natira sa lahi nila. Natutunan nilang kumain ng hindi kailangang pumatay. Isa-isa silang naglabasan ng bundok at nakihalubilo sa mga tao. Simula noon ay namatay ang mga kwento tungkol sa kanila at sila’y naging isang alamat na lamang.

Napilitan siyang lisanin ang kama at pumunta sa kitchen. Nagbukas siya ng fridge. Puro tubig at chocolate ang laman ng mga refrigerator niya. Naglabas siya ng malalim na buntong hininga habang pumipili ng chocolate. Ang fear ng tao ang pinakapagkain niya. Matagal bago siya makaramdam ng gutom kung ito ang kakainin niya. Hindi tulad ng pagkain ng tao na kailangan niyang iconsume ng sunod-sunod. Kumuha siya ng isang box ng chocolate at dalawang bote ng mineral water. Wala siyang stove o oven sa kitchen niya. Hindi niya nga malaman kung matatawag niya ba iyong kitchen kung ang laman lang nito ay apat na malalaking refrigerator.

Binuksan niya ang isang pinto na may hagdanan paakyat ng kanyang rooftop. Mas gusto niya na laging nasa labas ng rooftop dahil pakiramdam niya ay lagi siyang nakakulong sa loob. Umupo siya sa isang malaking upuan na gawa sa ratan ngunit may nakalagay na malambot na unan sa pang-upo at sandalan nito. Iyon ang paborito niyang tambayan pag nasa rooftop siya. Napilitan siyang buksan ang box ng chocolate.

Nagtitiis siya sa ganitong pagkain kapag walang dumating sa teritoryo niya. Bibihira lang siyang lumabas. Aalis lang siya sa Havaianas kung kinakailangan. Kapag may gusto siyang bilhin na nakita niya sa internet o naubusan siya ng stock ng pagkain at kung matagal na walang dumating sa teritoryo niya siya ang kusang lalabas at maghahanap. She hate hunting outside. Matrabaho at mapanganib. Kailangan niya laging mag-ingat na walang makakakita sa kanya. Ngunit kapag ang mga tao ang tumapak sa kanyang teritoryo kontrolado niya ang lahat. That’s is why she prefer waiting than hunting.

Pagkagat ni Chiara ng chocolate ay narinig niyang tumunog ang kanyang alarm. Agad na binitawan niya ang hawak na chocolate at sinalubong ang kanyang bagong dating na pagkain- panauhin. Tumalon siya mula sa rooftop at di na niya napansin na nakarobe lamang siya maliban sa underwear na kanyang suot. Lumobo ang puti at manipis na roba na napuno ng hangin. Nagmistula siyang diyosa ng kadiliman dahil sa bumalot na itim na enerhiya sa kanyang katawan. Malinis ang kanyang paglapag na para lamang isang piraso ng feather ang kanyang bigat. Nasa taas siya ng two story building habang hinihintay niyang tuluyang pumasok ng gate ang kanyang mga panauhin. Napakunot siya ng noo ng makilala niya kung sino ang pumasok sa kanyang gate.

“Isn’t that tasteless human?” Nagtataka na tanong niya sa sarili. Karamihan sa mga napapadpad sa lugar na ito ay hindi na bumabalik. Hinintay niya ang mga kasama nito ngunit wala na siyang naramdamang ibang presensya maliban dito. “What? He’s alone?” napakibit-balikat siya. Akala pa naman niya ay makakakain na siya ng totoong pagkain ngayon lalo tuloy kumalam ang sikmura niya.

Nililipad ng hangin ang kanyang itim na mahabang buhok na nakalimutan niyang itali at maging ang mahaba at manipis na roba nito na animoy yumayakap sa balingkinitang katawan ni Chiara. Isang nakakabighaning nilalang ngunit walang sino man ang nakasaksi nito.

Pumasok si Zane sa loob ng gate ng Havaianas. Kahit na hindi siya ang klase ng tao ang lalabas kapag malalim na ang gabi ngunit heto siya. Hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanya sa lugar na ito. Kahit gusto niyang balewalain ay sumasagi parin sa isip niya. Maging ang pagtulog niya ay nadidistorbo narin. Siya ang taong hindi mapakali kapag hindi nasagot ang mga tanong sa isip niya at hindi naging malinaw sa kanya ang isang bagay. Nais niyang malaman kung anong klaseng nilalang ang nagparamdam sa kanila.

Kalahating oras na siyang naghihintay ngunit wala paring lumalabas. Naalala niyang limang minuto palang silang tumapak sa loob ng mga kasama niya ay nagparamdam na ito sa kanila. Naglakad-lakad siya sa gilid ng mga abandonadong mga building. Maluwang at malaki ang lugar, ngunit dahil nababalutan ng dilim ang paligid hindi niya magawang makita ang kabuuan nito. Bumalik siya dito ng umaga ngunit nakasara ang gate at hindi niya mabuksan. Kaya nagtataka siya kung bakit gabi lang ito nagbubukas. Bigla siyang huminto ng may marinig siyang kaluskos. Hindi muna siya lumingon, ngunit ng maramdaman niyang malapit na ito sa kanya ay bigla siyang humarap… Isang wild cat ang nakita niya. Dahil sa pabiglang pagharap niya ay natakot ito kaya tumakbong palayo sa kanya.

“What is he doing here?” tanong ni Chiara habang kumakain ng chocolate. Kanina niya pa pinapanood ang taong ito mula sa malayo ngunit malinaw niya itong nakikita dahil sa kakayahan niyang makakita kahit na sa dilim.

“Show yourself.” Narinig ni Chiara na wika ng lalaki. Siya ba ang hinihintay nito? Muntik na siyang mabulunan dahil hindi niya mapigilang matawa. Did he lost his mind? Ito ang naghahanap sa multo? He’s really damage. Marahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya ito pwedeng kainin. Kumbaga sa pagkain ay reject o sa gamit ay defective. Kung ganon ay papapakin ito ng mga lamok dahil walang magpapakita dito.

Pagkalipas ng isang gabi…

“He’s here again?” hindi makapaniwalang tanong ni Chiara ng makita niyang ang pumasok ulit ng kanyang teritoryo ay walang iba kundi ang lalaking magdamag na naghintay sa kanya kagabi. Bumalik ulit siya ng kanyang kwarto at itinuloy ang naudlot niyang pagbabasa. Tatlong oras na ang lumipas ng matapos niya ang pitong makakapal na libro.

Mag-aalauna na, binuksan niya ang kanyang monitor at nacapture ng CCTV niya na naroon parin ang loko at nakaupo sa bubong ng sirang sasakyan. “Does he plan to live here?” siya ang naapektuhan sa presensya ng taong ito. Hindi niya malaman kung sira ba talaga ito o matigas lang ang ulo nito. “Ahh! Just ignore him. Ignore him. Ignore him.” Paulit-ulit na wika niya sa sarili.

Isang linggo pa ang lumipas ay hindi pa rin ito sumusuko. Tuwing pagsapit ng 10:00 PM ng gabi ay inaasahan na niyang darating ito. Halos nakalimutan na niyang hindi pa siya nakakaconsume ng fear simula ng maging regular na ang pagdalaw nito sa teritoryo niya. Kailangan niyang lumabas ngayon para maghunt. Sinigurado niyang makakabalik siya bago ang 10:00 PM. Nabatukan niya ang sarili ng napagtanto niyang inaabangan niya ang pagdating ng taong iyon. He’s tasteless. Wala siyang mapapala dito.

Eksaktong 10:00 PM ay nasa rooftop na si Chiara. Halos humaba ang leeg niya sa kakatingin sa labas ng gate mula sa kinaroroonan niya. Kahit na alam naman niyang mag-iingay ang alarm pag dumating ito ay naghihintay parin siya sa labas. Nagtaka siya ng sumapit ang 10:30 PM ay hindi ito dumating.

Naghintay pa siya hanggang ala-una ngunit walang tasteless human na nagpakita sa kanya. Sumuko na ba ito? Nagtataka siya kung bakit disappointed siya ngayon. Hindi ba’t mas maganda iyon wala ng bubulabog sa kanya? Umalis siya ng rooftop at nagkulong sa kanyang kwarto. Binagsak niya ang katawan sa kama at kinuha ang black bear na stuff toy niya saka iyon niyakap ng mahigpit. Pinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling matulog. Napahigpit ang yakap niya sa black bear ng napagtanto niyang mag-isa nanaman siya.

She was always alone.

Wala siyang kaibigan. Walang pamilya. Wala siyang lugar na matatawag niyang tahanan. Nais niyang kumuha ng alagang hayop ngunit alam niyang tatanda at mamamatay ito. Tulad ng mga tao… They’re weak and fragile. Tumatanda at namamatay. Habang siya ay nanatiling bata na parang tumigil ang oras para sa kanya. May mga naging kaibigan siyang tao noon. Naaalala niya pa ang mga mukha ng mga ito. Lahat ng funeral nila ay nasaksihan niya. Napakahirap magpaalam ngunit mas masakit ang maiwan. Kaya naman huminto na siya sa pakikipaglapit sa mga tao. Hindi na niya muli iyong gustong pagdaanan.

She used to have a family. They are immortals but they still left her…

Siniksik ni Chiara ang mukha sa malambot na katawan ni black bear. Ito na lamang ang hindi umiiwan sa kanya.

 

 

 

FEARLESS | CHAPTER 2​: Zane

“What the hell did just happen?” tanong ni Zane sa sarili.

Nawala ang natitirang antok niya. Hindi pa siya nakaengkwentro ng multo noon kaya hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin sa mga ganitong panahon. Naririnig niya mula sa labas ng gate ang mga kasama niyang tinatawag siya. Madilim ngunit dahil malinaw ang kanyang paningin ay naaaninag niya parin ang kanyang paligid.

Nasa sasakyan ang phone niya at wala siyang dalang flashlight. Idagdag pa ang ingay sa labas ng kanyang mga kasama. “Great. Wha now?” tanong niya sa kawalan kahit wala siyang makita. Hindi siya nakapaghanda ng biglang humampas ang katawan niya sa saradong gate at umangat ang paa niya mula sa lupa. Nakita niya ang itim na usok na pumasok sa katawan niya. Parang nilusob ng napakalamig na yelo ang kanyang dibdib.

Hindi malaman ni Chiara kung anong susunod na gagawin niya sa taong ito. Bakit niya pinakawalan ang tatlo na nag-uumapaw sa takot kapalit ang isang ito? Marahil ay dahil naninibago siya. Bibihira lang siya makatagpo ng ganitong tao. Kahit gaano pa nila pagtakpan ang kanilang mga takot o ilibing sa pinakailalim ng kanilang pagkatao ay nahahanap at nahahanap niya parin ang tinatagong kahinaan ng mga ito. Naaamoy niya parin kahit na nakalimutan na nilang matakot. Ngunit ang isang ito ay wala ni kahit ano. Sinubukan niyang hukayin ang pinakaibuturan ng mga alaala nito, damdamin, at emosyon ngunit wala siyang makitang kahit na anong kahinaan dito. Napagtanto niyang wala siyang mapapala dito kaya binitiwan niya ang katawan nito at hinayaan itong bumagsak sa lupa.

Nanghihinang umatras si Chiara sa dilim. Marami na siyang nagamit na enerhiya niya.

Sunod-sunod ang malalalim na paghinga ni Zane na kinakapos ng hangin. Pakiramdam niya ay nabalutan ng yelo ang kanyang buong katawan. Biglang bumukas ang gate sa likod niya at nagmamadaling nilapitan siya ng mga nag-aalala niyang kasama.

“Zane?! Anong nangyari sayo? Bakit ang lamig mo?” sunod-sunod na tanong ni Axel dito. Tinulungan siyang itayo ni Blake at Ryker.

“Kasalanan mo ‘to, kung hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa Cam ni Greg hindi na sana tayo pumunta sa lugar na ito.” Sisi ni Ryker kay Axel.

“At kung hindi mo sinisisi si Zane tungkol sa budget ng drama club hindi naman ito mangyayari. Bakit hindi ka nalang magdasal tulad ng ginawa mo kanina baka sagutin pa ng panginoon yang problema mo.” Sagot ng isa.

“Ah ganon, sino kaya sa atin ang parang vibration na nanginginig sa takot?”

“Tumigil nga kayong dalawa.” Saway ni Blake sa mga ito habang tinulungan nitong isakay si Zane sa passenger seat. Kung hindi sila ni Axel ang mag-aaway. Si Ryker naman ang kapalit ni Blake. Tahimik naman na nagpikit mata si Zane at pilit na nililinaw ang nangyari kanina. Wala siyang nakita at naramdaman kundi itim na hangin na kasing lamig ng yelo ang bumalot sa kanya. Sa isang iglap ay bigla siyang binalik sa nakaraan at hinukay ang alaala niya. What just happen? Tanong niya sa sarili.

Hindi siya agad nakatulog ng gabing iyon na bibihira lang mangyari. Nahihiwagaan parin siya sa misteryong nangyari sa kanila sa Havaianas.

Kinabukasan ay mas huli siyang nagising. Siya lang yata ang naupong SSC President na laging nalalate sa klase. Ngunit ito ang advantage ng posisyon niya dahil nagagamit niya itong excuse. Tulad ng kanilang inaasahan, inambunan ng complain ang office nila. Hindi magkandaugaga ang mga member ng student supreme council sa pagpapaliwanag sa mga ito habang ang presidente nila ay parang haring natutulog sa rooftop. Iba talaga kung principal ang Uncle mo sa school. Hindi rin maitatangging matalino si Zane dahil sa mga achievements at mga awards na naiuwi nito sa school kaya naman kung may umaangal man sa pamamalakad nito sa Supreme Council ay sa sarili nalang nila. Walang naglalakas loob na kalabanin ito maliban nalang sa pinsan nitong si Slate na kakompetensiya ang tingin kay Zane mula pa ng mga bata pa ang mga ito.

“Ayoko na! Suko na ako!” reklamo ni Axel ng sa wakas ay iwanan siya ng mga club leaders matapos niyang pangakuan ang mga ito ng kung anu-ano.

“Axel!” galit na pumasok sa loob ng SSC Office si Blake. Hinila nito ang kwelyo ni Axel kaya napilitang tumayo ang isa sa pagkakaupo. Halatang hindi na nagpalit si Blake dahil naka sport uniform parin ito. Inaasahan na ni Axel na mangyayari ito kaya hindi na siya nabigla sa reaksiyon ni Blake. “Bakit mo pinamigay ang number ko?” napuno ng kung ano-anong message ang inbox ni Blake galing sa mga babaeng nanliligaw sa kanya. Kinilabutan siya ng mabasa ang mga korning confession ng mga ito.

“Wala na akong ibang maisip ng sinugod nila ako. Iniwan niyo akong mag-isa dito sa office! Pati mga ibang kasama natin ay tinakasan narin ako!” depensa ni Axel.

“Axel! Tarantado ka!” mas madilim ang anyo ni Ryker pagpasok nito sa pinto. “Bakit mo binigay ang underwear ko?!” namumula ang mukha ni Ryker sa galit.

“Kasalanan mo kung bakit nagtatago ka ng gamit mo sa office.” Natatawang wika ni Axel dito at hindi alintana ang galit sa mukha ni Ryker.

“Blake, hawakan mo siya.” Utos ni Ryker kay Blake. Agad na sinunod naman ito ng isa. Kinabahan si Axel ng mahulaan niya ang gagawin ng mga ito sa kanya. “Tignan natin kung anong gagawin mo kung ibibigay ko din ang underwear mo sa iba.”

“S-Sorry na! Hindi lang naman kayo ang nagsacrifice ah!” pinakita niya sa mga ito ang leeg niyang puno ng kiss mark. Parehong natigilan ang dalawa ng makita nila na may malalim din itong kagat na halatang pinanggigilan. “Mabuti nga hindi ko kayo pinakain sa mga baklang ‘yun eh!” binitawan siya ni Blake at ibinalik ni Ryker ang pagkakakabit ng butones sa pants niya. Nakahinga siya ng maluwag ng pakawalan siya ng mga ito. “Isipin niyo nalang kung anong mangyayari sa atin kung wala tayong mukha.” Dagdag pa ni Axel habang inaayos ang pagkakagusot ng damit nito.

“Si Zane? Wag mong sabihin sa aking pinasubo mo kami ni Blake pero hinayaan mo lang ang isang iyon na gumawa ng problemang ito?” bumalik ang galit sa mga mata ni Ryker. Naroon din si Blake sa likod ni Axel na naghihintay ng sagot nito.

“W-well..” tinignan niya ang nakabukas na pinto. “Masisisi niyo ba ako-” mabilis na tinulak niya ang mga ito at tumakbo palabas ng pinto. Lalo niya pang binilisan ng maramdaman niyang hinahabol siya ng mga ito. “Damn it Zane! Kasalanan mo ang lahat ng ito!” kung hindi ito si Zane Saffron matagal na itong namatay sa mga kamay niya.

 

 

 

 

 

FEARLESS | CHAPTER 1 : Havaianas​

“Guys, sigurado ba kayo?” kinakabahang tanong ng binatilyo sa dalawa nitong kasama.

Narito sila ngayon sa tapat ng gate ng most haunted na lugar ng Alannis City o mas kilala sa tawag na Havaianas. Inilawan ni Gino ang paligid gamit ang flash ng phone niya. Mataas ang gate ngunit nangangalawang na ito sa kalumaan at may malalaking bitak narin and sementong bakod nito. Napalunok ang matabang binatilyo ng makita nito ang mga karatula na nakasabit sa gate. 

Private Property.

Danger Zone.

Lumaki ang mga mata niya ng makita ang sirang karatula na gawa sa kahoy ngunit mababasa mo parin ang mga letrang… 

DEAD PEOPLE. 

Kasunod noon ang mga vandalism na gawa sa kulay pula na nagkukulay itim na sa sobrang tagal ng nakadikit doon. Maraming nakasulat sa pader sa salitang. 

KILL.

Stay Away!

Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya ng bahagyang bumukas ang gate kahit walang hangin. Gumawa ng kakaibang ingay ang bakal na gate na lalong nagpatindig sa balahibo niya. “Guys, s-sigurado ba kayo?” ulit na tanong niya.

“Ano ka ba Gino? Hindi pa tayo nakakapasok sa loob naiihi ka na?” ang sabi ni Greg sa kanya. Tinawanan naman siya ni Max na nagvivideo ngayon sa kanila.

Mayabang si Greg, lalo na sa school kaya ng hamunin ito ng mga kaklase nila kung kaya nitong pumasok sa loob ng Havaianas ay aroganteng tinanggap nito ang hamon. Kaya kinukuhanan nila ito ng video ngayon ni Max bilang patunay na pumasok sila sa loob ng haunted na lugar. Maraming mga kwento ng multo tungkol sa lugar nila kaya sikat ang Alannis City sa mga kwentong kababalaghan ngunit ang Havaianas ang pinaka haunted na lugar sa lahat. Dahil maraming pinatay sa lugar na ito na dating cemetery. Dinemolish daw ang cemetery at pinatayuan ng mga buildings, clubs at casinos. Nabulabog ang mga natutulog na kaluluwa kaya sinapian nila ang mga tao at ginamit ang katawan ng mga ito upang pumatay. Marami ang nasapian ng mga panahong iyon kaya isa-isa silang lumisan sa lugar hanggang sa wala ng natira at naging tapunan na ito ng mga taong pinapatay kaya pinapaniwalaang lalong dumami ang mga kaluluwang nakakalat sa lugar. Dahil sa sobrang takot ng mga tao ay pinaligiran nila ng matataas na pader ang lugar upang makulong daw sa loob ang mga ligaw na kaluluwa. Naging isolated area na ito at umaalis na ang mga taong nakatira sa tabi nito. Mga hibang nalang ang maglalakas ng loob na pumasok sa loob ng Havaianas. “G-greg si-sigurado ka?” ulit ni Gino.

“Ano ba?! Tayo na!” matigas ang ulong pumunta si Greg sa tapat ng gate at tinulak iyon ng malakas kaya bumukas ito ng maluwag sa kanila. Sinalubong sila ng mga sirang sasakyan at mga abandonadong buildings na ngayon ay parang dinaanan ng malakas na bagyo dahil sa sirang mga pinto at mga bintana. May matataas din na building na parang mabubuwag ano mang oras. Marami na ring mga ligaw na mga damo ang tumutubo sa paligid, mga basag na bote ng mga alak at kung ano ano pang mga sirang gamit ang nakakalat. Ito ang Havaianas.. mas nakakatakot pa ito ngayong nakita niya ito base sa mga narinig niya. Hindi niya napansing nanigas sa kinatatayuan si Greg kahit hindi pa sila tumatapak sa loob ng gate. Nabuhayan siya ng loob na baka nagbago na ang isip nito.

“Sabihin na lang natin na hindi tayo natuloy?” Ayo ni Gino dito.

“Hindi pwede! Sasabihin nilang naduwag tayo at magiging katatawanan tayo sa school!” naglakas loob na tumapak sa loob si Greg. Lalo nitong nilakasan ang liwanag ng flashlight bago nagpatuloy sa loob ng gate. Nagtinginan sila ni Max at nagdadalawang isip na pumasok sa loob. Kung hindi lang boss ng mga tatay nila ang Ama nito ay hinding-hindi nila ito susundin. Ngunit sa oras na nasa loob na sila ay biglang nagsara ang gate sa kanilang likuran. Sabay sabay silang napatalon at napayakap sa isat-isa.

“A-ano n-ng g-ga-g-ga-w-win n-na-t-tin?” nanginginig na tanong ni Gino sa dalawa na pareho na ngayong namumutla. Nakita niyang hindi na halos mahawakan ni Max ng mabuti ang video cam dahil nanginginig narin ang kamay nito. Lalo siyang natakot dahil ito ang unang beses na nakita niyang natakot si Max na laging kalmado at kolektado.

Bumagsak ang flashlight na hawak ni Greg at napansin nilang may tinuturo ang nanginginig na daliri nito. “M-Multo…!” napabuka ang bibig nila at naipit ang kanilang boses sa lalamunan. Nanigas silang tatlo sa kanilang kinatatayuan ng makita nila ang lumulutang na mga paa at nababalutan ng kulay itim ang buo nitong katawan habang sinasayaw ng hangin ang makapal at mahaba nitong buhok. Nang tumapat ang flash ng camera ni Max sa ulo nito ay nakita nilang wala itong mukha.

Nabitawan ni Max ang video cam at sabay-sabay silang sumigaw sa takot at tumakbo pabalik sa malaking gate. Nahirapan silang buksan iyon na parang nakalock kahit wala naman silang nakikitang kandado o susi. Palapit ng palapit sa kanila ang black lady…

“Aaaaah!!!!”

“Aaaaah!!!!”

“Aaaaah!!!!”

Umalingawngaw sa abandonadong lugar ang hilakbot na hiyawan ng tatlong binatilyo.

Napapangiting tinawid ni Chiara ang mga hagdan mula sa unang palapag paakyat ng 7th floor ng hindi tumatapak ang mga paa niya sa hagdanan. Parang hangin ang kanyang katawan habang nililipad ang sarili. Huminto siya sa pinakamataas na palapag ng building. Ang building na tinitirhan niya ay ang pinakamataas na building sa loob ng Havaianas at tanging siya lang ang nakatira sa lugar na ito.

Binili niya ang buong property kaya nasa pagmamay-ari niya ang buong Havaianas. Nilapat niya ang kanyang kamay sa malamig na semento saka umilaw ang pader at bumukas ang malaking pinto. Pagpasok niya sa loob ay kusa iyong nagsara. Nakaprogram ang 7th floor na tinitirhan niya, matibay ang kanyang security protection upang hindi siya mapasok ng kahit na sinong intruder. Kinabitan niya rin ng mga surveilance camera ang loob at labas ng Havaianas kaya nakita niyang may pumasok na tatlong makukulit na binatilyo sa teritoryo niya.

Pagpasok niya sa loob ay agad na bumukas ang tokador malapit sa kanyang living room. Tinanggal niya ang kanyang bruhang wig at ang makapal na itim na gown na parang kumot sa kanyang katawan. Sunod na tinanggal niya ang maskara sa mukha saka niya sinabit sa loob ng tokador.

Agad na nagsara ang tokador paglayo niya ng isang metro dito. Parang presidential suite ang dating ng kanyang kwarto. Sa kanyang rooftop ay may maliit siyang green house, swimming pool at makulay na garden na napapalibutan ng magagandang halaman at bulaklak. Hindi mo aakalaing sa isang most haunted na Havaianas ay may makikita kang ganito.

Hinubad niya ang lahat ng kanyang saplot pagpasok niya ng bathroom saka siya dimiretso sa shower room. Paglabas niya ng shower ay binalutan niya lamang ang sarili ng manipis na roba bago siya dumiretso sa rooftop kung saan nakalagay ang kanyang minibar.

Kinuha niya ang paborito niyang alak at nagsalin sa kanyang kopita. Sa tuwing nakakaconsume siya ng kanyang pagkain ay sinasabayan niya iyon ng paborito niyang alak. Sinipsip niya ang mapait na likido at naramdaman niyang dumaloy ito sa kanyang lalamunan.

Mukha man siyang dalagita subalit ilang libong taon na ang dumaan sa kanya. Naramdaman ni Chiara na nadagdagan ang enerhiya niya. Dahil marami ang fear na nakuha niya ngayon, kahit hindi na siya kumain sa loob ng isang linggo ay hindi parin siya manghihina. She’s full because of those three idiots. Nilabas niya muna ng gate ang tatlo bago niya iniwan ang mga itong walang malay. Nahimatay sila dahil inubos niya ang fear sa katawan ng mga ito. Siguradong bukas ng umaga ay magigising din ang tatlo.

Alannis High School Campus.

“Narinig ko na may pumasok sa Havaianas kagabi.” Si Axel kay Blake habang naglalaro sila ng chess sa loob ng Student Supreme Council office.

“They’re just a bunch of idiots na gustong magpasikat. Especially that rich bastard Greg.” Sagot ni Blake na hindi tinatanggal ang atensyon sa chessboard.

“Ang sabi nila magbibigay daw siya ng malaking pera sa sino mang makarecover ng video camera niya na naiwan nila sa Havaianas.”

“Hm…”

“So I was thinking-” Sabay na napalingon ang dalawa sa pinto ng office ng bigla iyong bumukas. Pumasok ang Vice President ng Council nila.

“Guys nakita niyo ba si Zane?” halatang nagmamadali si Ryker at mararamdaman ang tensyon sa boses nito.

“Bakit? Ano nanamang ginawa ni Pres?” kunot noong tanong ni Axel. Hindi niya pa naibaba ang piece na hawak niya dahil sa biglang pagpasok ni Ryker.

“Inaprubahan niya ang malaking budget ng drama club.” Napahawak si Ryker sa noo at sunod na nasambunutan ang kanyang buhok. “Siguradong makakarating ito sa ibang club at makakareceive nanaman tayo ng maraming complain dahil dito.”

Parehong nawalan ng gana sa paglalaro ang dalawa at nagbuga ng maraming hangin. Tapos na ang maliligayang oras nila para magrelax dahil binagsakan nanaman sila ng trabaho ng magiting nilang Presidente na walang ginawa kundi matulog.

“Baka nasa rooftop nanaman siya.” Napapakamot sa ulong wika ni Blake. Hindi niya malaman kung bakit ito ang naelect na President kahit na napakabatugan nito. Halos sila na ang gumagawa ng trabaho ni Zane at si Zane naman ang gumagawa ng problema nila.

Hindi nga sila nagkamali. Pag-akyat nila ng rooftop ay nakita nga nila itong natutulog na parang patay dahil ilang beses na nila itong tinawag pero hindi parin magising. “Zane.. Zane…” yugyug ni Ryker sa balikat ng batugan nilang Presidente.

Parang batang ginusot ni Zane ang isang mata nito at binuka ang kabila na tila sumisilip dahil nasisinagan ito sa liwanag ng araw. “Siguraduhin niyo lang na may mabigat kayong dahilan para gisingin ako.” Humihikab na wika ni Zane sa tatlo.

“Kung hindi mo kami bibigyan ng sakit sa ulo wala na akong pakialam kahit di ka pa magising.” Nakapamaywang na wika ni Axel kay Zane. Napapailing naman si Blake sa likod nito.

“Bakit mo inaprubahan ang budget ng drama club?” si Ryker na halatang nanggigigil sa tabi.

“Sinusundan nila ako kahit saan ako magpunta. Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa kakulitan nila.” Balewalang sagot ni Zane habang nag-uunat ng kamay. Nagtinginan naman ang tatlo sa sinabi nito. Gusto ng batukan ni Ryker ang Pres nila dahil sa kababawan nito.

“At anong gagawin mong solusyon ngayong wala na tayong budget para sa natitirang Club? Saan tayo kukuha ng pera sa ibang club na nagpapadagdag ng budget nila?” pilit na pinapakalma ni Ryker ang sarili kahit gusto na niyang sumabog.

“Pinirmahan ko na, gusto niyo bang bawiin ko pa?”

Nasambunutan ni Ryker ang sariling buhok. Siguradong pag-graduate nila ay ubos na ang buhok niya. Wala na silang magagawa. Magwawala ang drama club pag-ginawa iyon ni Zane lalo na at may inihahanda silang malaking event ngayong buwan. Hindi nakaligtas sa kanya ang nakatagong ngiti sa gilid ng labi nito. Ang sarap nitong sakalin!”

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Axel ng may maalala. “Guys, may naisip ako na pwedeng maging solusyon sa problema natin.” Kunot noong napako dito ang tingin ni Ryker at Blake habang walang reaksiyon na hinihintay ni Zane ang susunod na sasabihin nito.

Havaianas.

“Oh come on! Bilisan mo!” nanggigigil na tumatalon si Chiara sa kanyang malambot na sofa habang nanonood ng swimming competition sa living room. “Damn it! Ano ka? Pagong?” naiinis na wika niya ng makita niyang pumapangalawa lang ang swimmer na chinicheer niya samantalang ang mga nakaraang competition nito ay lagi itong nauuna. “Agh! Come on!” natigilan siya sa pagtalon ng tumunog ang kanyang alarm.

 

Ibig sabihin ay may pumasok sa loob ng kanyang teritoryo. Kinuha niya ang kanyang remote control at pinalitan ang pinapanood. Nakita niyang isang sasakyan ang pumasok sa loob ng kanyang gate. Snacks.” Iyon ang unang pumasok sa isip niya.

Nagtataka siya kung anong nangyari? Bakit sunod-sunod ang bumibisita sa kanya? Ngunit natutuwa siya dahil hindi na niya kailangan maghintay ng isa o dalawang buwan bago muling may mag lakas ng loob na pumasok sa kanyang teritoryo.

Bumaba siya sa kanyang sofa at lumapat ang walang sapin niyang mga paa sa carpet. Kinuha niya sa kanyang cabinet ang napiling costume ngunit parang tinatamad siyang magsuot ngayon o marahil nagsawa na siyang gamitin ang black lady gown niya. Siguro ay kailangan na niyang magpalit. How about a white lady? A zombie style? A clown? Napailing siya sa huli.

Binalik niya muli ang costume sa cabinet at hindi na nag-abala pang magpalit. Tinali niya ang kanyang mahabang buhok pag-akyat niya sa rooftop. Mula sa tuktok ng rooftop ay kitang kita niya ang pagpasok ng pulang sasakyan sa loob ng Havaianas.

Isa-isang lumabas roon ang sakay ng sasakyan. “One, two, three…” tumalon siya mula sa rooftop at bumagsak sa katabi nitong building na may apat na palapag. “Four…” bilang niya ng makita niyang lumabas sa kotse ang huling matangkad na lalaki. Parang may pakpak ang mapuputi at maliliit niyang mga paa na tumatakbo sa tuktok ng mga building. Walang hirap na nakalapit siya sa mga ito sa loob lang ng ilang segundo. Nagtago siya sa dilim na tila anino ng kadiliman.

“Did you hear something?” tanong ni Axel sa mga kasama.

“What? Are you trying to scare us?” si Blake na binuksan ang ilaw ng sasakyan upang magliwanag ang paligid. “So hahanapin lang natin ang video camera na ‘yun.” sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa paligid.

“Video camera?” tanong ni Chiara sa sarili. Agad na nakuha niya ang ibig sabihin ng mga ito. Mabilis na dinaanan ng kamay niya ang basag na cam na naiwan ng tatlong binatilyo kahapon.

Napakurap si Blake, parang kanina lang ay may nakita siyang camera sa bandang kaliwa niya ngunit biglang nawala. Napailing na lang siya at tinuon ang tingin sa ibang parte ng paligid.

“Guys, ang daming lamok. Mukhang hindi naman mga multo ang nagpapakita dito kundi mga lamok.” Reklamo ni Axel.

“Gawa tayo ng bonfire.” Suhestiyon ni Ryker ng may nakita itong mga sirang kahoy na upuan at lamesa sa labas ng isang abandonadong restaurant. Sinundan ito ng dalawa para magbaklas ng kahoy habang si Zane ay nakasandal sa harap ng sasakyan at humihikab. Tulog na siya pagdating niya ng bahay galing sa school ng muli siyang bulabugin ng tatlo para pumunta sa lugar na ito para lamang kunin ang video cam ng Gregoryong iyon.

Seryoso si Ryker na makakuha ng pera para sa budget nila kaya agad na pinatulan nito ang suhestiyon ni Axel. Kumuha ng gas si Blake sa sasakyan at tinapon sa mga natambak na mga kahoy ng mga ito bago niya iyon sinindihan ng lighter. Naninigarilyo si Blake kaya hindi na sila nagtataka kung bakit laging may bitbit itong lighter. Agad na sumindi at nagliyab ang mga kahoy na lalong nagpaliwanag sa paligid nila. Nabulabog ang mga lamok kaya lumayo ang mga ito.

“Thank God, akala ko mauubos na ang dugo ko.” Komento ni Axel ngunit bigla itong natigilan ng may marinig muli ito. “Guys, wala ba talaga kayong naririnig?”

“Ax, sinasabi mo bang bingi kami? Kung may narinig ka dapat narinig din namin.” Si Blake na nagsisimula ng mainis sa kasama nito. Napakaweird na nga ng lugar na dadagdagan pa ng kaweirduhan ni Axel. “Sa tingin niyo pumunta talaga dito ang tatlong ‘yon? Mukhang sa gate palang ay aatras na sila.” binalik ni Blake ang lighter sa bulsa nito.

Napapakamot sa braso si Axel habang tumitingin sa paligid. Ngunit muli itong natigilan ng maramdaman nitong may bumulong sa tenga niya. “Hindi ako nagbibiro may narinig talaga ako!” napahawak ito sa kaliwang tenga nito na parang nadapuan ng malamig na hangin.

Kunot noong nilapitan ito ni Blake. “Dude, okay ka lang?” natatawang pinisil nito ang kaliwang tenga ni Axel. Naiinis na hinampas ni Axel ang kamay ni Blake. Doon naman biglang dumaan ang malamig na hangin na parang pinaikutan sila. “What was that?” nawala ang ngiti ni Blake at napalitan ng pagtataka. Si Ryker na busy sa paghahanap ng camera ay natigilan din. Habang si Zane ay inaantok pa rin.

Biglang lumakas at nagliyab ang apoy ng bonfire na ginawa nila. Lahat sila ay natigilan sa kinatatayuan at pinakiramdaman ang paligid. “May mali talaga. This shitty place is really haunted!” si Axel na nagsimula ng kabahan. Sa kanilang apat ay si Axel ang laging nauunang magreact sa lahat ng bagay.

Parang hangin na sumasanib si Chiara sa dilim. Nararamdaman na niyang kumakalat ang takot sa dibdib ng tatlo ngunit wala siyang makapang takot sa lalaking nakasandal sa sasakyan na mistulang manhid ang mukha. Nagpabalot siya sa itim na usok at pinalibutan niya ito. Sa kanyang pagtataka ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at wala siyang maamoy na takot sa katawan nito. “Hm..” siguro ay hindi pa sapat ang ginagawa niya para matakot ito. Nagbuga siya ng hangin na kasing lamig ng yelo na pumatay sa nagliliyab na bonfire. Napaatras ang tatlo palayo sa bonfire habang nakita niyang umalis sa pagkakasandal ang lalaking may poker face at tinignan ang namatay na bonfire. Ngunit wala parin siyang maramdamang takot mula rito.

“This is creepy.” Agad na pumasok ng sasakyan si Axel. “Guys ano pang hinihintay niyo? Umalis na tayo dito!” sigaw niya sa mga ito mula sa loob ng backseat.

“N-no, pano ‘yung camera?” si Ryker na nagdadalawang isip.

“Kung gusto mo iwanan ka na namin dito at hanapin mong mag-isa!” sagot ni Axel dito. Hindi na nagdalawang isip pa si Ryker na pumasok narin ng sasakyan at tumabi kay Axel sa backseat. “Blake, Zane! Ano pang ginagawa niyo diyan? Tayo na!” tawag nito sa dalawa. Binuksan ni Blake ang driver seat at si Zane sa kabila.

Pakiramdam ni Zane ay may nagmamasid sa kanila. At hindi siya pwedeng magkamali na may narinig siyang bumulong sa kanya kanina tulad ng sinasabi ni Axel. Kung ganoon ay totoo ngang may multo sa lugar na ito. Hindi niya gustong maniwala noon dahil hindi pa siya nakakakita ngunit kahit hindi niya nakita ay naramdaman niya ang presensya nito.

Narinig nilang may tumalon sa taas ng sasakyan. Kahit pilit na itago ni Axel ang takot nito ay hindi ito nagtagumpay dahil halatang tumataas ang balahibo nito sa batok. “Shit! Pinaglalaruan tayo ng multo.” Si Blake na nagsisimula ng kabahan.

“Tama ka, isip bata ang multong ito at higit sa lahat kulang sa atensyon.” Dagdag ni Zane na bihira lang magsalita.

“Isip bata? Kulang sa atensyon?”  napamaang si Chiara sa narinig. Ngayon niya lang narinig ang boses ng isang ito at ang mga salitang iyon pa ang una niyang maririnig? “Hmp! Isip bata pala ha?” Sunod-sunod na beses niyang tinalunan ang bubong ng kotse at bawat pagtalon niya ay palakas ng palakas kaya umuga ng umuga ang sasakyan ng mga ito.

“Damn it Zane! Bakit mo ginalit yung multo?” sisi ni Axel dito habang tahimik na nagdadasal si Ryker sa tabi na ngayon lang nila nalamang marunong palang tumawag ng Diyos. Sana lang ay Diyos ang matawag nito at hindi demonyo.

Agad na binuksan ni Zane ang pinto at lumabas ng sasakyan ngunit wala siyang nakita. Kusang nagsara ang pinto ng sasakyan. Bumukas ang gate at umandar paatras ang kotse kahit walang nagmamaneho. Paglabas ng sasakyan ay biglang nagsara ang gate at naiwan si Zane sa loob. Napakabilis ng nangyari na parang dumaan lang ang limang segundo. Natauhan ang tatlo na nanatiling walang reaksiyon. Natagpuan nalang nilang nasa labas na sila ng Havaianas habang naiwan si Zane sa loob.

“Zane!” sabay-sabay na lumabas ang tatlo sa sasakyan at pilit na binuksan ang gate ngunit nanatili parin iyong nakasara sa kanila kahit na itulak at sipain nila ito.

“Zane?!”

Wala silang nagawa kundi tawagin ang kaibigan nila sa loob.

 

 

 

« Older posts Newer posts »

© 2024 jilled26.com

Theme by Anders NorenUp ↑

error: Content is protected !!