Works Collection

Author: jilled261993@gmail.com (Page 2 of 27)

ANBNI | 52: Kaylan Man Ay Hindi Niyo Ako Naging Pag-aari

Palasyong Xinn.

Ikinulong ni Yura ang sarili sa maligamgam na tubig. Tahimik na ininda niya ang pagdaloy ng epekto ng medisina sa kanyang katawan.

Mariing kumapit ang mga daliri niya sa kanyang braso na nag-iwan ng malalim na bakas. Mahigpit na niyakap ni Yura ang sarili ng mistulang nilulusob ang katawan niya ng libo-libong yelong karayum na matalim na bumabaon sa kanya.

Sa kabila ng kanyang nararamdaman ay walang impit na maririnig mula sa kanya. Nasa labas lamang ng kanyang silid ang dalawang bantay. Nasisiguro niyang walang paalam na papasok ang mga ito sa sandaling maramdaman nilang nasa panganib siya.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong pakiramdam. Tatlong taong gulang siya ng matuklasan ng kanyang magulang na may kakaiba sa kanya. Hindi siya nakakatulog sa gabi dahil sa pagdaloy ng sakit sa kanyang ulo. Magdamag siyang binabantayan ng kanyang ina na lubos na nababahala dahil hindi matukoy ng mga ito kung anong karamdaman ang kumapit sa kanya.

Mistulang hinihiwa ang kanyang ulo sa tuwing nakokolekta niya ang mga pangyayari na malinaw na bumabalik sa kanyang alaala. Impit at hiyaw ang maririnig sa loob ng kanyang silid. Ang buong tahanan ng Punong Heneral ay nalagay sa matinding takot at pighati. Ito ang bagay na iniiwasan ni Yura at ayaw niya na muli itong iparamdam sa kanyang pamilya.

Matapos ang nangyari sa mainit na bukal, hindi na maaaring maging hadlang ang sakit niya upang ilagay ang kanyang sarili sa panganib.

Makapal ang hamog sa paligid ng bukal, nasisiguro niyang hindi siya nakita ng estrangherong pumasok sa teritoryong iyon.

Ang tanging bagay na bumabagabag kay Yura ay ang pagkawala ng kanyang kwintas. Nakagat niya ang ibabang labi ng muling umatake ang matinding panlalamig sa kanyang katawan. Marahil ay ito ang tugon sa kapalaran na dapat niyang tahakin. Tunay na hindi nakalaan para sa kanya ang pangalan na lihim na iningatan ng kanyang ina.

Hindi namalayan ni Yura ang pagdaan ng mga oras. Ilang beses siyang nawalan ng malay bago tuluyang tinakasan ng lamig ang kanyang katawan.

May naiwan pang kalahati ng medisina sa maliit na kahon. Kailangan niyang maubos ito bago sumapit ang ikaapat na araw.

Nanginginig ang kalamnan na umahon siya sa tubig. Sa kabila ng kanyang panghihina ay naramdaman ni Yura ang pagkalma ng pintig sa kanyang sentido. Mistulang ang madilim na ulap na tumatakip sa kalangitan ay naglalaho na tila hindi nagdaan ang nakabibinging kulog na may matalim na kidlat.

Sa labas ng silid ay dinamayan ng Punong-lingkod ang dalawang bantay. Mahigpit na pinabantayan ng Lu Ryen ang kanyang silid. Hindi man alam ni Dao ang dahilan ngunit nais niya rin itong protektahan.

Malamig man ang anyo ng Lu Ryen ngunit ang presensiya nito ay nagbibigay ng proteksiyon sa kanila. Sa kabila ng mataas nitong estado, hindi niya naramdamang isang hamak lamang siyang lingkod sa paningin nito. Ito marahil ang dahilan kung bakit marami ang naghahangad na pasukin ang mundo ng Lu Ryen.

Sa paningin ng matandang lingkod, tanging ang mapangahas lamang ang may kakayahang makasilip sa tunay na diwa ng kanyang panginoon.

“Punong-lingkod,” tawag ng batang lingkod kay Dao. “Dumating po ang Ikalawang Prinsipe…”

Nababahalang dumako ang tingin ni Dao sa dalawang bantay. Naglabas siya ng malalim na buntong-hininga ng makita niyang hindi nagbago ang ekspresyon ng dalawa. Tanging ang Lu Ryen ang nakikita at naririnig ng mga ito.

Malalaki ang mga hakbang na sinundan ng Punong-lingkod ang batang katiwala upang tanggapin ang Ikalawang Prinsipe. Sa kanyang pagkamangha, nadatnan niya ang iniingatang Xienli ng Lu Ryen ang sumalubong sa Ikalawang Prinsipe.

Dinala nito sa silid tanggapan ang Prinsipe at mabilis na ipinaghanda ng tsaa. Napakalinis ng pagtanggap nito sa isang mataas na maharlika na maging siya na Punong-lingkod ay di mapigilang humanga. Matagal na siyang nagsisilbi sa pamilya ng imperyal ngunit nakakaramdam parin siya ng kaba sa tuwing humaharap siya sa mga ito. Ngunit ang binibining ito na may madilim na karanasan sa palasyo ng Ikalawang Prinsipe ay hindi nagtago kundi tuwid ang likod na humarap sa maharlikang panauhin.

“Nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lamang ang pagmamahal sayo ng Lu Ryen.” Kumento ni Siyon matapos niyang matikman ang inihain nitong tsaa. Umayon sa kanyang timpla ang matapang nitong aroma. Ito ba ang nakita ng Lu Ryen sa fenglin na ito? Ang nakakuha ng pabor na higit pa sa prinsesa ng imperyal?

Naramdaman ni Sena na matagal na nanatili sa kanya ang tingin ng Ikalawang Prinsipe. Ikinubli niya ang pagkamuhing kumakalat sa kanyang sikmura. Ang tingin nito ay tulad ng mga halimaw na dumungis sa kanyang pagkatao.

“Bakit di mo ako saluhan habang hinihintay natin ang Lu Ryen?” Umangat ang sulok ng labi ni Siyon ng makita niya ang pagbabago ng mabini nitong ekspresyon. “Hindi ba dapat pasalamatan mo ako? Kung hindi kita inimbitahan sa aking palasyo, hindi darating ang Lu Ryen upang kunin ka mula sa akin at itali sa tabi niya.”

“Kamahalan, kaylan man ay hindi niyo ako naging pag-aari.” Pinigilan ni Sena ang sariling ibuhos ang pait na gumagapang sa kanyang lalamunan.

“Tunay na matapang ang aroma ng iyong inumin.” Kumento ni Siyon habang nilalaro ang lasa ng tsaa. Ito ba ang paborito nitong timpla? Muling binalik ng Ikalawang Prinsipe ang tingin sa Xienli subalit ang Lu Ryen ang sumalubong sa kanyang paningin.

Natunaw ang pait na nagbabantang kumawala mula sa sikmura ni Sena ng mahagip niya ang pamilyar na halimuyak ng Xuren. Lumuwag ang bigat sa kanyang dibdib at di niya napigilang isandig ang noo sa likod nito. Nais niya itong protektahan sa sarili niyang paraan ngunit siya muli ang nakatanggap ng proteksiyon ng Xuren.

Naramdaman ni Yura ang mainit na temperaturang nakakapit sa likod niya. Kinulong niya ang kamay ni Sena sa kanyang palad. Naging malamig ang tinging inukol niya sa Ikalawang Prinsipe.

“Kamahalan, hindi kayo nagsabing darating kayo.”

Lumalim ang ngiti sa labi ni Siyon. “Yura, ang relasyon natin ay wala ng pinagkaiba sa magkapatid. Dumating na tayo sa yugtong hindi na natin kailangang maging pormal sa isa’t-isa.” Binaba ng Ikalawang Prinsipe ang tsaa. “Kung nagdulot man ng abala ang aking pagdating, sa susunod ay ipapaalam ko ang pagbisita ko sayo. Sadyang hinahanap ko lamang ang presensiya ni Duran at ikaw ang unang pumasok sa isipan ko.”

“Kung ganon ay ipagpaumanhin niyo kung hindi ako ang tumanggap sa inyo.” Hinila ni Yura ang isang silya bago niya inalalayan si Sena na maupo sa tabi niya.

Ang Lu Ryen ang nagsalin ng tsaa ngunit hindi para sa kanya kundi para sa Xienli na nanatiling nakakulong sa palad nito ang kamay. Ang naging kilos nito ay nagpapahiwatig ng malinaw na mensahe sa Ikalawang Prinsipe.

Nalilibang ang tinging tinanggap ni Siyon ang pahiwatig ni Yura. Hindi niya inaasahang malalim ang pagkahumaling ng Lu Ryen sa fenglin na ito. Subalit alam niyang hindi magtatagal ang pagkahaling ni Yura Zhu sa iisang babae. Tulad ng Emperador, ang pagmamahal nito sa kanyang ina ay maihahalintulad sa tsaang nalipasan ng init.

Malamig.

Mapait.

Ipapaunawa niya sa Lu Ryen ang bagay na ito…

Hindi nagtagal ang Ikalawang Prinsipe sa Palasyong Xinn. Maagang dumating ang mga dayuhang panauhin ng Emperador at ito ang itinalaga na humarap sa mga ito.

“Xuren?” Nag-aalalang tawag ni Sena.

Lumuwag ang kamay ni Yura kay Sena ng hindi niya namalayang humigpit ang pagkakahawak niya dito, ngunit maagap na hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya ng tangkain niya itong pakawalan.

Umusbong ang takot sa puso ni Sena, hindi niya alam kung kaylan muli niya itong mahahawakan.

Binawi ni Yura ang nagdidilim niyang pakiramdam upang hindi ito mabahala. “Sa susunod, hindi mo kailangang humarap sa kanya.” Hindi nakaligtas kay Yura ang namumutlang ekspresyon ni Sena ng maabutan niya ito at ang Ikalawang Prinsipe. “Huwag mong paniniwalaan ni kahit isa sa katagang binitawan niya, sa akin ka lamang makikinig.”

Mahinang pagtango ang natanggap na tugon ni Yura mula kay Sena. Naging okupado siya simula ng kanyang pagdating at hindi niya ito napaglaanan ng panahon. Hindi sumagi sa isipan niyang isa itong dayuhan sa palasyo ng imperyal at tanging siya lamang ang dahilan ng pananatili nito.

Kahit isang sumbat ay wala siyang narinig mula kay Sena, hanggang ngayon ay tahimik itong naghihintay sa kanya.

Hindi mapapatawad ni Yura ang sarili niya kung hahayaan niya itong manatili sa kanyang tabi gayong batid niyang hindi niya maibabalik ang nararamdaman nito. Hindi nagbago ang kagustuhan niyang makapagsimula ito sa lupain ng Amu kung saan maaari nitong kalimutan ang lahat. Mabuhay para sa sarili nito at hindi para sa kanya. Ngunit hindi ito kailangang malaman ni Sena, lalo niya lamang masusugatan ang damdamin nito kung maaga nitong matutuklasan ang plano niya para dito.

“Xuren…” Muling tawag ni Sena kay Yura ng maramdaman niyang nakaukol sa kanya ang tingin nito na mistulang siya ang tanging nakikita nito. Pagkamuhi ang nararamdaman niya sa mga titig ng Ikalawang Prinsipe subalit pagdating sa Xuren, nais niyang nakalaan lamang sa kanya ang mga tingin nito. “Maaari ba akong humiling mula sa inyo?”

“Kahit anong bagay na kaya kong ibigay, maaari mong hilingin sa akin.”

“Kung ganon, nais kong magkaroon ng larawan nating dalawa.”

Natigilan si Yura ng makita niya ang matamis na ngiti na sumungaw sa labi ni Sena. Matagal na niyang hindi nakita ang masayang larawan nito simula ng lisanin nito ang tahanan ng Punong Heneral.

“Iyon lamang ba ang kahilingan mo? Mayroon ka pa bang ibang nais hilingin?”

“Xuren, iyon ang pinakaespesyal na regalong nais kong matanggap mula sa inyo.”

Pinatawag ng Lu Ryen ang ang isa sa tanyag na pintor ng imperyo na tumigil ngayon sa kapitolyo. Hindi lubos akalain ng pintor na ang kasama ng Lu Ryen sa ipipinta niyang larawan ay ang pinapaboran nitong Xienli at hindi ang prinsesa. Ganon pa man ay pinaghusayan niyang maipinta ang larawan ng mga ito pagka’t napakalaking halaga ang gantimpalang matatanggap niya mula sa Lu Ryen.

Matagal na pinagmasdan ni Sena ang larawan matapos itong ipinta ng pintor. Sariwa pa ang amoy ng pinta kaya maingat niya itong nilapit sa kanya. Sa larawan ay makikita ang magkahawak nilang kamay ng Xuren habang pareho silang nakatingin sa isa’t-isa. Kahit sa imahe lamang ay nais niyang makulong sa panaginip na ito.

“Sigurado ka bang wala ka ng ibang nais hilingin sa akin?”

Isang magaang dampi ng halik sa labi ang natanggap na tugon ni Yura mula kay Sena.

Privacy Policy

Privacy Policy

Last updated: Sep 9, 2023

I. Introduction

Welcome to Jilled26.com . At Jilled26, we value your privacy and are committed to protecting your personal information. This Privacy Policy is designed to help you understand how we collect, use, disclose, and safeguard your personal information when you visit our Website.

By accessing or using the Website, you agree to the terms and practices described in this Privacy Policy.

II. Information We Collect

  1. Personal Information: We may collect personal information, such as your name and email address, when you voluntarily provide it to us, such as when you subscribe to our newsletter or contact us through our contact form.
  2. Log Data: Like many websites, we automatically collect certain information that your browser sends whenever you visit our Website. This may include your IP address, browser type and version, the pages you visit, the time and date of your visit, and other statistics.

III. How We Use Your Information

We may use the information we collect for the following purposes:

  1. To personalize your experience on our Website.
  2. To send you periodic newsletters and updates, if you have subscribed.
  3. To respond to your inquiries or provide customer support.
  4. To improve our Website and user experience.
  5. To monitor and analyze usage patterns and trends.

IV. Disclosure of Your Information

We will not sell, rent, or share your personal information with third parties except as described in this Privacy Policy:

  1. Service Providers: We may share your information with trusted third-party service providers who assist us in operating our Website, conducting our business, or serving you.
  2. Legal Requirements: We may disclose your information when required by law, to comply with legal processes, or to protect our rights, privacy, safety, or property.

V. Cookies and Tracking Technologies

We may use cookies and similar tracking technologies to enhance your experience on our Website. You can control cookies through your browser settings.

GDPR

Your personal data will be processed and information from your device (cookies, unique identifiers, and other device data) may be stored by, accessed by and shared with third party vendors, or used specifically by this site or app.

Some vendors may process your personal data on the basis of legitimate interest, which you can object to by managing your options below. Look for a link at the bottom of this page or in our privacy policy where you can withdraw consent.

VI. Security

We take reasonable measures to protect your personal information from unauthorized access, use, or disclosure. However, please be aware that no method of transmitting information over the internet is entirely secure, and we cannot guarantee the absolute security of your data.

VII. Children’s Privacy

Our Website is not intended for individuals under the age of 18. We do not knowingly collect personal information from children. If you believe that we have inadvertently collected information from a child, please contact us immediately.

VIII. Changes to this Privacy Policy

We may update this Privacy Policy from time to time to reflect changes in our practices or for other operational, legal, or regulatory reasons. We will post the updated Privacy Policy on this page, and the date of the latest revision will be indicated at the top.

IX. Contact Us

If you have any questions, concerns, or requests regarding this Privacy Policy or the information we hold about you, please contact us at jilled261993@gmail.com


ANBNI | 51: Yara

Mabilis ang mga kilos ni Chuyo ng makita niya ang pagbangon ng prinsesa. Buong maghapon itong nakatulog ngunit wala ni isa sa kanila ang naglakas ng loob na gambalain ito. Maging ang Emperatris na bumisita ay pinigilan silang gisingin ito nang malamang nagpapahinga parin ang prinsesa . Isang makahulugang ngiti lamang ang iniwan ng Emperatris bago ito tahimik na lumisan.

Hindi rin mapigilan ni Chuyo ang kanyang tuwa. Kung magkakaroon man ng supling sa pagitan ng Lu Ryen at ng prinsesa, natitiyak niyang isang nakakabighaning prinsipe o prinsesa ang gigimbal sa palasyo ng imperyal.

“Kamahalan?” Puna ni Chuyo ng mapansin niyang may hinahanap ang mga mata ng prinsesa.

“Ang Lu Ryen?”

“Malalim ang inyong pagkakatulog kung kaya’t tahimik na nilisan ng Lu Ryen ang inyong silid.

Nangingiting nilapag ng Punong-lingkod ang bulaklak na may sariwang halimuyak sa tabi ng Prinsesa. “Ang bulaklak na ito ay galing sa Palasyong Xinn.” Hindi na halaman kundi bulaklak ang binigay ngayon ng Lu Ryen. Nakakatuwang makita ang pagbabago ng relasyon ng mga ito.

Naging kulay rosas ang mukha ni Keya ng tanggapin niya ang bulaklak. Maging ang gilid ng kanyang taynga ay hindi nakaligtas sa pamumula. Hindi niya maunawaan ang sariling damdamin. Napupuno siya ng hinanakit sa Lu Ryen subalit pagkatapos siya nitong ikulong sa isang mahigpit na yakap ay natunaw ang lahat ng iyon.

“Nais ko siyang makita.”

Mariing pinigilan ni Chuyo ang Prinsesa. Nagpaalam na ang araw ay hindi pa nito nagagalaw ang mga nakahaing pagkain. Idagdag pang hindi pa naaayos ng prinsesa ang sarili nito.

Nakahinga ng maluwag ang punong-lingkod ng sa huli ay nakinig ito sa kanya.

Gumala ang tingin ni Chuyo sa katawan ng prinsesa ng tulungan niya itong magpalit. Wala siyang makitang ano mang bakas sa balat nito. Walang iniwang tanda ang Lu Ryen sa katawan ng prinsesa.

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang punong-lingkod. Naalala niya na maging ng unang gabi ng prinsesa at ng Lu Ryen ay wala din siyang nakitang ano mang bakas.

Kapos man siya ng karanasan sa ganitong bagay subalit lumaki siya sa haligi ng palasyo ng imperyal. Maaga siyang namulat sa mga maselang usapin ng mga katiwala tungkol sa bagong Xienli na pinapaboran ng Emperador. Sa babaeng lingkod na minarkahan ng mataas na opisyales. At marami pang bagay na palihim na pinag-uusapan ng mga katiwala sa tuwing sila’y nagpapahinga.

“Chuyo?” Nagtatakang nilingon ni Keya ang punong katiwala ng maramdaman niyang tumigil ito sa pag-alalay sa kanya.

“K-Kamahalan, kamusta po ang inyong pakiramdam? May nararamdaman po ba kayong kakaiba sa inyong katawan?”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ipagpaumanhin niyo ang aking kapangahasan, nag-aalala lamang ako pagka’t ito ang pangalawang beses na may nangyari sa inyo ng Lu Ryen kaya sa parteng ito ay tiyak na naninibago pa po ang inyong katawan.”

Pinakiramdaman ni Keya ang sarili matapos marinig ang tugon ng kanyang punong-lingkod.

Nagsimulang gumapang ang pagdududa sa kanyang dibdib. Hindi niya maitatanggi sa sarili na minsan ng pumasok sa isipan niya ang posibilidad na walang nangyari sa kanila ng Lu Ryen sa kanilang unang gabing magkasama. Pagkat walang bakas na naiwan sa higaan na tanda ng pagpapaalam ng kanyang kadalisayan.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi maaaring may nangyari sa kanila ng wala siyang alaala. Higit sa lahat, wala siyang maramdamang iniwan nitong bakas sa kanyang katawan.

“Nakalimutan mo na bang ikaw ang unang bumitaw?”

Itinago ni Keya ang takot na namumuo sa kanyang dibdib. Hindi niya gustong isipin na panaginip lamang ang nangyari sa kanila ng Lu Ryen.

“Hindi ako makakatulog ng buong araw kung naging magaan ang pakiramdam ko. Wala kang dapat ipag-alala.” Tinakpan ng ngiti ng prinsesa ang pait na bumabalot sa dibdib niya.

Sa magdamag na gabi ay nanatiling gising ang diwa ni Keya, hindi dahil sa mahabang oras na nakatulog siya kundi binabangungot siya ng mga pangungusap na binitawan ni Yura sa kanya.

“…Huwag niyong hayaang mabulag kayo dahil minsang niligtas ko ang buhay niyo.”

Itinatanggi ng puso’t isipan niya na likha lamang ng kanyang imahinasyon ang nakita niyang pag-aalala sa mga mata ng Lu Ryen. Ang dampi ng halik nito ay tunay na naramdaman niya.

Pagsapit ng bukang liwayway ay nagambala ang Palasyong Xinn sa maagang pagdating ng prinsesa. Ito ang naghanda ng umagahan ng Lu Ryen.

Maluwag na nagbigay daan si Dao sa konsorte. Nakahinga siya ng makitang ganoon din ang pagtanggap dito ng Lu Ryen. Kung hindi ipaglalaban ng prinsesa ang kanyang posisyon bilang konsorte ay tiyak na aagos ang bilang ng Xienli na kanyang pagsisilbihan.

Tahimik na iniwan ng matandang punong-lingkod ang prinsesa at ang Lu Ryen sa silid.

“Nais kong manatili sayong tabi at gawin ang tungkulin ko bilang iyong konsorte.” Hindi na nagdalawang isip si Keya na ipaalam kay Yura ang kagustuhan niyang lumipat sa Palasyong Xinn.

“Mas higit na mahalaga sa akin ang tungkulin mo bilang prinsesa ng imperyal. Hindi niyo kailangang bumaba sa inyong posisyon alang-alang sa akin.” Dumantay ang palad ni Yura sa kamay ng Prinsesa ng  makita niya ang pagbabago ng ekspresyon nito. “Tutol ako na maging sunod-sunuran ka sa aking tabi at maging palamuti sa aking pangalan. Hindi ko nanakawin ang karapatan mong maging malaya. Bagaman natali tayo sa isang matrimonya, hindi ko hahangaring ikulong ka sa aking tabi.”

Marahil kung hindi pa ito nakikilala ni Keya ay magagalak siyang marinig ito mula sa Lu Ryen. Nanatili siya sa kanyang palasyo pagkatapos nilang makasal upang ipakita sa lahat na siya parin ang prinsesa ng imperyal. Nais niyang patunayan na kahit naselyuhan siya ng matrimonya ay mananatili ang bigat ng kanyang estado. Subalit ang mga sinabi ni Yura ay tila karayum na tumutusok ngayon sa puso niya.

“Kung ganon, nais kong panindigan mo ang responsibilidad mo sa akin.” Pinagsalikop ng prinsesa ang kamay nila ng Lu Ryen. “Hindi ako papayag na iba ang magdadala ng iyong unang supling.”

Matagal na nakatuon ang tingin ni Yura sa malayo ng maiwan siyang mag-isa sa silid.

Nabibilang na lamang ang mga araw niya sa palasyo ng imperyal. Hindi sapat na mapakalma niya ang prinsesa.

Hindi nahirapan si Yura na harapin ang matataas na opisyales, mga rebeldeng bandido at ang Ikalawang Prinsipe noong siya ay nasa Nyebes. Ngunit ngayon  ay nahulog siya sa suliranin na batid niyang hindi abot ng kanyang kakayahan.

Nagsimulang dumaloy ang kirot sa kanyang sentido. Kung nanatili siyang malamig sa prinsesa, may hawak pa siyang dahilan upang tanggihan ito. Pinangunahan siya ng kanyang emosyon kung kaya’t nahulog siya sa kasalukuyang dilema.

Hindi matutuldukan sa Nyebes ang lahat. Pansamantala lamang na nakalas niya ang pangil ng mga rebelde subalit panahon lang ang makakapagsabi na muli silang makakabangon.

Nasunod ang plano niyang ihiwalay ang Ikalawang Prinsipe sa angkan ng Yan ngunit hindi ibig sabihin nito ay tuluyan ng malalagas ang impluwensya nito sapagkat hindi mawawala ang  mga malalaking tao na nagnanais kontrolin ang susunod na tagapagmana ng imperyal. Hindi lamang ang angkan ng Yan ang may kakayahang suportahan ang Ikalawang Prinsipe.

Kailangang Buwagin ni Yura ang reputasyon nito upang hindi ito magamit sa isang rebelyon.

Kung susundin niya ang kanyang naunang plano, mahabang panahon ang gugugulin para tuluyang mabunot ang pinakaugat nito. Subalit dahil sa biglaang paghadlang ng prinsesa, kailangan niyang maisagawa ang lahat sa mas madaling panahon.

Kumalat ang kirot sa sentido ni Yura na nagpapalabo ng kanyang paningin. Ininda niya ito ng marinig ang mabibilis na mga hakbang palapit sa kanyang silid.

Bumungad sa harapan niya si Kaori na nanggaling sa tahanan ng Zhu dahil pinadala niya dito ang mga larawang bulaklak na ipininta niya para sa kanyang ina.

“Xuren!”

Walang tahas na ibinalita ni Kaori ang pagsilang ng kauna-unahang apo sa pamilya ng Punong Heneral.

Nawaglit sa isipan ni Yura ang iniindang sakit sa narinig. Naalala niya lamang huminga ng ilang beses siyang tawagin ni Kaori.

“Xuren? Nais niyo po bang makita…”

Agad na tumayo si Yura at hindi na hinintay na matapos ang tanong ng kanyang bantay. Ito ang natatanging impormasyon na natanggap niya simula ng bumalik siya sa Salum.

Natutuwang sumunod si Kaori sa Xuren na hindi itinago ang kagustuhan nitong makabalik ng mabilis sa tahanan ng Punong Heneral.

Nadatnan ni Yura na pinalilibutan ng kanyang pamilya ang kauna-unahang apo ng Punong Heneral sa panganay nitong anak.

Ang matalim na anyo ng kanyang kapatid na si Yanru at ang munting sanggol na nasa bisig nito ay isang larawan na batid niyang mauukit sa kanyang isipan.

Hindi namalayan ng mga ito ang pagdating niya pagka’t nakatuon ang lahat ng kanilang atensiyon sa kanyang bagong silang na pamangkin.

Sumandal si Yura sa gilid habang pinagmamasdan ang mga ito. Natunaw ang lahat ng bigat na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Bumalik sa kanya ang tunay niyang intensiyon kung bakit siya pumasok sa palasyo ng imperyal. Ito ay para sa kanyang pamilya, sa kanilang hukbo, sa lupaing pinagbuwisan ng buhay ng kanilang mga ninuno, at sa kinabukasan ng bagong silang niyang pamangkin.

Nang maligaw ang tingin ni Yanru sa kanyang direksiyon, sumilay ang ngiti hanggang sa mga mata nito. Napunta sa kanya ang atensiyon ng lahat na halatang nasurpresa ng makita siya.

“Yura.” Salubong sa kanya ng kanyang ina.

Tumayo din si Yanru at lumapit sa kanya habang yakap sa bisig ang munti nitong supling.

Yanru, “Madalas mong hilingin sa ating Ina na bigyan ka ng mas nakakabatang kapatid.”

Tumuwid ang tayo ni Yura ng maingat na nilipat ni Yanru sa bisig niya ang kanyang pamangkin.

“Nais kong ikaw ang magbigay ng pangalan sa kanya.”

Ang maliit at malambot na supling na tila kumikinang na itim na ubas ang mga mata ay nakatingin sa kanya.

Walang makapang salita si Yura ng mga sandaling iyon. Nilapit niya sa kanyang mukha ang sanggol bago ito dinampian ng pinong halik.

“Yara.” Tawag niya sa pangalan ng sanggol. Nais niyang marinig ang pangalang ito na malayang nakalabas at hindi na lamang isang lihim. Ibibigay niya sa pamangkin ang kinabukasang kung saan hindi nito kailangang magtago. Na may kalayaan itong mamili kung ano ang direksiyon na nais nitong tahakin.

Dumaan ang lumbay sa puso ni Sula ng marinig ang pangalang binigay ni Yura.

Pagkatapos maibalik ang sanggol sa kanyang ina upang makapagpahinga, dinala ni Sula ang anak sa isang malawak na bulwagan kung saan nakasabit ang lahat ng bulaklak na ipininta ni Yura para sa kanya. Tila isang hardin ng mga makukulay na bulaklak ang haligi ng mahabang pasilyo.

“Madalas mo akong pitasan ng bulaklak ng maliit ka pa lamang. Nang malaman kong hindi na ako maaaring humawak ng bulaklak, ikaw ang lubhang nalungkot sa lugar ko. Subalit dahil sa malikot mong pag-iisip, nagsimula kang magpinta ng ibat-ibang uri ng bulaklak upang pasiyahin ako.” Hinawakan ni Sula ang mga kamay ni Yura at marahan iyong pinisil. “Ngunit alam mo bang hindi ang mga bulaklak kundi ikaw ang tunay na nagpapasaya sa akin?”

Tinanggap ni Yura ang mahigpit na yakap ng kanyang ina. “Hindi ko man naprotektahan ang kinabukasan mo ngunit nakikiusap ako sa iyong huwag mong tatalikuran ang iyong sarili.” Nilabas ni Sula ang isang ginintuang kwintas na kung saan nakaukit ang tunay na pangalan ni Yura. “Huwag mong kakalimutan kung sino ka.”

“Ina…” Ilang beses ng tinanggihan ni Yura ang kwintas na ito ng ibigay ito sa kanya ng kanyang ina noon. Subalit nawalan na siya ng lakas na tanggihan ito ng makita ni Yura ang hapdi sa mga mata nito.

Nakulong sa palad ni Yura ang kwintas. Matagal na niyang pinakawalan ang pangalang ito at ngayon ay tuluyan na niya itong ipinamana sa kanyang pamangkin.

Sa dulo ng pasilyo ay naghihintay sa kanila si Yeho. Sa pagkakataong ito ay hindi na maaring iwasan ni Yura ang kapatid. Pinaalam siya nito sa kanilang ina at dinala sa pribado nitong pagamutan.

Tahimik na kinuha ni Yeho ang kanyang pulso. Ang kalmado nitong ekspresyon ay unti-unting napapalitan ng matinding pag-aalala.

“Hanggang kaylan mo ito ililihim sa akin?” Hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ni Yeho na may dinaramdam na karamdaman ang kapatid. Hindi niya lubos matanggap na tama ang kanyang hinala.

Inaasahan na ni Yura na matutuklasan ng kapatid na lumalala na ang kanyang kalagayan dahilan kung bakit niya ito iniiwasan.

“Batid mong mas magiging mapanganib para sayo kung hahayaan mong lamunin ka ng iyong karamdaman. Hindi ko ginugul ang panahon ko sa pagtuklas ng mga lunas kung wala akong magagawa para sayo.”

“Ibinuhos mo ang buhay mo sa paghahanap ng lunas sa karamdaman ko. Nauna kang nagkaroon ng pamilya subalit si Yanru ang unang nagsilang ng aking pamangkin.” Hindi na gustong nakawin ni Yura ang buhay ng kanyang kapatid. “Sapat na ang panahon na ginugul mo para sa akin.”

“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, magagawa mo ba akong sukuan?” Napangiti ng mapait si Yeho ng wala siyang marinig na pagtutol kay Yura. “Natitiyak kong mas malaki ang sakripisyong kaya mong ibigay para sa ating pamilya.” Pinahid ni Yeho ang luha sa gilid ng kanyang mga mata at muling bumalik ang kalmado nitong anyo. “Hindi pa huli ang lahat, nakalikha ako ng lunas subalit hindi ko pa nadidiskubre ang magiging epekto nito sayo.”

“May posibilidad ba na umikli ang buhay ko?”

“Hindi ko ito tatawaging lunas kung kikitilin nito ang buhay mo.”

“Kung ganon ay gagamitin ko ito.”

“Yura-“

“Wala ng panahon.” Nakikiusap ang tingin ni Yura kay Yeho. “Lagi akong sumusunod sayo ngunit sa pagkakataong ito ako naman ang iyong pakinggan.”

Sumusukong nagpakawala ng hangin si Yeho mula sa kanyang naninikip na dibdib. Nilabas niya ang maliit na kahon na naglalaman ng medisina.

“Mapapanatag lamang ako kung nasa tabi mo ako kapag ininum mo ito.”

“Ngunit hindi iyon ang mararamdaman ko.” Tutol ni Yura. Hindi niya gustong makita siya ng kanyang kapatid sa ganoong kondisyon.

Muling ininda ni Yeho ang hapdi sa kanyang dibdib. Sa kabila nito ay maingat na nilipat ni Yeho ang kahon sa kamay ni Yura. “Siguraduhin mong nasa mainit kang lugar kung gagamitin mo ito. Babalutin ka ng nagyeyelong pakiramdam sa sandaling umepekto ang gamot.”

“Tatandaan ko.”

Matapos ang mahigpit na mga bilin ni Yeho ay pinayagan na niyang magpaalam ang kapatid.

Huminto si Yura sa pinto ng pribadong pagamutan ng sumagi sa alaala niya ang pabangong nadiskubre niya sa kasuotan ng prinsesa. “Tungkol sa prinsesa, hindi ko pahihintulutang madungisan ang iyong kamay.” Ang kamay ng kapatid niya ay para lamang sa paglikha ng medisina at pagsagip ng mga buhay.

“Wala kang dapat ipag-alala. Iyon ay hindi para sa prinsesa.” Ang wika ni Yeho ng tuluyang magpaalam sa kanya si Yura.

Nilisan ni Yura ang kanyang tahanan matapos niyang huling masilip ang pamangkin niyang mahimbing ng natutulog.

Kung magtatagal pa siya sa mga ito ay mas mahihirapan siyang buhatin ang mga paa niya palabas ng kanilang tahanan.

Hindi sumakay si Yura sa karwahe kundi kinuha niya ang kabayo ni Kaori.

“Xuren…?” Napapakamot sa ulong habol ni Kaori kay Yura ngunit ang hangin lamang ng alikabok ang naiwan sa kanya. Sa salungat na direksiyon ng Palasyong imperyal ang tinahak nito. Nagpapahiwatig na nais nitong mapag-isa.

Walang nagawa ang bantay kundi hintayin ang pagbalik ng Xuren. Nagsisimula na siyang mag-alala sa madalas nitong pagkawala.

Masusukal na kakahuyan ang pinasok ni Yura bago niya narating ang nakatagong mainit na bukal sa pusod ng gubat.

Tatlong taon na ang lumipas bago niya muling nasilayan ang paraiso na nahihimlay sa makapal na kagubatan.

Ang nakakabinging ingay ng mga kuliglig at iba pang insekto sa paligid ay patunay na hindi pa ito natatapakan ng mga tao.

Nakahinga siya ng maluwag na malamang wala pang nakakadiskubre sa lugar maliban sa kanya.

Nilubog ni Yura ang kamay upang damhin ang temperatura ng tubig. Naramdaman niyang maging ang init nito ay hindi nabago.

Dumulas ang panlabas niyang kasuotan ng simulan niyang kalasin ang laso sa kanyang daliri. Sumunod na umagos mula sa kanyang katawan ang natitira niyang mga saplot hanggang sa lumitaw ang pilak na nakabalot sa kanyang dibdib.

Kinalas ni Yura ang manipis at matigas na bagay na mahigpit na nakayakap sa kanya.

Tinatago ng matatayog na puno ang paglantad ng puting kamelya sa gitna ng bukal. Ang balat nito ay lalong nagliliwanag na tila napaglalagusan ng paningin sa tuwing dumadampi dito ang sinag ng araw.

Sa pagdaan ng hangin ay nalagas ang mga dahon sa puno na magaang nahulog sa mainit na bukal.

Ang isa sa mga talulot ay naligaw sa hubad na batok ni Yura.

Isang nakakabighaning larawan ang rumehistro sa paningin ng aninong nasa likod ng matayog na puno. Mistulang nakulong ito sa hipnotismo na sumunod ang tingin sa pagdausdos ng dahon sa hubad na likod.

Ang hamog ng bukal na nagpapalabo sa paligid ay hindi naging hadlang upang lumitaw ang karilagan ng nilalang na nasa tubig.

Kung may magsasabi sa kanyang isang engkanto ang nakikita niya ay hindi siya magdadalawang isip na ito’y paniwalaan. Sinong binibini ang lulusong sa kagubatan na iniiwasan ng mga manlalakbay dahil sa puno ito ng mga malulupit na ahas na nagdadala ng makamandag na lason? Maging ang mga bihasang mangangaso ay hindi naliligaw sa lugar na ito.

Tumigil sa labi ni Yura ang medisina ng mahagip niya ang kaluskos malapit sa kanya. Narinig niya ang huni ng ibon na lumipad mula sa isang sanga.

Kagyat na nilubog niya ang buong sarili sa tubig at lumangoy sa kanyang mga nahubad na kasuotan. Waring nahiwa ang bukal sa bilis ng pangyayari.

Bumukadkad ang roba na lumikha ng hugis plumahe ng paruparo bago yumakap sa hubad na katawan ni Yura.

Sa muling pagbagsak ng mga dahon ay paglaho ng mahiwagang nilalang sa tubig.

Nabulabog ang puting ibon na muling lumipad at dumapo sa balikat ng kanyang panginoon.

Ang pagtuka ng ibon sa gilid ng leeg ni Hanju ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napadpad siya sa gubat na ito ng sundan niya ang kanyang alagang ibon sa paghahanap nito ng kabiyak. Hindi niya inaasahang iba ang matatagpuan niya.

Ginala ng Ikaanim na Prinsipe ang paningin sa paligid ng mainit na bukal. Kung walang naiwan na pagnginig sa tubig ay iisipin niyang ilusyon lamang ang kanyang nasaksihan. Hindi siya maaring magkamali, sa nakita niyang pag-angat ng roba ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang karit na disenyo ng buwan sa manggas nito.

Dumako ang tingin ni Hanju sa kumikinang na bagay na nasisinagan ng repleksiyon ng araw.

ANBNI | 50: Pribadong Kasiyahan

Mararamdaman ang malamig na temperaturang bumabalot sa dakilang bulwagan ng Emperador.

Ang tahimik na pagtanggap sa pagbabalik ng mga delegado ay nangangahulugang hindi naaayon sa kagustuhan ng Emperador ang naganap sa kaharian ng Nyebes.

Ang Pangalawang Prinsipe na siyang Punong Delegado ang humarap sa Emperador at mga ministro.

Sa kabila ng sari’t-saring opinyong kumakalat sa palasyo ng imperyal hinggil sa pag-abandona ng Ikalawang Prinsipe sa mga maharlika ay mas pinili nilang manahimik ng mga sandaling iyon, pagka’t ang saloobin ng Emperador ang hinihintay nilang marinig. Subalit hindi nila inaasahan ang naging pahayag ng Ikalawang Prinsipe.

“Mahal na Emperador, hindi naging madali ang tungkuling ipinagkatiwala niyo sa akin. Subalit lubos akong nagpapasalamat sa mga turo niyo na maging patas sa mga gagawin kong pagpapasya. At ang mga payo ng Prinsipeng tagapagmana na huwag kong titimbangin ang aking paghatol base sa kasuotan at titulo ng aking nasasakupan. Ang mga bagay na ito ang nagtulak sa akin upang bigyan ng mabigat na parusa ang mga tiwaling opisyales . Nakahanda akong tanggapin ano man ang inyong hatol sa aking naging desisyon.”

Naipit ang mga salitang nais ipunto ng mga ministrong nasa pangkat ng Prinsipeng tagapagmana. Ang kagustuhan nilang gamitin ang pagkakataong ito upang idiin ang Ikalawang Prinsipe ay naudlot. Kung gagawin nila iyon ay lalabas na sinasalungat nila ang Pangunahing Prinsipe. Maging ang Emperador na inaasahan nilang magpapakita ng pagtutol sa naging hakbang ng Ikalawang Prinsipe ay nanatiling tahimik. Subalit mararamdamang hindi ito nagagalak sa kanyang narinig.

Idinaos ang marangyang pagdiriwang sa Palasyo ng Ikalawang Prinsipe. Dumalo ang mga Xuren na may malalim na koneksiyon dito. Higit na nadagdagan ang suportang natanggap nito sa mayayamang mangangalakal ng tuluyan nitong yakapin ang kanilang pangkat.

Hindi lubos masukat ni Siyon na makakalabas siya ng dakilang bulwagan na walang natamong anumang galos mula sa kanyang ama. Bakit ngayon lamang niya napagtanto? Nabulag siya ng kagustuhan niyang yakapin ang amarilyo nitong roba gayong hawak na niya ang tunay na ginto.

“Nasaan na siya?” Tanong niya sa kanyang punong-lingkod hindi pa man ito tuluyang nakakalapit sa kanya.

“K-Kamahalan, hindi po makakadalo ang Lu Ryen. Kasalukuyan po siyang nasa palasyo ng Prinsesa.”

Hindi ito ang unang beses na tinanggihan ito ng Lu Ryen. Ang mga panauhin ay lihim na nakikinig sa magiging tugon ng Ikalawang Prinsipe.

“Nakakapanghinayang man na hindi natin siya makakasama sa selebrasyong ito ngunit hindi ito ang huling pagdiriwang na magaganap sa aking palasyo.” Magaan ang mga ngiting sinimsim ni Siyon ang hawak na inumin.

Sa halip na mainsulto ay maluwag na tinanggap ng Ikalawang Prinsipe ang muling pagtanggi dito ng  Xuren ng Zhu. Hindi na nakatiis ang isang Xuren at lumapit sa Prinsipe.  “Kamahalan, nakakapagtaka ang pagbabago ng direksiyon ng hangin sa pagitan ninyo ng Lu Ryen?” Nagkaroon na ng pilat ang relasyon ng dalawa bago pa man tumungo ang mga ito sa Nyebes. Ang pagpili ng Ikalawang Prinsipe sa Lu Ryen ay inakala nilang paraan ng Prinsipe upang ilagay ito sa panganib.

“Ang matalim na hangin na dumaan sa pagitan naming dalawa ang siyang nagsilbing tulay upang makilala namin ang isa’t-isa.”

Ang tugon na ito ng Ikalawang Prinsipe ay nagpapahiwatig ng malalim na ugnayan nito sa Lu Ryen. Nagpapatunay dito ang naganap na matrimonya sa pagitan ng Zhu at Yan.

Lihim na sumilay ang ngiti kay Siyon habang nilalaro ng daliri niya ang labi ng kopa. Ang paraang tinuro sa kanya ni Yura upang patahimikin ang anumang pagtutol mula sa Emperador at mga Ministro ang siyang ginamit niya rin dito upang maniwala ang lahat na kabilang na ito sa kanyang pangkat. Hindi niya papayagang makawala sa kanyang kamay ang brilyateng ito.

Nagising ang Lu Ryen ng makaramdam ng bigat sa kanyang kaliwang balikat. Sumalubong sa kanyang paningin ang pinong hibla sa mga mata ng prinsesa. Mahimbing itong natutulog sa kanyang tabi na tila hindi ito ang konsorteng naglabas ng matinding hinanakit sa kanya.

Batid niyang matapang ang medisinang ginamit niya dito kung kaya’t hanggang ngayon ay nakakulong ito sa malalim na pagkakatulog.

Bahagyang ipinikit ni Yura ang kanyang paningin. Ang mahabang paglalakbay ay nagdulot ng bigat sa kanyang katawan kung kaya’t pinili niyang manatili sa palasyo ng prinsesa.

Muli siyang nagmulat ng maramdaman ang mahihinang kaluskos sa labas ng silid. Maingat na binawi niya ang kanyang balikat at bumangon upang ayusin ang sarili.

“Yura…”

Huminto ang mga daliri niya sa kanyang manggas ng marinig ang halos bulong na sambit ng prinsesa sa kanyang pangalan. Dumako ang tingin ni Yura sa kamay nito na nangangapa sa bakanteng espasyo na iniwan niya.

Sa paglalim ng damdamin nito sa kanya ay mas nagiging mapanganib siya para sa prinsesa. Darating ang panahong matutuklasan nitong hindi sila para sa isa’t-isa.

Tahimik na nilisan ni Yura ang silid.

Maaliwalas na paligid ang bumungad kay Yura sa paglabas niya ng Palasyo ng Prinsesa.

Sa pagbalik niya sa Palasyong Xinn ay madilim na anyo ni Won ang sumalubong sa kanya.

“Anong nangyari?”

“Xuren-“

“Hindi parin ba ako imbitado sa iyong palasyo pagkatapos ng mga pinagsamahan natin sa kaharian ng Nyebes?” Putol ni Jing na sumulpot sa likod ni Won. “Tinanggihan mo ang lahat ng mga regalo ko at nais mo rin akong harangin na makita ang Lu Ryen.” Naghihinakit na sumbat ng Xuren ng Punong Ministro sa matangkad na bantay.

“Xuren Jing.” Tawag ni Yura ng makita niyang lalong nagdidilim ang anyo ni Won, bakas ang pagpipigil sa mga ugat ng kamao nito. “Ipagpaumanhin mo ang aking bantay, marahil hindi lamang siya…” Tumigil ang tingin ni Yura sa pag-akbay ni Jing kay Won. “…sanay sa paraan ng iyong pakikipagkaibigan.”

Lumambot ang tingin ni Yura at dumaan ang ngiti sa sulok ng kanyang mga mata. Marahil kahit na pansamantala ay makakabuti kay Won ang presensiya ni Jing upang matutunan nitong tumanggap ng ibang tao maliban sa kanila ni Kaori.

Ito marahil ang nagtulak sa kanya upang paunlakan ang imbitasyon ni Jing para sa isang pribadong kasiyahan.

Nais pagdudahan ni Yura ang kanyang naging desisyon ng dumating siya sa lugar.

Ang  nadatnan niya ay isang malawak na espasyo na ang tanging panauhin ay ang prinsipeng nagmamay-ari ng puting roba.

“Kung ganon ay ikaw ang inimbitahan niya,” Bungad nito ng magtama ang kanilang paningin.

Dumako ang tingin ni Yura sa tatlong silyang naroon. Ang nakahaing inumin at pagkain ay sadyang para lamang sa tatlong panauhin.

Pribadong kasiyahan? Marahil ay maaga niyang hinusgahan ang Xuren ng Punong Ministro.

Dumaan ang mahabang katahimikan matapos okupahin ng dalawa ang bakanteng silya.

Nagpapaalam na ang araw ng sindihan ng mga lingkod ang mga lampara sa paligid na siyang hudyat na pagbangon ng gabi.

Naiinip na lumitaw si Jing mula sa isang sulok ng wala siyang marining na ano mang pag-uusap mula sa dalawa.

 
Tumigil siya sa paglapit ng mapansin niyang magaan ang hanging bumabalot sa mga ito. Hindi man sila nag-uusap subalit mistulang hindi sila estranghero sa isa’t-isa.

Ganon pa man ay hindi siya papayag na matapos ang gabing ito na walang nagaganap na kasiyahan. Kailangang mag-iwan siya ng alaala na hindi makakalimutan ng mga ito upang lumalim ang estado ng kanilang relasyon.

Inutusan niya ang lingkod na ilabas ang mga inihanda niyang inumin.

“Ipagpaumanhin niyo kung nahuli ako. Sadyang maraming tungkulin akong naiwan na kailangan bigyan ng atensiyon.”

“At sa’yong tingin ay ikaw ang pinakaabalang tao na narito?” Malamig na tanong ni Hanju sa pinsan nito.

Matagal na naging payapa ang mga nakalipas na araw ng Ikaanim na Prinsipe ng lisanin ni Jing ang kapitolyo. Dahilan upang paunlakan ni Hanju ang imbitasyon nito na makinig sa musika ng isang mang-aawit na inanyayahan nito mula pa sa Nyebes. Ngunit sadyang may iba itong ideyang tinitimpla.

“Lu Ryen, kinagagalak kong pinaanyayahan mo ang aking imbitasyon. Ibig bang sabihin nito ay mas mabigat ako sa puso mo kumpara sa Ikalawang Prinsipe?” Hindi mapigilan ni Jing ang paghagalpak sa labis na tuwa at hindi pinansin ang nagyeyelong tingin ni Hanju. “Kung ganon ay hindi ko na sasayangin ang iyong panahon.”

Sa pagsenyas ni Jing sa mga katiwala ay paglabas ng isang mayuming binibini. Napakapino ng mga kilos ng dalaga na tila dumadampi lamang ang bawat tapak nito.

Sumungaw ang matamis na ngiti sa labi ni Jing ng makita niyang tumigil dito ang tingin ni Yura. “Tiyak na naaalala mo ang mang-aawit na magdamag na tumugtog sayo sa unang mga gabi natin sa Nyebes. Nalaman kong nais niyang bumisita sa kapitolyo kung kaya’t inimbitahan ko siya na maging panauhin ko.” Batid niyang malambot ang Lu Ryen pagdating sa mga babae subalit ngayon lang pumasok sa isip ni Jing ang estratehiyang ito. Mataas ang tingin niya sa Pangalawang Xuren ng Punong Heneral, kung kaya’t naging komplikado ang mga naging pamamaraan niya na mapalapit dito gayong may mas malambot na paraan upang mapaamo ito.

Kung ang Ikatlong Prinsipe ay may kapatid na prinsesa na konsorte ng Lu Ryen, ang Ikalawang Prinsipe naman ay may pinsan na kasal sa nag-iisang pinsan ni Yura. Sa madaling salita, ito ang pinakamadulas na daan para makapasok sa puso ng Lu Ryen.

Lumipat ang tingin ni Yura kay Jing. Hindi na niya kailangang basahin ang naglalaro sa isipan nito dahil nakarehistro sa mukha ng Xuren ang anumang tumatakbo sa isip nito.

Nadagdagan ang yelo sa mga mata ni Hanju. Sa maraming pagkakataon, nais niya muling itanggi na pinsan niya ito. Nang unang marinig niya ang pangalan ni Yura Zhu sa bibig ni Jing ay inakala niyang isa lamang ito sa mga taong nais nitong ungkatin ang pagkatao. Sa pagdaan ng mga araw na pagtuklas ni Jing sa katauhan ng Pangalawang Xuren ng Zhu ay lumalim ang interes nito. Tulad ng obsesyon nito sa mga kinokolekta nitong libro, ganoon ang naging tingin ni Jing sa Lu Ryen.

“Isang pribilehiyo na muling mapakinggan ang kanyang tinig.”

Ang narinig ni Hanju na tugon ni Yura Zhu. Maluwag nito iyong tinanggap kahit na batid ng Lu Ryen ang tunay na intensiyon ng pinsan niya.

Hindi mahalaga sa Lu Ryen ang kanyang imahe, ngunit pagdating sa reputasyon ng pamilya nito ay hindi ito pumipikit.

Pumailanlang ang malamyos na tinig ng binibining mang-aawit. Sa pagsabay ng mga daliri nito sa pagtugtug ng yakap nitong instrumento ay mistulang isinilang ang isang kaakit-akit na nimpa ng batis.

Abot-tenga ang ngiting tinanggap ni Jing ang mga inumin mula sa mga katiwala at inilatag sa harapan ng dalawa.

“Habang nakikinig tayo sa napakagandang musika, bakit hindi natin ito sabayan ng konting kasiyahan?”

Ang mga inumin ay nahati sa dalawang klase. Ang isa ay tsaa at ang isa ay matapang na alak. Magkatulad ang amoy ng halimuyak upang hindi matukoy kung saan ang tunay na alak.

Matalas ang pang-amoy ni Hanju kung kaya’t ito ang naisipin niyang paraan upang sagipin ang mukha ng pinsan niya. Hindi maaring masira ang imahe nito ng isang kopa lamang ng inumin!

Kung kaya naisipan ni Jing ang larong ito upang sagipin ang reputasyon ni Hanju. Sinong mag-aakalang siya ang mahuhulog sa larong itinanim niya?

Nanlalabo ang paninging tinungga ni Jing ang huling patak ng kopa. Ilang inumin na ang lumapag sa harapan nila ngunit wala paring nagbabago sa ekspresyon ng dalawa. Natutuwa siyang makitang nakaupo parin ng tuwid ang pinsan niya subalit ang Lu Ryen? Bakit tila kahit alak ang mga napili nitong inumin ay nanatili parin ang kulay ng mukha nito?

Ilang beses na niyang nakaharap ang Lu Ryen at ni minsan ay hindi niya nakitang tumalab dito ang alak. Nakakapanghinayang isipin na kahit kalahati ng kakayahan nito ay wala si Hanju.

“Yura Zhu, ikaw ang pinakainteresanteng taong nakilala ko.” Muling tumungga si Jing ng inumin. Nang malasahan niya ang alak ay napailing siya sa sarili. “Marami akong nais matutunan mula sayo subalit sadyang napakahirap mong basahin. Sa puntong ito ay malaki ang pagkakatulad niyo ng ikaanim na prinsipe kung kaya’t sa aking tingin ay magkakasundo kayo…” naputol ang mga nais sabihin ni Jing ng tuluyang dumilim ang kanyang paningin.

Umangat ang kamay ni Yura na may hawak na kopa upang iwasan ang tilamsik ng mga inumin mula sa pagbagsak ng bigat ni Jing sa lamesa.

Dumaan sa paningin ni Hanju ang makinis na mga daliri pababa sa manggas na may karit na disenyo ng buwan. Madilim ang kulay ng roba ngunit ang nagmamay-ari ng kasuotan ay tila bagong hulog ng mga nyebe ang balat.

Binawi ng ikaanim na prinsipe ang tingin ng maramdaman niyang tumigil ang kanyang paningin dito. Dumampi ang mapait na lasa ng alak sa kanyang bibig ng wala sa loob siyang humugot ng inumin.

Huli na para pigilan niya ang pagdaloy ng alak ng tuluyan nitong daanan ang natutuyo niyang lalamunan. Di matukoy ni Hanju kung saan nanggaling ang nararamdaman niyang uhaw.

“Para sa akin ay ang Xuren ng Punong Ministro ang pinakainteresanteng taong nakilala ko.” Tukoy ni Yura sa Xuren na nilapitan ng mga katiwala upang alalayan at akayin. “Hindi niya kailangang magpanggap o itago ang intensiyon niya. Nais niya kayong protektahan ngunit sa tingin ko ay mas kailangan niya ng proteksiyon niyo.” Binawi ni Yura ang tingin kay Jing ng tuluyan itong ipasok ng mga lingkod sa isang silid.

Sumalubong kay Yura ang pares ng mga mata na tuwid na nakatingin sa kanya.

“Lu Ryen, sa’yong tingin ay hindi mo kailangan ng proteksiyon?” Muling bumalik kay Hanju ang walang malay na anyo ng Lu Ryen ng minsang maligaw ito sa kanyang hardin. Ang Zhu na nasa harapan niya na walang pag-aalinlangan na salubungin ang Emperador at manipulahin ang ikalawang prinsipe ay malayo sa imaheng naiwan sa isipan niya. Tanging ang nahihimlay nitong anyo na walang proteksiyon ang nanatili sa kanyang alaala.

Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ni Yura sa kopa ng makita niyang nakapako sa kanya ang tingin ng ikaanim na prinsipe.

Ang katanungang binitawan nito ay nag-iwan ng pangamba kay Yura. Hindi niya gusto ang pakiramdam na binibigay nito sa kanya.

Mabibilang lamang ang salitang lumabas mula dito simula ng dumating siya. Inakala niyang hindi ito interesadong kilalanin siya, kaibahan sa pinsan nito na kung maaari ay nais siyang himayhimayin.

Sa kabila ng kanyang pangamba ay hindi ito lumitaw sa mukha ni Yura. Sinalubong niya ang tingin ng Ikaanim na prinsipe ng walang bahid na emosyon. “Dahil ba sa nangyaring iyon kaya naisip niyong kailangan ko ng proteksiyon? Inaamin kong resulta iyon ng aking maling kalkulasyon.”

Lumipat ang tingin ng Lu Ryen sa binibining mang-aawit na patuloy na tumutugtug ng malamyos na musika. Sa mababang tinig ay nagwika siya, “Katulad ng maling kalkulasyon ko sa pulang aklat. Kung maibabalik ko ang panahon, hindi ko papayagang madungisan ang kamay ng aking ama bunga ng inyong manipulasyon.” Binalik ni Yura ang tingin sa Ikaanim na Prinsipe. “Ngunit sinisigurado kong hindi ako magiging balakid sa inyo. Inaasahan kong ganoon din kayo sa akin-” May halong banta ang mensahe ni Yura subalit hindi niya inaasahang babagsak ang prinsipe na maagap niyang sinalo sa kanyang balikat.

Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong walang laman na kopa. Mabilis ang naging tugon ni Yura bago niya napagtanto ang ginawa.

Naramdaman niyang lalong dumagan sa kanya ang bigat ng walang malay na prinsipe. Tumama sa gilid ng kanyang leeg ang mainit nitong hininga na nagpabangon ng kanyang balahibo.

Umangat ang isang kamay ni Yura upang itulak ito ngunit tumigil ng marinig niya ang payapa nitong paghinga. Sinenyasan niya ang mga katiwala na alalayan ito. Hinintay niyang kunin ito ng mga lingkod bago siya tuluyang nakahinga ng maluwag.

Sa huli ay naiwan siyang mag-isa sa bilugang lamesa. Sadyang mahina ang mga Prinsipe at Xuren ng imperyal pagdating sa ganitong inumin. Nasanay siyang damayan ang mga kapatid niyang mandirigma sa magdamag na pagkalunod ng mga ito sa alak. Walang limitasyon ang hangganan ng mga ito na inaabot ng bukang liwayway.

Tumigil ang mga daliri ng binibining mang-aawit sa pagtugtug. Tumabi ito sa Lu Ryen upang salinan ito ng panibagong inumin.

“Hayaan niyong samahan ko kayo ngayong gabi.”

Mariing tinakpan ng kamay ni Yura ang gilid ng kanyang leeg ng tila pakiramdam niya ay may naiwang paso sa kanyang balat. Lihim na pinakalma niya ang sarili bago tinanggap ang inuming isinalin sa kanya ng binibining mang-aawit.

FEARLESS | CHAPTER 6: Do you like me?

A white translucent skin.

Hair like made from the softest silk.

Long thick eyelashes.

Enchantress…

Iyon ang nasa isip ng mga matang nakasunod kay Chiara sa hallway. Pakiramdam ng mga ito ay may naligaw na diyosa sa school nila.

Chiara. I don’t think this is a good idea.”  Nag-aalalang paalala sa kanya ni Anwen ang inner demon niya.

“A life without a worry is not a life.”  Kinindatan ni Chiara ang nerd student na nadaanan niya. Nagkulay rosas ang mukha nito sa likod ng makapal nitong eye glasses.

“Chiara..” banta ni Anwen. “Hindi ka ba talaga makikinig sa akin?”

“………..”

“You..”

……….”

Fine!” Biglang nanahimik ang inner demon niya at hindi nagparamdam sa kanya. Hindi niya ito masisisi dahil kanina pa ito walang sawang tumututol sa kanya. Nahinto siya sa paglalakad ng mapansin niya ang isang pamilyar na likod na lumabas sa cafeteria. Saglit na naghiwalay ang pagkakalapat ng labi ni Chiara ng makilala niya ito. Lumaki ang unang hakbang niya at bumilis ang kanyang paglalakad. Why? This feeling… The tight on her chest, she can’t explain it.

Naramdaman ni Chiara na nabulabog ang hangin sa labas. Narinig niya din ang sigawan ng mga estudyante sa labas ng building na nagbabatuhan ng mga batong nababalutan ng papel.

Lalong bumilis ang mga hakbang ni Chiara ng makita nitong madadaanan ng binatilyo ang malaking glass window. Lumapat ang kamay ni Chiara sa likod nito at tinulak ito palayo bago pa tumama ang bato sa glass window…

May malakas na pwersang tumulak sa likod ni Zane na nagpabagsak sa kanya. Sinong maglalakas ng loob na itulak ang Student Council President? Kalmadong tumayo siya at pinagpag ang sarili bago hinarap ang salarin.

Pumasok ang liwanag ng araw sa nabasag na glass window. Napapikit si Chiara dahil ito ang unang beses na nasinagan siya ng araw pagkalipas ng napakahabang panahon. Hindi man siya nasusunog sa ilalim ng araw tulad ng mga bampira ngunit kadiliman ang kaibigan niya.

Hindi lumabas ang salitang gustong sabihin ni Zane ng makita niya ang taong tumulak sa kanya. Diretsong nagtama ang mga mata nila pagmulat nito ng mga mata. Hindi ito nagbawi ng tingin at nanatiling nakatitig sa kanya na parang pinapasok nito ang isipan niya. Si Zane ang unang kumalas ng tingin, ngayon niya lang napansin ang mga basag na salamin na nagkalat sa sahig na kinatatayuan ng dalagita. Napagtanto niyang tinulak siya nito para hindi siya matamaan ng mga basag na salamin.

“O-Okay ka lang?” lumapit ang isang nerd kay Chiara. Naalala ni Chiara na ito ang nadaanan niya kanina. Nakatingin ito sa kaliwang braso niya. Sinundan ni Chiara ang tinitignan nito, nakita niya ang isang linya ng sugat na nagsisimulang lumabas ang pulang likido. “Kailangan nating pumunta ng infirmary.” nag-aalalang nilabas ng nerd ang puting panyo nito at tinakip sa sugat ni Chiara.

“Ako na ang magdadala sa kanya.” wika ni Zane at hinila si Chiara palayo sa mga estudyanteng lumalapit sa kanila. Nahulog ang puting panyo na may bakat ng dugo sa sahig. Pinulot iyon ng nerd na estudyante. Pumasok ang malakas na  hangin sa bintana. Nagtaka ito ng unti-unting naglalaho ang pulang bakas ng dugo na parang tinatangay ito ng hangin. Imahinasyon lang ba o sadyang malabo lang ang kanyang paningin?

Biglang tumigil si Zane ng huminto sa paglalakad ang nakasunod sa likod nila. Muling nagtama ang kanilang paningin ng lingunin niya tumulak-tumulong sa kanya. Sa tuwing sinasalubong ni Zane ang tingin ng mga estudyante, ang mga ito mismo ang unang umiiwas ng tingin sa kanya ngunit hindi ang isang ito. Naging baliktad ang sitwasyon dahil siya ang unang nagbawi ng tingin dito. Pakiramdam niya ay nababasa nito ang nasa isip niya.

“Hindi naman malalim ang nasugat sa akin kaya hindi na ito kailangang gamutin.”

Muling nahiwagaan si Zane ng marinig ang boses ng dalagita. Pakiramdam niya ay may kakaiba dito. Hindi niya matukoy kung saan nanggagaling ang kaba sa dibdib niya. “What are you?” nahihiwagaang tanong niya.

“Anong ibig mong sabihin?” nabigla si Chiara sa tanong  nito ngunit hindi niya pinahalata. He’s using what instead of who? Hindi siya makapaniwalang pinagdududahan siya nito unang kita palang nito sa kanya.

Napapikit ng mariin si Zane. Ano bang iniisip niya? “Ang ibig kong sabihin, anong tingin mo sa sarili mo? Super Woman? Bakit mo ‘yun ginawa? Hindi ko kailangan ng tulong mo, mas pipiliin ko pang masugatan kaysa sagipin mo ako.”

Lihim na napangiti si Chiara. Arogante. “Then, how about this? Isipin mo nalang na tinulak kita at hindi tinulungan.”

“And this?” tukoy ni Zane sa braso ni Chiarang may sugat. “Ang pinakaayaw ko sa lahat ay magkaroon ng utang na loob.” muli nitong hinila si Chiara papasok ng infirmary.

Agad na kinuha ni Zane ang medicine kit sa cabinet. Napansin ni Chiara na pamilyar na pamilyar ito sa lugar. Humila ito ng upuan at pinaupo siya roon.

“Wala si Miss Suzy pag ganitong mga oras.” tukoy ni Zane sa may hawak ng infirmary. “Hindi naman ganon kalalim ang sugat mo kaya kaya ko ng gamutin.” tinignan ni Zane ang snow white ng wala siyang marinig mula dito. Nahuli niyang nakatitig lang ito sa kanya. Hindi naman siya naiilang sa pagkakatitig nito pero pakiramdam niya ay mahuhulog siya ng malalim kung sasalubungin niya ang tingin nito.

Pinatigil ni Chiara ang paggaling ng sugat niya habang ginagamot siya ni Zane. Ngayon niya lang ito natitigan ng ganito kalapit. She can feel his breathing and temperature at sapat na iyon para malaman ni Chiara na nanggaling ito sa sakit at meron pa itong lagnat sa ilalim.

Her body is like a cotton. White and soft. Naisip ni Zane habang ginagamot niya ito. Wala siyang makitang kahit na anong mark ng scar sa balat nito na parang ito ang unang beses na nasugatan ito. Lalo tuloy siyang nakonsensiya ngunit isang tanong ang pumasok sa isip niya. Nakasara ang buong building mula sa labas kaya paano nito nalaman na may batong tatama sa loob?

“May sakit ka pa, dapat nagpapahinga ka.”

“How did you know?” lalong nadagdagan ang pagtataka ni Zane.

“Because I can read minds.” Natatawang sagot ni Chiara. Napansin niya na hindi naman ito mukhang tasteless sa malapitan. Gusto niyang malaman kung anong magiging timpla ng fear nito sa sandaling magkaroon ito.

“Do you like me?”

“Do I like you?” saglit na kumunot ang noo ni Chiara. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon.

“Then why are you looking at me like that?”

“Like what?”

“…….” Na parang gusto mo akong kainin. Muling itinuon ni Zane ang atensyon sa sugat nito. This girl is really strange. Parang wala lang dito ang ginagawa nitong pagtitig sa kanya. She is watching him like it’s a normal thing to do.

“I’m Zane.” tanging nasabi niya ng biglang tumahimik ang loob ng kwarto.

 

“Chiara.”

Kung ganon ito ang bagong transfer student. “Done.” wika ni Zane matapos niyang magamot ang sugat nito at nilapat ang band-aid sa braso nito.

Umangat ang kamay ni Chiara at huminto sa mukha ni Zane. “You’re eyes.. They’re changing.” Napangiti si Chiara ng makita ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Zane habang nakatingin sa kanya. “I thought you’re just a poker face.”

She’s weird. Iyon ang tingin ni Zane sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya magawang kumalas ng tingin dito kahit sinasabi ng isip niya na kailangan niyang lumayo.

“Zane! Natutulog ka nanaman?” natauhan si Zane ng marinig ang maingay na boses ni Axel mula sa labas ng infirmary.

“Kuya, he’s still sick. Hayaan mo muna siyang magpahinga.” naalarma si Zane ng marinig ang huli. Mabilis na binuksan niya ang pinto at lumabas ng infirmary. Sunod na hinarang niya ang sarili sa nakasarang pinto na parang may tinatago. Saka lamang niya napagtanto ang ginawa ng makita niya ang pagtataka sa mukha ng magkapatid. Why is he trying to hide her? Gusto niyang mapailimg sa inakto niya.

Narinig ni Chiara ang mga tapak palayo ng infirmary. Tinignan niya ang kaliwang braso niya na may band-aid. Hindi niya mapigilang mapangiti. Ito ang unang beses na may gumamot sa sugat niya. Hindi niya kailangan ng lunas dahil kusang gumagaling ang mga sugat niya. Ang kailangan niya lang gawin ay humigop ng fear ng tao.

“He’s pure. I can’t touch him.” nanghihinayang na dinaanan ng daliri niya ang band-aid sa braso niya.

 

 

 

 

« Older posts Newer posts »

© 2024 jilled26.com

Theme by Anders NorenUp ↑

error: Content is protected !!